Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA IV

Third person’s point of view.

Naiinis na idinilat ni Leonardo ang kanyang mata. Naiinis siya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya.

"Fvck!" Inis niyang sabi. Napapikit siya ng mariin. Hinang-hina siya, para bang ginulpi siya ng sampung katao. Nananakit din ang kanyang katawan. Inaalala niya kung anong nangyari kagabi at bakit ganito kasakit ang katawan at ulo niya.

"Damn this headache!" Akmang babangon sana siya sa kama ngunit hindi niya magawa, para bang hindi niya kaya. Umupo siya't pumwesto sa gilid ng kama. Ilalapag niya na sana sa sahig ang kanyang mga paa ng may mapansin siya...hindi niya ito maabot.

kumunot ang noo niya. Bakit hindi niya maabot ang sahig?Sinubukan niya itong abutin ngunit hindi niya talaga kaya. Tiningnan niya ang kanyang paa at hinahanap kung ano ang problema.

"WHAT THE?!" Sigaw niya. Nanlaki lalo ang kanyang mga mata ng marinig ang boses niya. Sobrang liit ng boses niya, parang boses bata— ay mali boses talaga ng isang bata.

Ibinalik niya ang tingin niya sa paa. Maliit ang ito na siyang nagpagulat sa kanya. Nagtataka at naguguluhan na siya. Bakit lumiit ang boses niya? Bakit lumiit ang paa niya? Sunod niyang tiningnan ang kamay niya. Halos takasan siya ng lakas ng makita ito. Maski ang kamay niya ay maliit rin.

"What the fvck is happening?! What's happening to me?!" Aniya. Pinagsasampal niya ang sarili, umaasa na panaginip lang ang lahat.

Ngayon lang din niya napansin na wala siyang saplot. Sa pagkakatanda niya'y wala siyang ikinamang babae dahil nga bigla na lang sumakit ang ulo niya. Sinabihan pa nga siyang boring. Hinanap niya ang kaniyang cellphone at ng makita niya ito ay kaagad na tinawagan ang pinsan niya.

[What?]

"Puntahan mo ako!" Ang liit talaga ng boses niya. Kung dati ay magandang pakinggan ang malalim at nakaka-akit niyang boses, ngayon naman ay naiinis na siya. Bakit pang cute ang boses niya?!

[Who are you? bakit na sa'yo ang cellphone ng pinsan ko?!]

"Pumunta ka dito sa m-may VIP room ng Phoenix. Fvck! What's happening to me?!"

[Sino ka ba?]

Sinabunutan niya ang sarili sa sobrang inis. Hindi suya makikilala ni Kiro lalo na't nag-iba ang boses niya.

"I-it's me, your cousin!"

[Huwag ako, wala kang maloloko dito bata! Ibigay mo kay Alexius ang cellphone! snatcher ka ano?]

"It's me Kiro! Pumunta ka na lang dito sa Phoenix!" Sigaw niya bago ibaba ang tawag.

Nanginginig siya sa takot at kaba. Ano bang nangyayari sa kanya, bakit lumiit siya? Napapadyak siya sa inis.Tinalon niya na lang 'yong higaan. Halos bumagsak siya sa una niyabg hakbang, para bang hindi siya masyadong marunong maglakad. Napahinto siya nang mapadaan siya sa human size mirror.

Nanlalamig siyang tumingin sa salamin. Napasigaw siya at kasabay nito ay ang pagbagsak niya sa sahig.

"Anong nangyayari sa akin?! B-bakit ganito ang katawan at itsura ko?!" Hindi makapaniwala niyang sabi. Napa-atras siya pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa salamin.

Onti na lang at mahihimatay na siya. Sino ba namang hindi mahihimatay kung makita mo ang sarili mo na nasa anyong bata—scratch that, bumalik siya sa pagkabata. Kaya pala ganun ang boses niya, kaya pala lumiit ang paa't kamay niya kasi bata na ulit siya.

Panaginip lang 'to, magigising din suya sa bangungot na ito—ay hindi baka imahinasyon niya lang ang lahat! Tama! Masakit ang ulo niya kaya kung anu-ano ang nakikita niya, epekto lang 'to ng alak at sakit ng ulo.

Pumikit siya at huminga ng malalim. Bumilang siya ng tatlo bago idilatang mata— pero shuta! Hindi siya nananaginip at hindi rin imahinasyon ang nakikita niya! Oh gosh!

"No i-it's j-just a dream—a nightmare!"

Napadaing siya nang matumba siya. Naunang tumama ang kanyang pang-upo at hindi lang 'yon, sobrang lakas pa ng pagkakabagsak niya. Napamura siya sa sobrang sakit, lito, takot at kaba. Naguguluhan siya kung bakit naging bata siya ulit. Kinarma na ba siya? Ito ba ang parusa sa kanya dahil sa panloloko at pananakit niya hindi lang sa mga babaeng naikama niya pati na sa mga taong nasaktan niya.

"Shit! Nakulam ako?!"

Tumayo siya't patakbong kinuha ang cellphone niya. Binasa niya ang text na galing sa pinsan niya.


kiro Rivelio III

-Hoy bata! Wag kang aalis diyan! Snatcher ka! Asan ang pinsan kong mukhang unggoy?!


"Ako?! Mukhang unggoy?! fvck you Kiro. I'll beat you to death!" Inis niyang sabi. Uupakan niya talaga ito, tawagin ba naman siyang unggoy?! Mas mukha pa nga itong unggoy sa kanya.

Pabalik-balik siya sa paglalakad. Gusto niyang tawagan ang Mama niya at ang ate niya pero baka magtaka lamang ito. Mas mabuti nang ang pinsan niyang mukhang baliw ang unang maka-alam. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang taong nagpakulam sa kanya! Lintik lang ang walang ganti.

"Where the hell are you?!" Inis niyang tiningnan ang cellphone niya. Rereplyan niya na sana ang text nito nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan siya.

"Ahhh!" Napasigaw siya— este sila sa sobrang gulat. Nabitawan pa ni Alexius 'yong cellphone niya sa sobrang gulat.

Kinuha niya ang kumot na nasa higaan at ipinangtakip ito sa katawan niya. Ngayon niya lang naalala na wala pala siyang damit. Kita birdie niyang cute size version.

“Isarado niyo 'yong pinto!" Sigaw niya.

Nagtulakan 'yong tatlo papasok bago isarado ang pinto. Si Kiro lang ang pinapapunta niya pero bakit kasama nito si Ian at Angelo?!

"Nasaan ang pinsan ko bata?!" Nilapitan siya ni Kiro. Umupo ito sa harapan niya para mapantayan siya. Ang liit niya kasi.

"Sino ka bata? Nasaan 'yong may-ari ng cellphone na 'to." Dinampot ni Ian 'yong cellphone ni Alexius.

Kumunot ang noo niya ng umupo sa harapan niya si Angelo atsaka siya nito tinitigan. Napahawak pa ito sa baba niya, parang may iniisip si Angelo kahit na wala naman talaga itong isip, nag f-feeling lang na meron.

"Teka, parang pamilyar ang mukha mo bata." Sinundot-sundot nito ang mataba at malambot na pisngi ni Alexius na siyang ikinainis niya.

Hinampas niya 'yong kamay nito "Don't you fvckin’ touch me!" sigaw niya.

Bakas sa mukha ng tatlo ang pagkagulat. Napatakip pa sa bibig ang isa.

"Ay minura tayo." Hindi makapaniwalang sabi ni Kiro.

"Ang lutong ng pagkakasabi niya sa fvckin." Aniya naman ni Ian.

Napa 'What-the-fvck' na lang siya sa isip niya. Napatingin silang lahat kay Angelo nang sumigaw ito, grabe kung makasigaw akala mo nasa kabilang ibayo ang kausap. Ano ba siya? Kalahi ni tarzan?

"Sabi na! Pamilyar 'yang mukha mo bata!" May kinuha si Angelo sa bulsa niya. May kung anong itong ginawa sa cellphone niya bago ito ipakita sa dalawa na nasa likod na niya. Nakiki-usyoso.

"hindi ba, kamukha niya?" Rinig niyang bulong ni Angelo sa dalawa.

Sabay na tumingin sa kanya si Ian at Kiro. Sabay din nilang ibinalik ang tingin sa screen ng cellphone. Kumunot ang noo niya nang iharap ni Angelo sa mukha niya 'yong cellphone. Gusto niyang sapakin si Angelo nang makita kung ano ang nasa screen ng cellphone nito. Picture niya no'ng bata pa siya at nakahubad siya kaya kita ang maliit niyang pututuy.

"Kamukha mo si Alexius!"

"Kamukha din niya si Lerick." Aniya ni Kiro.

"Sinong Lerick?"

"Gago, si Lerick 'yong anak ni ate Leona, kapatid ni Alexius." Inis na sabi ni Kiro.

Binatukan ni Ian si kiro. “Huwag kang magmura, may bata oh.” Aniya bago siya ituro.

“Mas malala nga pagmumura niya sa atin kanina.”

Napa-iling na lang siya sa pinaggagawa ng tatlo. 

"Pero mas kamukha niya si Alexius hindi ba?" Nagtatakang sabi ni Ian.

Pabalik-balik ang tingin ng tatlo sa kanya at sa cellphone. Mukha silang tanga sa ginagawa nila. Hahablutin niya sana 'yong cellphone nito pero itinaas ni angelo 'yong kamay niya.

"Ops! Baka cellphone ko naman ang kuhanin mo." Aniya ni Angelo bago ibilsa ang cellphone niya.

"Burahin mo 'yan!" Humigpit ang pagkakahawak niya sa kumot na nakatakip sa katawan niya. Gigil na gigil na siya, makakasapak na talaga siya!

"Hindi kaya anak 'to ni Alexius?" kumunot ang noo niya sa sinabi ni Ian.

Anak? Nababaliw na ba sila?

Nagkibit balikat si Kiro. "Iyan din ang unang pumasok sa isip ko. Hawig na hawig parang pinagbiyak na bunga."

"Baka nabutas yung condom niya. Iniwan siguro sa kanya itong batang to." tiningnan siya ni Angelo.

"Tatanga-tanga kasi 'yon minsan. Bayo lang ng bayo. Kung kani-kaninong butas ipinapasok ang junjun. " kibit balikat na sabi ni Kiro.

Aba tinrashtalk siya.

"Fvck you Kiro Alexandear Rivelio III." sigaw niya na siyang ikinagulat ng tatlo, lalo na ni Kiro.

Tinaas niya ang gitnang daliri niya kaya mas nagulat 'yong tatlo.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko bata?!" nilapitan ulit siya ni Kiro.

"I'm your cousin AlexanDEAR." Nakangisi niyang sabi. Tiningnan niya si Ian na gulat na gulat.

"What's with your face Alian Barn Lillios?" Mas lalong nagulat si Ian.

"Alam mo pangalan nila bata?!" Tanong ni Angelo.

Nginisian niya si Angelo. "Of course, alam ko rin ang pangalan mo. Angelo Korn Lopez."

Apat lang silang nakaka-alam ng mga totoo nilang pangalan. Si Alexius, Angelo, Kiro at Ian.

"Sino ka ba talaga?!" Sabay-sabay na tanong ng tatlo.

Sino nga ba siya? He's Leonardo Alexius Rivelio, cute size version hahaha!

Pinasadahan nila ito ng tinginmula ulo hanggang paa, tila ba sinusuri siya. Kulang na nga lang ay may lumabas ng laser pang-scan sa mata ng tatlo. 

"Umamin ka nga bata, naka drugs ka?" Natatawang sabi ni Angelo. Napa-aray siya nang bigla siyang batukan ni Ian.

"Ang bata pa niyan para gumamit ng drugs." 

Tiningnan sila ni Kiro ng masama kaya napatigil sila sa pagbabangayan. Tama, makuha sila sa isang tingin. Walang oras ngayon para sa biruin. Paano nalaman ng batang nasa harap nila ngayon ang pangalan nilang tatlo? Ang pangalan nilang mabantot.

"Sino ka ba talaga? Bakit alam mo ang totoo naming pangalan? atsaka anong pinagsasabi mong ikaw ang pinsan ko?" Nagtataka na talaga siya. Walang ibang pinsan si kiro kundi si Alexius at ang kapatid nito na si Leona.

Biglang napa-isip si Kiro. Una, kamukha nito ang pinsan na si Alexius. Para ngang pinagbiyak na bunga tapos kamukha rin nito ang anak ng kapatid ni Alexius— ang pamangkin nilang si Lerick. Pangalawa, alam nito ang totoo nilang pangalan. Pangatlo, nagtataka siya kung bakit may bata sa VIP room ng bar na palagi nilang pinupuntahan. Nakakapagtaka lang talaga, hindi ba?

"It's me Kiro! I'm Leonardo Alexius Rivelio! Maniwala ka sa akin!" Naiinis na si Alexius. Dumagdag pa ang kabang nararamdaman niya. Ang hirap naman kasing paniwalaan na siya si Alexius. Hindi niya alam kung sino ang dahilan at kung bakit siya nagkaganito, kung bakit bumalik siya sa pagkabata. Sisiguraduhin niya talaga na magbabayad ang gumawa nito sa kanya. He'll ruin his or her life bilang kabayaran.

"Huwag mo akong lolokohin bata. Nasaan ba ang mga magulang mo? atsaka bawal ka dito, paano ka nakapasok?"

"Damn it!" Humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa kumot. “Ako nga ‘to! Si Alexius!” 

Umigting ang panga niya pero hindi ito halata dahil mataba ang pisngi niya, nagmukha lang siyang siopao sa ginawa niya. Kung dati ang hot tingnan pero ngayon? Cute na lang.

"Nakulam ako! Tangna nakulam ako!" Tiningnan niya 'yong tatlo na nakakunot ngayon ang noo. Konting push na lang at magdudugtong na ang mga kilay nito. Lumapit siya rito at hinawakan ang tuhod ng pinsan. Tuhod lang kasi ang abot niya. Ang liit niya, matangkad si Kiro.

"Nakulam ako! Anong gagawin ko?! Sinong nagpakulam sa akin?!" Inalog-alog niya si kiro kaya muntik na itong matumba.

"Anong pinagsasabi mong nakulam ka, bata? Adik ka ba?" Takang tanong ni Kiro. Mahahampas niya na talaga sa pwet ang batang 'to.

"Kulang ka ba sa buwan kaya ganyan ka? O baka gusto mo ng gatas?"

"Who the fvck did this to me?! I swear to all saints that I'll kill that person! Damn it! Sino bang nagpakulam sa aki—" Naputol ang sinasabi ni Alexius nang bumukas 'yong pintuan.

Napatingin silang lahat sa pinto. Halos lumuwa ang mga mata nila nang makita kung sino ang nakatayo sa bukana nito.

"Ako." Lumapit ito sa kanila. Napalunok si Alexius sa kaba— hindi, lahat sila ay napalunok.

"Ako ang dahilan kung bakit ka bumalik sa pagkabata." Tumaas ang kilay nito.

Napanganga si Alexius habang 'yong tatlo naman ay natulala. Gulat na gulat sila nang makita ang lola nila Kiro at Alexius. Oo ang lola ni Alexius at Kiro ang pumasok sa silid, ang kanilang Mama. 

"Mama? W-whatdo you m-mean?" Nauutal na tanong ni Alexius. 

Bumuntong hininga ito bago sagutin ang tanong ni Alexius. "Ako ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka. Naaalala mo ba ang mga sinabi ko sayo no'ng sumugod ako sa kompanya mo? Na sana Bumalik ka na lang sa pagkabata."

Nanlaki ang mga mata ni Alexius, naaalala niya ito. Nanatiling tahimik ang tatlo, nakakunot ang mga noo nila dahil wala silang maintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa. Wala silang naiintindihan kaya nananahimik sila.

"Nagkakatotoo ang sinasabi ko Alexius lalo na kapag galit ako. Hindi ako hihingi ng tawad sa ginawa ko dahil dapat lang na mangyari 'yan sayo. Hindi ka maparusahan ng diyos, pwes ako na ang gagawa. Hindi ko babawiin ang sinabi ko at hahayaan kita sa ganyang sitwasyon."

Lumapit siya. "Mama! No! Please bawiin mo! Ibalik mo na ako sa dati!" pagmamaka-awa niya ngunit umiling lang ito.

"No, Alexius. Ito ang magsisilbing parusa sa mga ginawa mo. Sa pananakit mo, sa mga ginawa mong hindi maganda. Babalik ka lang sa tunay mong anyo kapag wala kang ginagawang masama."

"What? You're joking right?" Please say yes!

"Hindi ako nagbibiro, itong mukhang ito? Mukha ba ito ng nagbibiro?!" Itinuro ni Mama ang naka-poker face niyang mukha.

Ibinaling niya ang tingin kay Kiro. "He's your cousin, Kiro. Siya si Leonardo Alexius Rivelio, ang pinsan mong walang ibang ginawa kundi ang manakit ng tao."

Naluluhang tiningnan ni Alexius si Mama. Umaasa na ibabalik siya nito sa normal niyang katauhan. Ayaw niyang maging bata! No! Hindi pwede! Paano na ang kompanya niya? Damn it!

"Hindi mawawala ang sumpa ko hangga't hindi ka napapatawad ng mga taong ginawan mo ng masama, ang mga taong sinaktan mo lalo na ang pamilya ni Perez. Ask for forgiveness, beg if you needed kung gusto mong mawala ang sumpa." She said before leaving.

Iniwan niya ang naluluhang Alexius. Hindi makapaniwala silang tumingin sa bata— este kay Alexius na nakatulala.

...

"What is this?! Bakit pinag-suot niyo ako ng ganitong damit?!" Inis na tiningnan ni Alexius ang tatlo.

Gusto niyang manapak pero hindi niya naman magagawa. Hello, ang liit niya, hindi niya abot mukha ng tatlo. Hanggang tuhod nga lang siya ng mga 'to.

"Cous, Bata ka pa lang kaya dapat pambatang damit ang suot mo. Anong gusto mo? Pag-suotin ka namin ng suit?" Sarkastikong sabi ni Kiro.

"Hahaha tangna ang cute mo. Pa-picture ng— aray!" Napahawak si Ian sa noo niya kung saan tumama 'yong remote ng tv na ibinato ni Alexius.

Ang sadista talaga ni Alexius, tsk.

"Shut the up! Tulungan niyo akong pilitin si Mama na bawiin ang sinabi niya." Sumandal ito sa sandalan ng inuupuan niya. Muntik pa siyang matumba dahil hindi naabot ng likod niya.

Sabay-sabay na tumalikod silang tatlo.

"Tutulungan ba natin 'to?" Bulong ni Ian.

"Paano naman natin siya tutulungan? May naisip ka ba?" Tanong ni Angelo kay Kiro na tahimik na nakatingin sa sahig.

"Mawawala lang daw ang sumpa kapagpinatawag na siya ng mga taong nasaktan niya pero puta! Ang hirap naman no'n. Mahihirapan tayo at mahihirapan si Alexius. Never magsasabi ng sorry ang lalaking 'yan."

Tama si Kiro. Sigirado sila na hindi hihingi ng tawad si Alexius. Wala sa bokabularyo nito ang salitang sorry at thank you. Ano nga bang nagawa ng pinsan niya para isumpa ng lola nila? Ganoon na ba kalala ang kasalanan nito?

Napa-palakpak si Kiro nang may maisip siya. Oo may, isip siya hahaha.

"True love, tama! pwedeng true love ang makaputol sa sumpa." Biglang sabi ni Kiro na nagpagulat sa dalawa.

"True love?! Pft! Tangna ano ka bata?" Natatawang sabi ni Ian.

"Paanong true love? Hihingi nga lang daw ng tawad para mawala ang sumpa." Iritang sabi ni Angelo.

Napahilamos si Kiro. Ipapaliwanag niya nga nang mas malinawan naman 'tong dalawang ugok na 'to. "True love. Lalambot ang puso ni Alexius once na ma-inlove siya. Baka mauso na sa bokabularyo niya ang salitang patawad at salamat. He's heartless at nababalot ng yelo ang puso niya, bakit hindi natin tunawin? Hindi ba? Ma-iinlove siya at mawawala pa ang sumpa." Pagpapaliwanag ni Kiro.

"Kaso mahihirapan naman si Alexius dahil sa kalagayan niya. Nasa anyong bata siya." Naiiling na sabi ni Ian.

Tumango si Angelo bilang pagsang-ayon. "Atsaka imposible naman na ma-inlove 'yan, pft!"

"Subukan natin. Kapag hindi tumalab e di hindi."

Nagtinginan silang tatlo atsaka tumango. Nag-okay sign si Kiro bago humarap kay Alexius na naka-upo sa mahabang sofa.

"Alam na namin kung paano mawawala ang sumpa." Sabay-sabay nilang sabi.

May ngisi sa mga labi nila nang sabihin nila iyon. Sinong hindi mapapangisi sa plano nilang kasing lupet ng totoo nilang pangalan.

"Tutulungan niyo na akong pilitin si Mama?!" Kuminang ang mga mata ni Alexius.

Umiling si Kiro bago bumulong. "Ibang paraan ang naisip namin."

True love huh? Let's see kung tatalab ang plano nila.



  • (3 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019