Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XIII

Eris Mesina.

April 27, 2017. Hindi ko na malaman kung ano ba muna ang gagawin ko ngayong oras na 'to. Ang awatin ba ang dalawang batang nag-aaway ngayon sa harap ko o ang magpalit ng damit na onting-onti na lang ay masisira na. Paano ba naman, pinaghihila ng dalawang makulit na bata 'yongdamit ko. Pinag-aagawan nila ako.

Namomroblema na rin ako dahil kailangan ko pang asikasuhin yung birthday ni baby Leo. Bukas na 'yon kaya kailangan ko na talagang simulan ang paghahanda.

"Parang awa niyo na, tumigil na kayo---" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang bigla akong dambahin ng yakap ni Yuan. Buti na lang at naka-upo ako, kung hindi ay baka natumba na kami ngayon. Nakayakap pa naman sa akin si baby Leo.

Ano ba kasing problema ng dalawang bata na 'to? 

"Ouch! Naiipit ako!" Daing ni baby Leo na nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Hmp! Ble! Buti nga sayo!" Binelatan pa ng pinsan kong si Yuan si baby Leo.

Napapikit ako ng mariin. Onting-onti na lang talaga at mauubos na ang pasensya ko--- Hindi , ubos na pala ang pasensya ko. 

Bumuntong hininga ako bago ko palayuin sa akin si Yuan at baby Leo. Pinatayo ko sila't pinaharap sa akin. "Kayong dalawa! Itaas niyo ang kamay niyo."

Kagigil sila! kagabi pa sila. Pagkagising ko kanina ay nag-aaway at pinag aagawan na nila akong dalawa. Bumangon nga ako kaninana nakasabit sila sa akin, ang isa ay nakayakap sa kaliwa kong hita at ang isa naman which is si baby Leo ay nakayakap naman sa kanan kong binti. Maliit kasi siya kaya hanggangbinti lang ang abot niya. Hindi na rin ako nakapag-luto ng maayos nang ng dahil sa dalawang cute na batang 'to.

Tiningnan ako ni baby Leo. Nag-puppy eyes pa siya. Anong akala niya sa akin? Madadaan niya ako sa pag-p-puppy eyes niya? Naku! 

"But--- "

Pinandilatan ko siya ng mata. "Anong sabi ko?"

Nagkatinginan si Yuan at baby Leo bago nila itaas 'yong dalawa nilang kamay. Ayaw ko sana silang pagsabihan at parusahan pero kailangan nilang turuan ng leksyon.

"Ano bang pinag-aawayan niyo?" tanong ko sa dalawa bago ayusin 'yong damit ko.

"Kasi po inaagaw ka po niya sa akin ate ko!"

"Bakit ko aagawi--- bwakit ko namawn aagawin hang pag aawi ko?!"

Ayan, nagsimula nanaman ang dalawa. Tumayo ako atsaka iniwan sina baby Leo at Yuan. "Hindi niyo ibababa ang kamay niyo hanggat hindi kayo nag s-sorry sa isa't-isa, pati sa akin." I said.

Nagtungo ako sa kusina. Kinuha ko 'yong cellphone atsaka tinawagan si Kiro. Hindi rin nag tagal ay sinagot na niya ang tawag. Buti naman, akala ko pa VIP pa si Kiro.

[Yes?]

"Hello to you too."

[Ba't napatawag ka? May ginawa nanaman bang kalokohan si Ale--- baby Leo.]

Binuksan ko 'yong gardenia bread atsaka inilabas 'yong margarine at asukal. "Wala pero kailangan ko ng tulong mo. Gahol na kasi ako sa oras. Bukas na 'yong birthday ni baby Leo pero wala pa akong nasisimulan. Paano ba naman nag-away 'yong pinsan mo at pinsan ko, kaloka lang."

[Akala ko ba walang ginawa 'yong pinsan ko? Pero sige, ganito na lang. Ako na ang bahala sa Cater. Magpapadala ako mamaya ng mga gamit para sa party at ikaw na ang bahalang mag-ayos. Sabihan mo na rin 'yong mga dadalo.]

Bigla akong nakahinga ng maluwag. "Salamat Kiro! Hulog ka ng langit!"

Tumawa siya. [Kita kits na lang bukas.]

Nagpasalamat ulit ako bago ibaba ang tawag. Naghanda muna ako ng pagkain nung dalawa bago ako tuluyang lumabas sa kusina. Tiningnan ko yung dalawa na hanggang ngayon ay nagsusukatan pa rin ng tingin. Ang kukulit! Hindi na lang mag-sorry sa nagawa nilang kasalanan. Kagigil at ang c-cute pa! Nilapag ko 'yong hinanda kong pagkain dahilan para maibaling nila sa akin ang atensyon nila.

"Sorry po ate Eris/Aym sow sowry." Sabay na sabi ng dalawa.

Napangiti ako. Sinenyasan ko silang dalawa na lumapit na kaagad din naman nilang sinunod. Ginulo ko 'yong buhok ni Yuan at ni baby Leo. "Huwag na kayo mag-aaway ah? Magiging dragon ako kapag nag-away ulit kayo, sige kayo."

Ngumuso silang dalawa.

"You're a dwagon naman tawaga." Turan ni baby Leo.

"Pramis ate hindi na po kami mag-aaway!" Itinaas ni Yuan 'yong kanang kamay niya.

"Promise ah. Sige umupo na kayo. lalabas lang ako saglit."

Ibinaliong ko ang tingin ko kay baby Leo na nakanguso. May bahid ng lungkot ang mga mata nito. Hayaan mo baby leo. Magiging masaya ka sa Birthday party mo bukas. Gagawin lahat ni ate Eris mo ang lahat para maging successful ang party.

Ilang Oras na ang lumipas. Nalibot ko na ang buong apartle at nasabihan ko na din ang mga dadalo bukas. Nang hingi rina ko ng tulong kay Manang Mersi sa pag-aayos ng venue bukas which is sa malawak na bakuran na nasa likuran ng apartment.

Binasa ko 'yong message ni Kiro. Sabi nito parating na 'yong mga gamit pandekorasyon. Maya-maya pa'y dumating na 'yong mga karton. Hindi na ako nagulat nang makita ko kung gaano karami 'yong box na ibinaba sa L300. Mahal na mahal talaga ni Kiro si baby Alexius hahaha. May mga maliliit na lamesa at upuan din. Itatago ko na muna ang mga ito sa storage room ng apartment para hindi makita ni baby Leo. Hindi ko naman kasi pwedeng i-akyat 'to.

Nagpasalamat ako sa mga tauhan ni Kiro. Tinulungan din kasi nila akong ilagay sa storage room 'yong mga karton. Papasok na sana ako sa apartment nang bigla akong na alala. Ano ba 'yan! May nakalimutan akong imbitahan. Nakalimutan kong sabihin kay Kiro na papuntahin si Alexius. Kahit naman na may inis ako sa lalaking 'yon ay kailangan ko pa rin siiyang imbitahan. Pinsan niya si baby Leo kaya dapat nandito siya bukas.

Nagkibit balikat ako. "Bahala na nga, siguro naman isasama ni Kiro 'yong lalaki na 'yon." 

"I'm hom--- " Hindi ko na natapos 'yong sinasabi ko nang makita ko 'yong dalawa.

Dahan-dahan kong sinarado 'yong screen door bago lumapit sa dalawa. Parehas na tulog si Yuan at baby Leo sa carpet. Mag kayakap pa ang dalawa. Kumuha ako ng dalawang throw pillow atsaka ito inilagay sa ilalim ng ulo nila. Tinapat ko rin 'yong bintilador para hindi sila mainitan. 

Nakakatuwa naman, bati na sila.

Ngayon, magagawa ko na ang mga kailangan kong gawin. Mabuti na lang at tulog na 'yong dalawang makulit na bulinggit


Third person's point of view.

Kinabukasan.

Hindi mabihisan ng maayos ni Eris si baby Leo dahil pinaghahampas siya nito. Nakalmot pa ngasiya pero hindi niya na lang ininda. Kailangan niya na talagang mabihisan si baby Leo dahil ilang minuto na lang at magsisimula naang party.

"Baby Leo, huwag kang malikot. Kailangan mo ng magbihis." Aniya pero pinaghahampas lang siya lalo ng bata.

Argh! Naiinis na talaga siya! Pero kailangan niyang kumalma, papalagpasin niya muna dahil birthday ni baby Leo.

"Kikilitiin kita kapag hindi ka tumigil--- "

"I downt care!"

"Kikiss ko 'yang maala siopao mong pisngi--- "

“payn!”

Napahagikhik si Eris nang makita ang namumulang pisngi ni baby Leo, Ang kyutie! Pinagpatuloy na ulit ni Eris na bihisan si birthday boy. Kulay blue na T-shirt na may maliliit na print ng elephant ang ipinasuot niya. Tiniernuhan niya ito ng kulay puting short at kulay blue na sapatos.

Tiningnan niya 'yong wall clock. Paktay! Late na sila! Dali-dali niyang binuhat si baby Leo atsaka lumabas ng apartment. Ni hindi niya na nga naayos yung buhok niya at 'yong suot niyang dress. May mga sasakyan na nakaparada sa harap ng apartment. Apat na magagarang sasakyan.

"Huwer are we gowing?" Tanong ni baby Leo.

"Secret. " Aniya ni Eris atsaka ito kinindatan dahilan para mas lalong mamula 'yong pisngi ni baby leo. Keleg keleg naman ang maala siopao niyang pisngi, pft!

Kumunot ang noo ni baby Leo nang makita 'yong mga sasakyan na nakaparada sa harap ng gate ng apartment. Pamilyar sa kanya 'yong mga sasakyan na 'yon. Mas lalong kumunot ang noo niya nang makita 'yong mga disenyo ng dinadaanan nila. Puro kulay blue na lobo, may banner pa at kung anu-ano.

"Baby Leo, takpan muna natin 'yang maganda mong mata ah."

Hindi na siya nakapalag dahil bigla ng tinakpan ni Eris ang mga mata niya. Huminto si Eris sa paglalakad. Napangiti lahat ng bisita nang makita silang dalawa.

Isa

dalawa

tatlo


Inalis ni Eris ang kamay niya na nakatakip sa mata ni baby Leo.

"Happy birthday baby Leo!" Sabay-sabay nilang sigaw.

Napanganga si baby Leo sa nakita niya-- sa nangyayari. Napakaraming tao. Nakita niya rin sina Kiro, Ian, Angelo at ang Mama niya.

Hindi namalayan ni Alexius na umiiyak na pala siya sa sobrang tuwa. N-ngayon niya lang naranasan na ipagdiwang ang kaniyang kaarawan...ngayon lang.

"Happy birthday baby Leo ko." Nakangiting sabi ni Eris.

Hindi maipaliwanag ni baby Leo ang saya na nararamdaman niya. Ngayon lang siya naging masaya...ngayon lang.

Niyakap niya ng mahigpit si Eris. Isinubsob niya rin 'yong mukha niya sa leeg nito at doon umiyak.

"Hush, dapat’ di ka umiiyak kasi birthday mo--- "

"Thank you...Eris." Putol ni baby Leo sa sinasabi niya.

Napahinto si Eris. Bigla ring bumilis ang pagtibok ng puso ni niya at hindi niya alam ang dahilan kung bakit.

Samantala. Nakangiting nakatingin sina kiro, Ian, at Angelo sa kaibigan nila--- kay Alexius. Ngayon lang nila ito na nakitang umiiyak...sa tuwa.

"Pareng kiro, hindi mo inimbitahan 'yong mga magulang niya? Sila tito at tita? Si ate Leona?" Tanong ni Ian sa kaibigan.

Mapait na napangiti si kiro. "Gusto ko man pero hindi pwede. Hindi nila pwedeng makitang ganyan ang anak nila. Sigurado rin naman ako na hindi rin sila dadalo kahit na imbitahan ko sila."

Hindi ito nakatakas sa pandinig ng Mama nila. Tiningnan niya si Alexius. Kasalanan ng anak niya kung bakit nagkaganito ang apo niya. Ang ama ni Alexius ang dahilan kung bakit naging masama't walang puso ang apo niya.

"Baby Leo! Punta tayo kela Mama at kiro! Tapos pasasalamatan natin silang lahat pati na ang mga bisita!" Magiliw na sabi ni Eris na nagpangiti sa matanda.

Hindi siya nagsisisi na isinumpa niya ang apo niya. Nang dahil sa ginawa niya ay mararanasan na nito lahat ng mga bagay na hindi niya naranasan noong bata pa ang apo niya--- noong bata pa si Alexius.

Lumapit sa kanya sina Eris at baby Leo na hanggang ngayon ay humihikbi pa rin.

"Mama ito na po ang apo niyong sadista pero cute!"

"Salamat ija. Maraming maraming salamat." Aniya.


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
29 December 2019