Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA X

Eris Mesina

Walang ibang ginawa si baby Leo kundi ang magkalat at alilain ako. Galit na galit siyasa akin, ewan ko ba diyan sa batang yan. Kanina nang magising ako ay bigla na lang din siyang nagalit at pinagsisigawan ako. Natawa pa nga ako kasi nabubulol pa siya habang sinisigawan ako.

"Huway are you sumayling?!"

Tiningnan ko siya. "Masama bang ngumiti baby Leo? psh palibhasa kasi hindi ngumingiti. Hindi ka ba tinuruan ng mommy at daddy mo na ngumiti?"

Tiningnan niya ako ng masama. "Wala kang pakwe!"

Nagkibit balikat na lang ako. Napapansin ko lang kasi na hindi man lang siya ngumiti o tumawa, palagi na lang siyang nakabusangot o hindi kaya ay naka poker face. Ang kyut niya siguro kapag ngumiti siya?

"Baby leo." Tawag ko sa kanya pero nanatili ang atensyon niya sa kamay niya.

Kanina pa siya tingin ng tingin sa kamay niya, ano bang meron?

"May nahawakan ka bang kung ano baby?" Bigla siyang napatingin sa akin. Napahagikhik ako ng makita ko ang mukha niya. Sobrang namumula ang maputi niyang pisngi at nakabusangot siya.

Nag b-blush ba siya?

"Ano? May marumi ka bang nahawakan? Halika wash natinang hands m—"

"NO!" Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Bigla niyang Itinago sa likod niya 'yong kamay niya atsaka nag-iwas ng tingin.

"Uhm okay?"

Nagkibit-balikat ako bago ipagpatuloy ang paglilinis. Habang nagliligpit ako ng nga kinalat niya ay napapansin kong palihim niya akong sinusulyapan. Kapag titingin naman ako sa kanya bigla na lang siyang mag-iiwas ng tingin. 

"Baby leo magluluto lang ako saglit ah." Inabot ko sa kanya yung feeding bottle niya. Kinuha niya naman kaagad. Binuksan ko yung tv at inilagay ito sa cartoons. 

Hinanda ko ang mga sangkap na gagamitin ko. Akmang bubuksan ko na sana yung kalan ng may kumatok sa pintuan. Dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto. Pagkabukas ko nito ay may dumamba ng yakap sa akin.

"Pamangks!" Si tito.

Humiwalay siya sa akin. Nakapangalis si tito at mukhang bagong paligo lang.

"Tito?! sinong kasama ni tita sa ospital?"

"Si pader in law! Mag b-bonding daw muna silaat mag bonding rin tayo pamangks! Na miss na kita, Na miss ka na rin ng pinsan mo." nakangusong sabi ni tito.

Natawa ako sa sinabi niya. Para talagang batasi tito. "Bonding? pero tito ma—"

Nagulat ako ng bigla siyang pumasok sa bahay. Kumunot ang noo ko ng tinuro niya si baby Leo na nanlalaki ang mga mata. Nakatingin sila sa isa't-isa.

"P-pamangks? Sino itong batang 'to?" Nilingon ako ni tito.

Lumapit ako sa kanila. Binuhat ko si baby Leo na gulat na gulat nang makita si tito.

"Si Baby leo po, inaalagaan ko."

Nanlaki lalo ang mga mata ni tito. "B-baby Leo?! B-bakit parang kamukha ni Mr. Riveli—"

"BABY LEO?!" jutko! Bigla ba naman niyang ibinato kay tito yung feeding bottle! Naputol tuloy yung sinasabi ni tito.Mabuti na lang at naiwasan kaagad ni tito, kung hindi ay baka may bukol na si tito sa noo.

"Baby leo bakit mo ginawa 'yon? Diba sabi ko bad ang manakit?" Sabi ko. Bigla niya akong niyakap at ibinaon ang mukha sa leeg ko.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni tito yung magkabila kong balikat at inalog-alog ako.

"Pamangks anong totoong pangalan ng batang yan? S-sigurado ako nasiya 'yon! Ugali pa lang at pati na yung mukha! Sa loob ng labing walong taon kong pag t-trabaho sa kanila.....sigurado ako na ang batang 'yan ay si..."

Kumunot lalo ang noo ko. Ano bang pinagsasabi ni tito? hindi naman siya natamaan ng feeding bottle kayaa imposible na maaalog ang utak niya.

"Tito gutom lang yan." Natatawa kong sabi.

"S-sinong nagpa-alaga sa kanya?"

"Yung pinsan niya po, Si Kiro."

Nagulat ako ng bigla na lang bumagsak sa sahig si tito. Jutko! Nahimatay si tito?!

"Tito—"

"O-okay lang ako. A-akin na ang batang yan. Kanina pa nasa leeg mo ang mukha niyan, baka minamanyak ka na."

Ano daw? Nagmamadaling tumayo si tito at kaagad na kinuha saakin si baby leo. Hindi na ako nagulat ng paghahampasin siya ni baby leo.

"S-sige pamangks magbihis ka na at mag bobonding tayo kasama ang pinsan mo..." Binaling niya ang tingin kay baby Leo. "...at ang batang 'to."

Nagkibit balikat na lang ako. Bonding daw eh, hindi na ako tatanggi libre naman ni tito hahaha. Iniwanan ko na munasilang dalawa.


Leonardo Alexius Rivelio.

Pagkapasok na pagkapasok ni Eris sa kwarto ay kaagad niyang kinagat ang braso ng tito ni Eris na si Aron Perez.

"Aray!" Daing nito habang hinihimas ang braso niya kung saan siya kinagat ni baby leo.

Dali-daling ibinaba ni aron sa sofa ang batang buhat niya atsaka sinuri ang mukha nito. Sa loob ng labing walong taon niyang pag t-trabaho niya sa kompanya ng mga Rivelio ay nasaksihan niya ang pagbibinata ng mga apo ng dating CEO at ng nakakatandang Rivelio. Nakita niya rin ang nga litrato ng mga ito at ang itsura ng Ex-boss niya ang hinding hindi niya makakalimutan.

"Ikaw si Leonardo hindi ba?"

Nagulat si baby Leo sa sinabi niya. Sinong hindi magugulat sa sinabi nito? Atsaka sinong hindi magugulat kung ang dati mong tauhan ay nasa harap mo ngayon at ang malala pa ay nasa batang anyo siya.

"N-no! I'm Baby l-leo!"

Nailing si Aron. Hindi siya maaaring magkamali. Sa tuwing pumapasok siya dati sa opisina ng nakakatandang Rivelio ay nakikita niya ang mga litrato nito. Mula sanggol hanggang sa maging adult na. Kamukhang kamukha nito ang ex boss niya at isa pa isa lang naman ang pinsan ni kiro na lalaki...at ang ex-boss niya iyon.

Napahilamos si aron sa sarili. "Nahihibang lang ata ako. Ibang Kiro ata ang tinutukoy ng pamangkin ko. Oo! Tama ibang kiro ang tinutukoy ng pamangkin ko." Bulong ni aron.

Napairap na lang si baby leo, Pero kinakabahan pa rin siya. Paano kapag nalaman nito na siya talaga si Leonardo Alexius Rivelio? Malalagot nasiya at sigurado siyang pagtatawanan lang siya nito.

"Damn it!" Bulong niya.

Kumunot ang noo nito. "Ano 'yon bata? Damn it?"

Namutla si baby leo. Narinig siya!

"U-uhm...I sayd Damit! I nwid to chuwenge humay damit!"

Biglang napatayo si aron. "Ah oo! Damit! sasama ka pala sa amin! Eris pamangks! Kuhanan mo ng damit itong bulinggit na 'to."

Naiyukom ni baby leo ang kamay niya. Onting-onti na lang rin at mauubos naang pasensya niya. How dare he call him Bulinggit?! Malalagot itong matanadang ito sa kanya. I d-double 'You're fired' niya ito. Tsk!

"Pero kamukha mo talaga yung ex-boss kong si Leonardo Alexius Riveli—" Hindi na nito natuloy ang sinasabi ng biglang sumulpot si eris.

"Tito! Tapos na po ako pero bibihisan ko po muna si baby leo." Aniya ni eris atsaka dali-daling binuhat si baby leo papasok sa kwarto.

Nailing si Aron. "Hindi lang pala si Leonardoang kamukha ng batang 'yon, Kamukha rin ng baby leo na 'yon ang anak ng isa pang apo ng nakakatandang Rivelio na kapatid ng Leonardo na 'yon."

...

Nakabusangot ang mukha ni Baby leo ng makarating sila sa Mall. Naiinis rin siya...paano ba naman siya hindi maiinis, eh hindi si Eris ang may buhat sa kanya kundi ang tito nito na dati niyang tauhan. Tsk!

Tiningnan niya si Eris na nakangiti sa batang buhat buhat nito. Hindi niya alam pero kumukulo ang dugo niya sa batang buhat ni Eris. Parang gusto niya na nga itong itulak at pag t-tadyakan.

"Ako dapat ang buhat niya at hindi akaw!" Aniya sa sarili.

"Ate ko! Eat tayo ng ice cream mamaya." Sabi nito kay eris na mas lalong nag painis sa kanya.

Gusto niyangsuntukin ang naka pout na labi nito. Nagpapacute pa kay Eris!

"Oo naman, perro after na lang nating kumain yuan." Kinurot ni eris ang pisngi ng pinsan.

Naiyukomni Baby leo ang kamay niya. Naiinis talagasiyan Kumukulo ang dugo niyasa batang 'yon!

"Uwaaa!"

Napahinto sila sa paglalakad ng umiyak si baby leo. Dahan-dahang ibinaba ni Eris ang pinsan at kaagad na lumapit sa tito niya para kuhanin si baby leo.

Pagkakuha niya ay inalo alo niya ito. "Shhh, Bakit ka umiiyak baby leo?"

Nagpatuloy lang sa pagiyak si baby leo...isang pekeng iyak. Tiningnan niya ng masama ang batang buhat ni eris kanina. Nakatingin rin ito sa kanya at nakakunot rin ang noo. Tumigil siya sa pag iyak at mapang asar niyang inilabas ang dila, nilagay niya rin ang hintuturo sa ibaba ng kanyang mata.

"Blee!"

"Ate eris oh!" Pagsusumbong nito.

Nagpanggap ulit na umiiyak si baby leo.

"Tito ikaw na po muna ang magbuhat sa napaka gwapo kong pinsan."

Muntik ng masuka si baby leo sasinabi ni Eris. Pinasadahan niya ng tingin ang Gwapong pinsan daw nito. "Dafaq? Saan banda ang gwapong tinutukoy niya?" Bulong niya.

Nagsimula na ulit sila sa paglilibot. Huminto sila sa mga palaruan parasa bata sunod naman ay kumain sila. Ang kalat nga kumain ni baby leo kaya todoasikaso si eris....pero sinasadya talaga ni baby leo ang lahat.

"Ate eris ako naman buhat mo." Nakangusong sabi ni yuan. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa maliit na parke sa labas ng mall. 

Pinulupot kaagad ni baby leo ang kamay niyasa leeg ni Eris. "No!"

Natawa si Eris sa ginawa nito. Ang cute cute ni baby Leo! Sarap kurutinyung pisngi!

"Ate please!" Pagpupumilit ni Yuan. 

Tiningnan niya si baby leo na nakanguso at namumula ang tungki ng ilong. "Baby leo--- "

"No! Ako lang karga mo!!" Siniksik ni baby leoang ulo niya sa leeg ni eris. 

"Ay jusko ang batang yan! P-pamangks! hindi kaya minamanyak ka niyan?"

Natawa si eris sa sinabi ng tito niya. Hindi niya alam kung bakit nasabi ito ng tito niya. "Tito, naglalambing lang po siya. Atsaka ang bata pa niya para dumamoves." Hinaplos niya ang likod ni baby leo.

Hay naku Eris, kung alam mo lang ang ginawa niya noong tulog ka. Kung alam mo lang. 

"Baby Leo, ibababa muna kita. Bibili lang ako ng ice cream doon sa mama."

Pinaupo niya si baby Leo sa tabi ni Yuan. Nag-paalam si Eris sa tito niya at kaagad na lumapit sa nag s-sorbetes. Nilingon ni baby Leo si Yuan na masama ang tingin sa kanya, syempre hindi siyamagpapatalo kaya tiningnan niya rin ito ng masama. Hinihiling niya nga n asana ay may lumabas na laser sa mata niya ng ma-laser niya na itong Yuan na ‘to. 

"Ang panget mo." Nakangising sabi ni Yuan. 

"Bunge ka naman." Nakangisi ring sabi ni baby Leo. 

"Isusumbong kita kay ate eris ko--- " 

"Your ate eris is mine." Nginisian niya si Yuan. Pero ano raw?! Ano daw ang sabi niya?! 

"Akin lang si ate eris--- "

"She's not your ate Eris because she's mine now." 

Hindi lang si Yuan ang nagulat sa sinabi niyapati siya pero nanatili pa rinsiyang nakangisi.

"Damn! Ano bang pinagsasabi mo Alexius?!" Aniya sa sarili. Mamaya niya na lang pupukpukin ang ulo niya kapag naka uwi na sila. 

Sabay silang napalingon sa babaeng papalapit sa kanila....si Eris. May hawak itong apat na cup na naglalaman ng sorbetes. 

"Ate eris ko subuan mo po ako/Feed me!" Sabay nasabi ni baby leo at ni yuan.

Nagulat si Eris sa dalawa, ganoon din si Aron na kanina pa nakikinig sa usapan ni baby Leo at ng anak niya. 

Uh oh mukhang may magaganap na love triangle.


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019