Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.


KABANATA XV

Eris Mesina.

Nakakunot ang noo ko, pakiramdam ko nga magkarugtong na ang kilay ko. Nagtataka ko ulit na tiningnan si Kiro bago ko ibalik ang atensyon kay baby Leo. Itinaas nito ang dalawang kamay, senyales na magpapabuhat ito na kaagad ko rin namang ginawa.

"Akala ko ba nasa baba siya? ha?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Syempre joke lang. P-pinapakalma muna kita. Teka kuhanan ko muna ng damit si alexi--- este baby Leo." Aniya bago kumaripas ng takbo papasok sa loob ng opisina ni Alexius.

Nagkibit balikat na lang ako. Pinagtripan ba ako ng mag pinsan na 'yon? Tiningnan ko si baby Leo nang hawakan niya ang pisngi ko.

"Wok at me." Aniya.

Natawa ako.

"Hi baby Leo! Namiss kita!" Pinugpog ko ng halik ang buong mukha niya, pwera na lang sa lips. Ang cute niya talaga!

"Stop kwising me." Aniya bago mag-iwas ng tingin.

Kinurot ko 'yong namumula niyang pisngi. "Opo, titigil na."

Umupo ulit ako sa sofa atsaka pina-upo si baby Leo sa hita ko.

"Hwindi ka na dwagon?"

"Dwagon? Bakit naman ako magiging dragon?" tanong ko. Ngumuso siya kaya mas lalo siyang naging cute.

"Kaswi gawlit ka kay k-kuya Aleswus." Aniya. Pinaglaruan niya ang maliit niyang daliri.

Kinurot ko 'yong pisngi niya. "Kanina dragon ako pero ngayon hindi na kasi nakita na kita. Kainis naman kasi 'yang pinsan mo, pero hayaan mo, magsosorry ako ngayon. Mali rin kasi ang ginawa ko."

Bigla siyang nag angat ng tingin nang marinig ang sinabi ko. Bakas sa mukha ni baby Leo ang pagkagulat at...parang naiiyak siya. Bakit naman?

"No! downt say sworry! It's Aleswus fault!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Kahit na, nasaktan ko si kuya mo kaya kailangan kong mag sorry--- " Naputol ang sinasabi ko nang biglang sumulpot si Kiro.

Pinaupo ko si baby Leo sa tabi ko para mabihisan ko na siya. Ano bang nangyari at nakahubad siya? Ni hindi man lang binihisan ni Kiro at Alexius kanina. Kinuha ko sa kamay ni Kiro 'yong damit. Tinaas niya ang kamay niya kaya mabilis ko lang na naisuot ang kulay puting t-shirt. Nakanguso lang si baby Leo habang binibihisan ko siya at namumula ulit siya. Napapadalas ata ang pamumula ng pisngi niya?

"Dito ka lang muna. Babalik muna ako sa loob para mag-sorry sa kuya mo." Sabi ko bago tumayo.

Naglakad ako papunta sa pinto ng opisina ni Alexius. 

"Stop her Kiro!"

Napalingon ako. May nagsalita ba? Bakit parang— ay ewan! Bubuksan ko na sana 'yong salamin na pinto nang may pumigil sa akin, si Kiro. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa door knob atsaka humarang.

"Ah eh kasi Eris, ano."

Tinabig ko siya pero ayaw niya talagang umalis. Ano bang problema ng lalaking 'to? "Huwag kang mag-alala, hindi ko aawayin 'yang pinsan mo. Hihingi lang ako ng tawad."

Umiling siya."Kasi Eris beastmode pa si Alexius baka mas lalo lang lumaki ang galit nun."

Bumuntong hininga ako. Tama siya, baka hindi lang masasakit na salita ang matanggap ko, baka saktan pa ako. Umatras na ako. Pilit kong tinanaw ang loob ng opisina ngunit wala akong makita. Tinted kasi ang salamin ng pinto.

"Sige, pakisabi na lang sorry sa nagawa ko. Nadala lang ako ng inis at galit. Pakisabi rin na aalis na kami ni baby Leo."

Nakangiting tumango si Kiro. "Makakarating. Ingat kayo."

Binuhat ko na si baby Leo bago magtungo sa elevator. Nagpaalam pa ulit ako kay Kiro bago kami sumakay ni baby Leo sa loob.

Bago pa man tuluyang magsarado 'yong elevator ay narinig ko pa ang pag sigaw ni Kiro.

"Hindi na galit si Alexius!"

...

"Huwer are we?" Tanong ni baby Leo habang nililibot ang tingin sa Amusement park. Hindi ganun karami ang tao kaya sigurado ako na magiging masaya itong araw na 'to.

"Nasa amusement park tayo baby Leo. Ngayon ka lang ba nakapunta dito?" Tumango siya. Hindi ba siya dinala ng mga magulang niya sa Amusement park?

Buti na lang at dito ko siya dinala. Sisiguraduhin ko na mag-eenjoy siya ngayong araw. May pera pa naman akong naitabi kaya masasakyan namin ang mga rides na gusto niyang sakyan.

"Baby Leo, saan mo gustong sumaka--- "

"Aym scared." Isiniksik niya 'yong mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ko.

"Wala kang dapat ikatakot. Nandito si ate Eris atsaka masaya kaya dito sa Amusement park. "

"Rwily?" Tumango ako bago ko i-angat ang ulo niya.

"Sobra! Sige, doon muna tayo sumakay sa carousel." I said.

Hindi ganoon karami ang tao, kumbaga sakto lang, hindi crowded kaya nakasakay kaagad kami. Pinaupo ko siya sa kabayo habang hawak-hawak ko siya. Nakatayo lang ako para maalalayan siya.

"Aym scared!" Hinawakan niya 'yong kamay ko. Nagpupumilit pa siya na bumababa sa kabayo.

"Baby Leo, huwag kang matakot. Nandito naman si ate Eris sa tingin mo ba hahayaan kitang ma-fall?"

Natulala siya sa akin. "I've already fallen."

Huh? Anong sabi niya?

"Ah...BASTA AYM SKERD!" 

Nagkibit balikat na lang ako.

Hindi na siya nagpumilit pa na bumaba sa kabayo hanggang sa tuluyan ng umandar ang carousel. Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin, gano'n rin ako. Natawa ako nang makita ko ang itsura niya. Para siyang 'yong baby na biglang pupunta sa sulok at uupo ara tumae— nagpapanggap na walang ginagawa pero sa oras na 'to ay nagpapanggap siyang hindi natatakot.

Habang tumatagal ay nasasanay na rin siya. Nawala na rin ang takot na nararamdaman niya't napalitan ng saya. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya. Ang pagkislap nito at ang ngiti niya sa mga labi. Napangiti ako nang kawayan niya ang mga tao na nanunuod, pati nga sila ay natawa rin at kinawayan din nila pabalik si baby Leo.

Nakabusangot siya nang ibaba ko siya sa kabayo. Tapos na kasi ang ride. No'ng una nga ay ayaw pa niyang bumitaw sa kabayo, mabuti na lang at napilit ko siya.

"Masaya baby Leo?" Tanong ko.

Nakangiti siyang tumango sa akin. "Yes! Lets--- let's wride dat horse again!"

"Ayaw mo ng ibang rides? gusto mo doon lang sa horse?"

Saglit siyang napahinto. Nilagay pa nga niya sa baba niya ang kaliwa niyang kamay na para bang may iniisip siya.

"Uhm...no? But aylab dat horse!" Aniya. Niyakap pa niya ako. "Pwease! Let's rayd dat again!"

Wala na, talo na ako. Dinaan ako sa paglalambing eh.

"Oo na, basta good boy ka lang."

Ngumiti siya. May sinabi pa siya pero hindi ko narinig.

"I can't be a good boy dahil baka bumalik ako sa totoong anyo ko."

Puro pambatang rides lang ang sinakyan namin. Gusto niya nga sakyan 'yong Roller coaster. Nagulat talaga ako nang bigla niyang ituro 'yon kanina pero namumutla naman siya. Kasalukuyan kaming naka-upo sa may bench malapit sa play ground. Nasa bench rin ang mga pagkain na binili ko. Magpapahinga muna kami tapos maglilibot na.

"Baby Leo eat ka muna dyan ah. May babalikan lang ako doon." Tinuro ko 'yong food stall na nasa likod lang ng inuupuan namin

"Kapag may lumapit sayo huwag kang sasama. Kapag inalok ka ng kendi huwag mong tatanggapin, maliwanag ba?"

Sunod-sunod siyang tumango kaya nagmamadali na akong tumayo. Kinuha ko kaagad 'yong pizza na in-order ko atsaka dali-daling bumalik sa bench.

Ngunit kaagad din akong napatigil nang makita ko kung anong nangyayari. Muntik ko ng mabitawan ang hawak ko nang makita ko si baby Leo na itinulak ng batang mas matanda sa kanya. Binundol ako nang kaba nang malaglag ito. Patakbo akong lumapit sa kaniya. Basta ko na nga lang binitawan 'yong pagkain na hawak ko. Wala akong pake kung mahulog 'yon o maapakan ng iba. Pagkain lang 'yon, mas importante sa akin si baby Leo.

"Baby Leo! Ayos ka lang ba?" Niyakap ko siya.

"No! Dat kid pushed me!" Tinuro niya 'yong batang nagtulak sa kanya.

Tiningnan ko ito. Nakangisi ito at binelatan pa ako at si baby Leo. Aba't ang batang to!

"Bata bakit mo naman tinulak ang baby ko?"

"Kasi gusto ko umupo sa inuupuan niya!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Wow, ang ganda ng dahilan niya.

"Pero hindi mo naman kailangang manulak. Pwede ka namang magtanong in a nice way kung pwede maki-upo." Pagpapaliwanag ko.

"Mommy! Inaaway ako ni old lady!"

Nanlaki lalo ang mga mata ko. OLD LADY?! INAAWAY KO SIYA?! PINAGSABIHAN KO LANG NAMANSIYA NG MAAYOS AH!? Napalunok ako nang makita ko ang mama nito. Nakataas ang kilay nito sa akin at para bang kakainin niya ako ng buo.

"Hoy babae! Bakit mo pinaiyak itong anak ko?!"

Jutko naman! Tiningnan ko ang mga tao. Ang dami ng nakiki-usyoso.

"Ah miss, hindi ko pina-iyak ang anak mo at hindi ko siya inaway. Pinagsabihan ko lang ng maayos ang anak mo kasi bigla na lang siyang nanulak--- "

"Pinagsabihan mo ng maayos?! Thewhy did my son cry?! Hindi naman iiyak 'yan kung wala kang ginawang masama."

Huminga ako ng malalim bago ngumiti. Isang pekeng ngiti.

"Maybe your son's pretending. Baka gustong mag artista." I paused. "Look miss, nanulak ang anak mo dahil gustong umupo sa inuupuan ng baby ko. He can asked in a nice way kung pwedeng maki-upo but he didn't, sa halip ay nanulak siya. Sa totoo lang, hindi dapat siya ang umiyak dahil hindi naman siya ang nasaktan and for your information, wala akong ginawang masama sa anak mo. You can asked them." Itinuro ko 'yong mga nakatingin sa amin kanina pa.

"Ano bang nangyari?"

"Kasi 'yong anak nung babae na 'yon na galit ay tinulak 'yong batang naka-upo sa bench. Mabuti na lang at hindi tumama ang ulo nito nang malaglag."

Nagbulungan ang iba sa mga nakiki-usyoso sa amin.

"Eh bakit naman umiiyak 'yong batang nanulak na 'yon?"

"Ewan ko diyan, wala namang sinabing masama 'yong babae. Kalmado pa nga siya nang pagsabihan niya ito. Hayaan mo na, alam mo na bata."

Ngumiti ako. "See? Wala akong ginawang masama."

Namula sa galit ang ina ng batang nanulak kay baby Leo. Oh, she's mad.

"Y-you— Kakasuhan kita!"

Ngumiti ako. "Anong ikakaso mo sa akin?"

Hindi ito kumibo kaya binuhat ko na si baby Leo bago ko isukbit ng maayos 'yong sling bag sa balikat ko.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na umalis sa lugar na 'yon. Tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon. Ayoko ng sayangin ang oras ko sa gano'ng klase ng tao. 

"Are you owkey?" Hinaplos ni baby Leo 'yong pisngi ko.

"Oo naman, ikaw okay ka lang ba?"

"Yes! I'm payn! I'm a big boy! I'm not hurt--- "

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mga mata niya.

"I know your not okay. Pwede mo namang sabihin sa akin."

Niyakap niya ako ng mahigpit at doon umiyak. Hinalikan ko ang bunbunan niya.

"Shhh, uuwi na tayo tapos gagamutin na ni ate Eris 'yang masakit sa 'yo. Ik-kiss ko para mawala ang sakit."

Hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak.

"It hworts huhuhu."


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019