Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

Now, meet Jelly's bestfriend!

I'm sure you're thinking already, hmmm... "J" din kaya name nya???

Is it Jane or Jamie or Janine or Jennifer?

Well, so sorry to disappoint you but it's not a "J".

Why???

E kase naman po, ni-try naman talaga ni Jelly na humanap ng "J" na bestfriend kaya lang wala talaga syang nakita kaya ayan. Anong magagawa kung sya ang sinadya ng tadhana na ibigay kay Jelly as bestfriend. Ika nga ni Jelly, "may magagawa ba ako kung hindi "J" ang name nya???"

"Exactly! Tadhana talaga yan!" Yan ang sagot ng bestfriend ni Jelly sa kanya nang one time na sinabi nya dito na siguro nga fate lang talaga na naging bestfriend nya ito kahit name nya ay hindi nagsisimula sa letter J. Dahil nga sa obsession talaga ni Jelly noong maliit pa sya na lahat ng taong magiging malapit sa kanya ay dapat letter J ang start ng name.

"Na-realize ko lang, napaka-swerte ko pala kse kahit hindi J ang name ko e nakipag-close ka pa din sa kin,"Dagdag pa ng bestfriend ni Jelly.

You can't tell naman talaga kung sinong darating sa life mo e. Kahit pa galing sya sa ibang planeta at magkaiba kayo sa maraming bagay pero nagkakasundo kayo, hindi importante ang name. Yan exactly ang nangyari sa kanilang mag-bestfriend.

Ewan nga ba bakit pagdating sa bestfriend nya ay may exemption to the rule si Jelly. Pagdating sa bestfriend nya ay okay lang, wala yang J rule na yan! Ammended na! Kaya nga simula nang dumating sa buhay nya ang bestfriend nya, hindi na naging choosy si Jelly sa kaibigan. Kahit hindi J ay swack na din sa circle of friends nya.

Pero sino nga ba itong bestfriend ni Jelly na 'to?

Ahhh, sya si Vince... Yes, he is not a girl!

Si Vincent Lee Montenegro na parang part na ng family ni Jelly kahit name nya e hindi letter J.

"Sayang hindi na lang naging Jince... whahaha!" Yan ang biro lagi ni Jelly sa kaibigan.

Hayyy si Vince...

Kasi naman, Vince is Vince. Wala nang ibang bestfriend na pwedeng pumalit kay Vince dahil nag-iisa lang ito para kay Jelly.

And why? Kasi nga, sya lang ang kayang i-tolerate lahat ng tantrums ni Jelly. Sya lang ang may kakayahang umintindi sa lahat ng mood swings nito. At kahit nga Mom and Dad ni Jelly ay si Vince pa ang tinatawagan when she doesn't wanna open her door pag sumpong sya at pag galit sya sa mundo.

Sya lang naman ang pinakamabait na bestfriend na pumapayag na makurot sa pisngi, sa ilong, sa braso at kahit saang parte ng body basta nasumpungan sa pangungurot ang bestfriend nyang ipinaglihi yata sa crabs.

"Ikaw lang naman ang bestfriend ko na kayang magtagal na kasama ang isang baliw at weirdo na kagaya ko!" Yan ang sinasabi ni Jelly kay Vince lagi. "Poor you... nagkaron ka ng bestfriend na makulit at hard-headed... Tsk! Tsk!" Dagdag pa ni Jelly.

Jelly is more than happy and contented to have him! Her life will never be complete without her bestfriend.


TO BE CONTINUED....


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE