Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XXX

Leonardo Alexius Rivelio.

Shit! Bakit ngayon pa?!

Tiningnan ko si Eris na ngayon ay nasa bisig ko. Nawalan siya ng malay ng dahil sa akin. How will I explain this? She saw me! She fvckin' saw me naked! Mabuti na lang at hindi niya ako nakita ng mag bago ang anyo ko.

Maingat ko siyang binuhat at ibinalik sa higaan. First, I need to wear something. I can't walk around here naked. Baka may makakita. I went to her drawer to search for clothes. Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang lamang ng unang drawer. It's her undergarments, damn it!

Naiiling kong binuksan ang damitan niya at wala akong nakita ni isang damit na pwede kong suotin. I have no choice. Kumuha ako ng tuwalya para gawing pantakip sa ibabang parte ng katawan ko.

"You can do it, Alexius." I said to myself before I went outside.

Huminga ako ng malalim nang huminto ako sa harap ng pintuan. Bumilang ako ng hanggang tatlo bago ko katukin ang pintuan ng katabing apartment nami--- I mean Eris.  Nanlaki ang mata ng babaeng nagbukas ng pinto ng makita ako. She was about to scream nang magsalita ako.

"Give me a shirt and pants. NOW!"  I said.

Dali-dali naman itong tumakbo. Maya maya pa ay bumalik ito at inabot sa akin ang damit at shorts. Kaagad ko itong tinalikuran. I didn'teven bother saying thank you. Malalaking hakbang ang ginawa ko para lang makabalik sa loob ng apartment.

Now, I need to think about a good reason. I know she'll wake up soon and she'll freaked out if she saw me here. Kaya kailangan ko ng mag-isip ng magandang idadahilan.

Nawalan ako ng balanse at natumba dahil bigla na lang akong nahilo. Damn headache! Nakikisabay pa, tsk! I was about to stand when I felt changes in my body. Tiningnan ko ang kamay ko. My hands are small, my feet and even my voice changed. Thanks God!

Tumayo ako at kinuha ang damit na hiniram ko atsaka ito itinago sa balkonahe. Muntik pa akong madapa dahil sa pagmamadali.

Bumalik ako sa kwarto at kumuha ng damit. I was about to wear my Pj's when I remembered that I forgot to wear my diaper.

Shit! Kailangan kong magmadali dahil baka maabutan ako ni Eris. Kinuha ko yung diaper at dali-dali itong sinuot. I don't know how to wear this piece of shit! Why do I need to wear this?! Because you're wearing them when you fell asleep! Baka magtaka si Eris kapag wala kang diaper!

fvck! Paano ba suotin 'to?!

Eris Mesina.

Habol hininga ako nang magising ako. Dali-dali kong iginala ang tingin ko. Walang Alexius, there's no sign of him. Panaginip lang ba 'yon?

Napa-iling ako. Hindi ko nagustuhan ang panaginip na 'yon. Isang napakasamang panaginip! Bangungot! Kinikilabutan ako.

Hinilot ko ang sentido ko. Bakit sa lahat ng pwede kong mapanaginipan ay iyon pa? Bakit si Alexius pa? Si Alexius na nakadagan sa akin at nakahubad siya! Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Ginawa niyang unan yung dibdib ko!

Napahilamos ako sa sarili ko. Buti na lang at panaginip lang 'yon, kung hindi ay mahihimatay na talaga ako ng panghabang buhay.

"Ewish?"

Napatingin ako kay baby Leo na kakagising lang. Nakanguso siyang yumakap sa akin. Sinipat ko ang noo niya, hindi na siya mainit. Kumunot ang noo ko nang may mapansin akong kakaiba. Teka, bakit iba na ang suot ni baby Leo? Pinalitan ko ba siya ng damit bago ako matulog?

Tiningnan ko ang buong kwarto. Nasa sahig yung kumot at unan. Naibaling ko naman ang tingin ko sa damitan ko na nakabukas. Anong nangyari?

"Huwats wrong? you're pale." Nagtatakang tanong ni baby Leo bago siya yumakap sa akin.

Ako? Namumutla? siguro namutla ako sa sobrang kaba. Ang sama naman kasi ng panaginip ko.

"Nanaginip kasi si ate Eris. Sobrang samang panaginip, bangungot! Nakakatakot!" Kinikilabutan kong sabi.

"A-anong nipaginipan mo?"

"Nandito raw si kuya Alexius mo, pinasok niya ang bahay ko tapos— " Tumigil ako sa pagsasalita. Hindi ko pwedeng sabihin kay baby leo, bata pa siya at ang panaginip ko ay pang 18+. Naglalaman ng mature content na hindi pwede sa mga bata.

Huhuhu! Bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng mapanaginipan ay si Alexius pa?! And worst, his on my top and he even used my chest as his pillow!

"It's just a dwim! Kalimutan mo na yong pwanaginip na 'yon!" Biglang sabi ni baby Leo. Padabog siya lumayo sa akin.

Nakanguso siya, natawa tuloy ako. Ba't biglang nagalit 'tong cute pero sadistang bata na 'to? Bad mood ba siya?

"Dragon ka na ulit baby Leo?" Tanong ko.

Natawa ako. paano ba naman ay biglang namula 'yong pisngi ni baby Leo.

"Aym not a dwagon! Ang dragon ay ang nasa ibaba ko." Aniya. Hindi ko masyadong narinig yung huli niyang sinabi dahil ibinulong niya na lang ito.

Pansin ko lang, napapadalas na ang pagbulong niya.

Nakabusangot siyang umalis sa higaan. Nakatayo lang siya't nakatingin sa akin. Magsasalita sana ako kaso bigla na lang niya akong tinalikuran atsaka lumabas ng kwarto. Problema ni baby Leo?

Napakamot ako ng ulo. Pinulot ko muna yung unan at kumot na nasa sahig bago ko ayusin yung higaan. Sobrang likot ko ba matulog kaya napunta sa sahig yung kumot at unan? Buti na lang at hindi si baby Leo ang napunta sa sahig.

Binuksan ko yung bintana ng kwarto para pumasok ang hangin, pero pagkabukas na pagkabukas ko ay usok kaagad ang sumalubong sa akin. Tiningnan ko ng masama yung jeep na kakadaan lang. Thank you sa malinis na hangin manong!

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko si baby leo na nakaupo sa sofa habang yakap 'yong stuff toy niya na Elepante.

Tinawag ko siya pero tiningnan niya lang ako ng masama.

"Huwat are you lowking at?!"

Tinaas ko 'yong dalawa kong kamay. "Wala po. Teka nga, ba't bad mood ka? May nagawa o nasabi ba akong hindi maganda?"

Imbes na sagutin ako ay inirapan niya lang ako. Napailing na lang ako. Bumalik sa dati si baby Leo na masungit.

Mag hahanda na nga lang ako ng almusal. Nagtungo na ako sa kusina at ginawa ang dapat kong gawin. Simple lang naman ang inihanda ko, toasted bread na may margarine at asukal sa ibabaw at gatas para kay baby Leo. Ang sa akin naman ay sandwich at Kape. May hiniwa rin akong saging at mansanas.

"Baby leo, halika na dito. Kakain na ng agahan." Tawag ko kay baby Leo nang matapos akong maghanda.

Maya-maya pa ay dumating na siya. Hawak hawak pa rin niya 'yong Elepante. Tutulungan ko sana siyang umakyat sa upuan niya pero tinapik niya ng malakas 'yong kamay ko.

"I downt need your hwelp!" Inis niyang sabi.

Kalma Eris. Kumalma ka lang. Hindi lang maganda ang gising niya kaya nagkakaganito siya.

Tahimik akong umupo sa tabi niya. Tahimik lang ako habang si baby Leo ay panay ang reklamo. Kesyo bakit ang onti raw ng asukal at margarine, bakit hindi raw tustado yung tinaoay at bakit ang tabang ng gatas niya. Nginingitian ko na lang siya kapag nagrereklamo at sinusungitan niya ako.

Sanay naman na ako sa pagsusungit niya.

Bababa na sana siya sa upuan nang pigilan ko siya. Iinom pa siya ng gamot.

"May sinat ka pa kaya kailangan mong inumin yung gamot na galing sa doctor na tinawagan ni Luke."

Napahinto siya sa ginagawa niya. Biglang nagbago 'yong mukha ni baby Leo, tila ba bigla itong dumilim.

"Who's Luke?"

"Kaibigan ko--- "

"What is he doing here in our apartment?!" Putol niya sa sinasabi ko.

Our apartment? Teka nga! Bakit diretso siyang magsalita?

"Teka nga, huwag ka munang magsungit. Si Luke ay matalik kong kaibigan, tinulungan niya ako kagabi na buhatin 'yong mga pinamili ko tapos tinulungan niya rin ako na asikasuhin ka. Okay na?" Ano bang pinuputok ng butsi ng batang 'to?

Kanina masungit ngayon naman ay sobrang sungit niya. Para siyang bulkan na sasabog anytime.

"You shouldn't let him inside!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit naman?"

Tiningnan niya ako at ganoon rin ako.

"Because you already have Alexius!"

Nabulunan ako sa sarili kong laway. The fudge?! Kung anu-ano nanaman ang lumalabas sa bibig ni baby Leo!

"Baby Leo naman!"

Kumuha siya ng mansanas bago tuluyang bumaba sa upuan. "You bwilong to Alexius! Aym going to watch Tom and jery! Downt dwisturb me!" Aniya.

Hindi makapaniwala kong sinundan ng tingin si baby Leo. Kumaripas pa siya ng takbo pabalik sa sala. Hindi ko nga napigilan na ngumiti, kasi naman 'yong pampers niya malalaglag na. Mukhang hindi maayos ang pagkakakabit.

Nag kibit balikat na lang ako. Kung anu-ano nanaman siguro ang tinuro ni Alexius kay baby Leo. Napako ako sa kinauupuan ko nang maalala ko 'yong napanaginipan ko. Jutko! Bakit ba naaalala ko pa rin?! Si baby Leo kasi eh!

Huminga ako ng malalim. Eris, kalimutan mo na ang nakakakilabot na panaginip na 'yon, okay?

Niligpit ko na yung kinainan namin. Nag hugas na rin ako. Pagkatapos kong gawin ang kailangan kong gawin sa kusina ay dumiretso naman ako sa maliit na balkonahe na nasa likod ng kusina. Inayos ko muna 'yong mga labahin bago ko lagyan ng tubig yung washing machine.

Teka, saan ko nga ba nailagay 'yong sabon panlaba? Bakit ba palagi ko na lang nakakalimutan 'yon? Tiningnan ko yung basket pati na ang buong balkonahe pero wala. Jutko naman, nasaan ka na bang sabon ka?

Sinilip ko 'yong gilid ng washing machine. Ayon! Nandito ka lang palang sabon ka. Pahirap ka naman sa buhay.

Kumunot ang noo ko. Hindi lang kasi sabong panlaba ang nakita ko, pati na damit. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras na kuhanin ito. Mas lalong kumunot ang noo ko, damit panlalaki? Kanino naman ito?

Ibinaling ko ang tingin ko sa kabilang balkonahe. Saktong-sakto at lumabas si Joshua, may bitbit siyang mga damit na mukhang labahin din. 

"Pst! Joshua!" Tawag ko dito.

Tumingin siya sa akin bago ako kawayan. "Hi! Ate Eris! Nandiyan pa ba boyfriend mo?" Tanong nito na s'yang ikinakunot ng noo ko.

"Ha? Boyfriend?" Wala akong boyfriend, Ano bang pinagsasabi nito?

Binaba niya 'yong hawak niya. "Hindi ba boyfriend mo 'yong lalaking nanghiram kay nanay ng damit ni tatay?"

Damit? Nanghiram? Sinong manghihiram?

"Ang aga-aga niya ngang kumatok kanina dito sa bahay. Sabi pa niya. Hey, Give me a shirt and pants, NOW! Mayabang boyfriend mo ate Eris, Hiwalayan mo 'yan." Naiiling na sabi ni Joshua.

Wala sa sarili akong napatingin sa hawak kong damit. "I-ito ba yung damit na tinutukoy mo?" Pinakita ko sa kanya yung damit na hawak ko.

"Ayan nga! Damit ni tatay 'yan!"

S-sinong nanghiram? Inangat ko yung tingin ko. Hindi, imposible. Panaginip lang 'yon, hindi iyon totoo.

"Sige ate, pasok na ako sa l—"

"Sinong nanghiram? Sinabi ba niya ang pangalan niya? Anong itsura niya?" Sunod-sunod kong tanong.

Panaginip lang 'yon Eris. You need to calm down!

"Hala hindi mo kilala boyfriend mo ate?"

Napahilamos ako sa sarili. "Sagutin mo na lang."

"Siya yung lalaking may magarang sasakyan.  Nakita ko siya dati na nag abot ng laruan kay Yuan. Kanina sabi ni nanay sa akin nakatuwalya lang daw ito, kita raw abs nang katukin 'yong pinto. Ano nga bang pangalan niy— Ah! narinig ko kay nanay ang pangalan niya!"

Napalunok ako sa mga narinig ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa damit habang tahimik na nagdadasal na sana hindi ang taong naiisip ko ang tinutukoy ni Joshua.

Imposible talaga! That was just a dream! Imposible na mapunta si Ale—

"Ayon! Alexius! Sabi ni nanay nababalita raw ito dat— Ate Eris? Okay ka lang? Bakit ka namumutla?"

Nabitawan ko 'yong damit. Muntik pa akong mawalan ng balanse, mabuti na lang at may nakapitan ako.

A-alexius? Ibig sabihin totoo ang nangyari kanina at hindi ito isang panaginip?

Feeling ko mahihimatay ako. Nanghihina ang tuhod ko at nananakit ang ulo ko sa sobrang pag-iisip. Hindi panaginip ang nangyari kanina! Nandito talaga siya! Sinabunutan ko ang sarili ko. K-kaya pala nasa sahig yung kumot at unan.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Hindi ko na nagawang tingnan si baby Leo dahil sa panghihina.

"Eris? Huwat are you d— "

"Sagutin mo ako baby Leo.P-pumunta si A-alexius dito hindi ba?" Inipon ko ang lakas ko para tingnan siya.

Namumutla siya at nabitawan din niya ang hawak na stuff toy. Kinuntsaba ba niya si baby Leo? Naiyukom ko ang kamay ko. Kaagad akong tumakbo papasok at dali-daling kinuha 'yong cellphone ko. Kailangang malaman ni Kiro ang ginawa ng pinsan niya! Isusumbong ko rin siya kay Mama!



  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019