Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

kabanata 49


Third Person's POV

Nabalot ng musika, tunog ng mga kubyertos, at boses ang kinakainan nila Eris at Luke. Noong una ay tinaggihan ni Eris na kumain sila sa mamahaling restaurant ngunit pinilit siya ng kaibigan niya kaya eto siya ngayon at nakaupo sa napakagandang upuan. Kakatapos lang nilang umorder kaya inabala muna nila ang sarili sa pag-uusap. 

Nagkamustahan at nagkuwentuhan. Mabuti na nga lang at hindi na inungkat pa ni Luke ang tungkol sa kanya at kay Alexius. Nakahinga ng maluwag si Eris.

"Bakit ba kasi hindi ka nagsasabi na aalis ka pala. Muntik ko na tuloy makalimutan na may kaibigan ako na nag ngangalang Luke Gonzaga." Pang-aasar ni Eris sa kaibigan. 

Totoo naman na kamuntikan na niyang makalimutan si Luke dahil napunta kay Alexius lahat ng atensyon niya. Speaking of Alexius, hindi pa rin ito nagtetext sa kanya. Bumagsak ang balikat ni Eris. Siya itong nagsabi na huwag na muna siyang guluhin pero siya rin itong nalulungkot dahil hindi nga nagparamdam si Alexius sa kanya. 

"Don't worry, hindi na mauulit 'cuz i'm staying here for good."

Nanlaki ang mga mata ni Eris. "Huh? Pero hindi ba't ikaw muna ang nag-aasikaso ng kompanya niyo?" Nagtatakang tanong ni Eris sa kaibigan. Iyon kasi ang dahilan kung bakit kung minsan ay hindi niya nakikita ang kaibigan ng mahigit ilang buwan. Dahil sa ito ang tagapagmana ng kompanya ng pamilya nito. 

Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Luke. "Ako pa ron, pero may iba akong kailangang asikasuhin ngayon." 

Biglang kinabahan si Eris. Kinilabutan din siya sa hindi malamang dahilan. Nakangiti pa  rin si Luke, ngunit kakaiba na ang ngiti nito kaysa kanina. It feels like the smile on his lips is a twisted smile. Hindi natural. Napalunok si Eris. Saglit na nag-iwas ng tingin si Eris. Akala niya ay guni-guni niya lang ang nakita kanina. 

"M-mabuti naman." Tumawa si Eris. 'yong klase ng tawa na nababahiran ng kaba. Hindi niya malaman kung bakit ganito ang nararamdaman niya, kinakabahan.

Saktong dumating ang pagkain nila. Eris didn't wait any second at agad na kumain. In-enjoy na lamang ni Eris ang pagkain. Ang hindi niya alam ay nakatingin pa rin sa kanya si Luke. Nawala na ang ngiti sa labi nito. Ang mukha nito ay nababahiran na ng pagkaseryoso. Pinaikot nito ang hawak na tinidor habang pinagmamasdan si Eris na abala sa pagkain. Nang mag-angat ng tingin si Eris ay ang siya ring pagsilay muli ng ngiti sa labi ni luke. 

"Baka matunaw ako ah."

"Only Alexius can to do that, Eris." saglit itong tumigil. "Kayang tunawin ng pagmamahal ang kahit na ano, even the ice that surrounds Alexius' heart."

Saglit na natigilan si Eris, nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Luke ay agad naman itong natawa. Kamuntikan pang mabulunan, mabuti na lang at naiabot sa kanya ni Luke ang tubig. Hindi niya inaasahan na kaya palang humugot ng kaibigan niyang si Luke. 

"Ikaw ah, nawala ka lang dumami na agad nalalaman mo sa love. Hindi ka naman ganyan dati." Aniya Eris bago muling sumubo ng pagkain. Kahit kailan kasi ay hindi niya narinig si Luke na humirit ng kung ano patungkol sa love kaya hindi niya talaga inaasahan na maririnig niya iyon. 

"People can change, Eris. Minsan hindi niyo na lang napapansin na nagbago na pala ang isang tao." 

Hindi na pinansin ni Eris ang sinabi ng kaibigan. Tinanguan niya na ito. Nagmadali na si Eris sa pagkain dahil palalim na ng palalim ang gabi, kinakailangan niya ng umuwi nang makapagpahinga na. Maaga pa siyang gigising bukas para makapaghanda ng babauning pagkain sa trabaho, baka kasi ayain nanaman siya ng mga kaatrabaho, ni Mike. 

Nasa kalagitnaan ng pagkain si Eris nang muling basagin ni Luke ang katahimikan sa pagitan nila. Pinagsiklop nito ang kamay atsaka idinantay ang baba sa kamay. Nakangiti pa rin ito sa kanya, maya maya ay naging seryoso ang mukha nito.

"He didn't force you right?"

"Ha?"

"Alexius didn't force you to become his lover, right?" pag-uulit nito.

Kinuha ni Eris ang table napkin atsaka pinunasan ang gilid ng labi niya. Umayos siya ng upo bago balingan ng tingin ang kaibigan. She smiled at Luke. Bagyang nagulat si Luke sa nakita. Why did she smile?

"He didn't." Sumandal si Eris sa inuupuan. "He asked me to give it a try and to give him a chance and I said yes." 

Kitang kita ni Luke sa mga mata ni Eris ang saya. Sa ngiti na ipinapakita nito sa kanya at sa emosyong nasa mukha ng dalaga. 

"Hindi naman ako nagsisi na pumayag ako." dagdagi ni Eris.

 Akmang magsasalita pa sana si ito nang unahan siya ni Luke.

"Do you love him?"

Kumabog ng mabilis ang puso ni Eris. Namula rin ang pisngi niya. Kitang-kita ni Luke ang pagsilaw muli ng ngiti sa labi ng dalaga at ang pamumula ng pisngi nito. Kasabay ng pag-igting ng panga niya ay ang pagyukom niya sa kamay. Alam na ni Luke ang sagot sa tanong niya, at hindi niya ito nagustuhan. Wala siyang ibang nararamdaman ngayon kundi, inis, galit, lungkot, at sakit. 

He was expecting Eris to answer him with a "No" or "Not yet" dahil may pagkaktaon pa para ilayo ang kaibigan kay Alexius, Para mailayo sa gulo. 

"Do you love him?" ulit ni Luke sa tanong niya.

"Yes, i'm in love with him: Alexius."diretsahang sagot ni Eris.

Tuluyan ng bumagsak ang balikat ni Luke. 

"I'm sorry, Eris." he whispered. He's sorry because he'll betray Eris. Dahil madadamay ito sa gulo and he had no other choice but to do what his father asked him to do, to ruin Rivelio's life and their love ones. That includes Eris. 

Kung hindi siya ang gagawa, he'll father will do the job at hindi niya hahayaan na ito ang gumulo kay Eris. kahit na pilitin niya si Eris na layuan ang dating kaibigan na si Alexius ay hindi naman ito gagawin ng dalaga, dahil mahal nito si Alexius.



Sa kabilang dako. Hindi mapakali si Alexius habang nakatingin sa cellphone nito. Kanina pa niya gustong padalhan ng mensahe si Eris ngunit pinipigilan niya ang sarili. Ayaw niya munang guluhin si Eris. Papalamigin niya muna ang ulo nito. Inis niyang ibinato ang cellphone sa sofa ng penthouse niya.

Isa pa sa gustong tanungin ni Alexius sa dalaga ay kung bakit nito itinago ang katotohanan tungkol sa bago nitong trabaho. He wants to kno why Eris hid that from him. Mariing ipinikit ni Alexius ang mata. Siguro dahil sa inaakala ni Eris na papatigilin niya ito sa pagtatrabaho. That's what he did back then noong nagtangkang tumigil si Eris sa pagiging babysitter niya— ni Alexius. He didn't let her find a job because he want Eris to stay beside him. Siguro, iyon nga ang rason.

Hindi nagtagal ay tumunog ang phone niya. Nagmamadali niyang kinuha ang inihagis niyan phone kanina kanina lang. He was expecting to see Eris' name on the screen, ngunit ang bodyguard niya ang rumehistro sa callers ID. Sumeryoso ang mukha ni Alexius. Pinindot niya ang answer button bago ito itapat sa tainga.

Alexis felt something strange.

[Sir, nakalabas na ho si ma'am Eris sa pinapasukan at kasalukuyan na siyang naghihintay ng masasakyan.]

Napangiwi si Alexius. Gusto niyang sunduin si Eris, gusto niya itong makita at makasama pero hindi maaari.

"Bantayan niya lang siya ng maigi. I want your men to guard her place. Doble seguridad. Are we clear?"

[Yes, sir]

"Very good then." Akmang ibababa na sana niya ang tawag nang muling magsalita ang nasa kabilang linya.

[Sir, may lumapit na lalaki kay ma'am Eris... at mukhang kilala ito ni ma'am.]

Humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa cellphone. Umigting ang panga niya at nagsalubong ang kilay. Sino ang lalaking 'yon?

[Mukhang kilalang kilala ni Ma'am Eris ang lalaki sir.] dagdag pa ng nasa kabilang linya.

He felt something strange— again. Bigla siyang kinutuban ng hindi maganda. It's not jealousy, iba ang nararamdaman niya. Na tila ba may mali sa nangyayari.

"Send me a picture of that guy." He said.

Ito ang unang beses na nanghingi siya ng litrato mula sa mga bodyguard niya, because he doesn't need one back then. He trust Eris and what he only needs was to know that Eris was safe. Sadyang hindi lang maganda ang nararamdaman ni Alexius sa nangyayari, lalo na sa lalaking sinabi ng mga tauhan niya. Alam ni Alexius na hindi niya dapat palagpasin 'to.

Hindi na nagdalawang isip pa si Alexius na ibaba ang tawag. Hindi niya binitawan ang hawak na cellphone. Nanatili rin ang tingin nuya sa screen nito. Ilang segundo lang ay natanggap na niya ang mensahe mula sa tauhan niya. Saglit pa siyang napatulala. Something's not right. Iyan ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.

Agad na bumungad kay Alexius ang litrato nang pindutin ang mensahe. Halos magdugtong ang kilay niya nang makita kung ano ang nasa litrato. Maliit lang iyon pero kitan-kita ang bulto ng lalaki na nakatayo sa harap ni Eris. Pinindot ni Alexius ang mismong litrato para mas lumake ang imahe.

Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita nang mas malinaw at mas maayos ang litrato— ang mukha ng lalaking kasama ni Eris. Hindi niya nagawang alisin ang tingin sa screen. His hands are shaking.

Kilalang kilala niya ang lalaking 'yon. Hinding hindi niya makakalimutan ang mukhang 'yon. The man who's in the picture was the man he used to he friends with. Ang anak ng kaaway ng kanilang pamilya. Luke Gonzaga.

Anong kailangan nito kay Eris? Bakit kilala nila ang isa't-isa? Napatigil bigla si Alexius nang may maalala. Noong nilagnat siya ng nasa anyong baby Leo, noong mapanaginipan niya ang ama. He remembered that Eris mentioned that it was her friend who helped her to call the doctor to check on him. He remembered what name she mentioned— Luke.

Marahas na inihagis ni Alexius ang cellphone sa pader na siyang naging dahilan para masira ito. Malalim ang paghinga niya. Halos magsilabasan na rin ang ugat sa kanyang kamay at leeg dahil sa sobrang higpit ng pagkakayukom nito.

He's back, again. Luke Gonzaga.




  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019