Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XXXIII

Third person's point of view

Third person's point of view

Ngayong araw ang date— este pag-uusap ni Alexius at Eris. Date na naging bato pa. Tinignan ni Alexius ang repleksyon niya sa salamin. He's wearing a simple white t-shirt na tinernuhan ng kulay itim na pantalon at kulay puting sneakers. Ngayon na lang ulit siya nakapag-suot ng ganitong damit. He's always wearing suit and tie, pati na ang pambatang damit kaya naninibago siya. He's not sure kung presentable ba ang itsura niya o hindi.

Napahilamos siya sa sarili at umupo sa sofa. Kinakabahan siya, ni hindi nga siya nakatulog ng maayos kakaisip kung ano ang sasabihin niya kay Eris.

"You can do this, Alexius." He said.

Tumayo siya't kinuha ang susi ng sasakyan niya, ang makapal na wallet pati na ang cellphone niya bago lumabasa sa penthouse niya na matagal niya ng hindi nauwian.

He took a day off para lang sa date na ito— wala na pa lang date na magaganap. Dapat ay balik opisina na siya lalo na't ang dami na niyang naiwang gawain.

"Magandang umaga, sir." Bati sa kanya ng security guard.

Tinanguan niya ito bilang sagot bago tuluyang sumakay sa sasakyan niya na kaagad niyang pinaharurot. Ang sarap sa pakiramdam na bumalik na siya sa totoo niyang anyo. Oo, masaya siya na bumalik na siya sa totoo niyang anyo, na hindi na siya isinumpa pero mas lamang ang lungkot na nararamdaman niya, bakit? Balik sa umpisa nanaman. Mahihirapan nanaman siyang lapitan at makasama si Eris.

Kung hindi lang sana siya pinatawad ng Aron Perez na 'yon, tsk!

Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela sa naisip niya. "Simula ngayon, ako na ulit si Leonardo Alexius Rivelio, not baby Leo."

Hindi na siya isinumpa, hindi na siya bata, hindi na siya si baby Leo. He's no longer the cursed billionaire.

Inabot lang ng kalahating oras ang byahe bago siya makarating sa Mall kung saan sila magkikita ni Eris. Pagkatapos niyang iparada ang sasakyan ay bumaba na siya. Nanginginig pa nga ang tuhod niya sa sobrang kaba.

Inilabas niya ang cellphone niya para sana tawagan si Eris ngunit naunahan na siya nito. Bumilis ang tibok ng puso niya. Dalawa ang rason kung bakit nagwawala ang puso niyang nababalot ng kasamaan dati. Unang rason, kinikilig siya. Sino nga bang hindi kikiligin kung tumawag ang babaeng dahilan kung bakit siya nagkakaganito? ang babaeng gusto niya. Pangalawa, sa kaba. Kinakabahan siya at dahil pa rin 'yon sa babaeng gusto niya— kay Eris.

Nanginginig ang kamay niya nang sagutin ang tawag.

"Eris."

Banggitin pa lang niya ang pangalan nito ay namumula na siya. Hindi naman siya ganito dati sa mga babaeng naikama niya. Kapag tinamaan ka nga naman ng pag-ibig.

[Bilisan mo Alexius, nang makapag-usap na tayo. Nandito na ako sa labas ng starbucks.]

Nalungkot si Alexius. Magkikita lang naman sila para mag-usap, hindi para mag date.

"I'll be there in a minut—" hindi na natapos ni Alexius ang sinasabi nang putulin na ni Eris ang tawag.

Napahinto si Alexius sa paglalakad. Nanatiling nakatuon ang atensyon niya sa cellphone niya. He forced a smile bago ito ibalik sa bulsa.

Galit talaga sa kanya si Eris. Napahawak si Alexius sa dibdib niya nang kumirot ito. She's mad but that doesn't mean na susuko na siya. He'll do everything to woo her.

Siya si Leonardo Alexius Rivelio, hindi uso sa bokabularyo niya ang salitang sumuko.

Malalaking hakbang ang ginawa ni Alexius palapit sa security guard na nakatayo sa isang gilid.

"Can I ask you something?"

Tumango ito.

"Ano yon ser?"

"Is there a flower shop around here?"

Saglit na kumunot ang noo nito sa sinabi niya. Mukhang hindi nito naintindihan ang sinabi niya.

"May flower shop ba rito?" pag-uulit niya.

Agad itong tumango bago itura ang ikalawang palapag. "Sa sekond plor ho ser. Pag-akyat mo ay kakanan ka sa unang likuran, nandoon ho ang bilihan ng bulaklak."

Nakangiting tumango si Alexius. "Thank you." Aniya bago maglakad palayo. He even heard the security guard saying good luck.

Good luck talaga sa kanya.

...

"Bakit ngayon ka lang?" Bungad sa kanya ni Eris. Nakataas ang kilay nito at bakas sa mukha nito ang pagka-irita.

Nanatiling nakatago sa likuran niya ang hawak na bouquet.

"Well hello to you too." he said. Ni hindi man lang siya binati ni Eris.

Ibinaling ng dalaga ang tingin sa kamay niyang nakatago sa likuran niya bago ibalik sa kanya ang tingin.

"Ano 'yang hawak mo?" Kunot noo nitong tanong.

Akmang magsasalita sana siya nang unahan siya ng kung sino— hindi, inunahan siya ng isang bata na may nakakairitang boses.

"Nanay, tingan mo! May hawak na bulaklak yung lalaki!" Tukoy nito kay Alexius.

Biglang kumulo ang dugo niya. Padabog niyang nilingon ang batang nanira sa da moves niya. He gave the child a death glare na naging dahilan para umiyak ito. Palagi na lang nakiki-epal ang mga bata. Palagi na lang nitong sinisira ang plano niya.

Binalik niya ang tingin kay Eris na ngayon ay nakatulala at namumula ang mga pisngi. Biglang napangiti si Alexius sa nakikita niya. She's blushing, damn!

Inilahad niya sa harap ni Eris ang bouquet of roses.

"Flowers for you." Nakangiti niyang sabi. Akala niya'y matutuwa si Eris sa ginawa niya, pero akala niya lang talaga 'yon.

"Hindi mo a-ako madadaan sa pabula-bulaklak na 'yan, Alexius." Aniya bago mag-iwas ng tingin.

People are staring at them, hinahantay ang susunod na gagawin ni Alexius.

"Aray, na-reject si kuya pogi."

"Kung ako sa kanya, iiyak na lang ako."

"Akin na lang 'yang bulaklak!"

Umigting ang panga ni Alexius sa naririnig niya. Nakakairita, bakit ba kasi dito pa sila nag kita ni Eris? Ayan tuloy, nasaksihan nila ang pag-reject sa kanya.

Umayos ng tayo si Alexius bago lapitan si Eris. Namula lalo ang pisngi ng dalaga nang ilapit niya ang mukha sa tainga nito.

"Masama bang bigyan ng bulaklak ang nililigawan ko?"

Naibuga ni Eris ang hinga niya na ilang segundo niyang pinigilan. Pakiramdam niya'y rinig na rinig ang malakas at mabilis na pag tibok ng puso niya kaya umatras siya palayo. She touched her left ear kung saan siya binulungan ni Alexius.

Jusko! Bakit hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang hininga nito?!

"A-akin na nga 'yan!" Inis niyang inigaw sa kamay nito ang bouquet.

Mas lalong namula ang mukha ni Eris nang makitang nakangiti si Alexius. Tinalikuran niya ito para hindi makita ang napakagwapo— este nakakairita nitong mukha.

"H-huwag kang ngumiti diyan, baka nakakalimutan mo na kaya tayo nagkita ay para mag-usap, umayos ka Ale—"

"Why don't we enjoy this day. It's our Second date, Eris, mamaya na tayo mag-usap tungkol sa nangyari." Putol ni Alexius sa sinasabi niya.

Aalma pa sana siya pero nahila na siya nito papunta sa kung saan. Nagwawala ang puso't isip niya habang tinatahak nila ang daan papunta sa escalator.

Date?! Mag-uusap sila at walang date na magaganap!

Nanatiling tahimik si Eris nang dalhin siya ni Alexius sa sinehan. Tinanong pa siya nito kung anong papanuorin nila at Miss Granny ang pinili niya.

Nanatiling nakabaling ang atensyon niya kay Alexius na nakangiting bumibili ng popcorn. Ngayon lang din niya napansin ang suot nito. Ngayon lang niya ito nakitang nakasuot ng simpleng damit.

"Is that all sir?" Tanong ng nasa kahera.

Alexius nodded his head as an answer bago iabot ang isang libong piso. Kitang-kita ng mga mata ni Eris kung paano hawakan ng babae ang kamay ni Alexius, kitang-kita rin ng mga mata niya kung paano ito magpa-cute.

Biglang nakaramdam ng inis si Eris sa nakikita niya. Naiinis siya sa babae pati na kay Alexius.

"Date raw pero hinahayaan niyang magpa-cute sa kanya itong babaeng 'to." Bulong niya.

Mas lalong kumulo ang dugo ni Eris ng nakangiting pinasalamatan ni Alexius 'yong babae. Hindi makapaniwala siyang tumawa. He said thank you!? Nang nakangiti?! Is he really Alexius?

Inis na lumapit si Eris kay Alexius atsaka tumikhim. Sinigurado niyang makikita ng babae ang hawak niyang bulaklak, gusto niyang ipamukha dito na ang lalaking nilalandi nito ang nag bigay sa kanya ng bulaklak.

Tigil-tigilan niya ang pagpapa-cute rito kung ayaw niyang ma-prito.

"Halika na! Alam mo naman na nagmamadali ako." Hinatak niya si Alexius papunta sa entrance ng sinehan.

Gustong sampalin ni Eris ang sarili. Usap lang talaga dapat, walang date na magaganap, pero eto siya't pumayag sa gusto ni Alexius at siya pa talaga ang nanghatak papasok sa sinehan.

"I like it when you're jealous."

Aalisin niya sana ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan nito pero pinigilan siya ni Alexius. What he did next makes her jaw dropped. Hinawakan ni Alexius ang kamay niya, now their hands are intertwined with each other.

"I'll make sure you'll enjoy our date today." He winked.

Parang may pumana sa puso ni Eris na ilang beses ng napana ni kupido. Baka abutin pa siya ng magdamag kung bibilangin niya ang mga palaso na nakatarak sa puso niya.

Naninibago siya kay Alexius. Hindi ito ang lalaking palaging laman ng mga magazine, chikahan at balita, hindi ito ang lalaking binansagang demonyo at walang puso. Ang nakikita at kasama niyang Alexius ngayon ay nakangiti at masaya.

Napahawak si Eris sa dibdib niya. Ito ba ang sinasabi ni Alexius noon na ipapakita niy kung paano manligaw ang isang Rivelio? Nagsisimula na ba siya?

Inalalayan siyang umupo ni Alexius. Puno ng pag-iingat ang bawat kilos nito at...hindi nawawala ang ngiti nito sa labi.

"Nilalamig ka ba?"

Umiling siya. "Hindi."

"Tell me if you're feeling cold."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano namang gagawin mo kung nilalamig ako? Hello, wala kang dalang jacket Alexius."

Ngumisi ito. Nanlaki ang mata niya nang yakapin siya ni Alexius.

"Is this enough? Eris, hindi mo kailangan ng jacket para maalis ang lamig na nararamdaman mo, dahil ang kailangan mo ay ang yakap ko."

Sa loob-loob ni Eris ay nagwawala na siya. Nag-iinit ang kulay pula niyang pisngi. Mabuti na lang at madilim sa sinehan kaya hindi halata ang pamumula ng pisngi niya.

"Hindi pa nga nagsisimula 'yong palabas pero may naglalandian na." Bulong ng kung sino.

Kaagad niyang itinulak palayo si Alexius sa kanya. "T-tigil tigilan mo akong lalaki ka!"

Natatawang itinaas ni Alexius ang dalawang kamay na tila ba sumusuko siya. Baka hampasin pa siya ni Eris gamit ang bouquet.

Nanatiling tahimik ang Eris habang siya naman ay nanatiling nakatingin dito. Pinakatitigan niya ang mukha nito. She's pretty— no, scratch that. She's gorgeous. Sa paningin niya dari ay wala itong itsura, ni hindi nga ito pasok sa standards niya pero ang mabuti nitong loob ang dahilan kung bakit niya ito nagustuhan.

Siya lang, si Eris lang ang babaeng nagpakita at nagparamdam sa kanya ng pagmamahal, pag-aalaga at kasiyahan noong si baby Leo pa siya. Katawan lang naman ang habol ng mga babaeng nakapalibot at nahuhumaling sa kanya. He never felt love, but Eris came into the picture. He took care of him when he's curse, inalagaan siya nito kahit na masama ang trato niya dito. But Eris hate his true form, hindi niya naman ito masisisi. Dapat lang na magalit sa kanya ang dalaga dahil sa mga ginawa nito sa kanya pati na sa pamilya ng tito nito.

Hindi namalayan ni Alexius na nasa kalagitnaan na sila ng palabas. Napabalik lang siya sa sarili ng magsalita si Eris.

"Alexius, paano ka nakapasok sa apartment ko?"

Napako siya sa kinauupuan niya.

"P-pinagbuksan ako ni Leo."

"Huwag kang magsinungaling sa akin. Hindi abot ni baby Leo ang lock sa pinto."

Napalunok siya sa sinabi nito. "listen, I'm sorry Eris. I didn't mean to do that. Totoo ang sinabi ko na pinagbuksan ako ng pinsan ko, he used a chair to unlock you door. I was too tired that night kaya nakatulog ako sa kama mo— sa tabi mo."

"Bakit ka nakahubad!? Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko ng gabing 'yon?! Takot, Alexius! Natakot ako dahil akala ko'y magnanakaw, rapist at akyat bahay ang lalaking nakapaibabaw sa akin!" Sigaw ni Eris.

Nabalot ng SHHH ang sinehan dahil sa sigaw ng dalaga.

"Eris, i'm so sorry for scaring you."

Napahilamos si Eris sa sarili niya. She heave a sigh bago sumandal sa sandalan ng inuupuan niya.

"Fine, pinapatawad na kita, pero sa susunod na gawin mo ulit 'yon ay magkita na lang tayo sa barangay."

Nakahinga na ng maluwag si Alexius nang marinig ang sinabi ni Eris. Natanggal na ang bara sa dibdib niya, wala ng rason para hindi siya makatulog kakaisip.

Ibinalik na lang ni Eris ang tingin sa harap. Nasa parte na sila ng palabas kung saan nabangga ang apo ng bida.

"Si baby Leo nga pala, kailan siya babalik sa akin?"

Baby Leo's gone Eris.

Naiyukom ni Alexius ang kamay. "He's...he's not coming back, Eris."

Nabitawan ni Eris ang hawak na popcorn, dahilan para lumikha ito ng ingay.

"SHHH! ANO BA MAY NANUNUOD OH!"

Hindi makapaniwala siyang tiningnan ng dalaga. Madilim pero kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Nag-iwas siya ng tingin. I'm sorry Eris, but baby leo's gone.

"His parents are back."

Saglit na natahimik si Eris ngunit hindi rin nagtagal ay ngumiti siya— isang pilit na ngiti.

"B-buti naman, sana naman alagaan na nila ng maayos si baby Leo." Kasabay ng pagtayo ni Eris ay ang pagtapos ng palabas.

"T-tapos naman na tayong mag-usap kaya uuwi na ako." Huminto sa pagsasalita si Eris. Ang sunod nitonf sinabi ay ang siyang naging dahilan para tumigil ang mundo ni Alexius.

"Wala ng rason para magkita tayo." Aniya ni Eris bago maglakad palayo.

Natulala si Alexius kaya hindi kaagad siya nakatayo. Dali-dali niyang hinabol ang papalayong bulto ni Eris. He tried to reach her hand pero masyadong maraming tao.

Damn it! Hindi pwedeng dito na lang matapos ang lahat.

"Eris!" Tawag niya sa rito nang tuluyan na siyang makalabas sa sinehan. Iginala niya ang tingin para hanapin ito.

Napamura siya sa inis. Bakit ba biglang dumami ang tao?!

Hindi mapakali si Alexius. Kailangan niyang hanapin si Eris, kailangan niya itong maka-usap. Hindi pwedeng basta-basta na lang itong magpaalam sa kanya't iwanan siya.

Nagmamadaling lumapit si Alexius sa nakatalikod na bulto ni Eris. Ngunit ang mabilis niyang hakbang ay unti-unting bumagal nang makita ang kausap nito.

His eyes saw how the guy tapped Eris' shoulder, kung paano nito ngitian si Eris. Naiyukom ni Alexius ang kamay niya sa galit. Ang lungkot na nararamdaman niya kanina ay napalitan ng matinding galit.

"Luke..." Kasabay ng pagbigkas niya sa pangalan nito ay ang siya ring paglingon nito sa kanya.

Ngumisi ito sa kanya bago akbayan si Eris. Susugurin niya sana si Luke nang bigla itong maglakad palayo kasama si Eris. Hindi na niya naabutan ang dalawa nang makasakay na ito sa elevator.

"Damn it!"


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019