Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

Kabanata 48

Eris Mesina

Kinabukasan. Inabala ko ang sarili sa pagtatrabaho kaysa sa isipin ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. I tried to focus on my work pero masyado akong nababagabag. Mariin kong ipinikit ang mata ko atsaka malalim na bumuntong hininga.

Eris ano ba? Kailangan mong mag focus sa trabaho. Pagkukumbinsi ko sa sarili ko. Ilang beses pa akong napabuntong hininga bago ko ibalik ang atenstonsyon sa ginagawa. Kasalukuya kong inaayos at binibilang ang pera sa maliit na safe box. Iyon kasi ang inutos sa akin ng manager ngayon lalo na't hindi ganoon kaabala ang bangko ngayon.  Nang matapos ay agad kong isinara ang safe box atsaka ito ibinigay sa manager.

Nag-unat ako. Hindi pa nangangalahati ang araw pero pakiramdam ko ay bibigay na ang katawan at utak ko. Ibinagsak ko ang sarili sa upuan ko bago hilutin ang sentido ko. Kanina pa nananakit ang ulo ko, dahil sa kakaisip ng mga nangyari kahapon. Napabuntong hininga ulit ako.

"Eris, ayos ka lang ba?"

Napatingin ako sa katrabaho ko.

"Kanina ko pa kasi napapansin na parang wala ka sa sarili."

Natatawa akong umiling. "Ayos lang ako, anu ka ba! Pagod lang 'to." Pagpapaliwanag ko. Nakangiti naman itong tumango bago ipagpatuloy ang paglalakad.

Tatapusin ko na lang ay ang araw na ito. Itutulog ko na lang siguro mamaya. Tama, hindi ko na muna lulunurin ang sarili sa kaiisip. Napa ayos ako ng upo nang biglang may sumagi sa isip ko. Si Mina, nakalimutan ko siyang kamustahin. Agad kong kinuha 'yong cellphone ko atsaka tumipa ng mensahe para kay Mina. Ano ba naman kasi ang sumapi kay Alexius at nagawa niya 'yon kay Mina?

To: Mina

Mina, kamusta ka na? Pasensya ka na sa nagawa ni Alexius kahapon.

Saktong pagkasend ko ay ang siya namang pagdating ng mga tao. Ibinalik ko ang cellphone ko sa maliit na drawer ng lamesa atsaka inayos ang sarili ko. Nakangiti kong binati ang lumapit sa akin. Sunod-sunod ang pagdating ng mga tao kaya kahit papaano ay napunta ang pokus ko sa pagtatrabaho. Abala ako sa pagtitipa sa computer nang lumapit sa akin ang isang estudyante. mukhang nahihiya ito.

 Nginitian ko siya. "Magandang tanghali." 

"May itatanong lang po ako. Ano po ang mga kailangan kapag mag-bubukas po ng account?"

Kumuha ako ng maliit na papel kung saan nakalagay ang mga requirement na kinakailangan. Ibinigay ko ito sa kanya na kaagad din naman nitong kinuha. Itinuro ko rin kung saan niya makikita ang requirement para sa mga student. Ngumiti ito sa akin at nagpasalamat bago umalis. 


Hindi rin nagtagal ay lunchbreak na namin. Nag unat unat ako ng may kasamang hikab. Nasa ganoong posisyon ako nang tawagin ako ng isa sa katrabaho kong lalaki— si Mike. Lumapit ito sa akin atsaka bahagyang yumuko. Idinantay pa nito ang magkabilang kamay sa lamesa ko. Bahagya kong itinulak palayo 'yong upuan ko dahil masyado siyang malapit.

Napa 'tsk' ako. Simula nang magtrabaho ako rito ay napapansin ko na ang kakaiba niyang kilos. Palagi niya akong nilalapitan kahit na wala naman siyang kailangan sa akin. Mabuti na lang at magaling akong umiwas.

"Naghanda ka ng baon mo ngayon?"

Bakit naman niya natanong? "Hindi, bakit?"

Napasinghap ako nang bigla itong pumalakpak. Inis ko siyang tiningnan. Nagtatawag ba siya ng kalapate? Grabe kung pumalakpak eh.

"Tara, kain tayo sa labas."

Hindi na ako nagdalawang isip pa na tanggihan siya sa alok niya. Nakangiti ko siyang inilingan bilang sagot.

"Pasensya na, baka kasi magalit 'yong boyfriend ko. Seloso 'yon eh." Tukoy ko kay Alexius. Sa hindi malamang dahilan ay biglang rumehistro sa isip ko ang nakabusangot nitong mukha. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa. 

iniisip ko pa rin siya kahit na may konting away o tampuhan kami ngayon at isa pa baka magalit talaga siya. kilala ko na ang lalaking iyon kapag galit o nagseselos. Nagiging dragon, kaya mas mabuti ng tanggihan ang alok ni Mike kaysa sa makakita ako ng dragon. 

Hindi nakaligtas sa akin ang biglang pagbagsak ng balikat nito. Sabi na. Alam ko na kung bakit palagi niya akong kinukulit. Napabuntong hininga ako. Ganoon na ba ako kaganda? parang dati walang nagkaka-crush sa akin. Natawa ako. 

"Ah ganun ba, i-isama na lang natin sila." Aniya sabay turo sa iba pa naming katrabaho. "Kaysa naman sa kumain ka mag-isa."

Saglit akong napaisip. Kung may iba namang kasama, okay lang siguro. Hindi naman ako tatabi sa kaniya. Isa pa, hindi rin naman ako nakapaghanda ng baon dahil nahuli ako ng gising. Napuyat kasi ako kakaisip sa nangyari kahapon kaya sa malamang sa labas talaga ako kakain. Mas okay na siguro na pumayag ako na kumain sa labas kasama sila kaysa sa mag-isa akong kumain. 

Tumango na ako. Pumalakpak ulit si Mike bago tawagin ang iba naming kasama. Napailing naman ako. Inayos ko ang sarili ko bago maglakad palapit sa kanila. Hindi na kami nag aksaya ng oras at agad na lumabas. Tanging wallet at cellphone lang ang dinala ko. Saglit kong tininingnan 'yong cellphone ko. Napabuntong hininga ako. Wala ni isang text galing kay Alexius.

Nagalit ba siya sa akin? Pero— teka! ako dapat ang magalit dahil sa ginawa niya kahapon atsaka siya ang rason kung bakit naguguluhan at nananakit ang ulo ko ngayon! Bahala siya sa buhay niya.

Inis kong ibinalik sa bulsa ng uniporme ko 'yong phone.

"Oh bakit nakabusangot ka diyan?" Tukoy sa akin ng katrabaho ko.

Ako nakabusangot?

"Nagkatampuhan ata sila ng boyfriend niya." Biglang sabat ng isa pa naming kasama.

Napailing na lang ako. "Saan pala tayo kakain?" Pag-iiba ko ng usapan, baka kasi kung anu-ano pa ang sabihin nila at asarin pa ako.

"Kahit saan, basta mura."

"Yung kaya ng budget. Huwag mahal ah, baka hindi na kayanin ng wallet ko."

Natawa kami sa narinig. Totoo naman kasi, mahirap ng kumain sa mamahaling kainan, baka hindi na umabot ang budget hanggang katapusan. Maya maya lang ay nakapagdesisyon na kami kung saan kami kakain. At sa fastfood chain nanaman ang bagsak namin. Abala sa pakikipagkwentuhan ang nga kasama ko, habang ako naman ay nanatiling tahimik. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na muna aalalahanin ang mga nangyari kahapon, na hindi ko muna iisipin ang sinabi sa akin ni Mina. Ang sinabi nito na si Alexius at baby Leo ay iisa, na isinumpa si Alexius. Sinira ko rin ang pangako ko at eto ako ngayon, binabagabag nanaman ng mga katanungan.

Ang hirap paniwalaan ang mga sinabi ni Mina. Impossible na isinumpa si Alexius. Kahit sino naman na sabihan ng ganun ay hindi maniniwala pero bakit ganun? May parte sa isip ko na naniniwala sa sinabi nito? Idagdag pa ang nakita ko kahapon, hindi ako sigurado kung baby Leo nga ba talaga 'yon. Napamahal na sa akin si baby Leo at kabisado ko na ang batang 'yon kaya napansin ko kaagad na parang may mali.

Alexius, ano ba kasi ang totoo? Naguguluhan na ako. Kung hindi totoo ang sinabi ni Mina, bakit ganun ang naging reaksyon niya? Bakit nagalit siya? Bakit... bakit parang ang defensive niya? Na para bang may itinatago talaga siya sa akin.

"Huy! Ang lalim ng iniisip mo. Nandito na tayo."

Napahinto ako sa paglalakad. Naibaling ko ang tingin sa mga kasama ko. Nandito na nga kami. Napahilamos ako sa sarili. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa kakainan namin.

"Pasensya na."

"Huwag ka na mag-alala, magbababit rin kayo ng boyfriend mo." Sabi nila atsaka nagtawanan.

Nagsipasok na sila sa loob ng fast food chain. Dahil sa nahuli akong maglakad ay huli rin akong papasok. Papasok na sana ako sa loob nang maramdaman ko nanaman ang mga nararamdaman ko nitong mga nakaraang linggo, na tila ba may nakatingin sa akin. Lumingon ako sa likuran, maraming tao ngunit ni isa sa kanila ay hindi nakatingin sa gawi ko.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa wallet. "Kumalma ka lang Eris, wala lang 'yon. Guni guni mo lang." Pagpapakalma ko sa sarili ko. Sana nga. Sana nga guni guni ko lang.

"Eris! Halika na!"

Saglit kong ibinalik ang tingin ko sa mga kasama ko bago muli tumingin sa likuran ko.

"Andiyan na!" Sagot ko bago tuluyang pumasok.

 

...


"Mauna na ako." Paalam ko sa kanila nang matapos ko kaagad ang trabaho ko. Hindi na ako nag abala pa na ayusin ang sarili ko at dali-daling inayos ang gamit ko. Isinalansan ko na lang din sa shoulder bag ko ang mga gamit ko bago tuluyang tumayo.

Malalaking hakbang ang ginawa ko para makalabas sa bangko. Kahit na maliit ang biyas ko eh kayang kaya ko namang humakbang ng malaki, lalo na kapag nagmamadali ako. Nagpaalam ulit ako sa kanila at kay manong guard bago tuluyang lumabas.

Nanlagkit bigla ang katawan ko nang maramdaman ko ang init. Pakiramdam ko nga ay lalagnatin ako bigla. Ikaw ba naman ang mag stay sa malamig na lugar tapos biglang iinit. Tinahak ko ang daan papunta sa hintayan ng jeep. Rush hour ngayon kaya medyo marami rin ang nakakasabay ko. Paniguradong mahihirapan nanaman akong makasakay nito. Punuan nanaman.

Inilabas ko muna 'yong phone ko para sana aliwin ang sarili ko habang naghihintay ng masasakyan. Saglit ko pang tinitigan ang screen bago pindutin ang power button. Biglang bumagsak ang balikat ko nang wala akong makitang text. Talagang hindi siya nag text. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko ng dahil sa inis.

Bakit ba naiinis ako? Hindi ba dapat ay matuwa ako dahil hindi niya muna ako ginugulo?

Bakit ba kasi kung kailan nakumpirma ko na kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Alexius atsaka pa naging magulo ang lahat.

"Kainis!" Inis kong sabi bago ibalik sa loob ng bag 'yong cellphone.

"Bakit ka naman naiinis?"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang barito ngunit pamilyar na boses na 'yon. Nilingon ko 'to at halos nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito. Nakangiti ito sa akin habang nakapamulsa. pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Pinaghalong gulat, inis at saya ang nararamdaman ko ngayon. 

Bakit ngayon lang ulit siya nagpakita?

"Luke Gonzaga!" tawag ko sa buong pangalan niya. 

Ang ngiti sa labi niya ay napalitan ng isang ngiwi. Napahagikhik ako sa reaksyon niya. Ang pinaka ayaw niya kasi sa lahat ay ang tinatawag siya sa buong pangalan niya. 

"Yes, I'm back— again."

Agad ko itong dinamba ng yakap. At ang loko ay tuwang-tuwa. Nang humiwalay ako ng yakap atsaka ko naman siya pabirong hinampas. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Saan nanaman kaya nagsusuot itong lalaki na ito at bigla na lang nawala ng walang pasabi.

"Alam mo, para kang kabute! Saan ka nanaman ba nagpunta?"

"May inasikaso lang." Napakamot ito sa batok. "Ikaw, bakit nakabusangot ka? It looks like you're about to punch someone." Natatawa nitong dagdag.

Napanguso ako.

"Bakit ka ba kasi naiinis? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tapos wala ka pa sa mood."

"Wala pagod lang 't—"

"Is it your boyfriend? Alexius?" Putol niya sa sinasabi ko.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Kung may iniinom o kinakain lang ako, sa malamang nabulunan na ako o hindi kaya ay naibuga ko na 'yon sa mukha ni Luke. Ni hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang tungkol sa amin ni Alexius?

"Ha? Paano mo nalaman?"

Natawa siya. Nakangiti siya pero bakit...? Bakit iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Bakit parang hindi siya masaya?

"Nabasa ko sa magazine." Huminto ito. "Congrats sa inyo." Aniya bago guluhin ang buhok ko.

"Halika, kain tayo sa labas, my treat." Aniya atsaka ako kinindatan.

Napailing na lang ako sa ginawa niya. Saglit kong tiningnan ang suot kong wrist watch. Alas siete pa lang naman. Ibinaba ko ang kamay ko atsaka tumango bilang sagot. Naglakad kami papunta sa sasakyan niya. Sumakay na ako at ganoon din ang ginawa niya. 

I felt bad. Alam kong galit sa akin si Luke. They used to be friends, sila ni Alexius. May hindi magandang pagkakaunawaan ang dalawa. And I know that Luke's mad with Alexius pero eto ako ngayon, I became Alexius's lover.

Naiyukom ko ang kamay ko. Hindi ko pa dapat sasabihin kay Luke ang tungkol sa relasyon namin ni Alexius pero naunahan ako ng magazine. Mahalaga sa akin si Luke, he's my friend... pero mas mahalaga sa akin si Alexius.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019