Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XVII

Leonardo Alexius Rivelio.

Flashback

"Ilalabas ko 'to sa media! Sisiraan kita Leonardo! Sisirain ko ang pangalan mo!"

Napangisi siya sa sinabi ng lalaking nakatayo sa harapan niya."Goahead. Gusto mo bang tulungan pa kita?"

Nagtaka siya nang ngumisi ang lalaki--- ang isa sa mga investor ng kompanya. Si Luke Gonzaga.

Nawala ang ngisi sa labi ni Alexius nang maglabas ito nang litrato at nang makita niya kung sino ito.Fvck! Bakit may litrato siya ni Eris?!

"Natatakot ka na ba huh? Kasama mo siya ngayon hindi ba?"

Damn it! How did he know?! Anong binabalak nito?! Bakit may litrato siya ni Eris?!

"Tama nga ako, importante siya sa'yo. Matakot ka na Leonardo dahil hindi lang ikaw ang sisirain ko kundi pati ang mga taong importante sayo! Sinira mo ang buhay ko kaya sisirain ko rin ang buhay mo--- "

Pinutol niya ang sinasabi nito. Isang malakas na suntok sa mukha ang pinatikim niya na siyang naging dahilan ng pagbagsak nito. Hindi pa nakuntento si Alexius sa pagsuntok dito, pinagtatadyakan niya rin ito.

"Don't you dare lay a finger on her!" Aniya habang patuloy lang sa pagtadyak dito.

Napa-atras siya nang may sumuntok sa pisngi niya. Isa sa mga tauhan ni Gonzaga. Tiningnan niya ito ng masama. Talagang nagdala pa ito ng back-up, anong tingin niya kay Alexius? mahina? Isang no way ulit! Sa isang iglap lang ay parehas ng nakabulagta sa sahig ang mag-amo. Parehas na dumudugo ang ilong at putok ang labi.

Hinatak niya ang kwelyo ng suot ni Luke Gonzaga. "Hindi ako magdadalawang isip na ipatumba ka sa oras na kantiin mo ni isang hiblanng buhok niya."

Nakatingin lamang sa kanya si Gonzaga. Malamig ang mata nito.

"Try to lay a finger on her and I'll cut your head down there."

"Hindi mo ako matatakot, Leonardo. You can punch me and kick my ass but you can't kill me. Nakalimutan mo na ba? Na isa ako sa matalik mong kaibigan." Nakangising sabi ni Gonzaga bago tapikin ang kamay ni Alexius na nakahawak sa kwelyo niya.

"Wala akong kaibigang traydor. And who the heck told you that i'm the one who's going to kill you? Nakalimutan mo na ata na marami akong koneksyon, with just a snap of my fingers they'll obey anything I said." Umayos siya ng tayo.

"I'm warning you, don't lay a finger on her kung ayaw mong malagutan ng hininga." He said bago tuluyang umalis.

Naapakan pa niya ang mga pagkain na kakainin sana nilang dalawa ni Eris. Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng labi niya. Wala na siya sa mood. kung kanina ay masaya siya, ngayon galit na siya. Galit siya sa sarili niyadahil madadamay pa si Eris sa katarantaduhan niya.

Mas lalo pang nadagdagan ang galit na naramdaman niya nang makita niya si Eris na may katabi at kausap na lalaki.

"Putangina!" Umigting ang panga niya.

Dali-dali siyang lumapit sa dalawa at walang anu-ano'y hinatak si Eris. Alam niyang nasaktan ito sa ginawa niya pero mas nasasaktan siya sa nakita niya. Tiningnan niya ng masama 'yong lalaki. Kitang-kita ng dalawa niyang mata kung paano nito titigan si Eris mula ulo hanggang paa and makes his blood boil.

"Okay ka lang ba mi--- "

"DON'T TALK TO HER YOU MOTHERFUCKER!" Sigaw niya.

Galit na galit siya at sa sobrang galit niya ay naibunton niya ito kay Eris. Nasabihan niya ito ng masasakit na salita, ibinato niya rin ang sobre kung saan nakalagay ang sahod nito.

Palpak talaga kahit kailan. All he ever wants was to have fun with Eris and spend the entire day with her but everything was ruined by Gonzaga and this guy.


End of flashback


Inayos ni Alexius ang suot niya pero napatigil din siya. "Damn it! Bakit ba nag-ayos pa ako?! mag s-sorry lang naman ako." Inis niyang sabi sa sarili.

Nasa harap siya ng apartment ni Eris. Alas dose na ng tanghali at mahigit kalahating oras na siyang nakatayo. Nagdadalawang isip pa kasi siya kung kakatok ba siya o hindi at syempre kinakabahan siya. Tumalikod si Alexius bago tingan ang bulaklak na hawak niya. Bakit ba siya nagdala ng bulaklak, mukha tuloy siyang aakyat ng ligaw.


Wala sa sariling napangiti si Alexius. Ligaw, pwede din. He wants to court Eris but not now, bad shot pa siya sa babaeng flat.

"Itatapon ko na lang. Baka kung ano pang isipin niya." Akmang itatapon niya na sana ito ng biglang bumukas 'yong pinto at iniluwa nito si Eris na mukhang kakagising lang.

Nabitawan ni Eris ang hawak niyang basura nang makita siya na bihis na bihis at may hawak na bulaklak.

"Anong ginagawa mo dito? atsaka ano 'yan?" Tinuro nito 'yong bulaklak.

Kaagad niyang tinago sa likuran 'yong bulaklak.

"Hoy Mr. Get lost, anong ginagawa mo dito?" pag-uulit nito. Mukhang nabadtrip ito ng makita siya.

Damn it! Pagkatapos kong mag sorry aalis kaagad ako Kahit labag sa loob ko. Bumuntong hininga muna si Alexius bago ibaling ang tingin sa napakagandang dilag na flat--- este nasa harapan niya. Hindi niya alam pero bigla na lang ulit bumilis ang tibok ng puso niya. Magulo pa ang buhok ni eris at gusot gusot ang suot nito pero bakit ang...

"Ang ganda mo." Huli na nang mapagtanto niya kung ano ang sinabi niya. Paktay!

Kitang-kita niya kung paano nanlaki ang mga mata ni Eris. Namula rin ang pisngi nito.

She's blushing! He make her blushed!

"I-i mean...uhm--- THE FVCK?!"

Bakit bigla na lang siyang pinagsaraduhan ng pinto?! Kumatok siya pero walang sumasagot. Bakit ba naman kasi napalakas pa ang pagkakasabi niya?!

"Damn it! Eris buksan mo ang pinto! We need to talk!"

"Manahimik ka! Umuwi ka na sa inyo! Bobolahin mo pa akong ulupong ka!" Sigaw ni Eris mula sa loob.

Napa-iling siya. Hindi niya naman binobola si eris! nagsasabi lang siya ng totoo!

"Shit! May kailangan akong sabihin!"

"Sabihin mo na pagkatapos umuwi ka n--- "

"I'm sorry. I'm sorry for what i've done yesterday. Sa nasabi at nagawa ko." putol niya sa sinasabi nito.

Wala siyang narinig mula kay Eris. "And I want to thank you for coming with me. Nag enjoy ako kahapon. I'm sorry kung sinira ko ang araw mo. Sorry sa nagawa ko."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa bulaklak. Napamura rin siya. Ito ang unang beses na nag-sorry siya kay Eris bilang Alexius.

Napa-atras siya nang biglang bumukas 'yong pintuan. Nakakunot ang noo ni Eris habang nakatingin sa kanya.

"Ikaw ba talaga 'yan? May sakit ka ba? Impostor ka siguro ano?" Akmang hahawakan sana nito ang noo niya pero umiwas na siya.

Tinalikuran niya si eris dahil baka mahalata nito ang pamumula niya. Oo, namumula siya sa kilig. Sobrang bilis din ng pagtibok ng puso niya.

"A-aalis na ak--- "

"Pumasok ka na muna. May sasabihin din ako." Putol ni Eris sa sinasabi niya.

...

Hindi siya makatingin ng maayos. Hindi niya kayang tignan si Eris dahil sa tuwing sisilipin niya ito ay bigla bigla na lang nagiging abnormal ang pagtibok ng puso niya. Tapos parang may mga nagwawalang Paru-paro sa loob ng tiyan niya. Palagi niya na lang itong nararamdaman kahit nasa anyong bata siya. Lalo na kapag niyayakap siya ni Eris kapag siya si baby Leo.

Naalala niya tuloy kapag nakakatabi niya itong matulog, kapag sa ibabaw ni Eris siya nakakatulog at sa tuwing sinusubsob niya ang mukha sa mabango at makinis nitong leeg. Parang gusto niya na tuloy maging si baby Leo, para naman masubsob niya na ulit ang mukha niya sa leeg ni eri---

Sinampal niya ang sarili niya. "Damn it! Ano bang iniisip ko?! fvck fvck! Alexius umayos ka!" Aniya.

"Ano 'yon? May sinasabi ka ba?" Nagtatakang tanong nito.

"N-nothing."

"Ang weird mo."

Naku naman! Alexius! Nahahalata ka na ni Eris! Umayos siya ng uo atsaka tiningnan ng malamig si Eris.

"Anong sasabihin mo? I have an important meeting so will you please hurry up?" Walang emosyon niyang sabi. He had no choice But to act cold Kahit na labag sa loob niya.

Napairap na lang si Eris. "Gusto kong magpasalamat dahil ibinalik mo ulit si tito sa trabaho niya. Salamat rin sa paghatak mo sa akin kahapon para samahan ka sa amusement park. Nag-enjoy ako kahapon kahit na...Nevermind." She paused. "Sorry sa mga nasabi ko no'ng sunduin ko si baby Leo. Tinawag kitang halimaw at paasa kaya sorry."

Parang may kung anong humaplos sa puso niya ng sabihin 'yon ni Eris. Naiinis siya sa sarili. Bakit ito pa ang humihingi ng tawad, siya naman talaga ang may kasalanan.

"It's my powlt. No need to say sorry."

"Kahit na. Nasaktan kaya kita."

Natahimik siya. Nasaktan niya ako? Sanay naman siyang masaktan at mas malala pa nga ang tinatawag sa kanya ng mga tao kaya sanay na siya.

"I-i need to go." Aniya. Nagmamadali siyang tumayo.

Hinatid pa siya ni Eris hanggang sa pintuan.

"Salamat sa bouquet. " Tukoy nito sa bouquet na ibinigay niya.

Tumango na lang siya bilang sagot. Nagsimula na siyang maglakad palayo. Lutang lang siya hanggang sa makarating na siya sa ibaba. Akmangsasakay na sana siya ng sasakyan nang marinig niya ang pagsigaw ng dalaga na nakadungaw sa ilalawang palapag ng tinitirhan nito.

"Mas bagay sayo kapag nakangiti ka atsaka kapag hindi ka masungit." Ngumiti ito. "Pakisabi kay Kiro, pakibalik na sa akin si baby Leo. Miss na miss ko na siya! Ingat ka!" Aniya bago ito bumalik sa loob ng apartment.

Pagkapasok niya sa sasakyan niya ay doon na siya ngumiti--- Ngiting abot hanggang langit.

"She missed me." Nakangiti niyang sabi. Napapadyak pa siya sa sobrang tuwa.

Ngayon lang siya naging masaya at si Eris nanaman ang dahilan kung bakit siya ganito.

"Argh! Damn it! Why am I smiling?! hahaha! baliw na ata ako. Damn it! Baliw na nga ako!" sinabunutan niya ang sarili.

Maya-maya ay napangiti ulit siya. Nabaliw na nga ata siya.Nawalaang ngiti sa mga labi niya ng makita niya yung batang lalaki na papasok ngayon sa gate ng apartment. Kilalang kilala niya ito at kahit kailanman at hindi niya makakalimutan ang batang 'yon.

"Damn it! What is he doing here?!" Inis niyang sabi habang sinusundan ng tingin si...Baby Yuan.

Gusto niyang bumaba para pigilan ito. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.

"ATE ERIS KO!"

Hinampas niya 'yong manibela sa narinig. Kung hindi lang talaga ito bata ay sa malamang pinatulan niya na ito. Atsaka niya na lang ito aawayin kapag siya na ulit si baby Leo.

"Eris ko?! Damn it! Lagot ka sa akin bata." Nakangisi niyang sabi.

How dare he call her 'Eris ko'?! Si eris ay kay baby leo lamang.

"Your ate Eris is mayn." Bulong ni Alexius bago ipaharurot ang sasakyan.

Paktay! Lagot ka baby Yuan!



  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019