Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XXXIV


Third person's point of view.

Isang linggo na ang lumipas at sa isang linggo na 'yon ay namamalagi lang si Alexius sa opisina niya. Natambakan kasi siya ng trabaho at kailangan niya itong tapusin. Hindi rin siya hinahayaan ng pinsan na umalis ng opisina hanggat hindi natatapos ang mga naiwang papeles. Kung dati ay mas gugustuhin niya na lang na manatili sa opisina niya't tapusin ang mga gawain, ngayon naman ay gusotng-gusto na niyang umalis sa lugar na ito at puntahan si Eris. Gustong-gusto na niyang tanungin ang dalaga kung bakit ito sumama sa Luke na 'yon, tsk!

Ilang beses na niya kasi itong tinawagan at pinadalhan ng text pero ni isang reply ay wala siyang natanggap. She's not even answering his calls. 

Dumagundong sa buong palapag ang sigaw ni Alexius. Eto nanaman siya, sinisigawan ang mga empleyado niya.

"I told you I need that file! Palpak talaga kayo kahit kailan!" Sigaw nito sa secretarya niya.

Naiiyak na ito. Paano ba naman ay pagpasok niya sa opisina nito ay sinigawan kaagad siya. Parang nitong nakaraan lang ay hindi ito sumisigaw at napaka hinhin ng boses nito tapos ngayon kala mo ang layo nila sa isa't isa kung makasigaw. Akala niya nag bago na ang boss nila, hindi pa pala. 

"S-sir h-hindi pa daw po kasi tapos ni Mr. Delmundo yun— "

Pinindot ni Alexius ang intercom na konektado sa bawat palapag ng building. "Delmundo, Get your ass out of my building and get lost! You're fired! Simpleng trabaho hindi mo magawa!"

Napailing na lamang ang secretarya niya. Mukhang bumalik na ang boss niya. Nakikita niya na ulit ang patubong sungay nito. Siguro umiiyak na at tumatakbo na papunta sa palapag na ito si Delmundo para magmakaawa. 

"S-sir, m-may lunch m-meeting po kayo with Mr. Almago."

Napahilot sa sentido si Alexius. "Cancel all my meetings, uuwi na ako."

"P-pero sir ang sabi po sa akin ni sir Kiro ay huwag kang paalisi—"

Tiningnan niya ito ng masama. "Are you deaf or you want me to fire you?"

Sunod-sunod na umiling ang secretarya niya. Bakas sa mukha nito ang takot at namumutla na rin ito. Ayaw niyang mawalan ng trabaho dahil may pamilya  siyang binubuhay. Wala na tuloy siyang nagawa kundi ang tumango kahit na ang kabilinbilinan sa kanya ay huwag itong paaalisin hangga't hindi pa tapos ang trabaho at hindi pa oras ng uwian. Bumuntong hininga siya, ang hirap magkaroon ng boss na walang kasing sama at sungit.

Sinenyasan siya ni Alexius na umalis na kaagad niya namang sinunod. Kinuha niya ang cellphone pagkalabas na pagkalabas ng sekretarya. Napasandal siya sa sandalan ng swivel chair nang makita na wala pa rin siyang nakitang reply mula kay Eris. Saglit siyang pumikit bago umayos ng pinto. Tiningnan niya muna ang salaming pinto para siguraduhing walang makakakita sa kanya. Kinuha niya ang mga pambatang gamit pati na ang cute size na suit na ginamit niya dati noong siya pa si baby Leo. Kailangan niya ng itapon ang mga ito bago pa may makakitang iba. Ipinasok niya ito sa suit case. Sunod siyang nagtungo sa ref na nasa loob ng opisina niya para kumuha ng coke zero. He was about to close the door nang makita niya ang mga box ng cheese cake. 

Kusang gumalaw ang mga kamay niya at kinuha ang mga ito. He went back to his seat. Kinuha niya ulit ang cellphone niya at sinimulang umorder sa flowershop. Umorder siya ng isang bouquet ng tulips. Nalaman kasi niya na mahilig si Eris sa bulaklak na 'yon--- ayon kay baby Yuan. Oo kay Yuan, close na sila mas gusto daw siya nito kaysa kay baby Leo.

Alam niyang walang balak si Eris na sagutin at mag reply sa mga text at tawag niya kaya pupuntahan niya na ito. Hindi na niya kaya na hindi makita ang dalaga. Kinuha ni Alexius ang kulay dilaw na sticky note at fountain pen.

He wrote 'I miss you, Eris' bago ito idinikit sa box ng cheese cake. Isa lang ang ipinagdadasal niya, na sana huwag ulit itapon o ipamigay ni Eris ang mga ibibigay niya. Tumayo siya at kinuha ang box. Napamura siya sa gulat nang biglang bumukas ang salaming pinto. Iniluwa nito ang nagmamadaling sekretarya, halata sa mukha nito ang kaba. Baka sigawan kasi ulit siya. 

Bumaba ang tingin ni Alexius sa hawak nitong bouquet of tulips. Shit! bakit hawak nito ang bulaklak? Ang sabi niya sa shop ay iwanan na lang ito sa baba. Wala na, nahuli na siya sa binabalak niya. 

"Sir, ito na raw po 'yong bulaklak."

Kaagad niya itong kinuha sa kamay ng sekretarya. 

"You may leave."

Nababahiran ng pagtataka ang mukha nito. Bigla tuloy nailang si Alexius sa paraan ng pagtingin nito, para kasing may ginawa siyang masama. 

"Kay Ms. Mesina ho?"

Nasamid si Alexius sa narinig. Pumeke siya ng ubo. Iniwas niya rin ang tingin niya. 

"Sir, akala ko ho ba uuwi ka na?" Binigyan siya nito ng makahulugang tingin. 

Inis na inabot ni Alexius sa sekretarya ang cheese cake at bulaklak bago bumalik sa lamesa niya. Nakabusangot niyang binuksan ang laptop at kinuha ang mga papeles na kailangang basahin at pirmahan.

"Dalhin mo 'yan kay Eris. Ingatan mo ang mga 'yan kung ayaw mong mawalang ng trabaho." Tumango ang sekretarya niya. Palabas na sana ito nang magsalita siya. "Dapat ay nandito ka na pagtungtong ng alas dose, kung hindi..." Ngumisi siya't pinagsiklop ang kamay. 

"You're fire..." he mouthed. 

Nagmamadaling lumabas ang sekretarya niya. Alas dose dapat nandito na siya at 30 minutes na lang ang natitira bago mag alas dose.

Sinira nito ang plano niya kaya pahihirapan niya ito. Inis na sumandal si Alexius. "I miss you so damn much."

Gustong-gusto na niya talagang makita at mayakap si Eris. Kung hindi lang dahil sa mga naiwan niyang papeles at sa sekretarya niyang panira ng plano edi sana nakita na niya ito. Pinasadahan ni Alexius ng tingin ang lamesa niyang puro papeles. Pinatunog niya ang daliri bago simulan ang pagpirma. Tatapusin niya na ito nang makalaya na siya. 

 

Leonardo Alexius Rivelio

Isinubsob ko ang mukha ko ng matapos kong pirmahan lahat ng papeles. I think I'm going to pass out anytime. My head hurts, my whole body hurts!

I miss her. Her voice, her giggles, her smiles, her hugs and everything! Bakit kasi pinatawad pa ako ng Aron na 'yon?! Should I fire him again para magalit ulit siya sa akin? Good idea! Bukas ay tatanggalan ko siya ng trabaho and I'll ask mama to curse me. 

Ipinikit ko na lang ang aking mata. It's ten o'clock in the evening and I'm starving. Wala na akong oras para kumain dahil sa pagmamadali na matapos ang lahat ng 'to.

Tumayo ako atsaka kinuha yung susi ng sasakyan ko. I'm going home. Kailangan kong magpahinga. Hindi ko na alam kung paano ako nasakay sa sasakyan ko dahil sa sobrang pagod, my head hurts so much! Parang pinupukpok ng martilyo.

I kept my eyes on the road. I stopped my car when I reached my destination pero nang lumabas ako ng sasakyan doon ko lang nalaman kung nasaan ako.

Damn it! Sinipa ko yung gulong ng sasakyan ko. Why am I here?! Bakit dito ako napunta sa apartment ni Eris?! Sinabunutan ko ang sarili ko. Akmang bubuksan ko na sana yung pinto ng sasakyan ko nang makaramdam ulit ako ng matinding pagkahilo. Napaupo ako sa daan.

Fvck! I need to go home now. I forced myself to stand but I have no strength.

"ATE ERIS! YUNG BOYFRIEND MO HINIMATAY."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Who the fvck is her boyfriend?! May boyfriend na si Eris ko?! NO! Hindi pwede! That should be me!

Pinilit kong tumayo para tingnan kung sino yung sumigaw, It's our neighbor's son— I mean Eris' neighbor. Damn it! Siya yung anak ng pinaghiraman ko ng damit noong nakaraang linggo. Nakadungaw siya at kinawayan pa ako.

"Magandang gabi kuya yabang. Siguro ay makikipag break na sa'yo si ate Eris kasi mayabang ka." Nakangisi nitong sabi.

Kumunot ano noo ko. "What did you say?"

"Sabi ko makikipagbreak na sa'yo si ate er— ARAY! ATE ERIS NAMAN EH!"

Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si eris. Nakatingin siya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Masaya ako na makita siya, Biglang nawala ang pagod na nararamdaman ko. Pero paniguradong papaalisin niya rin ako kaagad.

"Anong ginagawa mo dito Rivelio? Wala na dito si baby Leo kaya wala ka ng dahilan para pumunta dito. "

"Hindi si baby Leo o kahit sino ang pakay ko. Masama bang puntahan ang babaeng nililigawan ko?" Pinilit kong tumayo ng maayos kahit na nagdidilim na ang paningin ko. 

"Umalis ka na." She said bago ako talikuran.

I knew it! Alexius you need to talk to her! 

"Eri--- " Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot ito. Sa oras na ito ay mas dumoble ang sakit na siyang naging dahilan para tuluyan na akong bumagsak sa sahig.

It hurts! My head hurts!

Narinig ko ang pagsigaw ni Eris pati na ang pagtakbo niya. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti kahit na namimilipit na ako sa sakit. She's worried. 

"Alexius! Anong nangyayari sayo?!"

Isang anghel ang bumungad sa akin nang idilat ko ang aking mata.

"Ayos ka lang ba? Bakit nakangiti ka?! Niloloko mo ba ak— ALEXIUS! DUMUDUGO ILONG MO!"

Wala sa sarili kong hinawakan yung ilong ko. Oh shit! dumudugo nga!


ERIS MESINA.

Hindi ko inalis ang tingin ko kay Alexius na kasalukuyang nakahiga sa sofa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Ang akala ko ay niloloko niya lang ako, nakangiti kasi siya. Ano ba kasing ginawa ng lalaking 'to? Sinubsob niya ba ang sarili sa pagt-trabaho? Hindi ba't siya ang CEO? 

"Pagkatapos mong magpahinga diyan ay umalis ka n— " Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng magsalita siya.

"Ayaw mo na ba talaga akong makita?"

Napako ako sa kinatatayuan ko.

"Sa tingin mo ba si Leo lang ang dahilan kung bakit kita gustong makita? Leo's gone but that doesn't mean na titigil na ako sa panliligaw ko sa 'yo. You can push me away but i'm telling you, Eris. I won't give up on you, never."

Tumalikod ako nang maramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Eris! Bakit namumula ang pisngi mo?! Pinakalma ko ang sarili ko bago humarap. Akmang magsasalita sana ako ng makarinig ako ng pag-tunog ng sikmura, sigurado ako na kay Alexius galing ang tunog na 'yon.

Nagmamadaling bumangon si Alexius. Pilit niyang tinatago ang ang namumula nitong mukha. Bigla akong napangiti. 

"Uhm...I n-need to go." 

Nakaka tatlong hakbang pa lang siya nang matumba siya. Napailing na lang ako. Ano bang nagyayari sa kanya? Pinapabayaan ba niya ang sarili niya para sa kompanya niya? Nilapitan ko siya para tulungang tumayo. Inalalayan ko siyang bumalik sa pagkakahiga.

"Mahiga ka na lang ulit. Mag hahanda lang ako ng makakakain mo."

Biglang kuminang ang mata niya. Hindi ko alam pero bigla kong nakita sa kanya si baby Leo.

"T-thank you."

Tumango na lang ako bago mag-tungo sa kusina. Nag hanap ako ng pwedeng ipakain sa kanya, gusto ko sana siyang ipagluto kaso matatagalan pa kaya naghanda na lang ako ng tinapay na may margarine. Ipinagtimpla ko na lang rin siya ng gatas.

Pagkatapos kong maghanda ng pagkain ay kaagad na akong bumalik sa sala. Inilapag ko sa center table yung pagkain at yung gatas.

Nanlaki ang mga mata ko ng sunggaban niya yung tinapay na may margarine. Nakangiti siya habang kinakain yung hinanda ko. Para siyang si baby leo kapag kumakain.

Napatigil siya sa pagkain ng punasan ko yung gilid ng labi niya na siya ring ikinagulat ko. Kaagad kong binaba ang kamay ko. Eris anong ginagawa mo?!

"Ah...a-ang kalat mo kasi kumain. Parehas kayo ni baby Leo."

Nabitawan niya 'yong tinapay. Pinunasan niya ang bibig niya atsaka uminom ng gatas.

"Namimiss ko na ang luto mo Eris."

Kumunot ang noo ko. Luto ko? Kailan ko siya ipinagluto?

"Ubusin mo na 'yan pagkatapos ay..." Pinagmasdan ko ang mukha niya. Namumutla pa rin siya. Hindi ko siya pwedeng pauwiin lalo na sa lagay niyang 'yan. Baka kung anong mangyari dito kapag pinaalis ko, kargo de konsensya ko pa. Isang gabi lang naman, bukas lang ay wala na siya. 

"Pagkatapos mong kumain ay matulog ka na diyan sa sofa. Baka kung anong mangyari sa'yo kapag umalis ka pa ng ganyan ang kalagayan mo. Huwag na huwag ka lang papasok sa kwarto ko maliwanag ba?"

Nakangiting tumango si Alexius. Mukhang masaya pa siya ah. 


  • (4 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019