Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA VIII

Eris Mesina

Napailing siya ng makita ang limang kahon na nasa harap ng apartment niya. May nakasulat na 'Baby Leo' sa mga kahon kaya alam niya na kung para kanino ito at kung sino ang nagpadala.

Napahilamos siya sa sarili. Problemadong-problemado na siya sa batang inaalagaan niya. Kahapon niya pa lang ito inalagaan pero ngayon parang gusto niya ng sumuko. Paano ba naman, hindi siya nito pinatulog dahil iyak ito ng iyak. Itinabi niya na nga ito sa kama pero pinaghahampas lang siya nito.

Bumalik muna siya sa kwarto para tingnan kung gising na ba ang iyaking bata. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang mahimbing pa rin ang tulog nito.

"Itutuloy ko pa ba? Sayang naman kasi 'yong ibabayad sa akin. Kaso naman napaka brutal ni baby leo, kanino kaya siya nagmana? Ang bata pa niya pero napaka bossy at mapanakit na." Aniya. Dahan-dahan niyang isinarado yung pintuan.

Bumalik siya sa labas para kuhanin na ang mga kahon. Ang iba ay mabigat ang iba naman ay medyo magaan. May malaking kahon pa. Ano naman kaya ang mga laman nito? 

"Mukha namang mayaman pero bakit hindi nalang sila nag-hire ng babysitter sa bahay nila? Talagang iiwan pa sa akin." Itinali niya ang buhok bago buhatin ang isang kahon.

Inuna niyang ipasok sa loob ng apartment ang medyo maliit na kahon, magaan lang ito kaya madali niya itong naipasok. Naka apat na balik pa siya hanggang sa mapasok niya na lahat. 

Inurong niya ng kaunti 'yong sofa pati na rin ang center table. Binuksan niya lahat ng kahon. Halos lumuwa ang mga mata niya ng makita kung ano mga laman nito. Ang taltlong kahon ay may mga lamang

diaper, tsupon, feeding bottle, baby wipes, pambatang damit, feeding spoon, hooded towel, wash cloths, baby shampoo, bath toys, pajamas, sun hat, gatas at mga laruan.

Ang dalawang kahon naman ay may lamang stroller at high chair. Nilabas niya sa kahon ang mga gamit ni baby Leo. Una niyang inayos ang high chair at inilagay ito sa tabi ng sofa. Sunod naman 'yong stoller na di tupi na inilagay niya sa likod ng pintuan. 

"Saan ko naman ilalagay itong mga 'to? ang liit lang ng apartment ko." Tiningnan niya ang mga gamit ni baby Leo.

"Hays! bahala na nga!" Umupo siya sa sofa.

Isa-isa niyang tinupi ang mga damit. Kinuha niya ang mga malalambot na laruan at inilagay ito single couch. Patakbo siyang pumasok sa loob ng kusina niya para ilapag ang mga feeding bottles, pacifier at mga gamit para sa pagpapakain. Nilapag naman niya sa lamesa ang gatas bago bumalik sa lababo. Huhugasan niya na sana ang mga ito nang marinig niya ang pagbukas ng pinto.

Dali-dali siyang lumabas sa kusina. Si baby Leo ang bumungad sa kanya. Hila-hila nito ang unan niya at halatang inaantok pa ito. Pagewang-gewang na naglakad si baby Leo papunta sa carpet at doon nahiga. 

Napangiti si Eris sa nakita. "Inaantok pa nga."

Kumuha siya ng mainit na tubig at inilagay ito sa planggana. Binabad niya 'yong mga feeding bottles bago puntahan si baby Leo. 

Tinabi niya muna ang mga gamit na nagkalat bago ito buhatin. Akala niya nga ay hahampasin siya nito, sa halip ay niyakap siya nito at ibinaon pa sa gilid ng leeg niya ang mukha. 

Hinaplos niya ang likuran ni baby Leo. Grabe, antok na antok. Parang si baby Leo pa ata ang puyat kaysa sa kanya. Nailing siya.

Binuksan niya ang mga kurtina pati ang mga bintana para pumasok ang mga sariwang hangin.

"Baby leo? Inaantok ka pa?"

"Yes, now shut—aym stwil swipy. Downt be noysi."

Napakibit balikat na lang siya. Parang narinig niya kasi itong nagsalita ng diretso. Nagtataka nga siya kasi no'ng una niya itong nakausaap ay diretso itong magsalita pero ngayon ay bulol ito. Hays, siguro may mga words pa siya na hindi kayang sabihin kaya nabubulol at may mga words naman na kaya niyang sabihin ng diretso.

"Gusto mo ng milk?" Pumasok siya sa kusina. Buhat buhat pa rin niya si baby Leo kaya isang kamay lang ang nagagamit niya.

Tinanguan na lang siya nito bilang sagot. binuhat niya ng maayos si baby Leo bago alisin sa planggana ang mga ibinabad niyang feeding bottle. Hinugasan niya ng maigi ang gagamiting niyang feeding bottle bago ito lagyan ng maligamgam na tubig at ng gatas. Inalog niya muna ang bote bago ibigay sa bata. 

Kinuha naman kaagad ito ni baby leo at mabilis na isinalpak sa bibig. halatang gutom na gutom. Mukha ngang nawala ang antok nang mainom ang gatas.

"Mamaya ko na nga lang aayusin kapag nakatulog ulit." Aniya sa sarili. Itinabi niya muna ang mga feeding bottle bago bumalik sa sala. 

Nilapag niya si baby Leo sa sofa atsaka ito inabutan ng laruan pero nilaglag lang niya sa sahig. Hindi na siya nag-abala pa kuhanin 'yong nalaglag na laruan, mukhang ayaw naman kasi ni baby Leo. 

Kinuha niya ang magkabilang paa nito atsaka hinilot.

"Pong pong pong para matangkad si bab leo paglaki—aray!" Nabitawan niya ang paa ni baby Leo. sinipa siya nito at sobrang lakas ng pagkakasipa sa kanya. 

"Downt towts me! aym dwinking! kent yow see?!"

Itinaas ni eris ang magkabila niyang kamay na para bang sumusuko siya. "Sorry na baby Leo. Hinihilot ka lang naman eh."

Tiningnan na lang siya ng masama ni baby Leo bago ipagpatuloy ang pag-inom.

Sumandal na lang siya at hinintay na matapos si baby Leo. Hanggang sa hindi niya namalayan na unti-unti na pala siyang napapapikit


Leonardo Alexi us Rivelio.

Nakatingin siya kay Eris na natutulog. Nakanganga pa ito at humihilik, hindi niya tuloy matapos ang pag-inom ng gatas dahil sa ingay. Gusto niya na ngang busalan ang bibig nito.

"Tch. Kababaeng tao humihilik." Umupo siya at inihagis sa kung saan 'yong feeding bottle. Kumuha siya ng stuff toy atsaka lumapit kay Eris.

Pinakatitigan niya ang mukha nito. Pamilyar talaga ang mukha nito. Teka! Saan ba niya nakita si Eris? Bukod sa playground ng park. Pumikit siya at pilit na inalala. Isa ba si Eris sa mga babaeng nakasiping niya? Nilandi? Blind date? 

Napahilamos siya sa sarili. Bumaba ang tingin niya sa ilong nito sunod sa labi at sa leeg nito. 

"Fvck!" Mura niya bago sampalin ang sarili. 

Why's he turned on?! That's weird! Okay lang sana kung nasa totoo niya siyang anyon but no! Nasa anyo siyang bata. 

Napako si Alexius sa kinauupuan niya nang biglang gumalaw si Eris. Humarap ito sa kanya kaya kitang-kita na niya ang kabuuan ng mukha nito at do'n niya naalala kung saan niya nakita si Eris. 

Si Eris 'yong babae na bumunggo sa kanya sa bar habang may kahalikan siya. Siya 'yon! Umiling si Alexius nang maramdaman ang pamumula ng pisngi. Kaya pala pamilyar sa kanya si Eris. Iwinaksi niya sa isipan ang kalibugan—este ang naiisip niya. Hindi porket si Eris 'yong babae na 'yon ah hindi na niya itutuloy ang plano niya. He doesn't care who is she ang gusto niya ay bumalik sa totoo niyang anyo. 

Napansin niya ang itim sa ilalim ng mga mata nito. Mukhang gumana ang plano niya na huwag itong patulugin. Umiyak at nagwala talaga siya kagabi kaso siya rin ang napagod kaya siya ang nakatulog.

Bumalik ang tingin ni Alexius sa hawak sa stuff toy. Ipapasok na sana niya sa bibig ni Eris 'yong hawak na laruan pero nagbago ang isip niya. Itinapat niya ito sa mukha ni eris...at boom! Binato niya ito ng sobrang lakas at sa mismong mukha nito tumama.

Napahiga siya sa sofa sa kakatawa habang si eris naman ay sapu-sapo ang mukha niya. Ang sakit kaya! 

"Aray! Baby Leo! Bakit mo naman ako binato ng laruan mo? aray ko!"

Tawa pa rin siya ng tawa. Si Eris naman parang iiyak na sa sobrang sakit. Iiyak na rin siya dahil binubully siya ng batang inaalagaan niya.

"Baby Leo, bad 'yong ginawa mo. Hindi ka dapat nananakit. Paano kung sayo gawin yun ng mga kalaro mo?"

"Ay ken protect maswelf!"

"Kahit na. Paano na lang kapag wala ako at saktan ka nila?"

Tumigil siya sa pagtawa at tiningnan ng masama si Eris. "I downt need you."

"Matigas din pala ang ulo mo." Bulong ni Eris. 

Dumapa na lang siya sa sofa. Paano na lang kapag wala siya? tch! I don't even need her. 23 years na akong nabubuhay na ako lang ang pumoprotekta sa sarili.

Naramdaman niya ang pag-alis ni Eris sa sofa. Tiningnan niya ito, nakita niya ito na inaayos ang mga gamit na nagkalat. Isa-isa nitong nilagay sa mga dapat na paglagyan. Naka ilang labas masok rin ito sa kwarto kung saan siya natulog at sa isa pang pintuan na sa tingin niya ay banyo. 

Naalala niya tuloy ang sinabi ng Mama niya. Kapag hindi siya gumawa ng masama o hindi siya nanakit ng damdamin ng tao ay babalik siya sa tunay niyang anyo.

Pero ayaw niya. Sanay na siya na nananakit ng tao at ng mga damdamin nito, katulad na lamang ng ginawa niya kanina. Physical at emotional niyang sinaktan si eris, sa pagbato nito at sa sinabi niya na hindi niya ito kailangan.

Narinig niya ang pagtunog ng telepono pero hindi niya ito pinansin.

"Hello tito? sige po, ako na po muna ang magbabantay kay tita....pero kasi....ay wala po. Sige po punta na ako diyan tito."

Kumunot ang noo niya. Iiwan siya nito? Saan naman ito pupunta?

"Baby Leo, aalis muna ako. Hindi kita pwedeng isama sa hospital kaya ibabalik na muna kita sa pinsan mo."

Napabangon siya sa sinabi nito. Ibabalik na muna siya sa pinsan niya?

"Namimiss mo na siguro pinsan mo ano?" Kinurot ni Eris ang pisngi niya. 

Ngumiti si baby Leo, ngiti na kita ang apat niyang ipin. 

"Yes! I mwiss him!" Sarkastiko niyang sabi. 

Lagot ka ngayon Kiro. Ihanda mo na ang sarili mo dahil lintik lang talaga ang walang ganti.


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019