Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

Eris Mesina


Marahas na isinara ni Alexius ang pinto ng sasakyan bago ito paandarin. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. Nanatili namang walang imik si Eris, panay din ang pagsulyap niya kay Alexius. Gusto niya 'tong kausapin, tanungin kung bakit nagawa niya iyon kay Mina. Ano ba ang ikinakagalit nito? Tungkol ba ito sa sinabi ni Mina na sikreto ni Alexius?

Ilang minuto ang lumipas ay napagpasyahan ni Alexius na itigil muna ang sasakyan sa gilid para pakalmahin ang sarili. Binitawan ang manibela atsaka napahilamos sa sarili. Hindi na mabilang ni Alexius kung ilang beses na ba siyang napapabuntong hininga. Nang medyo kumalma na ay agad niyang hinarap si Eris na nag-aalala sa kanya.

"Kalimutan mo na ang sinabi ni Mina."

Hindi ito sumagot. Sa halip ay mariin nitong kinagat ang ibabang labi na rila ba pinipigilan nitong huwag magsalita. Eris wants to ask something— about the curse. Naguguluhan siya. Mina won't lie to her kaya naguguluhan siya ngayon kung dapat ba niyang oaniwalaan o hindi ang sinabi nito na si Alexius at baby Leo ay iisa, na isinumpa ito na bumalik sa pagkabata.

Inalala ni Eris lahat ng pangyayari noong nasa kanya si baby Leo. Maski maliliit na detalye ay inaalala niya. Isa na doon ang sinabi ni Mina dati noong una nitong makita si baby Leo, na walang ibang pinsan sina Kiro, Alexius at ang nakakatanda nitong kapatid na babae. Ang biglaang pagkawala ni baby Leo lagi, ang litrato na nakita niya noong una siyang pumunta sa mansyon nila Mama. Hindi pinsan nila Kiro at Alexius si baby Leo, pamangkin nila ito. Ngunit naguguluhan si Eris, bakit sinabi nila sa kanya na pinsan nila si baby Leo? Kitang-kita ni Eris na masaya si baby Leo sa litrato habang kalong kalong siya ng nakakatandang kapatid ni Alexius. Idagdag pa ang nangyari nitong nakaraan, ang biglang pabababy talk ni Alexius sa harap niya.

"Totoo ba?" Ibinaling ni Alexius ang tingin sa kanya. "Totoo ba na si baby Leo at ikaw ay iisa?"

Kitang-kita ng mga mata ni Eris ang biglaang pamumutla ni Alexius. Nanginginig muli ang mga kamay nito bago mag iwas ng tingin.

"Kasi naguguluhan na ako. Matagal na akong naguguluhan, mula pa lang noong sabihin ni Mina na kayo kayo lang nila Kiro ang magpinsan. Wala na kayong ibang pinsan. 'yong katanungan na matagal ng bumabagabag sa akin, paano nakakalabas si baby Leo sa apartment ko? Ang biglaang pagkawala nito? Kapag nawawala si baby Leo atsaka ka naman susulpot."

Walang ibang gusto si Eris kundi ang katotohanan at sagot sa mga tanong niya.

"Gu-gumagawa lang ng kwento si Mina."

Mariing ipinikit ni Eris ang mata. Mas mabuting umuwi na muna siya para makapagpahinga. Inayos niya ang bag atsaka ito isinabit sa balikat niya.

"Uuwi na ako."

Akmang bubuksan niya na sana ang pinto nang maring niya ang paglock nito. Hindi makapaniwala niyang tiningnan si Alexius.

"Alexius, uuwi na ako."

"Hindi, mag-uusap tayo. Hindi ko hahayaan na umuwi ka ng hindi naaayos ang gusot na 'to." Saglit na huminto si Alexius. "Please." Pagmamakaawa niya.

Nagtama ang tingin nila ni Alexius. "Patunayan mo sa akin na hindi totoo ang sinasabi ni Mina. Kasi Alexius, naguguluhan na talaga ako. May parte sa isip ko na gustong maniwala kay Mina kaya patunayan mo, na hindi ikaw si baby Leo."

"I-iuuwi na kita."

"Hindi, Alexius. Dalhin mo ako kay baby Leo." Madiing sabi ni Eris.

Ang kailangan niya na lang ngayon ay ang makita niya mismo si baby Leo para magkaroon siya ng rason para hindi paniwalaan ang sinasabi ni Mina.



Matagal na ring hindi nakabisita si Eris sa mansyon ng mga Rivelio. Mula kasi noong matapos ang pagiging babysitter niya kay baby Leo ay naging abala na siya sa paghahanap ng trabaho, idagdag pa si Alexius. Parehas na naibaling ni Alexius at Eris ang kanilang tingin sa sasakyang nakaparada sa gilid. May bisita si Mama?

"Si baby Leo."

Biglang namutla si Alexius. "H-huh? Baby leo?"

"Nandito siya, hindi ba? Siya lang ang kailangan kong makita Alexius para mawalan na ako ng rason na maniwala sa mga sinabi ni Mina."

Alexius remained silent ngunit namumutla pa rin ito. Hindi malaman ni Alexius kung anong gagawin niya. He doesn't want to bring Eris here, but he had no choice kundi ang sundin ang sinabi nito. Natagpuan niya na lang ang sarili na minamaneho ang sasakyan papunta sa mansyon. Alam ni Alexius na matatapos ang araw na ito na galit sa kanya si Eris. Walang siyang balak na sabihin kay Eris ang totoo, pero wala na siyang magagawa kundi ang sabihin na kay Eris ang tungkol sa sumpa kaysa naman sa magsinungaling nanaman siya na siyang magiging dahilan para mas lalong lumaki ang galit sa kanya ni Eris. Ipapaliwanag niya na lang kay Eris ng maayos.

Naglakad silang dalawa papunta sa malaking pinto na ngayon ay nakasarado. Hinawakan ni Alexius ang doorknob. Akmang pipihitin na sana nito ang doorknob nang bigla itong tumigil.

"Promise me, hindi mo ako iiwan." Nanatiling nakatalikod si Alexius.

Mariing ulit na kinagat ni Eris ang ibabang labi. Hindi alam ni Eris kung ano ba ang isasagot niya kaya nanatili na lang siyang tahimik habang nakatingin sa likod ni Alexius. Eris' silence makes Alexius anxious, sad and hurt at the same time. She didn't answer him.

Pipihitin na sana ni Alexius ang doorknob nang bigla itong bumulkas. Narinig ni Eris ang biglang pagmumura ni Alexius na siyang ikinakunot ng noo niya. Anong problema? Kamuntik ng magdugtong ang kilay niya nang biglang humarang si Alexius sa pinyo. Gulat na gulat ito. Tila ba may nakita itong multo o kung ano. Sa hindi malamang dahilan ay biglang nakita ni Eris si Baby Leo kay Alexius, magkaparehas na magkaparehas ang ekspresyon nilang dalawa sa tuwing nagugulat ang mga ito. Umiling si Eris. Hindi siya si baby Leo, siya si Alexius.

"Uh? Anong ginagawa mo?" Kunot noong  tanong ni Eris. Sinubukang tingnan ni Eris ang nasa loob ng mansyon— ang pilit na hinaharangan ni Alexius, ngunit masyado itong matangkad at malapad kaya hindi niya magawang sumilip sa loob.

Pilit na hinaharangan ni Alexius ang pinto na nakabukas. Akmang isasarado niya sana ito nang biglang may humagikhik. Maliit na boses: boses ng bata.

"Titwo! We're bwak!"

Parehas na bumaba ang tingin nila sa bata na nakasilip ngayon sa pagitan ng mga hita ni Alexius. Nakangiti ito. Si baby leo!

Sa sobrang saya ni Eris nagawa niyang itulak si Alexius paalis sa pintuan. Nangilid ang luha niya nang makita ang maliit na bata na matagal ding nawalay sa kanya. Eris misses baby Leo so much. Hindi na nag aksaya ng oras si Eris, agad niyang nilapitan ang bulinggit. Hindi na rin niya pinansin ang pagtawag sa kaniya ni Alexius dahil nakatuon lamang kay baby Leo ang atensyon niya.

Nakangiting itinaas ni baby Leo ang magkabilang kamay, senyales na nagpapabuhat ito.

"Bwuhat!"

Tumango si Eris atsaka ito binuhat. Pinugpog niya nv halik ang pisngi nito na siyang ikinatuwa ni baby Leo. Wala siyang ibang narinig sa bata kundi ang paghagikhik nito.

"Baby leo! Namiss kita!"

"Baby Lweyo?" nakangusong tanong nito. Nakalimutan na ba ni baby Leo ang tawag ni Eris sa kanya? Matagal din kasi silang hindi nagkita kaya paniguradong nakalimutan na siya ng bata.

Nanatiling buhat buhat ni Eris si baby Leo. Pinagmasdan niya ang cute nitong mukha ngunit agad na napatigil sa ginagawa nang may mapansin siyang kakaiba. May nagbago kay baby Leo. Ang dating medyo kulot nitong buhok ay bumagsak, kulay tsokolate rin ang mata nito at pumuti ito. Sinuri niya ang ito. Parang hindi si baby Leo ang buhat niya.

Biglang kinabahan si Eris. Paano kung hindi nga si baby Leo ang batang ito? Paano kung totoo ang sinabi ni Mina sa kanya? Pero impossible na mangyari 'yon. Na si Alexius at baby Leo ay iisa. Napaka impossible. Palihim niyang sinulyapan si Alexius na prenteng nakatayo sa gilid niya at nakatingin sa kanya. Nandito si Alexius ngayon sa tabi niya, at buhat buhat naman niya si baby Leo. Sapat na siguro 'yon para alisin na niya sa isip niya ang mga sinabi ni Mina.

"Am ay hwandsom?"

Napabalik sa sarili si Eris. Muling tinanong sa kanya ng bata kung gwapo raw ba siya. Hwansdsom. Sunod sunod na umiling si Eris. "Hindi ka handsome baby leo."

Narinig ni Eris ang mahinang pagmumura ni Alexius. Saglit niya itong tiningnan ulit atsaka pinandilatan ng mata. May bata, hindi makakabuti rito ang makarinig ng hindi magandang salita.

"Huwat?! Bwut bwut papa told me dat aym hwandsom!"

Nakangiting ibinalik ni Eris ang tingin kay baby Leo. Natawa siya sa itsura nito. Nakanguso ay tila ba hindi makapaniwala sa sinabi niya kanina. Hindi na niya napigilan ang sarili at agad na kinurot ang pinsngi nito. Nakakagigil.

"Hindi ka handsome kasi cute ka. Kapag big ka na atsaka ka magiging handsome."

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Eris nang halikan siya nito sa pisngi. Namiss niya talaga si baby Leo. Inaamin niya, nang kuhanin ito sa kanya ay nakaramdam siya ng sobrang lungkot. Ang dating tahimik at makalat niyang apartment ay nawalan ng buhay. Nawala ang mga laruang nakakalat sa sahig at hindi siya sanay na hindi 'yon nakikita. Nawala rin ang maingay, tampuhin at sadistang bata na mahal na mahal niya.

"Namiss kita ng sobra baby Leo." Maramdamin niyang sabi. Hahalikan niya sana ito sa noo nang bigla na lang kuhanin sa kanya ni Alexius ang bata.

"Enough..." Matigas na aniya Alexius. Tiningnan nito ng masama si baby Leo.

Parehas nilang naibaling ang tingin sa harap nila. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Mama na naglalakad palapit sa kanila. Naibaling ni Eris ang tingin sa babae at lalaking nakasunod dito. Agad na nakilala ni Eris ang babae, ito 'yong nasa litrato. Ang nakakatandang kapatid ni Alexius at ang mama ni baby Leo. Mukhang hindi lang sila ang nagulat, maski si Mama ay nagulat nang makita silang dalawa, lalo na nang makita si Alexius na buhat buhat si baby Leo.  

Nanatili ang tingin ni Eris sa ate ni Alexius. Isa lang ang masasabi niya. Napakaganda nito. Mukhang nasa lahi ng mga Rivelio ang magandang lahi.

"MAMA! PAPA!"

Nagpababa si baby Leo. Tumakbo itong lumapit sa mga magulang niya. Kamuntik pa nga itong madapa, mabuti na lang at agad na naalalayan ng papa nito. Alam na ngayon ni Eris kung saan nagmana si baby Leo.

"Lwok! Lwok! Tito Alesyus aledy have a wife!"

Ilang segundo ang inabot bago rumehistro sa utak ni Eris ng sinabi ni baby Leo. Unting unting namula ang mukha ni Eris. Halos magkulay kamatis na ito. Saglit pa silang nagkatinginan ni Alexius. Nag-iwas siya ng tingin dahil nahihiya at… kinilig siya. Halos magwala ang puso niya sa salitang Asawa. Yumuko siya para maitago ang pamumula ng pisngi niya. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi atsaka paulit ulit na sinabi sa sarili na kumalma.

"Ah ano hindi po ako asawa ni Alexius, ano ba ang pinagsasabi mo baby Leo." Kinakabahan niyang sabi.

Nanatili ang tingin sa kanya ng lahat. Hindi na nga rin mabilang ni Eris kung ilang beses na siyang napalunok dahil sa kaba. Binasa niya ang nanunuyong labi.

"Soon to be wife, Eris." Biglang bulong ni Alexius. Mas lalong nahiya si Eris.

"Baby Leo?" Kunot noong tanong ng mama ni baby Leo.

"Baby Leo po ang tawag ko sa anak niyong cute noon ako po ang nag-aalaga sa kany—" Hindi na natuloy ni Eris ang sinasabi niya nang biglang takpan ni Alexius ang bibig niya gamit ang labi nito. In short, hinalikan siya nito.

Napatulala si Eris sa nangyari. Hinalikan siya ni Alexius sa harap ng kapatid nito. Hindi pa rin magprocess sa utak ni Eris ang ginawa ni Alexius. Nanatili siyang tulala at gulat na gulat. Alexius wrapped his hands around Eris' waist.

"Ate, Meet my girlfriend, Eris. Palagi kong nikukwento ang anak niyo sa kanya dahil mahilig siya sa bata."

Nagtataka siyang tumingala para tingnan si Alexius. Palaging naikukwento? Eh halos hindi nga nito kinuwento si baby Leo sa kanya noon. Inalagaan niya ito kaya kilala niya ang bata. Siniko niya si Alexius dahilan para suminghap ito sa gulat.

Tumango 'yong babae atsaka nginitian si Eris.  "Nice to meet you, Eris. Ako si Alexia Leona Lewis at ito naman ang asawa ko. Si Connor Arse Lewis." Nakangiting pagpapakilala nito sa sarili at sa asawa.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala." Inalis niya ang nakapulupot na kamay ni Alexius sa bewang niya atsaka lumapit kay Leona at kinamayan ito.

Hindi tinaggap ni Leona ang kamay niya na nakalahad, sa halip ay niyakap siya nito ng mahigpit. Muli, nagulat si Eris. Humiwalay din ito atsaka binuhat si baby Leo na subosubo na ngayon ang hinalalaking daliri.

"Ito naman ang aming anak, Si Lerick."

Parang ipinako si Eris sa kinatatayuan niya. Ang emosyon na makikita mo ngayon sa mukha niya ay ng gulat at pagkalito. Lerick? Aleoxius ang sinabing pangalan nila Alexius at Kiro sa kanya kaya ang tawag nila rito ay baby Leo. Kaya bakit biglang naging Lerick ang pangalan nito?

"Lerick po?"

May hindi talaga tama. May mali.

"Yup, his full name is Ares Lerick Lewis."

Mas lalonv nagdugtong ang kilay ni Eris. Hindi lang ang mukha ni baby Leo ang nagbago, pati na ang pangalan nito. Sa oras na ito, napuno ng maraming katanungan ang isip niya. Paano kung totoo nga ang sinabi ni Mina. Nagulat silang lahat nang biglang tumawa si Alexius. Kahit na tumatawa ito ay nakikita ni Eris sa mga mata nito ang kaba. Ano ba ang kailangan kong malaman, Alexius? Ano ba ang dapat kong malaman? What are you hiding?

"Ate! May nakalimutan ka sa full name ng pamangkin ko." Nakangiti niyang sabi.

Hindi lang si Leona, Eris, Mama ang kumunot ang noo sa sinabi ni Alexius. Pati na ang asawa nito. Parang nahihibang na si Alexius.

"Eris, His full name is Aleoxius Lerick Lewis." Sabi sa kanya ni Alexius.

"Gago ka ba?" Aniya ng ate niya na siyang ikinagulat ni Eris. Nagmura ang ate ni Alexius.

"Kailan pa naging Aleox—" Hindi na nito natuloy ang sinasabi ng bigla na lang takpan ni Alexius ang bibig nito atsaka hinatak paakyat sa taas, leaving Eris, Mama, and Ate Leona's husband at the sala. Sinundan nila ng tingin ang dalawa hanggang sa mawala na ito sa paningin nila.

Alam ni Eris na may kailangan na siyang malaman. Ngayon, nakumpirma na niya na may itinatago si Alexius sa kanya, na may kailangan siyang malaman tungkol sa katauhan ni Alexius at ni baby Leo. Napabuntong hininga si Eris. Hinilot niya ang sentido. Nananakit na ang ulo niya dahil sa mga katanungang bumabagabag sa kanya.

Ang akala niya kilala na niya si Alexius, hindi pa pala.

Sino ba talaga si baby Leo? Ano ang kailangan kong malaman? Si baby Leo at Alexius ba ay iisa lang katulad ng sinabi sa kanya ni Mina? Nagpakawala ulit siya ng malalim na buntong hininga.

"Eris? Ija ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni mama sa kanya.

She smiled. "Yes po. Uuwi na po ako, pakisabi na lang po kay Alexius."

"Ipapahatid na kita."

Sa ngayon, kailangan na munang mapag-isa ni Eris. Kailangan niyang ikalma ang sarili. But she won't stop seeking for the truth.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019