Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.


Lumipas ang ilang araw ay nagpatuloy pa rin ang pagpunta ni Alexius sa apartment niya hindi para bisitahin siya kundi para maglaba. Ginawa na rin nitong opisina ang apartment niya. Maski si Kiro ay nagmamakaawa na bumalik na ito sa kompanya.


"PLEASE LANG! MAAWA KAYO SA PINTUAN KO! WALA AKONG PAMALIT DIYAN!" sigaw ni Eris.

Walang tigil ang mga kapitbahay niya sa pagkalampag sa pinto ng apartment niya. Ang mga nasa ika apat na palapag ng building ay bumaba pa para lang kumatok at magpalaba sa kanya. Para kasing condo ang apartment nila, tag tatlong apartment bawat palapag.

Simula nang makita nila si Alexius na nagsasampay ng mga damit sa may likuran ng building ay nagkukumahog ang mga ito na lumapit sa kanya at sinasabing gusto nilang magpalaba. Malaking tulong 'yon sa kanya, pera rin 'yon eh, ang kaso... Si Alexius ang naglalaba.

"Hindi na ako tatanggap ng labahan!" Sigaw niya ulit. Akala niya'y titigil na ang mga ito sa pagkatok, pero mas lalo lang ulit lumakas ang pagkatok, kaunti na lang ay susunod ng masisira ang pinto niya. Sinira na nga nila ang screendoor niya pati ba naman pinto?

"Eris, palaba kami!"

"Dodoblehin ko bayad basta malabhan lang ng isang katulad niya ang mga damit ko!"

Napasabunot sa sarili si Eris. Aalis lang ang mga ito kapag umalis si Alexius o kaya ay inilabas niya na ito, pero hindi niya gagawin 'yon. Boyfriend niya si Alexius sa loob ng apat— hindi tatlong buwan na lang pala. Hindi niya naman hahayaan na kuyugin ng mga kababaihan ang boyfriend niya kahit sabihin pa niya na pinagbigyan niya lang ito. Hindi niya hahayaan na mahawakan ng ibang babae ang boyfriend niya. Iyon naman ang isa sa mga tungkulin na dapat gawin ng mga magkasintahan, ang protektahan ang isa't-isa.

Maya maya lang ay nawala na ang mga pagkatok na nagaganap sa pinto niya. Binuksan niya ng kaunti ang pinto at doon lang nakahinga ng malalim. Wala na ang mga makukulit na pilit na nagpapalaba.

"Hi, my love. Isasampay ko na ang mga labahin." Aniya Alexius na bigla na lang sumulpot.

Bumaba ang tingin ni Eris sa katawan ni Alexius.

"Punyet—yeti! punyeti! Wala ka nanamang pang itaas!"

Dali-daling naghanap si Eris ng pwedeng ipangtakip sa hubad na itaas na bahagi ng katawan ni Alexius. Saktong kakatapos lang niyang tupiin ang kumot na nilabhan niya. Kinuha niya 'yon atsaka inihagis kay Alexius.

"Bakit ba palagi ka na lang nag-aalis ng pang itaas? Maglalaba ka lang! Hindi maliligo! Jutko ka talaga! Akin na nga yan!" Inagaw niya kay Alexius  ang basket kung saan nakalagay 'yong mga damit na isasampay.

Inilapag niya ito sa sahig atsaka itinulak si Alexius palabas sa apartment niya. Ilang araw na itong naglalaba, oras na para umuwi na ito at bumalik sa kompanya.

"Umuwi ka na at bumalik ka na rin sa kompanya mo. Kinukulit na ako ni Kiro na pabalikin ka doon! Hindi porket ikaw ang may ari at bilyonaryo ka eh maglalaba laba ka na lang rito! Hala sige! Uwi!" Sunod sunod na sabi ni Eris.

Akmang bubuksan na sana ni Eris 'yong pinto nang bigla siyang pihitin ni Alexius paharap dito atsaka siya maingat na isinandal sa pinto. Itinukod ni Alexius ang kaliwang kamay nito sa pinto habang ang isa namana ay nakahawak sa braso niya. Ramdam na ramdam ni Eris ang malamig at medyo basa nitong kamay, medyo gumaspang din ng kaunti ang palad nito. Nakonsensya tuloy siya.

"No, dito lang ako."

"Alexius!"

Nagsukatan sila ng tingin.

"Dito lang ako. Hindi ako aalis."

Nanlaki ang mga mata ni Eris nang ilapit ni Alexius ang mukha nito sa mukha niya. Halos maramdaman na nga nilang dalawa ang hininga ng isa't-isa. Konti na lang din ay baka marinig na ni Alexius ang pagwawala ng puso niya.  

Teka anong binanalak nitong gawin?! Itutulak ko ba siya? Malamang Eris! Itulak mo!

Itinaas ni Eris ang kamay at inilagay ito sa matigas at matipunong dibdib ni Alexius. Pilit niya itong itinutulak palayo sa kanya pero masyadong malakas si Alexius para pigilan ang ginagawang pagtulak ni Eris. Idagdag pa ang matigas nitong dibdib, na tila ba nagtutulak si Eris ng bato na mas mabigat pa sa kalabaw.

"Matigas ba? Mas matigas ang nasa ibaba, my love."

Punyet—i. Namula ang mukha ni Eris sa inis.

"ALEXIUS!" She shouted.


Tinulak niya ng malakas si Alexius, ngunit kasabay ng pagtulak niya kay rito ay ang pag bagsak ng pinto. Tila bumagal ang oras. Kitang kita niya kung paano nanlaki ang mata ni Alexius at kung paano siya nito hinatak at pinagpalit ang pwesto nilang dalawa.

Alexius hugged her tight, he even protected her head kahit na si Alexius naman ang babagsak. Walang silang ibang nagawa kundi ang pumikit na lang at hintayin ang pagbagsak nilang dalawa. Napasinghap si Eris nang bumagsak na sila sa sahig, Alexius groaned in pain dahil siya ang bumagsak. Sobrang lakas ng pagkakabagsak nilang dalawa, pati na ng pinto na ngayon ay dinadaganan na nila.

Pero may kakaibang nararamdaman si Eris bukod sa kaunting sakit na natamo niya mula sa pagbagsak. May parang kung anong nakalapat sa labi niya. Dahan-dahang idinilat ni Eris ang mga mata niya at halos takasan siya ng kaluluwa niya, halos umakyat sa pisngi niya lahat ng dugo at cells sa katawan niya.

Magkalapat ang labi nilang dalawa ni Alexius. Her second kiss was accidentally stolen again; by Alexius.


Kasalukuyang  inaayos ni Kiro ang pinto ni Eris. Tinawagan niya ito at sinabing kuhanin na ang pinsan; si Alexius na ngayon ay hinihilot ang balikat. Ito kasi ang napuruhan pati na ang bewang niya kung saan tumama ang door knob ng pinto.

Ilang beses ng hinawakan ni Eris ang labi niya. Nakatulala at paulit-ulit na naaalala ang paglapat ng labi nilang dalawa. Naiinis na hinampas ni Eris ang dibdib kung nasaan bansa ang puso niya. Naiinsi siya dahil ayaw pa rin tumigil sa pantambol ang puso niya, ayaw nitong kumalma. IIbinalik niya ang attensyon sa magpinsan. Hindi pa sila umaalis, aayusin daw muna ang pinto niya bago sila tuluyang umalis.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan?!" Inis niyang tanong kay Alexius. Nakangiti kasi ito sa kanya— no he's smirking.

"Kung hindi pa nasira 'yang pinto mo ay hindi pa kita mahahalikan."

"Hu-huwag kang ngumiti diyan kung ayaw mong mawalan ng ipin!"

Mas lalong lumawak ang pagkangisi ni Alexius. Masaya siya at nagpapasalamat na nasira ang pinto. Worth it ang pagbagsak niya at ang pagtama ng tagiliran niya sa door knob.

"Kahit ba mabungi ako ay mamahalin mo pa rin ako?"

Jutko!

Tumayo si Eris atsaka lumapit kay Alexius. Pipigilan sana siya ni kiro pero tininingnan niya ito ng masama. Kiro raised both of his hands and slowly backed away.

'Yan ganyan nga. Makuha ka sa tingin.

Napailing na lang si Kiro nang pingutin ni Eris si Alexius sa tainga. Napabitaw lang siya nang bigla itong pumalahaw ng iyak. Nagulat siya, pati na si Kiro sa biglang pag-iyak ni Alexius.

Hindi basta basta ang iyak nito dahil para itong bata. Batang pinagalitan at pinalo ng ina. Nagpapadyak pa ito ng paa at humihikbi pa.

"WAH! NISAKTAN AKO NWI ERIS!"

Ha? nisaktan? Naguguluhang tiningnan ni Eris si Kiro. Namumutla ito.

"Hwindi na ako lwab ni Eris!"

Nag bababy talk ito!

Biglang hinatak ni Kiro si Alexius at inakay ito palabas ng apartment ni Eris. Si Eris ay lubos na naguguluhan sa biglang nangyari. Sinundan niya ang magpinsan. Si Alexius ay wala pa ring tigil sa pag-iyak at pag bababy talk. Ilang beses nitong sinasabi na sinaktan siya ni Eris at hindi na siya nito mahal.

Nagmamadaling hinatak ni Kiro si Alexius. Wala ng masyadong tao sa daraanan nila kaya nakababa kaagad sila. Mabuti na lang at sa harap ng gate ipinarada ni Kiro ang sasakyan niya kaya madali niyang naisakay si Alexius.

"Mauna na kami Eris, p-pasensya ka na sa inakto ni Alexius."

"Ano ba an—"

Hindi na niya pinatapos si Eris at dali-daling sumakay sa drivers seat. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Iniwan si Eris na naguguluhan at nagtataka.

Tama ang hinala niya. May kakaibang nangyayari sa pinsan niya. Nagulat siya ng mag baby talk ito. Kinakabahan tuloy siya. Paano kung magtaka si Eris? Ay hindi, nagtataka talaga si Eris sa nangyari. Hindi niya tuloy alam kung ano ang ipapaliwanag niya rito sa oras na bigla itong magtanong.

Ilang araw na niyang minamatyagan ang pinsan niya simula nang malaman niya sa sekretaya nito na hindi nanaman nagpupunta sa opisina at doon napapansin niya ang kilos nito. Na parang bata. Sa tuwing bababa ng hagdan ay kumakanta ito ng nursery song, nabubulol din ito. Iyan ang dahilan kung bakit ilang beses na niyang kinulit si Eris na pabalikin ang pinsan niya.

"Huhuhu! Kwiro! Hindi na ako lab ni Eris!"

Napailing na lamang si Kiro nang makita ang pagbabago ng anyo ni Alexius. Naging bata ulit ito. Lumipas ang mahigit sampung minuti ay bumalik ulit ito sa totoo niyang anyo.

Hinagis ni Kiro kay Alexius ang damit nito. Kaagad namang sinuot ni Alexius ang damit.

"The fvck is happening to me?!"

"Hindi ko rin alam pero sa tingin ko ko kinakailangan mong humingi ng tawad sa lahat ng nagawan mo ng kasalanan, hindi lang sa tito ni Eris." Kiro said.

"Sa tingin ko, hindi tuluyang nawala ang sumpa sa 'yo ni mama. Isinumpa ka pa rin at ikaw rin si baby Leo."

Alexius hissed. Hindi pwede!

Bumait na siya, hindi na siya masama hindi katulad noon. Napasabunot sa sarili si Alexius. Bumabalik ba ang sumpa? May nagawa ba siyang masama kay nagiging bata ulit siya? Pero naayos na ang gusot, pinatawad na siya ng tito ni Eris. Hindi pwedeng bumalik siya sa pagiging baby. Hindi maaari lalo na't may kakaibang napapansin si Alexius sa lugar nila Eris.

Ilang araw siyang nanatili sa apartment ni Eris. Ang akala lang ng dalaga ay umuuwi siya pero hindi, nananatili lang siya sa labas, sa sasakyan niya. Uuwi lang siya sa condo at sa mansyon kapag kukuha ng pamalit. Pinapabantayan din ni Alexius ang lugar sa bodyguard niya. Someones planning to hurt her Eris. Kaya kahit naiinis na sa kanya si Eris ay hindi niya ito iniwan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi pwedeng bumalik siya sa pagiging bata. Paano niya mapoprotektahan si Eris kung biglang bumalik ang sumpa? Kung bigla siyang maging bata?

Ayaw niya ng maulit ang nangyari dati.

"Let's go. Tatawagan ko ang sekretarya ko. Ipapatawag ko lahat ng tinanggalan ko ng trabaho, lahat ng nagawan ko ng kasalanan at lahat ng nasaktan ko. I'll do anything, basta ay mapatawad nila ako."

Tiningnan niya ang ikalawang palapag kung nasaan ang apartment ni Eris.

"I'll be back, My love."


Katulad nga ng sinabi ni Alexius. Sa mismong araw na iyon ay ipinatawag niya lahat ng nasaktan niya, nagawan ng kasalanan at ang tinanggalan niya ng trabaho. Tumayo siya sa harap ng maraming tao bago sabihin ang salitang

"Patawarin niyo ako."


Sa kabilang dako. Nakatingin sila sa babaeng minamatyagan nila. Kasalukuyan itong nagsasampay at nakikipag usap sa isang matanda. Utos ng boss nila na matyagan ito at huwag na huwag sasaktan hanggat hindi niya sinasabi.

Biglang tumaas ang balahibo ni Eris. Parang may mga matang nakatingin sa kanya. Iginala niya ang tingin. Wala naman siyang makitang ibang tao bukod kay manang Mersi at sa ilang bata na naglalaro sa gilid ng kalsada.

Tutulungan na sana ni Eris si manang Mersi nang mahagip ng mata niya ang itim na sasakyan hindi kalayuan sa kanila. Mukha namang walang tao dahil nakapatay ito. Pero iba ang pakiramdam niya.

Ilang araw na niyang nararamdaman ang mga matang nakasundo sa kanya. Sa tuwing lalabas siya para bumili ng sabon panlaba. Sa tuwing binabantayan niya si Alexius sa pagsasampay dahil pinagkakaguluhan ito. She felt safe back then because she's with Alexius, pero ngayong wala ang binata ay para bang nanganganib ang buhay niya. Pakiramdam niya may hindi magandang mangyayari.

"Eris ija?"

Ibinalik ni Eris ang tingin sa matanda. Nakakunot ang noo nito at may bahid ng pag-alala ang mga mukha.

"H-halika na manang, tutulungan ko na po kayo sa bakuran." Aniya.

Hindi na siya nag abala pa na bitbitin ang basket kung saan niya nilagay ang mga isasampay. Kaagad niyang sinundan si manang Mersi papunta sa bakuran.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019