Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XX


Eris Mesina

"Lalaro tayo o ik-kiss kita?"

Saglit akong natahimik pero kaagad rin akong batawa nang rumehistro na sa isip ko kung ano ang sinabi ni baby Leo. Lalaro daw kami o kiss? Ang cute niya tuloy lalo! Nakakagigil!

Binuhat ko siya. "Matutulog ka o ikikiss ka ni ate Eris sa pisngi?"

Biglang namula 'yong pisngi ni baby Leo tapos pinaglaruan niya pa 'yong daliri niya.

"Sa pisngi lang?"

Ha? Ano daw sabi niya? Napapadalas ata ang pagbulong niya.

"Ano 'yon baby Leo?" Taka kong tanong sa kanya.

"Wala! I said aym going to sleep na lang! Ayaw mo naman makwipag pway sa akin." Nakanguso niyang sabi.

Hay, buti naman at sumuko na rin siya. Matutulog din pala siya.

"Pinasaya mo si ate Eris! Dahil d'yan ikikiss ko ang napaka cute kong alaga!"

Pinugpog ko siya ng halik sa pisngi at noo. Ang cute niya talaga! Lalo na ngayon dahil mas lalong namula 'yong pisngi niya. Kasing pula na ito ng hinog na kamatis. Kumunot ang noo ko nang inguso niya lalo 'yong lips niya. Inilapiy pa niya lalo ang mukha niya sa mukha ko. Anong ginagawa ng bulinggit na 'to?

"Hoy baby Leo bakit nakanguso ka d'yan?"

"Kwis mo ako sa lips."

Nanlaki ang mga mata ko. Kiss ko siya sa lips? Naramdaman ko ang biglang pag-init ng pisngi ko nang maalala ko si...Alexius. Para bang biglang nag flashback sa isip ko ang nangyari. Ang aksidente na naging dahilan ng pagkawala ng virgin lips ko.

Ilang beses akong umiling. Jutko! Bakit ba bigla kong naalala ang pangyayaring 'yon?! Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

"So? Are you gwowing to kiss me on my lips?" Aniya ni baby Leo. Ininguso pa nito lalo ang labi niya.

"A-ano baby Leo hindi ka pwedeng i-kiss ni ate Eris sa lips. Ang iki-kiss ko lang sa lips ay ang lalaking nakatadhana para sa akin, ang lalaking makakasama ko sa panghabang buhay, in short, future husband." Pagpapaliwanag ko.

Muntik na ulit magdugtong ang kilay kong hindi on flick nang bigla siyang tumawa ng malakas. Niyakap niya rin ako ng sobrang higpit. Yung yakap na para bang ayaw kang pakawalan. Ano bang nangyayari kay baby Leo? Simula ng bumalik siya sa akin ay parang ibang-iba na siya. Ano nanaman kaya ang ginawa ng Kiro na 'yon?

"Ang saya-saya mo ah." Tinaasan ko siya ng kilay pero nginitian niya lang ako.

"I'm so hapwi! Bwery bwery happy! I'm going to slwip na!"

Halata nga na masaya siya. Abot langit ba naman ang ngiti niya tapos kumikinang pa ang mga mata niya.

Tingingnan ko muna si ate Jela at si Mina. "Patulugin ko lang po muna siya." Tinuro ko si baby Leo.

Tumango sila bilang sagot. Tinawag ako ni Mina bago ako maglakad papasok sa kwarto ko.

"I'll leave my calling card here. Let's hang out sometimes." Nakangiti nitong sabi.

Jutko! Gumaganda siya lalo kapag ngumingiti siya. Ang swerte naman ni Kiro. Nakangiti akong tumango bago tuluyang pumasok sa silid. Ibinaba ko si baby Leo sa higaan atsaka ako naglagay ng unan sa gilid niya, baka kasi malaglag siya ang kulit pa naman niya matulog. Kinuha ko 'yong feeding bottle niya na may laman ng gatas. Nagtimpla na kasi ako kanina dahil kanina ko pa talaga binabalak na patulugin siya.

Binuksan ko ang mga  bintana bago i-on 'yong bintilador. Tinapat ko ito kay baby Leo para hindi siya mainitian. Summer pa naman ngayon kaya sobrang init talaga.

"I heyt summer! It's so hot! Bakit kashi walang wercon?"

Napailing ako sa sinabi niya. Tinapat ko na nga sa kanya 'yong bintilador pero naiinitan pa rin siya. Hindi ko naman siya masisisi kasi mainit talaga. 'Yong init na para kang iniihaw ng buhay.

"Sorry baby Leo, tiis muna kapag nasa bahay ni ate Eris. Mahirap lang kasi ako." Tumawa ako.

Ginulo ko 'yong buhok niya.

"Hayaan mo pupunta tayo sa SM kapag nakuha ko na sahod ko. Mamasyal tayo tapos magpalamig na rin." Nakangiti kong sabi.

Hindi ko alam pero parang may nakita akong lungkot sa mata ni baby Leo. Bigla niyang inangat 'yong dalawa niyang kamay.

"I'm sow sorry. I don't care kung walang wercon! Bwasta kasama kita! Now hug me Eris!"

Ay kanina pa siya Eris ng Eris, walang ate. Pasaway na bata!

"Ayoko, Eris lang tawag mo sa akin." Tinalikuran ko siya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya nilingon ko ulit siya. Halatang naiinis na siya dahil nakakunot na maputi niyang noo.

"Ano? Yayakapin ka ni ate Eris o hind—"

"Hug me ate Eris...pwease!"

Niyakap ko siya kaagad dahil hindi ko na matiis ang ka-cute-an niya. Ang cute niya talaga! Kapag nagka anak ako gusto ko kasing cute niya. Tinabihan ko muna siya atsaka tinapik-tapik sa maliit niyang hita para mabilis siyang makatulog. Humikab ako. Ang tagal naman makatulog ni baby Leo, baka ako na ang makatulog nito. I started humming habang patuloy sa pagtapik sa hita niya.

Ipinikit ko ang mata ko.

"Hey, you said na ang iki-kiss mo lang ay ang pyutur hwasband mo."

"Hmm?" Inantok ako bigla.

"You kissed me Eris, ibig sabihin ako ang future husband mo."

Hindi ko masyadong narinig 'yong sumunod na sinabi ni baby Leo dahil sa sobrang antok. Itatanong ko na lang mamaya kung ano ang sinabi niya.

Niyakap ko si baby Leo. "Baby, sleep ka na."

"Okay baby."

 

Leonardo Alexius Rivelio.

Hindi naman talaga siya nakatulog dahil hindi siya makatulog. Tinawag  siyang baby ni Eris! Oo, palagi naman  siyang tinatawag ni Eris na baby leo pero kasi iba ang dating sa kanya ng sinabi nito. Baby lang at walang Leo, feeling niya tuloy 'yon na ang tawagan nila. Ilang oras ng tulog si Eris at ilang oras na rin niya itong pinagmamasdan. Wala na si Mina at Jela dahil sinundo na ito ni Kiro. Nainis pa nga siya dahil nagsisisigaw pa si Kiro, nainis ito dahil bigla na lang daw nawala si Mina, ang Fiancée niya. Kesyo nag-alala raw ito at kinakabahan daw. Akala niya tuloy magigising si Eris.

Speaking of Mina. Kinabahan siya kanina nang makita ito, pero mas kinabahan siya sa mga sinabi nito. Damn! Mabubuko na ba siya? Hindi naman niya inaakala na sasama ito. Matagal na niyang kilala si Mina dahil Apo ito ng kumare ng Mama nila.

Sa susunod iiwasan na muna nila ang Mina na 'yon. Ilalayo niya si Eris sa babaeng 'yon dahil baka kung anu-ano pa ang lumabas sa bibig nito na maging dahilan para malito si Eris. Alam niya kasi na naguluhan at nagtaka si Eris sa mga narinig kanina. Kitang-kita ng mga mata niya kung paano kumunot ang noo ito.

Bumuntong hininga siya. Pinagmasdan niya si Eris na natutulog sa tabi niya. Nakanganga ito at humihilik pa pero maganda pa rin si Eris.

"Future husband huh? Ako ang first kiss mo Eris at alam kong ako ang tinutukoy mong future husband. Hintayin mo lang na bumalik ako sa totoo kong anyo." Nakangisi niyang sabi pero nawala rin ang ngisi niya sa labi ng maalala niya na...

"Damn it! hindi ako pwedeng bumalik sa totoo kong anyo dahil hindi ko na siya makakasama at hindi niya na ako lalambingin kapag ako na ulit si Alexius. Ang tanga mo Alexius!"

Nagulat siya ng yakapin siya ni eris at saktong natapat pa sa ano nito ang mukha niya.

Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Kung lalayo ba siya o hindi. Bigla niyang naalala 'yong panahon na nahawakan niya ang dibdib ni Eris. Namula ang pisngi niya.

Damn it! Hindi niya na alam kung anong gagawin niya!

Napako siya ng marinig niya ang pag-bukas ng pintuan ng kwarto. Nakarinig din siya ng pagsinghap ng kung sino. Basta nagulat na lang siya ng may humatak sa kanya palayo kay Eris.

"Aron anong ginawa mo sa bata? bakit mo siya hinatak?" Boses ng isang babae.

"Hindi bata ang batang 'to!"

uh-oh si Aron. Ang tito ni Eris. Pero t-teka ano daw? H-hindi bata ang batang 'to?

"Hindi nga bata ang batang 'to!" Sigaw ni Aron.

Kumunot ang noo ng kasama nitong babae. Atsaka lang naramdaman ni Alexius  ang sakit ng pagkakahatak sa kanya pero hindi niya ito ininda dahil mas nag-aalala siya sa sinabi ni Aron.

"Nababaliw ka na ba Aron?"

"Hindi. Dito ka lang sa loob at may pag-uusapan kami ng batang 'to." Aniya nito bago siya hilahin palabas ng kwarto.

"Hulet m-me gow!" Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak nito sa maliit niyang kamay.

Malalaki ang hakbang ni Aron kaya muntik na siyang madapa. Shit lang talaga!

"Umayos ka ng pagsasalita mo, huwag kang feeling bata."

Namutla siya lalo at pinagpapawisan na ng malamig si Alexius.

"Isusuwbong kwita kay Eri--- "

"Hindi ka na makakalapit sa pamangkin ko Alexius!" Putol ni Aron sa sinasabi niya.

Binitawan na siya nito, ngunit hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya. Mas lalong namutla si Alexius sa sinabi nito. Nanghina at pinagpapawisan pa siya ng malamig.

Hindi na siya makakalapit kay Eris?

"Alam ko na ang totoo. Narinig ko ang lahat at nasaksihan mismo ng aking mga mata." Itinuro ni Aron ang dalawa niyang mata.

Pinilit ni Alexius na magpanggap na hindi niya alam ang pinagsasabi nito.

"I downt know huwat yor seying!"

Nagulat siya ng hawakan siya nito sa braso. "Ikaw si Leonardo Alexius Rivelio. Isinumpa ka ni Madam dahil sa ginawa mo sa  akin--- sa lahat ng taong sinaktan mo at ang paraan lang para bumalik ka sa dati mong anyo ay ang mapatawad kita."

Naiyukom niya ang kamay niya. Naiinis na siya na naiiyak. Gusto niyang sapakin 'yong tito ni Eris pero nanghihina siya.

"Nakita rin ng mga mata ko kung paano ka bumalik sa dati mong anyo! Alam kong pinuntahan mo ang pamangkin ko Alexius at sinabi mong liligawan mo siya. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari 'yon. Hindi ka na ulit makakalapit kay Eris."

Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Aron sa braso niya atsaka ito tiningnan ng masama.

"Don't you dare!" He shouted.

"Ibabalik na kita kay Madame!" Sigaw pabalik ni Aron.

"No! I'll stay here! I'll stay with my eris! She's mine!"

Nanlaki ang mga mata ni Aron. Napahawak pa siya sa dibdib niya at gulat na gulat. Kasing laki ng mata ng kwago ang mata niya.

"Your Eris?! Aba't inangkin mo na ang pamangkin ko! Sa amin lang siya! Walang sa'yo, amin lang ang pamangkin ko!"

Pinagsusuntok ni Alexius 'yong tuhod ni Aron na ikinatawa naman nito.

"Sige lang suntukin mo ako boss.  hindi pa rin magbabago ang isip ko. Ayokong makita ka sa pamamahay na 'to at mas lalong ayoko na makita ka na niyayakap-yakap at hinahalik-halikan ng pamangkin ko!"

Mas lalong nainis si Alexius. Paano ba kasi nalaman ni Aron?! Paano nakita ni Aron?! Sinigurado niya na walang ibang makakapasok sa opisina niya at ipinabilin din niya kay Kiro na sabihin sa secretary niya na huwag magpaapunta sa floor kung nasaan ang office niya.

"Ah! sabihin ko na lang kaya pamangks na ang batang inaalagaan niya ay si Alexiu—"

"No! Subukan mo lang at malalagot ka sa akin Aron Perez!"

Nginisian siya ni Aron. "Susubukan ko talaga— "

Hindi na natuloy ni Aron ang sinasabi niya nang biglang bumukas 'yong pinto ng kwarto ni Eris. Napalunok si Alexius (baby Leo) nang makita si Eris.

"Tito? bakit sumisigaw kayo? Sinabi rin ni tita na hinatak mo raw si baby Leo?" Aniya ni Eris bago lumapit sa kanya.

Palihim na tiningnan ng masama ni Alexius si aron bago mag iyak iyakan. Niyakap niya ng mahigpit si Eris.

"It hurts! He hurt me!"

Hinagod ni Eris ang likod niya bago siya halikan sa ulo. "Shhh, don't cry baby Leo."

"Ahuhuhu!"

"Tito mag-sorry ka kay baby Le--- "

"Ayoko nga! Bakit naman ako higingi ng tawad sa Alexiu—" Mas nilakasan pa ni Alexius ang pag-iyak niya para hindi marinig ni Eris ang sinabi nito.

Binuhat siya ni Eris at inalo. Hindi pwedeng malaman ni Eris ang sikreto niya at hindi niya hahayaan na malaman ni Eris!

"Pamangks! Makinig ka sa akin. Ang batang 'yan ay si... " Tiningnan siya ni Aron.

Pinanlisikan niya ito ng mata. Subukan lang talaha nitong sabihin kay Eris. Malalagot talaga sa kanya si Aron.

"Si? Sino tito?"

"Si ano... " Hindi nito inalis ang tingin kay Alexius.

Nagsusukatan sila ng tingin. Binigyan niya ng Huwag-mong-sabihin-Look si Aron.

Bumuntong hininga si Aron bago umiling. "Wala. Gutom na ako pamangks! Pakainin mo kami ng tita mo." Aniya bago umupo sa sofa.

Nakabusangot si Aron at tila pinagsakluban ng langit at lupa. Habang si Alexius naman ay naman ay nakahinga ng maluwag. Mamaya magpapasalamat siya kay Aron.

"May masakit ba sayo baby Leo?" Nag-aalalang tanong ni Eris sa kanya.

"I'm payn." Niyakap niya ng mahigpit si Eris at ipinahinga ang ulo sa balikat nito.

"Hindi mo pwedeng malaman eris dahil alam kong kapag nalaman mo ay lalayuan mo na ako...at ayaw kong mangyari 'yon. Kaya hanggat kaya kong magpanggap gagawin ko, basta makasama ka lang." Aniya sa isip.

Pinaupo siya ni Eris sa tabi ni Aron, nainiis tuloy siya. Nanadya ba 'to?

"Wait lang baby Leo ah, paghahanda ko lang ng pagkain sila tito at tita."

"Sama ako pamangkin!" Aniya ng tita niya. Nakangiti si Eris at ang tita nito habang papasok sila sa kusina. Ngayon naiwan ulit siya sa sala kasama si Aron.

"Wala tayo sa trabaho kaya hindi kita boss. Magpasalamat ka sa akin dahil hindi ko sinabi kay Eris na ikaw si Alexius. Tandaan mo ang sasabihin ko." He paused. Nanatili ang tingin ni Aron sa harap.

"I didn't tell her your secret but that doesn't mean na pumapayag ako na ligawan mo siya. Courting my Niece is a big NO. Ayokong idamay mo siya sa magulo mong buhay." Aniya ni Aron. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si Alexius.

"I'll court her whether you like it or not." Buong tapang niyang sabi. 

"Palaki ka muna oy. Liit mo pa tapos may ligaw-ligaw ka ng nalalaman."

"Malaki ako. Hantayin mo lang na bumalik ako sa totoo kong anyo." Nakangisi niyang sabi.

"Can't wait. Hindi na ako makapaghintay na bumalik ka sa dati mong anyo. Hindi na ako makapaghintay na layuan ka ng pamangkin ko."

Naiyukom ni Alexius ang kamay niya. Talagang iniinis siya ni Aron ah!

"Hindi pumapatol sa bata ang pamangkin ko."

"Bata ba ako?"

"Oo, hind ba sabi mo? He howrt me! Ate eris aym so huwrt. Bagay sayo Alexius hahaha!" Aniya ni Aron. Ginaya pa nito ang paraan ng pagsasalita ni Alexius. 

"Iniinis mo ba ako?" Tumayo ni Alexius sa sofa na ikinakunot naman ng noo ni Aron.

"Bakit naiinis k--- aray! Aray!" Daing nito.

Pinaghahampas kasi siya ni Alexius sa mukha at hindi pa nakuntento si Alexius. Sinabunutan niya pa ito.

"Don't make me mad old geezer!"

"Aray— old geezer?! Bata pa ako— ouch!" Pilit na tinatanggal ni Aron ang pagkakahawak ni Alexius sa buhok niya.

Nagsasapukan lang silang dalawa hanggang sa makalabas si Eris sa kusina dahil narinig niya ang ingay ng dalawa.

Nabitawan nito ang hawak na panandok nang makita niya kung anong ginagawa ng dalawa.

"T-tito?! b-baby Leo?! Bakit kayo nag-aaway?!"

uh-oh. Lagot na!









  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019