Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

Leonardo Alexius Rivelio

Inis niyang ibinaba ang hawak na cellphone. Kakatapos lang ng meeting niya at kaagad siyang dumiretso pabalik sa opisina niya. Kanina nang makaalis sila sa cafè ay sinubukan niyang tawagan si Eris para marinig ang boses nito. Nasira kasi ang araw niya ng dahil sa Britney Spea— Mondrana na 'yon at si Eris lang naman ang nakakabuo at nagpapasaya sa araw niya. Ilang beses niyang tinawagan si Eris pero ni isang tawag niya ay hindi nito sinagot, palaging nirereject ang tawag niya, even his text messages.

Napahilamos sa sarili si Alexius. May ginawa ba siyang hindi maganda kaya hindi sinasagot ni Eris ang tawag niya? Hindi ba nito nagustuhan na kinansela niya ang pagkikita sana nila kanina? Inis na sinabunutan ni Alexius ang sarili.

Nasa ganoong sitwasyon siya nang pumasok ang sekretarya niya. Naabutan siya nitong nagmamaktol at sinasabunutan ang sarili. Tumikhim ang sekretarya niya na siya namang naka-agaw sa atensyon niya. Umayos siya ng upo.

"Hindi pa rin ho ba sinasagot ni Ms. Mesina ang tawag niyo?"

Tumango siya. Gustong gusto na niyang puntahan ang dalaga pero hindi pa pwede, may mga kailangan pa siyang asikasuhin sa kompanya.

"Puntahan mo ho kaya? Ako na lang po muna ang bahala sa mga natitirang papeles na kailanga niyong ireview."

Pumalakpak si Alexius na siyang naging dahilan para magulat ang sekretarya niya. Agad agad nitong inayos ang mga gamit bago tuluyang tumayo. Lumapit siya sa sekretarya niya.

"I'll increase your sallary." He said bago tuluyang lumabas.

Naiwan namang naluluha ang sekretarya niya. Tinaasan nito ang sahod niya! Alexius' the worst boss she worked with, pero nagbago na ang tingin niya rito, mabait ito! Tinaasan ang sahod niya! Gusto niya tuloy pasalamatan si Eris dahil kung hindi naman dahil dito ay hindi babait at tataasan ng boss niya; Alexius ang sahod niya.

Nakangiti nitong inayos ang mga papeles na naiwan sa lamesa ni Alexius.



Sa kabilang dako.

Pagkauwi ni Eris kanina ay kaagad na niyang sinimulan ang sideline niya bilang labandera; magandang labandera. Ito kasi ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang linggo. Wala pa siyang trabaho kaya't pinatos niya na pati paglalabada, onting tiis na lang naman at magkakaroon na ulit siya ng trabaho.

Hindi naman pwede na umasa siya sa tito at tita niya para sa pang araw araw na gastuhsin niya. May pamilya rin ito at ayaw niyang dumagdag sa gastusin lalo na't nang malaman niya na unti-unti na palang binabayaran ng tito niya ang mga nautang noon para sa pagpapagamot sa tita niya. Kaya rin siya naglalabada para makatulong sa pagbabayad ng mga utang.

Hindi rin alam ni Alexius na naglalabada siya. Alam na kasi ni Eris ang maaaring gawin ni Alexius sa oras na malaman nito ang sideline niya. Binuhat niya ang isang basket ng mga damit galing sa bahay nila angelo na palagi silang inaasar ni Alexius; sa katabi nitong apartment. Mabuti na lang at wala ng time ang mama ni Angelo para mag laba dahil sa bagong karenderyang ipinatayo nito.

"Ate Eris, nandyan pala 'yong uniform ko. Kailangan ko 'yon buka—"

"Ako ng bahala Angelo, paplantsahin ko na din." Putol niya sa sinasabi ni Angelo.

"Sige ate, dagdagan ko na lang ng ten pesos 'yong bayad sa 'yo ni mama hahaha!"

Napairap si Eris bago tuluyang pumasok sa apartment. Nilapag niya sa may balkonahe 'yong basket atsaka itali ang buhok bago simulan ang paglalaba. Sa ngayon ay may tatlong basket ng damit siyang kailangang labhan. Isa kela Manang Mersi, Manong Pio at kela Angelo.

May 600 na ako. Ngumiti siya, iyong ngiti na abot hanggang tainga. Malaking halaga na rin ang 600 kaya tuwang tuwa talaga siya dahil may pandagdag na siya pang gastos.

Nasa kalagitnaan ng paglalaba si Eris nang biglang may kumatok sa pinto. Pinunasan niya ang basang kamay bago magtungo sa pinto.

"Sino naman ang istorbo na ito? Busy kaya ako sa paglalaba." Inis niyang sabi sa sarili.

Parang binagsakan siya ng langit at lupa, isang kaban ng bigas, Isang sako ng pako, Isang sako ng lupa at lahat ng mabigat ng makita ko kung sino ang bisita niya. Si Alexius.

Ano nanaman ang ginagawa niya rito? At pagkatapos niya talagang makipag meeting kuno ay dito siya didiretso? ang kapal din pala ng apog nito.

Naibaling ni Eris ang tingin sa hawak nitong bulaklak. Mukhang pinitas lang sa mga bulaklak na nakatanim sa may gate. Hindi niya ba alam na araw-araw na dinidiniligan ni Manang Mersi ang mga bulaklak na 'yon? Konyatan ko kaya ito? Ang yaman pero namimitas lang ng bulaklak.

"Hindi ako patay para bigyan mo ng bulaklak." Napalunok si Alexius sa sinabi niya. Paano nalaman ni Eris? Nakita niya ang pagtaas at pagbaba ng adams apple nito, idagdag pa ang ilang butil ng pawis na dumadausdos pababa sa noo nito.

"Flowers for you." Inilahad nito sa harap niya ang dalawang piraso ng bulaklak.

"Isusumbong kita kay manang mersi, pinipitas mo ang mga bulaklak niy—"

"No need, si Manang Mersi na mismo ang nagsabi na pumitas ako." Nakangiting putol nito sa sinasabi niya. Parang proud pa nga ito. Proud pa siya na hinayaan siya ni Manang na pitasin ang mga bulaklak.

Akmang sasaraduhan na niya ng pinto si Alexius nang bigla na itong pumasok. Hindi na nga nito hinantay pa na tanggapin ang bulaklak na pinitas nito at agad na nilagay sa flower vase na nasa center table. Hindi makapaniwalang sinundan ng tingin ni Eris si Alexius hanggang sa lapitan ulit siya nito.

"Why aren't you answering my texts and calls? Pinag-aalala mo ako." Tila ba desperado ngunit nag-aalala nitong sabi.

Nanatiling walang imik si Eris kaya mas lalong naguluhan at nag-alala si Alexius. Ano ba ang nagawa niya at nagkakaganito ang mahal niya? Napahilamos siya sa sarili.

"Umalis ka na, kakagaling mo lang sa meeting kuno mo hindi ba?" Tinaasan niya ng kilay si Alexius.

"Meeting kuno?"

"Oo, kuno kasi nakipag date ka lang naman."

Kamuntik ng magdugtong ang kilay ni Alexius. Meeting kuno? May meeting talaga siya pero hindi naman niya tinuloy dahil hindi naman pala 'yong Britney Spea— este Mondrana na 'yon ang totoong may may-ari ng lupa.

"I do have a meeting with Ms. Mondrana."

"Mondrana pala ang pangalan ng babaeng may hawak sa kamay mo."

Mas lalong kumunot ang noo ni Alexius. Naguguluhan siya sa sinasabi ni Eris, ngunit kaagad ding nalinawan si Alexius. Ang kunot sa noo niya ay nawala, ang magkabilang gilid naman ng labi niya ay halos umabot na sa tainga niya.

"You saw us?"

Tumikhim si Eris. "Aksidente ko kayong nakita. Hindi kita sinundan o kung ano."

Alexius held her hand. Babawiin sana ni Eris pero hindi siya hinayaan ni Alexius na alisin nito ang pagkakahawak sa kanya. Mas lalong nainis si Eris nang makita ang ngiti sa labi ni Alexius. Bakit nakangiti ito? May dapat bang ikatuwa sa nangyayari?

"You're jealous."

Nanlaki ang mga mata ni Eris. Siya nagseselos?! No way! Teka baka... nagseselos nga siya. She tsked. Tiningnan niya ng masama si Alexius. 'yong tingin na parang binabaon niya na ito sa lupa.

"Hindi ako nagseselos!"

"Yes you are." Alexius pinched her nose using his other hand.

"Ano ba! Bakit naman ako magseselos!"

"Because you're falling for me."

Nagsimulang umakyat lahat ng dugo ni Eris papunta sa mga pisngi niya. Sa oras na ito, alam na alam na ni Eris kung ano ang dahilan ng pamumula ng pisngi niya. Ayaw man niyang aminin pero nagustuhan niya at kinilig siya sa sinabi ni Alexius.

Hindi ganito ang plano ni Eris noong bigyan niya ng pagkakataon si Alexius. Hindi niya gusto na mahulog siya kay Alexius, pero bakit ganun? Bakit hindi niya magawa? Pilitn man niyang kumapit pero 'yong mismong kinakapitan niya na mismo ang bumibitaw sa kanya, na tila ba gustong-gusto nito na mahulog na siya ng tuluyan sa puso ni Alexius.

"Huwag ka ng magselos. I swear, it's really a meeting and not a date. I already have you, hahanap pa ba ako ng iba?"

Kinagat ni Eris ang gilid ng pisngi mula sa loob. Bakit ba kasi ang galing galing bumanat nitong lalaki na 'to? Sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay ang siyang nagiging dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya.

"U-umalis ka na nga!"

"No, i'll stay here. Ayusin natin 'to. Ayokong umuwi nang nagseselos ka."

"Sinabi ng— argh! Wala ka bang bahay?!" Iritang aniya. Naiinis na talaga siya, hindi dahil kay Alexius kundi dahil sa sarili niya.

Natatakot siya na baka marinig na ng tuluyan ni Alexius ang pagdagundong ng puso niya kapag hindi ito umalis ngayon.

"Wala pa. Ginagawa pa lang ang bahay natin."

Kung may iniinom lang siya ngayon ay sa malamang ay nabilaukan na si Eris at baka ito pa ang maging cause of death niya, hindi ang pagwawala ng puso niya. Tiningnan niya ito ng masama at ang loko ay nginitian lang siya. Proud talaga ito sa sinabi. Ang saya saya niya.

"Umuwi ka na nga! Naglalaba pa ako!"

Hindi na niya hinintay pa na makabanat ulit ito. Iniwan niya na ito at hahayaan na lang na mabored. Tiningnan ko ulit siya ng masama bago tuluyang lumabas sa veranda para ipagpatuloy ang paglalaba. Bahala siya sa buhay niya. Uuwi na lang 'yan maya-maya.

Padabog niyang isinarado ang pinto ng balkonahe at pinagpatuloy ang paglalaba. Laba doon, laba rito. Kusot doon, kusot dito.


Hindi alam ni Eris kung gaano na siya katagal sa balkonahe; sa ginagawa.  Kakatapos lang niyang idryer ang pangalawang basket ng damit na nilabhan. Nag unat siya dahil namamanhid na ang buo niyang katawan.

"AY!" Sigaw ni Eris nang biglang bumukas 'yong pinto. Inis niyang nilingon si Alexius. Nandito pa din siya? Bakit hindi pa siya umalis?

"Bakit nandito ka pa?"

Hindi ito sumago. Nagpabalik balik ang tingin nito sa mga labahan niya, sa mga basket na naglalaman ng damit. Sakto namang dumungaw si Joshua mula sa kabilang balkonahe. May mga hawak itong kapirasong damit.

"Ate Eris, padagdag daw sa labahen sabi ni mama atsaka magpapalaba rin daw si Mang Lester."  

Nanlaki ang mga mata niya. Gusto niyang kaltukan si Joshua sa biglang pagsulpot nito. Wrong timing! Hindi niya nga gustong malaman ni Alexius na sumasideline siya ng pagiging labandera. Kinakabahang tumayo si Eris para saluhin ang mga damit na hawak ni Joshua. Isa-isa ay hinagis nito ang damit na nasalo rin niya.

"O andiyan pala yayamanin mong boyfriend ate." Aniya bago sumaludo kay Alexius pagkatapos ay bumalik na ito sa loob.

Kinakabahan siya. Ayaw niya ngang tingnan si Alexius dahil ayaw niyang makita ang reaksyon nito. Galit kaya ito? Naiinis? Nakagat niya ang ibabang labi.

Nagulat na lang siya nang hubarin ni Alexius ang suot nitongcoat, isinampay sa railings bago tupiin hangganb siko ang sleeves ng kulay puti niyang long sleeves. Hinubad din nito ang medyas na suot pati na rin ang suot na relo.

"Go inside. Magpahinga ka na. Mahigit isang oras ka ng naglalaba." He said. Seryoso ito.

"Hindi pwede! Kailangan ni Angelo ang uniform niy— "  

"I'll do the rest. Magpahinga ka na sa loob. You're tired already." Aniya bago siya iginaya papasok sa loob.

Pinaupo siy sa sofa. Pumunta pa ito sa kusina at pagbalik nito ay may dala na 'tong tatlong piraso ng tinapay na may palaman at juice. Binuksan niya rin  'yong T.V.

"Magpahinga ka."

"P-pero—"

"No buts, Ako na ang bahala." Nakangiti itong aniya. Ginulo ni Alexius ang buhok niya.

Hindi magawang alisin ni Eris ang tingin sa papalayong bulto ni Alexius. Napabungtong hininga na lang siya.

Teka, Marunong ba siyang maglaba?

Nagmamadaling binalikan ni Eris si Alexius. Ano ba kasi ang trip ng lalaking 'yon at nagpresenta na maglaba? Nakakahiya naman, baka gumaspang ang malambot nitong kamay.

Sinubukang buksan ni Eris 'yong pinto pero tila ba may kung anong nakaharang dito para hindi bumukas.

"I told you to rest!" sigaw niya.

"Buksan mo 'to at bitawan ang mga damit! Baka masira mo!"

Nag-aalala si Eris hindi lang sa damit, kundi pati na kay Alexius. Laki ito sa yaman at baka hindi ito marunong maglaba, paano kung magkasakit ito dahil sa sobrang pagod? paano kung mangalay ng sobra ang likod nito? Idagdag pa na baka maipaghalo nito ang mga puti sa may mga kulay na damit.

"Don't worry, I know how to do the laundry. My sister taught me."

Marunong siya?

"Trust me, okay?"

Wala ng ibang nagawa si Eris kundi ang magpakawala ng malalim na buntong hininga. Bumalik na siya sa sala at hinaayan na maglaba si Alexius. Magpapahinga lang siya saglit pagkatapos ay babawiin na niya kay Alexius ang mga labahin.

Humiga siya. Tiningnan ang kisame at doon natulala. Ngayon nakaramdam ng sobrang pagod si Eris. Ang pananakit ng mga kasukasuhan niya dahil sa ilang araw na paglalaba at sa ilang beses na pag-alis. Idagdag pa na sobrang na drain ang utak niya dahil sa final job interview. Pagod na pagod siya pero kailangan niyang kumita ng pera. Kailangan niya ng pera para buhayin ang sarili at para matulungan ang tito at tita niya sa pagbabayad ng mga utang.

Ipinikit niya ang mata pero napadilat din siya nang makarinig ng kalabog mula sa balkonahe.

Ano kayang nangyayari sa kay Alexius? Ayos pa naman siguro ang mga damit ano? Wala pa naman siyang pamalit sa mga damit kung sakaling masira.

"Ayos ka lang ba?!" Sigaw ko.

"Yes! Thanks for worrying, my love!"  Sagot nito mula sa balkonahe.

"Maglaba ka na nga lang diyan at huwag mo ring sirain ang mga damit!"

Hindi nakatakas sa pandinig ni Eris  ang pagtawa nito. Tila ba ang saya nito, pero tingnan na lang natin kung maging masaya pa ito kapag may nangyari sa mga damit na nilalabhan niya.

Mawawapak talaga ni Eris ang ulo kapag nasira ang mga damit.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
29 December 2019