Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA V

Third person’s point of view.

Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nila Kiro, basta bigla na lang siyang binuhat at isinakay sa sasakyan.

"Where are we going?!" Inis niyang sabi. Pilit niyang tinatanggal ang seatbelt na ikinabit sa kanya ni Ian.

"Wag kang magulo baby Alexius. Huwag mong tanggalin 'yang seatbelt na ikinabit ko sa'yo kung ayaw mong mapalo sa pwet." Nakangising sabi ni Ian dahilan para mamula sa galit si Alexius.

Tinaas nito ang gitna niyang daliri na naging dahilan ng pagtawa nung tatlo.

"Bad ang mang pakyu Baby Alexius." Pang-aasar ni Angelo.

"Fvck you! Don't call me baby Alexius!" Naiinis na siya pero tinawanan lang siya. Lagot talaga sa kanya ang 'tong tatlong ito. Kung hindi lang talaga niya kailangan ang tulong nila ay sa malamang pinagkakagat niya ang mga kumag. Baby Alexius my ass.

"Tigilan na natin si Alexius kung ayaw nating mamatay ng maaga." Aniya ni Kiro na abala sa pagmamaneho.

"I'm going to beat all of you." Aniya sa sarili. Lagot talaga sila kapag na-alis niya ang seatbelt sa kanya.

"Ang cute niya kasi, nakakagigil!" Rinig niyang bulong ni Ian kaya tiningnan niya ito ng masama.

Mahigit kalahiting oras na siyang nakaupo at sa kalahating oras na iyon ay walang ibang ginawa sina Kiro, Ian at Angelo kundi ang pag-tripan siya. Kagigil lang hindi ba? Porket nasa anyong baya siya ay gaganyanin na siya. Nag-iisip na rin siya ng plano kung paano niya uupakan 'tong tatlong 'to.

"Malaki ang kasalanan ni Angelo sa pamilya ni Perez." Kiro said.

Ayan nanaman sila. Puro na lang Perez. Kumukulo lang ang dugo niya sa tuwing naririnig ang apelyido ng matanda na 'yon. Kasalanan ni Perez kung bakit siya sinumpa ni Mama.

"Ang alam ko may pamangkin si Mr. Perez." Aniya naman ni Ian.

Nagkatinginan 'yong tatlo dahilan para kumunot ang noo ni Alexius. Anong meron?

"Babae ang pamangkin niya." Pagpapatuloy ni Ian.

Narinig niya ang pag-ngisi ni Kiro. Teka nga! Clueless siya! Bakit ngumingisi ang ugok niyang pinsan?

"Alamin natin kung saan nakatira ang pamangkin niya." Nakangising sabi ni Kiro.

Hindi na kayang manahimik ni Alexius. May karapatan siyang malaman kung saan sila pupunta.

"Where are we going?" Pinagkrus niya ang braso. Naiinip na siya.

"Bastah— dude, ihinto mo muna diyan sa park. Naiihi na ako langya!" 

Hindi niya alam kung anong trip ng mga 'to at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga ito. Ang kailangan nilang puntahan ay ang Mama nila hindi sa kung saan, tch. Huminto ang sasakyan sa gilid. Kaagad namang bumaba si Angelo kasama si Ian. Ngayon silang dalawa na lang ng pinsan niya ang nasa sasakyan.

Kunot noo niyang tinignan si Kiro, nakatingin ito sa kanya at para bang ang lalim ng iniisip nito."Nauuhaw ka ba? Nagugutom?" tanong nito.

"Thank you for asking. Bilhan mo ako ng maiinom. I'm so fvckin' thirsty."

Nailing na bumaba sa sasakyan si Kiro, akala niya aalis na ito pero binuksan nito ang pintuan at tinanggal ang seatbelt na naka kabit sa kanya.

"What?"

"Hindi kita pwedeng iwan. Baka itakas mo ang sasakyan ko." Aniya bago siya buhatin.

Napa 'What-the-fvck?-seriously'si Alexius sa sinabi ng pinsan.

"Sa tingin mo kaya kong imaneho itong panget mong sasakyan?" Sarkastiko niyang sabi. Nagpupumitlag siya sa pagkakabuhat nito sa kanya.

Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang hinahawakan siya basta-basta, feeling niya magkaka-virus siya.

"Shit! Put me down yo— " Hindi na niya natuloy ang sinasabi dahil tinakpan nito ang bibig niya.

"Huwag kang magsalita ng ganyan! Pinag titinginan na tayo Alexius." Inis na bulong ni Kiro. Binaba niya si Alexius.

Baka magtaka ang mga tao sa marinig nila. Batang nagmumura is a big no. Baka matampal ng matanda ang bibig ni Alexius.

"Kaya mo bang maglaka— " Tinaas ni kiro ang dalawang kamay na para bang sumusuko na siya. Bigla kasi siyang tiningnan ng masama ni Alexius. Nakakata-cute.

Anong tingin niya? Hindi siya marunog maglakad? Marunong nga siyang jumugjug, maglakad pa kaya.

Nakakadalawang hakbang palang siya pero natumba na kaagad siya. Napasubsub si Alexius sa simento, nagasgasan din ang tuhod niya. Tiningnan niya ang tuhod na nagdudugo. Nanlaki ang mata niya sa nakita. Naiiyak siya, oo naiiyak siya.

"Huwah!"

Dali-daling binuhat ni Kiro si Alexius. Iyak ito nang iyak. Namumula ang ilong at pisngi nito. Hindi nga niya alam kung matatawa ba siya o maaawa, ang cute kasi ng itsura nito.

"I-it hurts!" Yumakap siya kay Kiro. Isinubsob niya ang mukha sa balikat ng pinsan at doon umiyak.

Natawa si Kiro sa inakto ni Alexius. Para talagang bata ang pinsan niya. Hindi tuloy siya sanay, hindi siya sanay na makita na nagkakaganito ang pinsan niyang walang puso.

"Shhh, stop crying Alexius." Pag-aalo niya.

Nilibot ni Kiro ang tingin, nagbabakasakali na baka may tindahan sa malapit na pwedeng bilhan ng band aid pero isang padulasan at duyan ang nakita niya. Dinala niya si Alexius sa padulasan. Bigla na lang nagningning ang mga mata ni Alexius ng ilapag siya ni kiro sa isang padulasan. Inalalayan siya nitong magpadulas, siya naman ay tuwang-tuwa.

"Pinsan ko ba talaga ito?" Natawa si Kiro.

Tumayo si Alexius atsaka lumapitsa duyan. Pagewang-gewang pa siya at muntik pa siyang matumba, buti na lang at naka-alalay sa kanya ang si Kiro.

Pero kailangan na talagang bumili ni Kiro ng band aid. 


Eris Mesina.

Nakatingin lang ako sa mga batang naglalaro sa playground ng parkeng ito kung saan ako nakatambay. Maraming tao ngayon at ang iba sa mga bata ay kasama ang mga magulang. Pumikit ako at dinama ang hangin. Napangiti ako. Ang sarap pakinggan ng mga hagikhik at tawa ng mga bata. Idinilat kong muli ang aking mata. Mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi nang makita ko yung bata na pagewang-gewang na naglalakad palapit sa duyan na katabi ko.

Muntik pa itong matumba, mabuti na lang at nasalo siya ngg lalaki, kuya niya ata. Nakatitig lang ako sa bata. Ang nito, parang may lahi. Namumula rin ang ilong at pisngi nito. Napahagikhik ako nang pilit itong sumasampa sa duyan pero hindi niya maabot.

"Ilang taon na siya?" Tanong ko sa lalaki, sa kuya nito.

Saglit pa itong natigilan bago sagutin ang tanong ko. "M-mag tatatlong t-taon?"

Kumunot ang noo ko sa sinagot nito. "Bakit parang hindi ka sigurado sa sagot m— " 

"Miss, pwedeng pakibantayan muna ang pinsan ko?"

Pinsan pala niya.

"Ha? bakit?"

Napakamot ito sa batok. "Bibili lang ako ng maiinom niya at ng band aid para sa sugat nito."

Magsasalita pa sana ako kaso bigla na lang itong tumakbo, wala tuloy akong choice kundi ang bantayan ito. Sinundan ko ng tingin yung lalaki hanggang sa tuluyan naitong mawala sa paningin ko. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa bata.

"Gusto mong magduyan?" Nginitian ko siya pero inirapan lang ako. Taray!

"What?" Inis nitong sabi.

English speaking? sosyalin naman!Bata pa pero marunong ng mag-english. Halos lahat na ata ng bata ngayon ay spokening dollars na, kakanuod nila ‘yan ng Dora at Diego eh. Try ko rin kaya manuod ng pambatang palabas nang matuto naman akong mag-english? Ay huwag na lang, uunahin ko na lang ang pagt-trabaho kaysa sa manuod ng cartoons.

"Sabi ko gusto mo bang magduyan?" pag-uulit ko. 

Ibinaling niya ang tingin sa duyan pagtapos ay sa akin naman siya tumingin bago tumango. Nakangiti ko itong binuhat at inilapag sa hita ko. "Hindi mo pa kasi abot kaya dito ka na lang umupo sa hita ko."

Tinulak ko ang duyan gamit ang paa ko. Hindi naman ganoon kalakas at hindi rin ganun kahina, sakto lang kumbaga. Natawa ako nang bigla siyang yumakap sa akin. Akala ko takot ang makikita ko sa mga mata nito pero hindi, kumikinang ang mga mata nito at nababakas sa mukha nito ang saya.

Hinalikan ko ito sa noo, ang cute cute kasi at nanggigigil din ako sa sobrang cute nito. Nanlaki ang medyo singkit nitong mata. Dumapo naman ang kamay nito sa noo niya kung saan ko siya hinalikan. Speechless siya. 

"Anong pangalan mo?" Tanong ko.

"A-ale...l-leo."

Natawa ako. "Ang kyut ng pangalan mo, Aleleo."

"I-it's L-leo!"

Mas lalo akong natawa. Nakanguso ito at mas lalong namula ang pisngi. "Ang kyut pa rin. Mag t-three ka pa lang pero diretso ka ng magsalita."

Tila namutla ito. Nagulat siya ng magpumitlag ito at pilit na nagpapababa.

"Baby Leo— " yumuko siya para mapantayan ito. Bumaba ang tingin ni Eris sa tuhod nito— sa sugat.

Nakangiti niya itong hinipan. "Ayan! Mawawala na ang sakit niyan." 

Mas lalong namula ang matambok na pisngi ni baby Leo, mukhang rabit! Ang cute!

"Thank you miss."

Inangat ko ang tingin, kaya pala nagpapababa kasi nandito na ang pinsan niya.

"Walang anuman. Bye baby Leo!" 

Binuhat na siyang pinsan nito. Kinawayan ko siya bilang pagpapaalam. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni ko nang kawayan ako pabalik ni baby Leo.

"Sige miss, alis na kami."

Pinagmasdan ko ang mag pinsan hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko. Ang cute ni baby Leo, ang ganda siguro ng lahi nila. Hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi ko. Baby Leo, ang cute niya talaga. Sana magkita ulit kami, gusto ko siyang makalaro atsaka pwede siyang makalaro ng pinsan kong si Yuan.



  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019