Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XXVII

Eris Mesina

Hapon na nang mapatulog ko si baby Leo. Kinuha ko na rin ang tyansang 'yon para pumunta sa malapit na grocery store. Wala na akong stock na pagkain kaya namili na ako. Napagod rin siya dahil hindi siya tinigilan ng apo ni Manang Mersi na may gusto sa kanya, si Barbie. Crush na crush talaga siya ng apo ni manang, na maski ako ay pinagselosan nito. Baby leo kasi eh, dinamay pa ako. Sinabi pa na crush ako. Umiling ako. 

"Thank you, balik po kayo." Aniya ng guard nang makalabas ako.

Tinungo ko ang daan patungo sa sakayan ng tricycle. Malapit na ako nang makaramdam ako ng pagod kaya ibinaba ko muna ang mga pinamili ko. Hinilot ko ang namumula kong kamay. Masyadong mabigat ang mga dala ko. Dapat pala isinama ko 'yong anak ng katabi kong apartment para may katulong ako. Bubuhatin ko na sana ulit 'yong mga platik nang may tumapik sa akin.

"Do you need help?"

Nilingon ko ang may-ari ng boses na 'yon. Muntik ng malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino siya.

"Isarado mo ang bibig mo, Eris. Baka pasukan ng langaw."

Kinusot ko ang mata ko. Teka, totoo ba siya?

"L-luke?! Luke Gonzaga?!" Hindi makapaniwala kong sabi.

Tumango siya. "It's me, Eris."

Siya nga! Dinamba ko siya ng yakap. Muntik pa nga kaming matumba.

Hindi ako makapaniwala na nandito na ulit siya, na magkikita ulit kami. Humiwalay ako sa kanya atsaka hinawakan ang pisngi niya.

"Kailan ka pa nakabalik?"

"Last last month pa."

Hinampas ko ang braso niya. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Parang hindi tayo magkaibigan ah."

He's Luke Gonzaga. Matalik kong kaibigan. Nagkakilala kami four years ago. Kaka graduate ko pa lang no'n kaya nag celebrate kami nila tito at tita sa isang kainan. Nagkakilala kami sa eskenita, sa tabi ng kainan kung saan kami nag celebrate nila tito. Hindi naging maganda ang una naming pagkikita.

Puno ng galos ang mukha niya no'n tapos nakalumpasay siya sa sahig. Akala ko nga patay na at akala ko rin napag-tripan ng mga adik, iyon pala nag-away sila ng matalik niyang kaibigan. He didn't tell me who beat him that time, basta friendship over na raw sila.

"Namiss talaga kitang ulupong ka!" Niyakap ko ulit siya.

Wala siyang ibang nagawa kundi ang tumawa't yakapin ako pabalik.

"Yeah, me too."

Napagdesisyunan ko na isama siya sa apartment ko. Isa't kalahating taon din kaming hindi nagkita. Hininto niya ang sasakyan sa gilid.

Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan pero nakita na kaagad ng mga mata ko ang mga kapitbahay kong nagkukumpulan. Nag t-tsismisan nanaman ba sila?

Naunang bumaba si Luke para kuhanin 'yong mga pinamili ko. Bumaba na rin ako. Kasabay ng pagsara ng pinto ng sasakyan ay ang siyang pagtingin ng mga kapitbahay ko sa akin. Dali-daling tumakbo si Manang Mersi palapit sa akin atsaka ako hinatak papasok ng gate.

"Ija! Dali! Tingnan mo 'to." Hindi magkanda-ugagang sabi ni Manang.

Teka, ano bang meron?

"Andito na si Eris!" Sigaw ng isa kong kapitbahay.

Ngayon ko lang napansin na may nakatayong lalaki sa gitna ng mga nagkukumpulang tao. Nakasuot ito ng black suit at may earpiece at sun glasses na suot. Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong bulakak at tsokolate.

The who?

"Ms. Eris Mesina?"

Tinaas ko ang kamay ko. "Anong kailangan mo sa akin?"

Lumapit siya sa akin bago ibigay ang mga hawak. Nung una ay nag-aalangan pa ako kung tatanggapin ko ba o hindi pero sa huli ay tinanggap ko rin. "Pinapabigay ni Sir Alexius. Pinapasabi niya rin na huwag mong kakalimutan ang lakad niyo bukas. Mauna na ho ako."

Tatawagin ko pa sana ito pero nagsimula na akong asarin ng mga kapitbahay ko. Ngayon ko lang naalala ang date na sinasabi ni Alexius. Jutko! Wala akong matinong damit! Bakit kasi nalimutan ko pa.

"Dalaga na si Eris!"

"May lovelife na!"

Napanguso ako. "Manang Mersi oh!" Sumbong ko pero tinawanan lang ako ni Manang.

Kinalabit ako ni Joshua, anak ng katabi kong apartment. "Te, pahingi isang piraso, bigay ko lang sa chikababes ko."

Kinaltukan ko siya. "Ikaw ah! Chikababes ka riyan, sumbong kita sa nanay mo sige ka."

Napakamot siya sa batok. Natigil ang lahat nang may tumikhim. Atsaka ko lang naalala na may kasama pala ako. Nakangiti si Luke pero nawala ang ngiti na 'yon nang makita ang hawak ko.

"Flowers and chocolate? kanina galing 'yan?" He asked. Lumapit siya sa akin.

Kinuha niya 'yong card na nakalagay sa bulaklak atsaka ito binuklat.

"From your soon to be boyfriend? Who's this?"

Napalunok ako. Seryoso ang mukha niya at hindi ako sanay.

"Uhm, manliligaw ko."

"What's his name?"

Napalunok ulit ako sa ikalawang pagkakataon. Teka! Bakit kinakabahan ako?Sasagutin ko na sana ang tanong ni Luke nang makarinig kami ng sigaw mula sa ikalawang palapag.

Nakita namin si Joshua na dumungaw at namumutla ito.

"A-ate Eris! Yung batang inaalagaan mo sobrang init niya!"

Nalaglag ko ang hawak ko. Kaagad akong tumakbo paakyat. Hindi ko na inalala ng bulaklak at tsokolate na nabitawan ko dahil ang inaalala ko sa oras na 'to ay si Baby Leo.

Napasinghap ako nang makita ko si baby Leo na nasa sahig at namumutla. Mas lalo akong kinabahan ng mahawakan ko siya. Sobrang init niya! Binuhat ko siya atsaka nilapag sa higaan. Kinumutan ko siya atsaka kumuha ng bimpo sa drawer.

Tatakbo na sana ako palabas ng kwarto ng agawin 'yon sa akin ni Joshua. Kinakabahan ako ng sobra lalo na ng makita kong nahihirapang huminga si baby Leo at pinagpapawisan na ito ng malamig. Ang taas ng lagnat niya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Eris! Anong nangyari?" Hinihingal na sabi ni Luke.

Binuhat ko si baby Leo. "D-dalhin natin siya sa ospital! Please, Luke!"


...


"Pagod ang dahilan kung bakit siya nilagnat."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doktor na pinapunta ni Luke dito sa apartment.

Bumaba ng kaunti ang lagnat niya pero hindi pa rin naaalis ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Maraming ibinilin sa akin 'yong Doktor, may mga gamot na rin siyang ibinigay.

"Bukas babalik ako para tingnan ulit siya. Mauna na ako." paalam nito.

Nagpasalamat ako sa kanya bago ito tuluyang lumabas ng apartment. Napahilamos ako sa sarili ko.

"Let's talk Eris." Aniya ni Luke.

"Luke, pasensya na sa abal---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang putulin niya ito.

"I said let's talks." Mariin niyang sabi.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang umupo. Anong problema ni Luke? Kanina lang ay masaya't nakangiti pa siya pero ngayon ay seryoso siya. May nakikita rin ang galit sa mga mata niya.

"Si Alexius ba ang nanliigaw sa'yo?"

Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman? Kilala niya si Alexius?

"Kilala mo si Alexius?"

"Sagutin mo ang tanong ko, Eris."

Tumango ako. This is so awkward. Napasinghap ako sa gulat nang bigla niyang hampasin 'yong center table ko.

"What's wrong with you, Luke?!" Gulat kong sabi.

Ano bang ipinuputok ng butsi niya?!

"That kid he looked like Alexius! Nabuntis ka ba ng gagong 'yon?! Anak niyo ba ang batang 'yon?!"

Napahilamos ako sa sarili ko. Kaya ba galit siya? Akala niya anak ko si baby Leo?

"Makinig ka sa akin Luk---"

"Anak niyo ang batang 'yon?! Kamukhang kamukha ng Alexius na 'yon ang batang natutulog ngayon sa higaan mo." Putol niya sa sinasabi ko.

Kinalma ko ang sarili ko. "Luke, hindi ko anak si baby Leo at ang batang 'yon ay pinsan ni Alexius kaya may pagkakahawig talaga sila. Babysitter lang ako kaya kumalma ka."

Unti-unting nawala ang galit sa mukha niya. "Pinsan? Walang ibang pinsan si Rivelio bukod kay Kiro."

This time, noo ko naman ang kumunot. Si Kiro lang ang pinsan ni Alexius? Paano nangyari 'yon?

"Ha? Paano mo naman nasabi 'yan?"

Hinilot niya ang sentido niya. "Remember? Four years ago nang magkakilala tayo. I was beaten to death and the one who beat me that time was Leonardo Alexius Rivelio." Si Alexius ang bumugbog sa kanya noon? Ang kaibigan niya na naka-away niya ay si Alexius?

"I knew him since highschool. Trust me Eris, Walang ibang pinsan si Alexius bukod kay Kiro."

Bigla kong naalala 'yong sinabi ni Mina.

"Wala akong kilalang ibang Leo sa pamilya nila bukod kay Leonardo."

Kailangan kong maka-usap si Alexius at Kiro. Kailangan kong makompirma kung totoo ang sinasabi ni Luke.

"Luke, bumalik ka na lang sa susunod na araw." I said.

Kailangan ko ng magpahinga atsaka babantayan ko pa si Baby Leo.

"I'm staying here. What are friends for Eri---"

"Please, Luke. Sa susunod na araw na lang." putol ko sa sinasabi niya. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang umalis.

"Thank you, Luke and I missed you. Pasensya na sa abala." Ngumiti siya bago mag-paalam.

 Sinarado ko ang pinto bago magtungo sa kwarto. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Umupo ako sa gilid ng higaan atsaka hinaplos ang buhok nito. Walang ibang pinsan si Kiro at Alexius at walang nagngangalang Leo sa pamilya ng mga Rivelio. Ipinikit ko ang mata ko. Si Alexius, ano nga ba ang totoo niyang pangalan? Leonarod Alexius Rivel--- napahinto ako. Leonardo...walang Leo sa pamilya nila. Dali-dali kong binuksan yung drawer kung nasaan ang birth certificate ni baby Leo. Hinanap ko ito pero wala. Nasaan na ba 'yon? Sigurado ako na dito ko 'yon inilagay! Inalis ko lahat ng mga gamit sa loob hanggang sa may nakita akong folder. Kumunot ang noo ko. Ano ito?

Binalik ko ang tingin ko kay baby Leo bago kuhanin ang folder na 'yon. Halos magdugtong na ang kilay ko nang makita ang nilalaman nito. Mga papeles sa kompanya at pangalan ni Alexius ang nilalaman ng folder, bakit nandito 'to? 

"Sino ka ba talaga Baby Leo?"  Bumalik ako sa tabi ni baby leo. Hindi ko pa rin binibitawan ang folder at hangggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Ang daming katanungan sa isip ko. Tatayo na sana ako nang hawakan ni baby Leo ang kamay ko. Nakapikit siya at...umiiyak.

"D-dad p-please. I'll be a g-good boy p-promise."

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso sa narinig ko.

"A-alexius will be a good boy, D-daddy."

Alexius?



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
29 December 2019