Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XXI

Eris  Mesina

"Aron umuwi na nga tayo! Kanina pa ako naiinis sayo, baka 'di kita matantya." Aniya ni tita habang hawak yung tenga ni tito.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ewan, yung itsura kasi ni tito parang natatae na ewan.

"Pamangkin, mauna na kami. Pasensya na sa abala.  Sa susunod na araw na lang kami babalik kapag nasa maayos na pag-iisip na itong tito mo." Ngumiti si tita bago niya hatakin si tito palabas.

Naririnig ko pa yung sigaw ni tito. Paulit-ulit niyang sinasabi na "Hindi nga siya bata! maniwala ka naman sa akin misis!"

Napailing na lang ako. Ano bang nangyari doon kay tito? Nilingon ko si baby leo na nakangisi. Bakit naman nakangisi 'to? Ang creepy.

"Masaya ka ata baby leo?"

Taas noo siyang tumingin sa akin. "I win! I dipit him!"

"'Hindi ba sabi ko bad ang manakit?" Biglang nawala ang ngisi  sa labi niya. 

"B-but its his fault!" Nakanguso niyang sabi habang pinaglalaruan yung daliri niya.

Bumuntong hininga ako bago umupo sa tabi niya. May naalala ako bigla, nakalimutan ko yung pangako ko kay Mama! Nasampal ko ang sarili ko sa sobrang inis. Paano na 'yan?! Lagot ako kay Mama pero kasalanan naman ni Kiro eh! Ilang beses niya na kasing kinuha sa akin si baby Leo kaya hindi ko siya naipapasyal.

Napabalik ako sa sarili ng may yumakap sa akin. Sino pa bang yayakap sa akin? Wala ng iba kundi ang cute pero sadistang si baby Leo. 

"Awr you mad?" Nakanguso niyang tanong. Nagpapacute pa siya, mas lalo tuloy siiyang naging cute, bale times ten na ang ka-cute-an niya ngayon. 

"Hindi ah."

"Pewo bwakit tahimik ka?" Humiwalay siya sa akin pero nanatili pa rin siyang naka upo sa hita ko.

Hindi ko tuloy maiwasang mapahagikhik ng makita ko yung mukha ni baby leo. Namumula siya ay nakanguso, mukha  siyang rabbit!  ang cute! Mahina ko siyang pinitik sa noo. "Kasi may naalala lang si ate Eris." Huminto  ako sa pagsasalita. Ipasyal ko na kaya siya ngayon? tama! Mamamasyal kami!

Binuhat ko siya atsaka dinala sa banyo. "Papaliguan kita baby le---" Hindi ko na natuloy  yung sinasabi ko dahil kumawala na siya sa pagkakabuhat ko atsaka kumaripas ng takbo palabas sa banyo.

"No! I downt want!"

"Pero aalis tayo! Baby leo bumalik ka dito!" Hinabol ko siya pero ayaw niya talagang magpahabol.

"No! no! no!" natatawa niyang sabi bago lumusot sa ilalim ng lamesa.

"Sus! ayaw mo lang na makita ko yang little willy mo! hahaha!"

"Argh! Hwindi  siya lwitel! Dragon siya!"

Pft! Dragon daw. "Oo na dragon na kaya maligo ka na dahil mamamasyal tayo."


Makalipas ang dalawang oras at nakarating na rin kami sa pupuntahan namin. Dinala ko siya Zoo. Alas otso pa naman 'yong closing at alas sais pa lang. May dalawang oras pang natitira.

Ang sabi sa akin ni Mama ay hindi pa nakakapunta si baby leo sa zoo kaya dito ko siya dinala. Kahit na ala sais na ay marami pa rin tao at maliwanag pa rin ang paligid.

Tiningnan ko siya na nakanganga habang nakatingin sa mga puno na may mga ilaw.

"Naswaan tayo?" tanong niya.

"Nasa zoo--- Ay!" Napahagikhik ako ng yakapin niya ako.

kitang-kita ko yung pagkinang ng mata niya at ang kasiyahan sa mukha niya.

"Thank you Eris! Aym so happy! Can I see the monkey?! May horse dito?! May elepwant?! kwokodayl?! Lets go and meet them!"

Natatawa ko siyang tinanguan. Excited siya. Masaya ako na dinala ko siya dito. 

"Opo maraming animals dito. Halika na puntahan na natin sila."

Hindi siya mapakali. Paulit-ulit niya akong kinakalabit at paulit-ulit niya rin akong kinukulit na bilisan ko ang paglalakad. Hindi naman halata na excited siya hahaha.

"I want to see a bear! Twayger! Lion and dinasour! Pwease hurry up! aym si excited!"

"Walang dinasour dito baby leo. Dedski na sila hahaha."

"No! may dinasour dito! I can feel it!"

Natawa ako. Masaya akong makita na nakangiti si baby Leo.


...


"Thank you!" Aniya ni baby Leo pagkalabas namin sa zoo. Alas otso na kaya kailangan na naming umuwi. Pero kakain muna kami sa jollibee, gutom na kaya ako.

"Natakwot ako sa tiger! He said rawr! I know he's happy to see me! Balik tayo dito ah." Sunod-sunod niyang sabi.

"Opo, pagkakuha ni ate ng sahod babalik tayo dito. Promise ko yan." Hinalikan ko siya sa noo na mas lalong nagpangiti sa kanya.

Binalik ko ang tingin ko sa daan. Medyo malayo pa ang lalakarin papunta sa jollibee. Lalakarin ko na lang dahil mahihirapan lang akong pumara ng jeep, punuan kasi dahil maraming bumisita sa zoo. Ayoko namang makipagsiksikan sa jeep dahil maiipit lang si baby leo at maiirita. Mas okay ng magkakalyo at manakit ang paa ko sa paglakad, huwag lang maipit si baby Leo. Marami naman kaming nakakasabay na maglakad pero habang palayo kami ng palayo ay kumokonti ang mga tao na nakakasabay namin.

"Eris." Yumakap ng mahigpit sa akin si baby Leo.

"Hmm? gutom ka n—" Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko ng maramdaman ko ang panlalamig niy at ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

"I knew it. Someones watching. Damn it!"

May sinasabi ba siya? Hihinto na sana ako  sa paglalakad pero pinigilan niya ako.

"Don't stop please. You must run Eris!" Sigaw niya na siyang ikinagulat ko.

"Ha? May problema ba baby leo?"

"Please run! Give me your phone! i need to call Kiro!" Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone atsaka ito ibinigay sa kanya. Ano bang nangyayari kay baby leo?

"Baby leo masama ba pakiramdam m—"

"I said RUN!" putol niya sa sinasabi ko.

Napahinto ako sa paglalakad ng may humarang sa amin. Dalawang lalaki at may hawak silang--- Napaatras ako. Bakit may hawak silang kutsilyo?

"Sino kayo?! Huwag kayong lalapit!" Niyakap ko ng maigi si baby Leo. Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan niya. He;s scared, ganun din ang nararamdaman ko. Mas lalo akong kinabahan ng humakbang sila palapit sa amin. Nakangisi sila. Napako ako sa kinatatayuan ko ng  itutok ng lalaking nakasuot ng bonet yung kutsilyong hawak niya.

"Mukhang hindi mo kasama si Alexius, Napakagandang timing naman!"

Umatras ako ng lumapit siya. Natatakot ako dahil baka saktan nila si baby Leo. Huwag nilang sasaktan ang batang ito, mas ayos ng ako ang masaktan huwag lang siya. Iginala ko ang tingin ko, umaasa na makakahanap ng tulong. Nasaan na ang mga tao? kanina lang ay marami pa kaming nakakasalubong. Pinakiramdaman ko muna ang kilos nila. Kailangan kong  lakasan ang loob ko, kailangan kong mailayo si baby Leo sa lugar at sa mga taong ito. 

Umatras ulit ako bago tuluyang umikot pabalik sa pinanggalingan namin kanina--- pabalik sa zoo. I kept on running. Nanginginig na ang tuhod ko pero hindi ako susuko dahil sa oras na hinayaan kong bumigay ang tuhod ko ay mapapahamak kaming dalawa ni baby Leo, and I wont let that happend, never.

"B-baby Leo tawagan mo si kuya Kiro mo—Ahhh!" Humigpit ang pagkakayakap ko kay baby Leo nang may humatak sa buhok ko.

Napangiwi ako sa sakit. Sobrang lakas ng pagkakahatak niya na tila ba matatanggalan na ako ng buhok. Naramdaman ko rin ang sobrang paanakit ng anet ko. Kakasuhan ko sila! 

"NO! LET HER GO! LET HER GO!"

Napasinghap ako ng hatakin pa nito lalo yung buhok ko. "S-sino ba kayo! Bitawan niyo ako! TULONG!"

Wala na akong pakilam kung mawalan ako ng boses. Desperada na ako dahil hindi lang naman ako ang mapapahamak, may bata akong kasama.

"Babawian namin yang syota mo! Gagantihan namin si Alexius!"

"S-sinong Alexius?!" Sino ba ang tinutukoy nilang Alexius na 'yan at nadamay pa kami!

"Huwag ka ng magkaila pa babae! Nakita ka namin na kasama si Alexius!"

Alexius? Si Rivelio ba ang tinutukoy nila?

"Wala akong syotang Alexiu— ARAY!" Daing ko ng itulak niya ako. Sinigurado kong yung likod ko ang tatama ko sa sahig at hindi si baby leo. Malakas ang pagkakatulak niya sa akin kaya malakas rin ang pagkakabagsak ko. Sumosobra na talag siya! Kanina hinatak ang buhok ko't sinabunutan ako, ngayon naman ay itinulak ako. Wala ba siyang nanay o kapatid na babae? Paano kung sa kapatid at nanay niya gawin ang ginawa sa akin ngayon?

"ERIS! YOU MONSTER! I WILL KILK YOU! HOW DARE YOU HURT HER!"

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong sisipain siya ng lalaki. Kaagad akong humarang kaya ako ang natamaan.

"B-baby Leo tumakbo ka, kasing bilis ng takbo mo kanina nung nag-hahabulan tayo. Huwag kang hihinto at tawagan mo si kuya Kiro mo. Promise susunod ako." Ngumiti ako para takpan ang takot na nararamdaman ko.

"NO! I WILL KILL THEM!"

"Kailangan mong tumakbo! Makinig ka sa akin baby leo...kapag hindi ka tumakbo ay idadamay ka nila! kaya tumakbo ka na!"

Please, baby Leo, tumakbo ka. Lumayo ka rito.

"No...no...I won't leave you here."

Hinaplos ko ang pisngi niya. "Promise, susunod si ate eris. Kaya tumakbo ka na—ARAY! TUMAKBO KA NA!"

Napapikit ako ng ibalibag ako ng lalaki. Nakahinga lang ako ng maluwag nang marinig ko ang pagtakbo ni baby Leo palayos amin--- sa akin. Susunod ako baby Leo.

"Bakit sa akin kayo gumaganti? T-takot ba kayo kay alexius? Napakaduwag niyo!" Ngumiwi ako ng sampalin ako ng kasama niya. Hindi pa rin nito binibitawan yung buhok ko. "Pakawalan niyo ako! Wala naman akong ginagawang masama sa inyo!!"

"Hindi mo ba kami naiintindihan babae? Gagantihhan namin yang syota mong anak ng demonyo!"

"KAYO ANG ANAK NG DEMONYO AT HINDI KO NGA SIYA SYOTA!" Inagaw ko sa kamay niya yung kutsilyo at ginamit ito para maputol ang buhok ko. Kinuha ko ang tiyansa na 'yon para tumakbo palayo sa kanila.  Iyon lang ang paraan para makawala ako sa pagkakasabunot niya.

"TULUNGAN NIYO AKO!"

"PESTE KANG BABAE KA!"

Hinatak niya ako sa bago ako suntukin sa sikmura na naging dahilan ng pagbagsak ko. Nahirapan akong huminga sa ginawa niya, pakiramdam ko rin ay isusuka ko ang mga kinain ko. Malalim ang bawat pag-hinga ko hanggang sa unti-unting nanlabo ang paningin ko.

Kasalanan mo ito Alexius.

Dahan-dahang pumikit ang aking mata ngunit bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakarinig ako ng mga kalabog at sigawan.

"Eris!"

Baby Leo? Ikaw ba 'yan? B-bakit ka bumalik?









  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019