Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XXIV

Eris Mesina.

"Pasensya ka na ija pero may nakuha na kasi kami."

Pilit akong ngumiti. Sampung beses ko ng narinig ang katagang 'yan. Bagsak ang balikat ko na lumabas sa restaurant nila. Kanina pa ako naghahanap ng trabaho, kung kanina ay okay pa, tatawagan na lang daw ako pero ngayon papasok pa lang ako ay hinaharangan na ako at sasabihing may natanggap na sila o hindi kaya ay aalisin yung nakalagay na "Wanted waitress" na nakadikit sa salamin ng gusali.

Tiningnan ko ang hawak kong envelope. Mukhang mahihirapan akong makahanap ng trabaho. Hays.

Naglakad-lakad na muna ako, umaasa na makakakita ng pwedeng pasukan na trabaho. Nang mapagod ako ay napagdesisyunan ko na magpahinga na muna sa park na nadaanan ko. Umupo ako sa bench bago o hubarin ang suot kong 2 inch heels. Nanakit ang paa ko doon ah. Dapat pala nag flat shoes na lang ako. Hinilot ko ang namumula kong paa, nagkapaltos pa ako.

Sumandal ako. Sobrang init, dapat pala bumili ako ng pamaypay. Kinuha ko sa loob ng bag ko ang baon kong tubig pero naihagis ko rin ito sa sahig dahil wala na itong laman. Kainis! Bakit ngayon pa nawalan?!

Tamad akong tumayo mula sa pagkaka-upo. Kailangan kong bumili ng mineral water, baka mamaya mahimatay na lang ako. Abala ako sa paghahanap ng vendo machine nang may mahagip ang mata ko. Apat na tao na naka-upo sa ilalim ng puno. Mukhang nag p-picnic sila. Pinakatitigan ko ng maayos 'yong babae--- sabi na eh! Si Mina at Kiro 'yon! May kasama pa silang dalawang lalaki na pamilyar sa akin.

Bigla kong naalala ang ginawa ni Kiro sa akin two days ago. Kinuhanan nila ako ni Mina ng litrato tapos ipinadala nila kay Alexius. Sobra talaga ang inis na nararamdaman ko ng araw na 'yon. Nakakahiya rin kaya! Bakit kailangan pang ipadala kay Alexius? Para saan? Anong purpose?! Baka mamaya gamitin 'yon ni Alexius para gayumahin ako--- I mean gamitin panakot ng daga.

Jutko! Kung anu-ano ang naiisip ko. Lumapit ako sa kanila. Mukhang hindi nila naramdaman ang presensya ko kaya walang anu-ano'y umupo sa tabi ni Mina.

"Pa-upo muna." Nakangiti kong sabi kay Mina.

Nanlaki ang mata niya--- este nila nang makita ako.

"Eris!" Sigaw ni Mina bago ako dambahin ng yakap. Natatawa kong niyakap pabalik si Mina. Sobrang gaan na ng loob ko sa kanya at hindi na rin ako nahihiya.

"Oh gosh! I miss you so much!" Aniya nang humiwalay sa akin.

"Dalawang araw lang tayong hindi nag kita, grabe ka." Naiiling kong sabi.

She pouted. "Gusto ko palagi kitang nakikita."

Wait...parang. Teka, tama ba ang naiisip ko? Gusto niya na palagi akong makita? Naibaling ko ang tingin ko kay Kiro nang tumikhim ito.

"Pinaglilihian ka niya." Aniya.

Tama nga ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ewan.

"By the way, si Angelo nga pala at 'yong katabi mo naman ay si Ian." Pagpapakilala niya sa dalawang lalaki.

Ngumiti ako sa kanila. "Ako si Eri---"

"Kilala ka na namin ni Angelo."

Kilala na nila ako? Paano?

"Nga pala, What are you doing here Eris? And what's with your outfit? Para kang may interview." Nagtatakang tanong ni Kiro.

Inabutan ako ng mineral water ni Ian na kaagad ko rin namang tinanggap. Pamilyar talaga sila sa akin. Saan ko nga ba sila nakita? Ah! Naalala ko na! Sila 'yong kasama ni Kiro no'ng ipaalaga niya sa akin si Baby Leo.

"Naghahanap kasi ako ng trabaho kaya kailangan presentable ang itsura ko." I said bago ako uminom.

"Ha?! May trabaho ka na hindi ba?! Ang maging babysitter ni Alexius."

Naibuga ko ang tubig na iniinom ko. Nagtataka kong ibinaling kay Kiro ang tingin ko.

"Kaila pa ako naging babysitter ni Alexius?" Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?

Ako? Babysitter ni Alexius? Baliw ba siya?

Kitang-kita ng mga mata ko kung paano mamutla si Kiro pati na 'yong dalawang lalaki.

"Wait, I don't get it. Eris? Babysitter ka ni Leonardo? Si Leo ang inaalagaan mo hindi ba?" Nagtatakang tanong sa akin ni Mina.

Tumango ako. "Si baby Leo nga ang inaalagaan ko, hindi si Alexius."

"The heck are you saying Kiro?" Naguguluhang sabi ni Mina.

Hindi lang siya ang naguguluhan at nagtataka ngayon. Pati na ako.

"Shit! Uhm, ganito kasi 'yon. Y-you misheard me."

Kaunti na lang at magdudugtong na ang kilay ko. Sigurado ako na Alexius ang narinig ko. "Alexius ang narinig ko Kiro." Mas lalong namutla si Kiro. Ano bang nangyayari? Naguguluhan na talaga ako.

"Uhm, Ang totoong p-pangalan ni baby eo ay--- " Tiningnan ni Kiro sina Ian at Angelo na tila ba nanghihingi ng tulong.

"Ano Kiro?"

Akmang magsasalita na sana si Kiro nang may magsalita sa likuran ko na naging dahilan para mapasinghap ako sa sobrang gulat.

"Baby Leo's real name is Aleoxius. You misheard Kiro, Eris."

Natulala ako. A-ang boses na 'yon.

"Alexius!" Sabay-sabay na sabi nung tatlo. Tila ba nakahinga sila ng maluwag.

Kinalma ko muna 'yong sarili ko. Kalma Eris, kalma ka lang. Maghahanap ka pa ng trabaho kaya hindi ka pwedeng mahagard kung ayaw mong magmukha kang bruha sa harap ng interviewer.

Ngumiti ako bago ko lingunin si Alexius. Muntik na akong mapanganga nang makita ko siya. Naka suot siya ng armani suit at medyo magulo ang buhok niya na nag pa-gwapo pa lalo sa kanya. Yes, he's a head turner pero kakaiba at mas lumakas ng dating niya ngayon. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang umangat ang isang kilay niya. Jutko! Bakit sng hot niya nang gawin niya 'yon?! Gusto kong sampal-sampalin ang sarili ko. I composed myself. Kinalma ko ang sarili ko kahit na sobra na ang pagwawala ng puso ko.

"A-aleoxius pala ang totoong pangalan ni baby Leo. Sige salamat sa impormasyon, mauna na ako." Dali-dali akong tumayo. Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may mga nagwawalang paru-paro sa loob ng tiyan ko.

"P-oakibitawan ho 'yong braso ko. May lakad pa ak--- "

"Mas gumanda ka. Bumagay sa'yo ang maikling buhok." Aniya.

I felt my cheeks turn red. Naramdaman ko rin ang pag-iinit nito at mas lalo itong namula at uminit nang walang anu-ano'y hawakan niya ang dulo ng buhok ko.

Natulala ako sa kanya. All I can do right now was to stare at his handsome face.

Wait! I-is he blushing?!

Tinapik ko ang kamay niya na siyang ikinagulat niya. "D-don't touch m-me."

Napalitan ng sakit at lungkot at gulat sa mukha niya.

"Gano'n na ba kalala ang galit mo sa akin? Sa puntong ayaw mong hawakan kita."

Nag-iwas ako ng tingin. Oo, may galit pa ako sa kanya Pero hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit tinapik ko ang kamay niya palayo sa akin. Hindi ang galit ko sa kanya ang rason kung bakit nagawa ko 'yon, kundi ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako nagsalita, sa halip ay nilagpasan ko siya. Malalaking hakbang ang ginawa ko makalayo lang sa kanya. Paparahin ko na sana 'yong jeep na paparating pero may pumigil sa akin.

He hold my wrist bago ako pihitin paharap sa kanya. Pumulupot sa bewang ko ang isa niyang kamay, pulling me closer to him. Sobrang lapit niya sa akin at isang maling galaw ko lang ay maglalapat ang labi namin.

"Don't you dare leave me Eris. Please."

Napalunok ako sa sinabi niya.

"You don't need to look for a job, you already have a job Eris. Ang maging babysitter ni b-baby L-leo."

"I'm q-quitting. M-mapapahamak siya kapag kasama ako." Buong lakas akong kumawala sa kanya. Natulala siya kaya kinuha ko na ang tyansang 'yon para makalayo na ng tuluyan sa kanya. Kaagad akong pumara ng jeep. Wala na akong pake kung ano ang routa ng jeep na pinara ko, ang importante ngayon ay ang maka-alis ako rito, ang makalayo kay Alexius.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko nang hablutin niya ulit ang braso ko.

"Let't talk! You're not allowed to leave me!"

"At bakit?" Tiningnan ko siya ng masama.

"Basta! Mag-uusap tayo sa ayaw mo man o sa gusto." He said bago niya ako hilahin papunta sa nakaparadang sasakyan.

"B-bitawan mo ako Alexius! Kidnapping na 'to! Kiro! Mina! Help me!"

"No! I will never let you go!"

"Kapag ako napagkamalan nanamang syota m--- "

"So what?! Magiging girlfriend din naman kita! So shut up!" Putol niya sa sinasabi ko.

Napanganga ako sa ikalawang pagkakataon. Ano daw? Magiging girlfriend niya ako? Hindi ko namalayan na naipasok niya na ako sa loob ng sasakyan niya. Lalabas sana ako nang i-lock niya 'yong pinto ng sasakyan.

"Baliw ka na ba?"

Tiningnan niya ako. "Mababaliw ako kapag nawala ka."

Napa sign of the cross ako ng wala sa oras. "Lord, Sana ho ay ligtas akong maka-uwi ng bahay. Wala ho sanang mangyaring masama sa akin. Sana ay pagalingin niyo ang lalaking nasa tabi ko, baliw na po siya. Maraming iiyak na babae at hindi ako kabilang doon. Amen."

"The fvck?"


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019