Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XIX


Eris Mesina.

Patuloy lang ako sa pagbungkal ng lupa sa hardin ni manang Mersi. May mga binili kasi siyang mga halaman at mga tanim pero wala siyang katulong sa paglilipat nito sa lupa kaya eto ako ngayon. Dalawang araw na ang lumipas simula ng mangyari 'yon. Ang aksidente na naging  dahilan kung bakit nawala ang first kiss ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa pala nang maalala 'yon.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya. Alam ko at nararamdaman kong pinagtripan niya lang ako no'ng araw na 'yon. Hindi siya seryoso at kailanman ay hindi magseseryoso ang lalaking 'yon. Imposible ang sinabi niya. Ako liligawan niya? May sakit ata ang lalaking 'yon. Bigla na lang din siyang umalis pagkatapos niyang sabihin 'yon at naglaho na lang ng parang bula. Buti na lang at hindi ako naniwala sa sinabi niya...Muntik lang. Argh! naiinis ako!

"Eris ija? May galit ka ba sa lupa?"

Napahinto ako sa sinabi ni manang Mersi. Napansin ko na kalat-kalat na ang mga lupa at mukhang malapit ng masira 'yong pala. Humingi ako ng pasensya kay manang. Nakakainis! Bakit bigla ko kasing naalala ang lalaking 'yon! Pinunasan ko yung pawis ko sa noo. Akmang maghuhukay na ulit sana ako nang may yumakap sa hita ko.

Napangiti ako nang makita kung sino ito...

"Baby Leo!" Binitawan ko 'yong pala at kaagad siyang niyakap. Namiss ko ng sobra ang batang 'to!

"I miss you baby Leo!"

"Kakakita lang nating two days ago."

Kunot noo akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. May sinabi ba siya? 

"Ano 'yon baby Leo?"

Sa halip na sagutin niya ako ay nginitian niya lang ako. "I swed ay miss you too!"

Dinamba niya ako ng yakap pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi bago tumingkayad para halikan ako sa noo. Medyo nahirapan siya kaya yumuko ako ng kaunti para ma-kiss na ako ng batang 'to.

"Miss mo nga si ako."

"Yes, I miss you Eris ko--- I mwin ay miss you so mwats!"

Hays! Nabibingi na ata ako. Parang dalawang beses ko na kasing narinig si baby Leo na may sinabi pero hindi ko naman maintindihan. Bahala na nga! Basta kasama ko na ulit siya.

"Fwawers for you."

Kumunot ang noo ko. Wala akong naintindihan sa sinabi ni baby Leo.

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang bulaklak na mukhang pinitas niya lang doon sa mga tanim ni manang sa gate.

"Anong sabi mo baby leo?"

"I said, flowers for you."

Oh ha! diretso na ulit siya magsalita. Minsan napapaisip na lang ako kung bulol ba talaga si baby Leo o nagpapanggap lang siya. English speaking pa!

Nakangiti kong tinanggap 'yong  bulaklak. "Thank you baby Leo! Ang sweet mo naman, hindi katulad ng kuya mo na nagsabi na liligawan ako pero bigla na lang naglaho ng parang bula. Alam ko naman na hindi siya seryos--- "

"Seryoso ako Eris." Kumunot ang noo ko. Ha? Ano daw?

Napansin kong Namutla si baby Leo at nanginginig ang mga kamay nito. Anong nangyari sa kanya?

"I mean, my kuya Aleswus is siryus. He said dwat he will cwort."

Ay ayon naman pala ang sinabi niya. Akala ko may problema na talaga ang tainga ko. Kung anu-ano na kasi ang naririnig ko. Kinurot ko 'yong matambok niyang pisngi. Ang cute niya talaga, kaso sadista. Nilagay ko sa gilid na tainga ko yung bulaklak. Nagtataka lang ako, paano nakauwi dito si baby Leo? may kasama ba siya? hinatid ba siya ni Kiro?

"Baby Leo? Hinatid ka ba ni kuya Kiro mo?" Iginala ko ang tingin ko.

"Uhm, yes. But he alreydy left bikwas he will have a baby soon."

Muntik ng magdugtong ang kilay ko sa sinabi niya. He will have a baby soon?

"Si Kiro? Magkakababy? pero hindi pwede 'yon kasi lalaki si kuya Kiro mo, hindi nabubuntis ang mga lalaki." Tama naman ako, babae lang ang nabubuntis.

Umirap siya. "Stupid Eris."

Abat! Kinurot ko siya sa pisngi  Stupid Eris daw! "Ikaw baby Leo ah! iniinis mo na kaagad ako."

Tinampal niya 'yong kamay ko. "Awtsu! Kuya Kiro impregnated someone! Of kors he's not pwegnant! young babae ni kuya Kiro ang pwegnant!"

Napasinghap ako sa sinabi ni baby Leo. "Baby leo! Hindi dapat sinasabi 'yan ng mga batang katulad mo. Three years old ka lang, saan mo nalaman ang mga salitang 'yan?"

Humawak siya sa baba niya na para bang nag-iisip. "Hmmm, Kiro. Nituruwan ako ni Kiro."

Napailing ako. Sinasabi ko na nga ba't si Kiro ang may kasalanan! Buti na lang at pina-alagaan siya sa akin dahil kung hindi ay mas malala pa ang matutuhan nitong batang 'to sa kanya. Bumuntong hininga ako. Nakabuntis  si Kiro. Sayang! Crush ko pa naman  siya ng mga five percent.

"Hey! hway are you sad?"

"Sad ako dahil kay Kiro. Sayan--- "

"You like him?!"

Ayan diretso na ulit si baby Leo sa pagsasalita. English pa.

"Oo, pero five percen--- " Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng bigla niyang hawakan yung magkabila kong pisngi.

Nanlaki ang mga mata ko ng isandal ni baby Leo ang noo niya sa noo ko. Mas nakita ko tuloy ang ka-cute-an niya. Kurutin ko talaga pisngi ni baby Leo, nakakagigil!

"I already said that I'll court you Eris kaya wala kang karapatan na magkagusto sa iba. Ako lang dapat."

Napatanga ako...Ano bang pinagsasabi ni baby leo? Ah alam ko na.  Inaasar niya lang ako. kainis! kakadating niya lang pero aasarin niya kaagad ako. Binuhat ko si baby Leo. "Don't me baby Leo. May court court ka pang nalalaman diyan, ang bata mo pa kaya atsaka huwag mo akong asarin kung ayaw mong paliguan kita at tingnan ko yang little willy mo sa ibaba." Namula  siya  sa sinabi ko. Ang cute talaga! onting onti na lang talaga, nanggigigil na ako sa kakyutan niya!

"Hindi kita nipagt-twipan! 'Yan sabi sa'kin ni Aleswus, tabi niya swabihin ko 'yawn kwapag natitingin ka sa ibang bwoys." 

Namula ang pisngi ko. Pinapasabi ni Alexius?! Seryoso talaga siya?!

Baby Leo poked my blushing cheeks. "You're blushing, I like that."

Tumikhim ako. "L-lakas ng topak niyong dalawa ng pinsan mo. Speaking of, Si Barbie ligawan mo, crush ka niya. Pero atsaka na paglaki mo bawal pa ngayon kasi three years old ka pa lang." Si Barbie ay ang apo ni manang Mersi. palagi niya kasing hinahanap sa akin si baby Leo nitong mga nakaraang araw at naf-feel ko na crush niya si baby ko.

Tiningnan niya ako ng masama. "I downt care about barbwi. I want you!"

Napa-poker face ako. 'yong totoo? Ano 'to? Love triangle?

"Hindi pwede, lagot ka sa kuya Alexius mo." Pananakot ko.

"I don't care. I'll kwort you too!" 

Bumusangot ako. "Matanda na si ate eri--- "

"Ay hwil marry you!"

Napailing ako sa sinabi niya. "Bata ka pa baby Keo atsak--- "

"Then I'll marry you when I grow up!" Putol niya sa sinasabi ko.

Kanina ligaw ngayon naman papakasalan, jutko naman! Sino naman ang nagturo sa kanya ng ligaw at pakasal na 'yan?! Si Kiro ba? Si Alexious?

"Pasok na nga tayo sa loob para makapagpalit ka ng pambahay. K-kwentuhan mo pa ako kung anong nangyari sa reunion niyo."

Inis niya lang akong tiningnan. Nagpumilit siyang bumaba sa pagkakabuhat ko kaya ibinaba ko na. Alam ko pa naman kung paano mainis si baby Leo. Baka batuhin ako nito ng feeding bottle kapag nakapasok na kami sa apartment.


Leonardo Alexius Rivelio.

Pagkatapos siyang bihisan ni Eris ay pinatulog siya nito. Nagpanggap siyang tulog dahil naiinis talaga siya kay Eris. Nang lumabas ito sa silid ay kaagad naman siyang dumilat. Bumaba siya sa higaan at kaagad na hinalughog ang bag niya. Kinuha niya 'yong cellphone niya atsaka tinawagan si Angelo.

"Damn it, Angelo! I told you na dalhan mo siya ng bulaklak!"

[Ako ba ang nanliligaw? Ako ba?!]

Napamura si alexius...A.K.A baby leo.

"Kasalanan mo ang lahat! inisip niya na niloloko ko lang siya! Saan napunta ang mga pinabili kong bulaklak at tsokolate?! Answer me for petes sake!"

Narinig niya  ang pagtawa ni Angelo. [Ikaw kasi ang nanliligaw alexius...hindi ako. Kaya ikaw  dapat ang gumagawa niyan. 'yung mga bulaklak ay ibinalik ko doon sa flowershop habang yung mga tsokolate naman ay nasa refrigerator ng opisina mo. Ikaw ang gumawa nun Alexius, nililgawan mo kaya panindigan mo hindi yung mag uutos ka sa iba. Fighting alexius! kaya mo yan! sangalan ng pag-ibig!]

Akmang sasagot pa  sana siya pero dial tone na lang  ang narinig niya. Padabog niyang hinagis sa higaan yung cellphone niya. Siya naman talaga dapat ang magbibigay kay Eris ng mga bulaklak at tsokolate kaso bigla siyang bumalik  sa pagiging si baby Leo tapos natambakan pa siya ng papeles.

Nakasuit and tie pa siya, parang the boss baby ang itsura niya, mas gwapo at cute nga lang siya. Sa loob ng dalawang araw ay nasa opisina lang siya. Wala siyang pinapapasok, tanging sina Kiro, Ian at Angelo lang. Nalaman na rin ni Angelo at Ian ang tungkol sa nararamdaman niya kay Eris. No'ng una nga ay inasar-asar siya. Hinayaan niya na lang kaysa naman sa magalit siya't mapagod lalo.

Nilabas niya 'yong mga folder sa malaking bag atsaka ito itinago sa ilalim ng kutson. Dinala niya na ang mga trabaho niya dahil marami na  siyang kailangang tapusin. Hindi na siya matutulungan ni Kiro sa pagtapos ng mga papeles dahil may inaasikaso na ito. May bubuhayin na itong pamilya. Napangisi siya. Kung siya pinarusahan si kiro naman ay kinarma. Kung sino sino kasi ang tinitikman, uso naman ang proteksyon pero hindi gumamit, ayan tuloy. Hahahahaha!

Humiga na ulit siya. Matutulog na talaga siya. Pipikit na sana siya nang biglang tumunog yung cellphone niya. Nag text ang sekretarya niya.

Sir ito na po ang schedule niyo. May board meeting po kayo sa darating na lunes at Dinner with Mr. Alfuego sa tuesday. Yung tungkol po pala sa proposal ng Alcom company, tinatanong po kung anong sagot niyo.

Pumikit si Alexius bago niya patayin ang cellphone niya. Not now, wala pa siyang tulog. Dalawang araw na siyang walang tulog. Tama na muna sa business, bukas mag t-trabaho ulit siya. Sa ngayon gusto niya munang magpahinga at makasama si Eris.

Si Eris niya.



Eris Mesina

Hindi ko alam kung anong nangyari kay baby Leo. Nakakapagtaka lang kasi na sobrang sweet at lambing niya sa akin. Hindi naman siya ganito dati. Ang laki ng ipinagbago niya. Oo, naglalambing siya at sweet siya pero ibang level kasi ang paglalambing niya ngayon.

"Baby Leo, ibababa na kita ah ang bigat mo na kas--- "

"No! Arga mo lang ako!" Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa akin.

Bumuntong hininga ako. Paano ako makakapaglinis ng bahay nito? Para akong puno na ayaw bitawan ng koala. "Paano ako makakapag linis ng bahay kung karga kita?"

"Then downt clean the house! I will call a meyd to clean our house!"

Our houseNatawa ako sa sinabi niya. Tatawag daw siya ng maid, ni hindi nga marunong gumamit ng cellphone atsaka wala siyang cellphone hahaha!

"Pero baby Leo kailangan na talagang maglinis ni ate Eris kasi pupunta sina tito at tita." Binaba ko siya sa sofa. Mabuti na lang at hindi na siya umangal. Nakanguso lang siya at parang iiyak na.

"Ayokong napapagod ka eris."

May sinasabi ba siya? Bumaba siya sa sofa atsaka dumiretso sa kwarto. Napakamot na lang ako sa ulo. Ganoon ba ako namiss ni baby Leo?

Nagkibit balikat ako bago ko simulan ang pagliligpit ng mga kalat. Mga alas kwatro pa naman darating sina tito at tita, ala una pa lang kaya may ilang oras pa ako. Una kong nilinis 'yong lababo pero napatigil din ako sa ginagawa ko nang may kumatok. Pinunasan ko 'yong kamay ko at dali-daling binuksan ang pinto. Muntik ng magdugtong ang kilay ko. May dalawang babae na nakatayo ngayon sa harapan ko. Nakasuot ng uniporme ng pangkatulong yung isang babae habang 'yong isa naman ay nakasuot ng kulay itim na leggings na tinernuhan ng itim na t-shirt.

Sino sila? Anong ginagawa nila rito sa apartment ko?

Tiningnan ko si baby Leo na nakangiting nakatayo sa bukana ng pintuan ng kwarto ko. Iwinagayway nito ang hawak na...Cellphone?

"Baby Leo." Tawag ko sa kanya.

Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi niya. Taas noo siyang lumapit sa akin. Itinaas niya ang kamay niya, senyales na nagpapabuhat siya. Napailing na lang ako.

"I tweks Kiro. Siya 'yong meyd namin sa mwansyon." Tila proud na proud niyang sabi. Nakangisi pa ang bulinggit.

Tiningnan ko 'yong dalawang babae. Napahilamos ako sa sarili. Mukhang naiinis na 'yong isang babae na nakaputing t-shirt.

"Pasensya na po sa abala. Naku talaga! Niloloko lang kayo nitong inaalagaan ko. Ako na pong bahala dit--- "

"Hindi ho pwede Ma'am. Mawawalan po ako ng trabaho kapag hindi ko sinunod si Sir Alexius. Si Sir Alexius ho kasi ang nagpasabi kay sir Kiro na papuntahin kami sa bahay na ito."

Napailing ako. Si Alexius? Akala ko ba si Kiro ang tinext ng bulinggit na ito?

"Pwede bang papasukin mo muna kami? My feet hurts a lot 'ya know?" Iritableng sabi ng babae. Alam kong hindi siya katulong. She's wearing a simple cloth pero halata naman na mayaman ito. 

"P-pasok kayo." Sabi ko.

Kaagad din naman silang pumasok sa loob ng apartment ko. Dumiretso ako sa kusina para kuhanan sila ng maiinom. Baby Leo naman kasi, nakakahiya tuloy.

"Pasensya na talaga kayo." hingi ko ng paumanhin. Naka abala pa ako ng tao.

Inilapag ko sa center table 'yong dalawang baso ng Mango juice. Babalik ulit sana ako sa kusina para kumuha ng slice bread nang may magsalita.

"That kid."

Sinundan ko ng tingin ang hintuturo nito na nakaturo kay...baby Leo.

"I know him."

Bigla akong kinabahan sa nakita. Bigla kasing namutla si baby Leo. As in sobrang putla niya. Dali-dali akong lumapit sa kanya. Sinalat ko ang noo at leeg niya.

"Ayos ka lang ba?"

Hindi ito sumagot. Jutko!

"Inaalagan mo siya, right?" Tanong nito.

Tumango ako bilang sagot. Humawak ito sa baba niya na tila ba may iniisip. Saglit na naghari ang katahimikan sa buong apartment. Napasinghap kami nabg bigla itong sumigaw.

"He looked like Leonardo Alexius Rivelio! I saw his baby pictures at kamukhang kamukha talaga niya ang asungot na 'yon."

Napanganga ako sa sinabi niya. Kamukha ni Alexius si baby Leo no'ng bata pa ito?

"Hawig talaga. Akala ko bumalik sa pagkabata si Leonardo when I saw that kid." Tinuro niya ulit si baby Leo.

Bigla akong napa-isip. Bumalik sa pagkabata? Pinakatitigan ko si baby Leo. Ang mata niya, ang ilong nito, pisngi, labi, at ang buong mukha niya. Magkahawig nga talaga. Bakit ngayon ko lang napansin?

"Sana lang hindi magaya ang ugali ng asungot na 'yon." She paused. "By the way, I'm Mina Aristorenas. What's his name?"

Hindi man lang tinanong pangalan ko, tch. Teka, ano nga ba ulit ang buong pangalan ni baby Leo? Nakalimutan ko na.

"Leo ang pangalan niya. Pinsan siya ni Kiro at Alexius." Turan ko.

Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Mina.

"That's odd. I've know Rivelio's since I was ten. Wala akong ibang kilalang Leo sa mga Rivelio bukod kay Leonardo."

This time, noo ko naman ang kumunot. Ok...ay? Naguguluhan na ako.

"Hey! Arga mo na ako!" Biglang sigaw ni baby Leo.

"Wait lang, mag-uusap muna kam--- "

Muntik na akong mapatalon sa sobrang gulat ng biglang batuhin ni baby Leo ng unan yung babaeng naka uniporme ng pang katulong. Natamaan ito sa mukha.

"Oh, magkaparehas sila ng ugali ni Leonardo." Nakangising sabi ni Mina.

Dali-dali akong lumapit sa katulong nila.

"Ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong. Masyadong malakas ang pagkakabato ni baby Leo.

"A-ayos lang po Ma'am." sapu-sapo nito ang mukha niya.

Napa-iling ako nang makita ko ang namumula nitong ilong.

"Baby Leo." Seryoso kong sabi.

Napalunok siya baby Leo. Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag mananakit ng tao. Sadista talaga siya! Kailangan ko siyang masermonan.

"Baby leo, Halika sa kwarto. Mag-uusap tayo."

Nagpaalam muna ako saglit kay Mina at sa kasama nito bago buhatin si baby Leo. Tinahak ko ang daan papunta sa kwarto ko. Nanghingi ako ng paumanhin sa dalawa bago ko isarado 'yong pinto.

"Are you mad?" Tanong kaagad ni baby Leo nang ibaba ko siya.

Tiningnan ko siya. "Leo hindi maganda 'yong ginawa mo."

Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata niya. Bigla ring nanubig ang mata niya pero hindi niya na ako madadaan sa pagpapacute at iyak. Maling mali talaga ang ginawa niya. Oo, bata siya pero ilang beses ko na siyang pinagsabihan at kapag hindi pa siya natuto ay baka makasanayan na niya ang ginagawa niyang pananakit at ayaw kong mangyari 'yon.

"Y-you call me L-leo..." Hindi makapaniwala niyang sabi.

Pinagkrus ko ang braso ko atsaka siya tinaasan ng kilay. "Hindi mo ako madadaan sa pagpapacute at iyak mo. Makinig ka sa akin Leo."

Yumuko ako para mapantayan siya. "Masama ang nananakit ng tao, physical and emotional. Oo, bata ka pa pero alam mo naman na masama ang nananakit. Pinagsasabihan kita dahil ayoko na hanggang sa paglaki mo ay nananakit ka pa rin." Hinawaakaan ko ang magkabila niyang balikat.

"Bakit mo naman kasi binato ng unan si ate? Wala naman siyang ginagawang masama." Hinintay ko ang sagot niya pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig niya.

Bumuntong hininga ako. "Dito ka lang maglilinis na ako. Pauuwiin ko na rin 'yong dalawa." Sabi ko bago umayos ng tayo.

Akmang lalabas na sana ako ng may humawak sa kamay ko...si baby Leo.

Nakayuko siya at...yumuyugyog ang kanyang balikat.

"Bakit bab--- "

"Please stay with me huk! G-gusto ko lang naman na makasama ka kasi miss na miss na kita. Huk! Palagi na lang akong nawawala kaya hindi mo na akwo huk nawaalagan. Nawuwungkot ako..."

Tila may kung anong humaplos sa puso ko. Hinawakan ko pabalik ang kamay niya.

"Miss na miss rin naman kita baby Leo pero kailangan ko kasing maglinis ng baha--- " Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng dambahin ako ng yakap ni baby Leo na naging dahilan para matumba kaming dalawa.

"Pwease! Let her clean our house. I really do miss you Eris."

Bumuntong hininga ako. "Fine! Pero mag-sorry ka muna doon kay ate at kay Mina."

Umiling siya. "I hate Mina."

"Baby Leo..."

Mabilis siyang humiwalay sa akin atsaka tumakbo palabas ng kwarto. Napa-iling na lang ako bago siya sundan.

"I'm so sorry ate!"

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan si baby Leo. He's pouting. May mga luha pa sa gilid ng mata niya. Ang cute niya talaga. 

"Uhm, okay lang 'yon hindi naman ako nasaktan."

"Pwero bad ako! Niswaktan kita."

Natawa na lang si ate bago guluhin 'yong buhok ni baby Leo. Lumapit ako sa dalawa.

"Pasensya na po talaga ate--- "

"Jela na lang ho Ma'am. Katulong po ako sa Mansyon ng Rivelio at si Ma'am Mina naman po ang Fiancée ni sir Kiro."

Tumango ak--- HA?! FIANCÉE?! Tiningnan ko si Mina. I-ibig sabihin siya 'yong nabuntis ni Kiro?! B-bakit siya nandito? buntis siya bawal siyang mapagod.

"I know what's running on your mind dear. Yes, I'm carrying Kiro's little version."

Napakamot ako sa ulo ko. "Hindi ba dapat nagpapahinga ka sa mansyon ng Rivelio? Baka mapagod ka niyan."

Ngumiti siya. 'Yong ngiti mapapatulala ka na lang. Ang ganda niya!

"Nag-away kasi kami ni Kiro. He's an ass. Over protective, bawat kilos ko nakabantay. Hindi naman siya gano'n dati. He loves bullying me and now he's being over protective, duh. Nakakainis."

Gusto kong sabihin sa kanya na normal lang na maging over protective sa kanya si Kiro lalo na't may baby sa sinapupunan niya.

"Don't worry, I'm going to rest here for the mean time hangga't hindi ako sinusundo ng lalaking 'yon." Aniya bago sumandal sa sandalan ng sofa. Ipinatong pa niya ang paa sa center table ko.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumayag. Hindi naman pwede na pauwiin ko siya, hello? Buntis siya. Hintayin ko na lang na sunduin siya ni Kiro. Naramdaman ko ang pag hatak ni baby Leo sa laylayan ng t-shirt ko. Umupo ako para pantayan siya.

"Yes?"

Niyakap niya ako atsaka ibinaon sa leeg ko ang mukha niya. Narinig ko ang paghikab niya. Napahagikhik ako, inaantok na siya. Chance na 'to para makakilos na ako.

"Sleep ka muna--- "

"No, I'm nowt swipy! let's pwey!"

"Inaantok ka na tapos let's play pa ri---" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi. Nilapit niya ang maliit niyang mukha sa mukha ko na siyang naging dahilan para manlaki ang mata ko.

"Lalaro tayo o ik-kiss kita?"


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
10 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019