Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XXV

Eris Mesina

Hindi ko inalis ang tingin ko kay Alexius na kanina pa nakatayo sa may counter. Kanina pa siya tinatanong ng cashier kung ano ang order niya, mahaba na rin ang pila sa likuran niya. Naiiling akong lumapit sa kanya. Baka mapa-away na siya sa tagal niyang um-order.

"Ah, sir ano po bang order niyo?" Pag-uulit nito pero nanatiling tahimik si Alexius.

Napa-iling na lang ako. Mukhang hindi magsasalita si Alexius at mananatiling nakatulala sa mga menu na nasa screen kaya ako na lang ang oorder ng pagkain, gutom na rin ako.

"Dalawang BFF fries at Mc burger. Isang pineapple juice." Nilingon ko si Alexius. "Ikaw?"

 Hindi siya sumagot, sa halip ay tinitigan niya lang ako. "Alexius! Anong inumin mo?" Tawag ko sa kanya.

"Katulad ng sa'yo." Aniya.

Tumango ako. "Dalawang pineapple juice na. Padagdag na lang po ng ketchup. Thank you." Nakangiti kong sabi. Maglalabas na sana ako ng pera pero inunahan ako ni Alexius. Isang libo yung binigay niya.

"Keep the chang--- " Hinampas ko siya kaya hindi niya na natuloy yung sinasabi niya.

"Alam kong bilyonaryo ka pero huwag mong ilustay ng basta-basta 'yang pera mo." Nginitian ko siya, isang naiinis na ngiti.

"Sorry."

H-he said sorry.

"Here's your change, sir." Inabot nito 'yong sukli kay Alexius.

Hinintay ko na malagay sa tray namin 'yong mga in-order namin. Akmang bubuhatin ko na sana 'to ng may lumapit sa akin.

"Assist ko na kayo Ma'am."

Nginitian ko si kuya atsaka itinuro 'yong table kung saan kami p-pwesto. Napahinto ako sa paglalakad nang may maramdaman akong kakaibang aura na galing sa likuran ko. Muntik ng magdugtong yung kilay ko ng makita ko si Alexius na nakakunot ang noo at tila ba naiinis. Nag-pasalamat ako sa nag-assist sa amin atsaka umupo. Inalis ko sa tray 'yong mga pagkain, pagkatapos ay nilagay ko sa bakanteng lamesa 'yong tray.

"Hindi ka ba marunong um-order?" Tanong ko.

Tumango siya pero nakakunot pa rin ang noo niya.

"First time mo?"

Tumango ulit siya.

Mayaman kasi kaya hindi kumakain sa mga fast food chain, baka nga sa Aristocrat a restaurant pa siya kumakain ng agahan niya.

"Ano bang pag-uusapan natin? Kung tungkol ito sa pag r-resign ko bilang babysitter ni baby Leo ay thank you na lang sa Pagkain."

Binuksan ko 'yong burger atsaka inalis 'yong bun na nasa ibabaw. Nilagyan ko ng fries yung loob atsaka ng ketchup bago ibalik yung bun. Kumagat na ako dahil gutom na rin naman ako. Kakagat ulit sana ako ng mapansin kong nakatingin sa akin ni Alexius.

"Bakit?"

"Nadala mo na ba dito si b-baby L-leo?"

Binaba ko yung burger. "Hindi pa, Balak ko pa lang sana kaso hindi ko na siya madadala rito. Sana dalhin siya ng magiging babysitter niya dito. Alam mo kasi may binigay sa akin si mama na wish list ni baby leo. Nakalagay doon na hindi pa siya nakakakain sa mga Mcdo at Jollibee. Ibibigay ko na lang sa susunod na babysitter 'yong wish lis- "

"No." putol niya sa sinasabi ko.

"Ha?"

"Gusto ko ikaw."

Natawa ako sa sinabi niya. "Nag-resign na nga ako 'di ba?"

"Pumayag ba si Mama? Hindi 'di ba?"

Naudlot ang pagkagat ko sa burger. Hindi ko alam kung pumayag si Mama o hindi. Bakit ba kasi bigla na lang akong umalis pagkatapos kong sabihin at ibigay kay Mama 'yong Resignation letter.

"Look, I'm sorry Eris. Nang dahil sa akin ay napahamak ka. Sorry for shouting at your Uncle. Sorry, but i'm serious when I told you that I'm going to court you."

Seryoso ang mukha niya ng sabihin niya 'yan. Naramdaman ko nanaman ang pag-bilis ng tibok ng puso ko.

Pilit akong tumawa. "Okay ka lang ba? Gutom ka lang ata kaya kung anu-ano ang lumalabas sa bibig mo."

May nilabas siyang papel galing sa loob ng coat na suot niya. Binuklat niya ito. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Pinagpupunit niya ito sa mismong harapan ko. I saw every piece of the papel fell on our table.

"Hindi ka aalis sa trabaho mo."

Napanganga ako. R-resignation letter ko ba 'yon?!

"B-bakit mo pinunit?!" Tiningnan ko siya ng masama bago ko ipunin sa palad ko 'yong nagkapira-pirasong papel.

"You'll stay as Leo's babysitte--- "

I cut him off. "Hindi mo kasi ako naiintindihan, Alexius!" tinuro ko ang sarili ko. "Ako ang pinag-initan ng taong may galit sa'yo. Alam kong mauulit ang nangyari nitong nakaraan. Natatakot ako! Natatakot ako na baka hindi lang ako ang masaktan at madamay sa oras na mangyari ulit ang bagay na iyon! Natatakot ako na baka madamay pa si baby Leo and I won't let that happend."

Inayos ko ang gamit ko. Naglapag ako ng pera sa lamesa bago tuluyang tumayo.

"I'm leaving." I said before turning my back on him.

Umaasa ako na hindi niya ako susundan, but he did follow me. Naagaw na namin ang attensyon ng lahat, even the crews. Nakatingin sila sa amin. May iilan pa nga na nagbubulungan.

"Eris, listen to me!"

Don't listen to him, Eris. Huwag kang lilingon sa kanya. Diretso lang ang lakad hanggang sa makalabas ka na.

"Please, listen to me."

Napatigil ako sa paglalakad. Mariin kong naipikit ang mata ko.

"You can't change my mind. Nakapag desisyon na ako, Alexius--- Anong ginagawa mo?! Alexius! Tumayo ka!" Pilit ko siyang itinatayo mula sa pagkakaluhod niya.

Lumuhod siya sa mismong harap ko habang ang mga kamay niya'y nakahawak sa kamay ko. He squezed my hand. Mas lalong lumakas ang bulungan. May mga tumayo na rin sa kanya-kanya nilang upuan at lumapit sa amin.

"ANO BA ALEXI--- "

"Sa 'yo niya naranasan ang mga bagay na hindi niya naranasan noon. You fulfill his wishes, his dreams. You made him feel how to be loved by someone. You took care of him when his parents are not around. Ipinaramdam mo sa kanya ang pagmamahal at pag-aalaga na hindi ipnaramdam sa kanya ng mga magulang niya."

Tumagos sa puso't isip ko ang mga sinabi ni Alexius. Alam kong maraming pagkululang ang mga magulang ni baby Leo.

"You held him when he's crying, you kissed him to make him happy, you...you did everything to make him happy."

Kalungkutan, iyan ang nakikita ko sa mga mata ni Alexius. Sumikip ang dibdib ko nakikita ko. Tumagos sa puso't isip ko ang bawat salitang binitawan niya.

"Stay, Eris. Downt leave."

Natulala ako sa sinabi niya. I--- I think I heard baby Leo's voice.

"Please, please don't leave me." He plead. Binulong niya lang ang huling tatlong salita na sinabi niya ngunit hindi ito nakatakas sa akin ang sinabi niya.

Don't leave me?

Mariin kong ipinikit ang mata ko. Bumuntong hininga rin ako. We're making a scene at nakakasagabal na rin kami.

"Tumayo ka Alexiu--- "

"Hindi ako tatayo hangga't hindi mo sinasabi sa akin na hindi mo iiwan si Leo." Putol niya sa sinasabi ko.

Diretso lang ang tingin niya sa akin. I suddenly felt my cheeks turn red kaya nag-iwas ako ng tingin. Bumuntong hininga ulit ako. I guess I don't have any choice. "Fine! Mananatili ako bilang babysitter ni baby Leo."

Sa isang iglap lang ay naka-akap na siya sa akin. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya. He even rested his head on my shoulder na siyang naging dahilan para mas lalong mamula at mag-inti ang pisngi ko.

"Thank you! Thank you very much! I'll do anything to protect both of you."

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Hinatak ko siya palabas sa Mcdo dahila masayado na kaming nakaka-abala sa mga tao na nando'n.

"Alexius, sabihin mo nga sa akin. Yung litratong nakita ko noon sa mansyon niyo. 'yong litrato ni baby Leo kasama ang mga magulang niya. Mukha naman silang masaya. Makikita mo kaagad sa mga mukha nila ang pagmamahal nila sa isa't-isa pero bakit gano'n? bakit ang daming hindi naranasan ni baby Leo habang lumalaki siya?"

'Yan ang katanungan na hindi maalis sa isipan ko. Masaya sila, 'yon nakita ko sa litratong 'yon kaya papaanong hindi naramdaman ni baby Leo ang pagmamahal ng isang magulang?

"It's not me Eris. That little guy is not me."

Hindi ko masyadong narinig 'yong sinabi niya kaya ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.

"Mananatili ako bilang babysitter ni baby Leo, kaya makakahinga ka na ng maluwag." I said. Isinukbit ko ng maayos 'yong shoulder bag ko.

"Thank you, Eris. I'll do everything to make sure that both of you are safe."

Tinanguan ko siya. "Aalis na ak---"

"Wait!" Pigil niya sa akin.

Lumapit siya sa akin. Napasinghap ako nang bigla niya akong halikan sa noo. Parang lumabas yung kaluluwa ko sa bibig katulad nung sa mga anime. Hindi panlalamig ang naramdaman ko kundi pag-init ng pisngi. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ng namula at uminit ang pisngi ko ngayong araw. Parang lalabas na din sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

H-his lips. It's too soft.

"Let me remind you that I'm still courting you, and I won't stop courting you until you say yes."

Heart...kalma lang.

"Ipapakita at ipaparamdam ko sa'yo kung paano manligaw ang isang Leonardo Alexius Rivelio." He said with a wink.

Muntik na akong matumba sa ginawa niya. Para rin akong pinana ni kupido sa mismong puso. Sa tingin ko...kailangan ko ng magpakonsulta sa doktor. Hindi na maganda 'tong nararamdaman ko, hindi na maganda!

Lumayo siya sa akin.

"June 7, at nine am. Be ready 'cause we're going to have a date."

Nalaglag ang panga ko. D-date?!

Ginulo niya ang buhok ko bago ako lagpasan. Sinundan ko siya ng tingin. s-seryoso ba siya? Ako at si Alexius? Mag d-date?! Muntik na akong mapatalon ng huminto siya sa paglalakad. Nakangiti siyang lumingon sa akin.

Sa ikalawang pagkakataon ay tinamaan ni kupido ang puso ko.

"By the way. Leo missed you so much. He wants to hug you so so bad." He paused.

"I want to hug you too, Eris." Aniya bago sumakay sa sasakyan niya.

Naiwan akong tulala sa harap ng Mcdo. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang aking mukha. Napa-upo rin ako sa sahig. Totoo ba 'to? Nananaginip lang ako hindi ba? Jutko! Masama na talaga itong nararamdaman ko.

"I want to hug you, Eris."

Tumili ako. Bakit naririnig ko ang boses ni Alexius?!

"Ma'am okay ka lang?"

Umiling ako. I'm not okay! Hindi okay ang puso ko! Oh God ano ng gagawin ko?


Third person'spoint of view.

Naalimpungatan si Eris nang maramdaman niya na para bang ay humahalik sa pisngi niya.

"Eris, Huweyk up!"

May pumindot sa pisngi niya.

"Eris! Huweyk up! Aym here! Your baby Leo's here!"

Dali-daling idinilat ni Eris ang mata niya. She saw baby Leo on her side. Nakangiti ito sa kanya.

"Baby Leo!"

"Wits me! Your baby Leo ish back!"

Kaagad na niyakap ni Eris si baby Leo. Pinugpog niya rin ng halik ang mukha nito, pwera na lang sa labi. Miss na miss niya si baby Leo at gano'n rin ang nararamdaman ng bulinggit na 'to.

"Alam mo bang pinag-alala mo ako? Bakit ka bumalik noon? Hindi ba sabi ko tumakbo ka lang? hindi alam ni ate Eris kung anong gagawin niya kapag may nangyaring masama sa'yo." Aniya.

Hinawakan ni baby Leo ang magkabilang pisngi ni Eris. "I'm payn. I'm perfectly payn because aym here wit you!" sunod nitong hinawakan ang maikli niyang buhok. "You look gwordyus Eris."

Napangiti si Eris sa sinabi nito. Parehas sila ng sinabi ni Alexius.

"Parehas kayo ng sinabi ng kuya Alexius mo. Mas gumanda ako ano?"

Sunod-sunod na tumango si baby Leo bago ulit hawakan 'yong magkabilang pisngi ni Eris.

"Eris! Do you mwiss me" Tanong nito.

Tumango naman si Eris. "Oo naman! Miss na miss!"

"Then kwiss me! Swa lips!"

Nanlaki ang mata ni Eris nang bigla siya nitong halikan sa labi. Dumamoves nanaman si Alexius--- este Aleoxius--- ay Baby Leo pala.

"Wits good to bwi back!" Aniya ni baby Keo pagkatapos halikan si Eris.

Nakatulala lang si Eris habang si Alexius- este baby Leo ay tuwang-tuwa. Tuwang-tuwa dahil nahalikan niya si Eris.

Akala ko ba hug lang Alexius? Bakit naging kiss?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019