Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA III

Third person's point of view.

Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa at sinabi ng kanyang lola. Kasalukuyan siyang umiinom sa bar kasama ang dalawang kaibigan at ang pinsan. Abala siya pag-inom at malalim ang kanyang iniisip.

"Cous, ano bang nangyari at nagkakaganyan ka? Nilulunod mo ang sarili mo sa alak." Kiro said, his cousin.

"Babae siguro ang pinoproblema niy— ay mali baka mga papeles sa opisina ang problema niya hahaha." Tiningnan niya ng masama si Angelo na kaagad din namang itinikom ang bibig. Napailing siya. He don't even know kung bakit naging kaibigan niya ang mga ito at kung bakit kasama niya ito.

"Ano ba talagang nangyari? Ba't bigla kang nag-ayang uminom?" Ian asked pero hindi niya ito sinagot. Basta tuloy-tuloy lang siya sa pagtungga sa Rum na para bang tubig lang ito.

"I don't even know kung bakit nagpasama pa ako sa mga 'to. I regret inviting them. Napaka-ingay nila." Aniya sa sarili.

Patuloy lang siya sa pag-inom. Umiikot at nananakit na din ang ulo niya pero sige pa rin siya. Napabuntong hininga sila kiro at ang dalawa pa habang nakatingin kay Alexius.

"Hindi ko ma-enjoy ang gabing 'to kung tititigan ko lang si Alexius." Turan ni Ian.

"Magpapakasaya na lang ako rito sa bar. Hayaan na natin si Alexius na mag-senti diyan."Aniya naman ni Angelo bago tumayo sa kinauupuan.

Hindi niya na lang sila pinansin, para kasi sa kanya mas okay na 'yon, ang umalis sila para wala ng maingay. Napangisi siya nang mawala na sa pangin niya yung tatlo. Hindi niya alam kung saan nagpunta ang tatlong ugok at wala siyang balak na alamin pa. Huminto siya sa pag-inom nang may tumabi sa kanya. Hindi niya ito tinapunan ng tingin, alam na rin naman niyang babae ito. Masakit sa ilong ang pabango nito, nakakairita.

"Hey handsome? Wanna have some fun? Mukha kasing malungkot ka."

Slut, iyan ang unang pumasok sa isip niya. Naramdaman ni Alexius ang paglapat ng kamay nito sa hita.

"Papaligayahin kita." Mapang-akit nitong sabi.

Binaba niya ang hawak na bote bago ito harapin. She had a nice body, a big chest that fits in his hands. Singkit ito at maputi, pulang-pula rin ang labi nito na tila ba kinagat ng kung sino.

"Are you clean?"

She nodded her head.

"Let's fvck then." He said bago ito hatakin palapit sa kanya.

He cupped her cheeks bago ito halikan ng marahas. He bit her tongue dahilan para mapadaing ito. Gusto niyang magsaya hindi ba? Edi magsasaya. Hurting someone makes him happy, masaya siya kapag may nasasaktan siya. Tumayo siya at sinandal ang babae sa bar counter. Napaliyad ito at ang siko nito ay nakalapat na sa counter bilang suporta. He grabbed her thight atsaka ito ipinulupot sa bewang niya. He was about to remove her undies nang may bumunggo sa likuran niya.

"Pasensya na!"

Umayos siya ng tayo atsaka tiningnan ng masama 'yong bumunggo sa kanya, sa nang-istorbo sa kasiyahan niya.

"Pasensya na talaga." Aniya ng babae na hanggang dibdib lang niya. Mukha itong kinse anyos.

Mukhang nagmamadali ito. Binalik niya ang tingin sa mukha nito. She has a gorgeous face, napakaganda ng bilugan nitong mata na medyo singkit, ang pisngi nito, ang maliit ngunit matangos nitong noo at ang labi nito. Kumunot ang noo niya ng bigla itong tumakbo palayo sa kanya. He heard her again saying her sorry. Hahabulin niya sana ito ng may pumigil sa kanya.

"Let's continue honey."

Binalik niya ang tingin sa babaeng pinapaligaya niya kanina. Mas lalo nitong inilapit ang katawan niya sa katawan ni Alexius. Inalis niya na lang sa isip ang babaeng bumunggo sa kanya at kaagad na binuhat ang nasa harapan niya ngayon.

Naging malikot ang kamay ng babaeng buhat-buhat niya. Maski ang labi nito ay naging malikot na din.Pinagpatuloy niya lang ang paglakad, medyo naiinis siya dahil sobrang bigat nito, gusto niya na nga itong ibagsak.

Nalaglag sa sahig 'yong babae nang mabitawan niya ito. Bigla kasing umikot ang paningin niya, sumakit din ang ulo niya.

"What the heck?! Bakit mo ko binitawan?!"

Hindi niya ito pinansin. Napahawak siya sa ulo niya. Napangiwisiya. Mas lalo itong sumakit pero kakaibang sakit na ang naramdaman niya ngayon, na tila ba binibiyak ang ulo niya sa dalawa at pinupukpok ng martilyo.

"Whatever! Ang boring mo."

Umigting ang panga niya. Gusto niya itong murahin pero nanghihina na talaga siya. Siya? Si Leonardo Alexius Rivelio? Boring? Hays kung alam mo lang kung gaano siya kagaling at kademonyo sa kama. Baka hindi ka na makalakad at baka hanap-hanapin mo pa siya.

Nanghihina man ay pinilit niya pa ring maglakad papunta sa isang VIP room. Saktong pagpasok niya sa kwarto ay ang siya ring pagbagsak niya. Napadaing siya at napamura sa sobrang inis. Hindi pa naman siya lasing, medyo lang pero bakit sobrang sakit ng ulo niya?

Ano 'to? Lasing na kaagad siya? Mataas naman ang alcohol tolerance niya pero bakit ganito ang nararamdaman niya.

"W-what the fvck?!" Pinilit niyang tumayo. Kakaiba talaga ang nararamdaman niya, nung una sumakit ng sobra ang ulo niya pero ngayon? Parang may kakaibang nangyayari sa katawan niya. Nahirapan pa siyang makarating sa kama. Hinilot niya ang sentido niya.

Napasigaw siya sa sakit. Kung kanina ay kaya pa niya, ngayon hindi na. Natagpuan niya na lang ang sarili niya na unti-unting nilalamon ng dilim.

"Sana nanatili ka na lang sa pagkabata na walang kamuwang-muwang at hindi kayang manakit ng tao."


Sa kabilang dako, napailing si Eris nang maalala ang nangyari kanina. Palabas na sana siya nang may mabunggo siyang lalaki. Okay lang sana kung umiinom ito pero hindi eh, nakikipagkainan ito ng labi sa babae.Parang magsisiping na 'yong dalawa, hindi man lang nahiya talagang sa mataong lugar pa pwede naman silang umakyat sa VIP room o hindi kaya ay mag hotel. Tumaas ang balahibo niya, kadiri lang talaga.

Mga tao nga naman. Kung kani-kanino na lang pumapatol at kung saan-saan na lang naglalampungan.

Umiling siya. Aalisin na lang niya sa isipan niya ang mga nakakadiring pangyayari. Eww lang talaga.Masaya siya dahil gising na ang tita niya. Inoperahan na kasi ito at tatlong araw na itong tulog kaya sobrang saya niya nang mabalitaang gising na ito. Halos paliparin na ng driver yung tricycle sa sobrang kulit niya, nabigyan niya pa nga ito ng tip kahit na wala na siyang pera. Good bye ipon tuloy siya.

Halos magkanda-dapa-dapa na siya pero hindi pa rin siya tumigil sa pagtakbo. Binuksan niya kaagad yung kwarto kung saan nagpapahinga ang tita niya. Walang anu-ano'y niyakap niya ito.

"Pamangks! Bala matamaan mo yung puson ng tita mo."

Lumayo kaagad siya."Sorry tito! Sorry tita! Masaya lang talaga ako!"

Inirapan siya ng tito niya. "Halata nga eh."

Napanguso siya. "Sumbong kita kay mama at papa, sabihin ko po na multuhin ka po nil— "

"Joke lang! Ito naman hindi mabiro." Putol ng tito niya sa sinasabi niya.

Natawa siya. Masaya siya dahil sa wakas ay gising na ang tita niya at naipagamot na nila. Gusto niyang magpasalamat sa tumulong sa kanila kaso ayaw naman sabihin ng tito niya kung sino ang mabuting tao na 'yon.

"Ate Eris ko!"

"Baby boy!"Kaagad na tumakbo papalapit sa kanya ang pinakagwapo niyang pinsan. Pagkalapit nito sa kanya ay dinamba naman siya nito ng yakap kaso sa hita lang siya nayakap dahil maliit lang ito. Apat na taong gulang pa lang kasi.

"Ate eris ko! Miss kita!"

Natawa siya. Halata nga dahil sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya."I miss you too baby yuan!"

"Maduga ka po ate! Hwindi mo na po ako nihahatid sa school." Nakangusong sabi nito.Napahagikhik siya bago guluhin ang bunot nitong buhok.

"Busy kasi si ate. Promise ko babawi ako sa 'yo."

"Pwamis mo 'yan ate ko?" Sunod-sunod siyang tumango.

Ibinalik niya ang tingin sa tita niya na nakangiti. Sobrang laki ng pasasalamat niya sa Diyos dahil hindi niya ito hinayaang malagay sa kapahamakan. Aaminin niya, natakot siya noong araw ng operasyon. Natatakot siya na baka mawala ito sa kanila, maraming what if’s na bumabagabag sa kanya noon pero eto at unti-unti ng lumalakas ang tita niya.

“Bakit ka umiiyak, Eris?”

Bigla siyang napahawak sa pisngi at mata niya. Umiiyak nga siya, ni hindi man lang niya namalayan.

“Tears of joy po tita.” 

Sinenyasan siya nito na lumapit na kaagad din naman niyang sinunod. Niyakap siya nito ng mahigpit, ang yakap na puno ng pagmamahal bago siya halikan sa noo. 

“Okay na ako, huwag ka ng mag-alala sa akin.”

Nakangiting tumango si Eris. Ibiniling niya ang atensyon sa tito niya na nakatayo sa isang gilid. Nakangiti ito at sa oras na ito alam ni Eris na totoong ngiti na ang naka-ukit sa labi nito, hindi katulad dati na nababahiran ng sakit at peke ang ngiti.

Tiningnan niya 'yong wallclock. Alas dose na ng madaling-araw. Kailangan niya ng bumalik sa trabaho dahil isang oras lang naman kasi ang pinaalam niya sa manager nila.

"Tita, tito aalis na po ako. Kailangan ko na pong bumalik sa trabaho."

"Sige mag-iingat ka ah? Tumawag ka kaagad kapag nakarating ka na sa trabaho mo."Aniya ng tita niya.

Nginitian niya ito. "Sige po. Babalik po ako bukas ng tanghali."

Tumingin siya sa pinsan niyang si Yuan. Nakabusangot ang cute nitong mukha.

"Baby Yuan, matulog ka na ah? Anong oras na. Babalik rin si ate bukas ng tanghali."

"Ingat ka po ate ko." Ymuko siya at hinalikan ito sa noo.

Nagpaalam ulit siya bago tuluyang umalis. Balik na sa trabaho. Sana lang wala na doon yung nabunggo niya kanina. Eww talaga! Kinikilabutan talaga siya.


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
29 December 2019