Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XVIII

Leonardo Alexius Rivelio.

Padabog na isinarado ni Alexius ang pinto ng sasakyan niya. He didn't even bother parking his car properly. Hinayaan niya na lang ito na nakabaragbag sa parking lot. Binati siya ng mga empleyado niya nang makita siya. He's really pissed. Kumukulo ang dugo niya sa Yuan na 'yon.


He was about to enter his private elevator nang marinig niya ang pagsinghap ng kung sino. Kumunot ang noo niya nang makita ang mga papel na nagkalat sa sahig. Ang lahat ay nakatingin sa kanya. Waiting for his response. Hinihintay nila ang pagsigaw nito sa babaeng nakalaglag ng mga papel. Alexius can see fear in their eyes, lalo na sa babae. Gusto niya itong sigawan pero naalala niya na kailangan niya munang magpakabait dahil kung hindi ay babalik siya sa pagiging si Baby Leo. Bumuntong hininga siya bago lapitan ang babae.

Ang akala ng lahat at sisigaw ito ngunit laking gulat nila nang pulutin nito ang mga papel. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkairita. 

"Sa susunod mag-iingat ka." He said bago ibigay nsa babae ang mga papeles bago umayos ng tayo.

Pasalamat 'to at hindi siya pwedeng gumawa ng masama ngayon kung hindi ay sa malamang wala ng trabaho ang babaeng 'yon.  Hindi siya pwedeng bumalik sa pagiging bata dahil may misyon siyang kailangan tapusin at 'yon ay ang kung paano niya aalisin si Yuan sa kwentong ito. Nakasakay na siya ng Elevator. Nag-iisip na siya ng pwede niyang gawin sa Yuan na 'yon. Gusto niya itong hampasin sa pwet habang paulit-ulit niyang sinasabi na huwag itong magtatangkang lambingin ulit si Eris dahil nagseselos siya, na siya lang dapat ang nilalambing nito.

Ni hindi niya na namalayan na nakarating na pala siya sa palapag kung nasaan ang opisina niya. Ang lalim kasi ng iniisip niya. 

"Good evening too, cous." Bungad sa kanya ni Kiro na nakasandal sa pintuan ng opisina niya.

"We need to talk, Kiro." Nilagpasan niya ito. Sinenyasan niya na i-lock ni Kiro ang pintuan.

"Anong pag-uusapan natin?"

Napahilamos siya sa sarili niya. Nag-aalangan siya kung sasabihin ba niya o hindi. Sigurado kasi siya na kukutyain lang siya nito pero wala naman siyang magagawa, he need help at si Kiro lang ang makakatulong sa kanya. Wala namang magagawa sina Ian at Angelo dahil puro kalokohan lang ang naiisip ng dalawang iyon. 

Huminga muna siya ng malalim bago iangat ang tingin. Pagtataka, iyan ang makikita sa mukha ni Kiro sa mga oras na 'to.

"Paano mo masasabi na in love ka?"

Saglit na nag-hari ang katahimikan sa kanilang sa dalawa. Kulang na nga lang ay may marinig silang tunog ng kuliglig sa sobrang tahimik nilang dalawa. Hindi makagalaw si Alexius sa kinatatayuan niya. Ang kamay niya naman ay palihim niyang itinago sa likuran niya parahindi makita ni Kiro ang panginginig nito. They're looking at each other, walang nag-iiwas ng tingin hanggang sa umalingawngaw ang tawa ni Kiro.

"In love ka?"

Namula ang pisngi niya. "O-of course not!" Pag d-deny niya.

Hindi raw pero selos na selos kay Yuan. Bata pa ang pinagselosan mo Alexius. Alam naman niya at sigurado siya sa nararamdaman niya kay Eris pero gusto niya lang na mas masigurado niya ito with the help of Kiro. Hinayaan niya lang muna na humagalpak ng tawa ang pinsan niya pero maya-maya lang ay naging seryoso ang mukha nito't tumigil sa pag-tawa.

"Cous, hindi ka magtatanong ng ganyan kung hindi ka in love."

He's in love, kailangan niya lang talaga ng payo. Gusto niya na mas malinawan siya sa nararamdaman niya. Damn it, ngayon lang siya nag kaganito. He's never been in love. Ang palagi niyang nararamdaman sa mga babaeng unang lumalapit sa kanya ay ang tinatawag na Lust, pero iba na ngayon.

Huminga ng malalim si Alexius. Ipinikit niya ang mata bago sabunutan ang sarili. Ilang beses din siyang napahilamos sa sarili niya. 

"I h-hate seeing her with someone, even if it is her cousin or uncle.  Kumukulo ang dugo ko." 

"Why don't we take a sit? Nakakangalay cous."

Tiningnan niya ng masama si Kiro. Padabog na umupo si Alexius sa sofa habang si Kiro naman ay umupo sa single couch.

"I can tell it cous, you are in love. I can see it in your eyes." Aniya ni Kiro. Kinanta pa nito ang huling sinabi.

He wants to punch Kiro's face pero pinigilan niya ang sarili niya. Baka raw kasi sa oras na sapakin niya ito ay iwan na lang siya't hindi tulungan atsaka may misyon pa nga siya hindi ba? kaya hindi talaga siya pwedeng gumawa ng kahit na anong kasamaan.

"Gusto kong masigurado kung totoo ba 'tong nararamdaman ko." Inis niyang hinampas ang parte ng dibdib niya kung nasaan ang dumadagundong niyang puso.

Sumandal si Kiro sa sandalan ng inuupuan niya. Nasa likod pa ng ulo nito ang dalawa niyang kamay. Sitting pretty ang ganap ni Kiro. Namamangha niyang tiningnan si Alexius na ngayon ay stress na stress na sa love life nito. Napangisi siya sa nangyayari ngayon. He's enjoying seeing his cousin like this, na problemado sa love life at sa babae. Sabi na nga ba't gagana ang plano nila, sana ay magtuloy-tuloy na ito.

"Bumibilis ba ang tibok ng puso mo kapag nakikita mo siya?"

Tumango si Alexius.

"Natutulala ka ba kapag ngumingiti siya o naririnig ang boses niya?"

Tumango ulit si Alexius.

"Do have this urge to kiss and hug her?"

Namumulang tumango si Alexius.

"Gusto mo ba siyang makita araw-araw?"

Sa ika-apat na beses ay tumango ulit siya.

"Nagseselos ka ba kapag hindi nakatuon sa'yo ang atensyon niya at may kasama siyang iba?" Nakangising tanong ni Kiro.

"Yeah, so damn much." Nagseselos talaga siya lalo na't nalaman niya na hindi lang siya ang baby nito. May iba pang baby at si Yuan iyon.

Nangalumbaba si Kiro. Gustong-gusto na talagang sapakin ni Alexius ang pinsan nitong tumataas baba ang kilay. "You're in love. Congrats!" Inilahad ni Kiro ang kamay pero hindi ito tinanggap ni Alexius.

Bumilis ang pagtibok ng puso niya. In love talaga siya.

"Who's this lucky lady?" Pang-aasar ni Kiro.

Alam na ni Kiro kung sino ito dahil una pa lang ay plinano na nila ang lahat. Ang mahulog ito kay Eris, and seeing his cousin being frustrated because of Eris makes him smile...big time. Ngiting tagumpay! Mamaya ay tatawagan niya ang dlawa para mag celebrate. 

"Answer my question, Alexius."

"E-eri..."

Lumapit siya kay Alexius na namumula ang pisngi. "Eri what?"

"It's Eris!"

"Mission accomplished." Bulong ni Kiro na siyang ikinakunot ng noo niya.

"What did you say?"

Natatawang tinapik ni Kiro ang balikat niya. "Ang sabi ko, badshot ka pa kay Eris dahil nga sa ginawa mo sa tito niya kaya kung ako sa'yo, susuyuin ko 'yan." Kumindat ito.

Napalunok siya bigla. Bad shot. Damn it! Nakakanis! Bakit ba naman kasi ito pa ang naging pamangkin ng Aron Perez na 'yon?!

"Good luck, Cous!"

Good luck talaga sa kanya.


Kinabukasan. Laking pasasalamat ni Alexius dahil hindi siya bumalik sa pagkabata. Hindi pa siya pwedeng maging si baby Leo lalo na't sumulpot nanaman si Yuan. Napa 'Not now, not today' Pa siya. Pwedeng bukas pero huwag lang ngayon. Kailangan pa niyang kausapin ng masinsinan si baby yuan. Hindi niya alam pero inis na inis talaga siya  sa batang 'yon, lalo na kapag tinatawag niyang "Ate Eris ko" ang Eris niy--- este si Eris. Naiinis rin siya sa tuwing nilalambing ito ni Eris, dapat kasi siya lang ang nilalambing nito.

Pinatay niya na 'yong laptop niya atsaka siya nagmamadaling lumabas sa opisina niya. Tiningnan niya ang sekretarya niya na napatayo sa sobrang gulat.

"I'm leaving. You too. Umuwi ka na."

"Pero sir dalawang oras pa lang po akong nandito atsaka hindi pa po tapos yung pinapagawa ninyo sa aki--- "

Tiningnan niya ito ng masama. "Anong sinabi ko? Umuwi ka na at hinahantay ka na ng anak mo. Bukas mo na tapusin yan." He said bago tuluyang umalis.

Sumakay siya sa private elevator niya. Maya-maya lang ay bumukas na ito. Sumakaya siya sa sasakyan niya pero bago niya ito paandarin ay tiningnan niya muna yung Stuff toy na blue at yung laruan na sasakyan sa passenger seat. Ready na siya.

Pagkasakay na pagkasakay ni Alexius sa sasakyan ay kaagad niya rin itong pinaharurot. Hindi na siya makapaghintay pa na makita si Eris. Mamaya niya na lang itutuloy ang mga naiwan niyang gawain sa kompanya, He's the CEO anyway. He can do whatever he wants, hindi naman niya pababayaan ang kompanya. Mabilis lang na nakarating si Alexius sa apartment nila--- este apartment ni Eris. Bumaba siya sa sasakyan atsaka kinuha yung binili niya. Inayos niya muna ang suot niya bago pumasok sa gate.

Bumibilis ang tibok ng puso niya. Para nga rin siyang natatae na ewan!

Kailangan niyang maisagawa ang kanyang plano. Kailangan niyang kausapin si baby yuan kahit labag sa loob niya. Oo, kakausapin niya lang ito. Hello?! Naiinis siya kay Yuan pero hindi niya naman ito sasaktan. Wala  siyang puso at mahilig siyang manakit ng damdamin ng iba pero hindi niya kayang manakit ng bata. Baka makasuhan pa siya ng child abuse. Kumatok siya sa pinto. Naka-ilang katok pa siya bago ito bumukas. Napangiti kaagad siya ng makita kung sino ang nagbukas sa kanya ng pinto, si Yuan.

Yumuko siya para mapantayan ito. "Hi kiddo."

Hindi na siya nagtaka ng tingnan siya ng masama ni Yuan. 'yong klase ng tingin na anytime may lalabas na laser sa mata nito.

"Who are you?"

Aba, English speaking.

"I'm Alexius--- "

"Anong nigagawa mo dito? Anong kailangan mo?" Putol nito sa sinasabi ni Alexius.

"Look, kid. Kaibigan ako ni Eris--- "

"Pinsan niya ako. Magnanakaw ka po ba mister? May balak kang masama kay ate ko?"

Ayan nanaman siya sa Ate ko. Naiinis si Alexius kasi parang inaangkin nito si Eris. Dapat nga sa kanya lang si Eris. Si Eris ay kay baby Leo lang dapat!

"I'm not a thief at wala akong balak na masama sa kanya. I'm here para bumisita. By the way, para sayo nga pala." Aniya bago i-abot kay  Yuan 'yong stuff toy at laruang sasakyan. Psh, ayaw naman talaga niya na bigyan itong regalo pero no choice siya, kailangan niya itong pakagatin sa pain niya. 

Sa isip ni Alexius ay isang isda si Yuan na anumang oras ay kakagat sa pain na inihagis niya sa dagat. Natawa siya sa naiisip niya. Hindi na talaga siya makapaghantay na kumagat sa pain ang batang 'to. Nanlaki ang mga mata ni Alexius nang sampalin nito ang kamay niya dahilan para mabitawan niya ang mga hawak na laruang sasakyan. Ang saya sa mukha niya ay napalitan ng inis.

"The heck?!" Inis niyang bulong.

Ma-attitude talaga si Yuan.

"Hindi ko kailangan niyan Kuya. Alam ko na po kung anong pakay mo. Liligawan mo si ate Eris ko. I don't like you."

Humigpit ang pagkakahawak ni Alexius sa stuff toy. Padabog niya rin na pinulot yung laruan. Ngunitian niya si Yuan, isang pilit na ngiti.

"I don't care if you don't like me."

"Hindi ka po makakalapit sa ate ko!" Sigaw nito sa kanya. Mukhang narinig ni Eris ang pagsigaw ni Yuan dahil bigla lang itong sumulpot sa bukana ng pintuan.  Nanlaki ang mga mata ni Eris nang makita siya.

"A-ano nanaman ang ginagawa mo dito?" Tanong nito.

Kinalma niya ang sarili niya. Palihim niya din na hinawakan ang dibdib niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Tumayo siya ng maayos atsaka dire-diretsong pumasok sa loob ng apartment ni Eris. Napanganga pa nga ang dalawa sa ginawa niya.

"Ate Eris, I hate him po. Palabasin mo na po siya." Aniya ni baby yuan.

Napakamot na lang sa ulo si Eris. Sinarado niya muna 'yong pintuan bago lumapit kay Alexius na prenteng nakaupo sa sofa. Nakadekwatro pa nga ito.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ni Eris kay Alexius.

Tinaasan niya ito ng kilay. Ayaw ba niya na nandito siya?

"Masama bang pumunta rito?"

"Argh! Wala ka bang magawa? Wala ka na bang mapuntahan kaya dito ka nagpupunta? Atsaka kakagaling mo lang dito kahapon--- " Hindi na natuloy ni Eris ang sinasabi niya nang biglang sumigaw ang maliit na bata— este si Yuan.

"Pumwunta siya dito ate Eris?!" Gulat nitong tanong habang nakaturo ang hintuturo kay Alexius. 

Nginitian ni alexius si yuan. "Yes. Nagtagal ako dit--- "

"Ate ko! Huwag mo na po siyang papabalikwin dito!"

Naiyukom ni Alexius ang kamay niya. Onting-onti na lang talaga at makukurot niya na ang napakacute nitong pisngi. Kalma lang muna  siya.

"Hindi mo to bahay kaya--- " Naputol ang  sinasabi niya ng tignan siya ng masama ni Eris. Tiklop kaagad siya.

Nakatikom ang bibig ni Alexius habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng babaeng bumihag sa puso niya. Pinanuod niya itong yumuko para mapantayan ang karibal niyang si Yuan. Napa-irap siya nang makitang nag papa-cute ito kay Eris.

"Paluin ko kaya 'tong batang ito, tingnan natin kung makanguso pa siya." Aniya sa sarili.

"Yuan, huwag kang rude sa bisita. Pinsan siya ni baby Leo atsaka boss siya ni Papa mo."

Mas lalong napanguso si Yuan.  "Bakit po ba siya nandito ate Eris?"

Hindi naman alam ni Eris kung ano ba talaga ang dahilan ng pagpunta niya dito kaya siya na lang ang sasagot. Kinuha ni Alexius 'yong stuff toy at kotse-kotsehan atsaka ito inabot kay Yuan.

"I just want to thank Eris for taking care of my cousin. Nalaman ko rin kasi na may pinsan siya kaya binili ko 'tong laruan para sa'yo." Ngumiti si Alexius. Nangangalay na ang labi niya, kanina pa siya ngiti ng ngiti.

Nahihiyang tiningnan ni Yuan si Alexius. "Mag t-thank you ka lang po kay ate? Hindi mo po siya liligawan?"

Napaubo si Eris sa huling sinabi ng pinsan. Nagulat siya syempre, maski naman si Alexius ay nagulat pero hindi niya pinahalata. Palihim pa nga niyaang kinurot ang sarili dahil baka bigla na lang siyang ngumiti.

"A-ano Yuan. M-mag t-thank you lang siy--- "

Tiningnan niya si Eris. "Paano kung pumunta nga ako dito para ligawan siya? What will you do Yuan?"

Huli na nang mapagtanto ni Alexius ang sinabi niya. Shit! dapat sa isip niya lang 'yon sasabihin! Pinilit ni Alexius na manatiling seryoso. Hindi pwedeng mahalata ni Eris na kinikilig siya. Pinigilan ni Alexius na huwag ngumiti nang makita niya kung paano mamula ang pisngi ni Eris. Sigurado siyang namula ito dahil sa kilig.

"Fine! But don't hurt my ate. Mas gusto po kita para sa ate ko kaysa kay Leo."

Mukhang magkakasundo sila ni Yuan at mukhang hindi niya na kailangan pang gumamit ng dahas. 


Eris Mesina.

"Mag t-thank you ka lang po kay ate? Hindi mo po siya liligawan?"

Napaubo ako sa huling sinabi ni Yuan. Nabilaukan ata ako sa sarili kong laway.

"A-ano yuan. M-mag t-thank you lang siya--- " Naputol ang sinasabi ko ng tingnan ako ni Alexius.

Napako ako sa kinatatayuan ko. B-bakit parang kumikinang ang mga mata niya? Bakit parang masaya siya? At bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko?

"Paano kung pumunta nga ako dito para ligawan siya? What will you do Yuan?"

Napanganga ako. 

Jutko! Tama ba ang narinig ko? L-liligawan? Ako? Paanong liligawan ako?! Imposible atsaka sinungaling kaya siya atsaka masama! Pinagt-tripan niya nanaman ba ako? Syemai Eris! Bakit ka namumula?! huwag kang mag pa-apekto sa sinabi niya! Pinagloloko ka lang niyan!

"Payn! But don't hurt my ate. Mas gusto po kita para sa ate ko, kaysa kay Leo."

Napahilamos ako sa sarili. "Yuan, pasok ka na muna sa kwarto. Mag-uusap lang kami ni kuya Alexius mo."

Tumango siya't naglakad palayo sa amin. Papasok na sana siya sa kwarto ko nang huminto ito. Abot tainga ang ngiti ni Yuan nang lingunin ako.

"Yes ka po ate kapag nitanong ka niya kung pwede ka po ligawan. hehehe!"

Mas lalong uminit ang pisngi ko. Nakakahiya! Ano bang pinagsasabi nitong dalawang 'to?!

"Abat--- " Bigla na lang kumaripas ng takbo si Yuan papasok sa kwarto ko.

"Huwag mong pansinin 'yong mga sinabi ng pinsan ko."

Sumandal si alexius pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. Walang emosyon ang mukha niya, blangko at malamig kaya naiilang ako sa pagtitig niya. May dumi ba ako sa mukha at nakatitig siya sa akin? Pinunasan ko 'yong pisngi ko. Wala naman ah.

"B-bakit ganyan ka m-makatingin?" nauutal kong tanong.

"Paano kung totoo ang sinabi ko?"

Kumunot ang noo ko. Totoo ang alin?

"Ang a-ano?"

"Na pumunta ako dito para ligawan ka."

Walang ano-ano'y kinuha ko yung stuff toy atsaka ito pinaghahampas sa kanya. "Huwag ako! huwag ako Alexius! iba na lang! Hindi mo ako maloloko at huwag ako ang lokohin mo!"

Kainis! Pinag t-tripan niya nga ako! Kahapon pa siya! Una, sinabu niya na ang ganda ko raw tapos ito naman ngayon?!

"Ouch! stop it! ack!"

Wala akong tigil sa paghampas sa kanya. Napaka niya talaga! Pumunta siya dito para ligawan ako? huh! Isang malaking kalokohan! Hahampasin ko sana siya sa ulo pero nasalo niya ang palapulsuhan ko.

"Bitaw!" Pilit kong inagaw ang kamay ko.

Nakangisi siyang ngumiti. "No."

"Sabi ng bitaw!"

Nagpupumitlag ako sa pagkakahawak niya sa akin.

"I said no."

Pilit kong binabawi yung kamay ko. Napasinghap ako nang tumama ang paa ko sa paanan ng upuan, dahilan para mawalan ako ng balanse. Huli na nang mapagtanto ko kung kanino at kung saan ako babagsak. Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na nangyari. Hindi lang ako ang nagulat pati si Alexius.

Nagsisisi ako na binawi ko 'yong kamay ko. Sana...sana hinintay ko na lang na bitawan niya ako edi sana hindi ako bumagsak sa ibabaw niya at nahalikan siya.

A-ang first kiss ko.

Dali-dali akong lumayo sa kanya. Nanginginig ang tuhod ko, parang babagsak ako ano mang oras. Bumagsak ako sa ibabaw niya at n-naglapat ang labi namin. Nakatulala ako. Parang may lumabas na kaluluwa sa bibig ko— ang kaluluwa ko.

"I'll court you, Eris. Whether you like it or not. I'll be your baby, mark my words."


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019