Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

Eris Mesina


Seryoso siya? Hindi naman siya nagbibiro hindi ba? Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, lalo na ang puso ko na kulang na lang ay lumabas na sa dibdib ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa mga sasakyan na dumadaan. Huminga rin ako ng malalim. Kalma, Eris. Kumalma ka.


"Eris." Tawag niya sa akin.


Bigla nanamang nagwala ang puso ko.


"Please, give me a chance. A chance to prove how much I love you. Please be mine."


Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, sa pinagsasabi ni Alexius. Alam kong grabe na ang pamumula ko at ayoko na makita ako ni Alexius na ganito. Hindi na talaga maganda itong nararamdaman ko.


"Huwag kang magsalita ng ganyan, Alexius." Please lang, kasi kapag pinagpatuloy mo 'yan ay bibigay na talaga ako ng tuluyan.


"I know you don't feel the same thing, but please, give me a chance to love you. Ang makasama ka." Napaigtad ako nang isandal niya ang noo niya sa balikat ko. Ang dalawang kamay naman niya ay nakahawak sa magkabila kong siko.


Nararamdaman ko ang malalim at mainit niyang hininga, nararamdaman ko ang panginginig niya.


"four months, bigyan mo ako ng apat na buwan para baguhin ang nararamdaman mo, para mahalin mo ako pabalik. Kapag hindi nagbago ang nararamdaman, I'll leave you alone and will never bother you anymore. Lalayuan kita at hindi mo na ako makikita pa."


Sa oras na ito ay wala akong nagawa kundi ang tumayo't matulala. Apat na buwan, nababaliw na ba siya? Sa tingin niya ba madaling ibigay ang hinihiling niya? Sa apat na buwan na 'yon alam kong maraming magbabago, alam ko kasi ngayon pa lang ay may pagbabago na akong nararamdaman.


Humugot ako ng lakas ng loob para harapin siya. Kamuntik ko na siyang kurutin sa pisngi nang makita ang mukha niya. Malungkot ang mukha niya, nangingilid ang luha sa mga mata niya. Mukha siyang bata na inagawan ng laruan. He reminds me of baby Leo sa tuwing nalulungkot at naiiyak ito.


"Alexius, hindi ganun kadali ang hinihiling mo."


Mas lalong nalungkot ang mukha niya.


"Madali lang, just say yes and after that, you're mine." Hinawakan niya ang kamay ko. "Four months, Eris. Please, give me a chance. Bigyan mo ako ng pagkakataon na magmahal at maging masaya sa piling mo. Please!"


Nagsimula na akong magpanic nang bigla siyang lumuhod. Nanatiling nakahawak ang kamay niya sa kamay ko.


"Alexius! Tumayo ka d'yan!" Pilit ko siyang itinatayo pero nagmamatigas siya.


Nagbubulungan na ang mga taong nakakakita sa amin. Ang iba pa'y napapahinto sa paglalakad at pinapanuod kami na tila ba nasa isa kaming teleserye. Sino ba namang hindi mapapatingin sa amin?! Gayong may lalaking nakaluhod sa harap ng isang babae— which is ako. At nagmamakaawa na bigyan siya ng chance. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang maglabas na sila ng mga cellphone at kuhanan kami. I even heard someone said Alexius' name.


"CEO 'yan ng Rivelio company."


"I heard he's a cruel person. Dati mga empleyado niya ang lumuluhod at nagmamakaawa, ngayon naman siya na ang lumuluhod at sa isang babae pa. Pag-ibig nga naman."


Dapat ko bang ikatuwa ang narinig ko?


"Nakakakilig naman! Haba ng hair ni ate!"


Pinilit ko ulit na tumayo si Alexius pero inilingan niya lang ako. Lupa, lamunin mo na ako. Please lang!


"Alexius! Tumayo ka! Pinagtitinginan na tayo! May mga nakakakilala pa sa 'yo, baka masira ang reputasyon mo."


Umiling ulit siya. "Wala akong pakialam kung masira man ang reputasyon o imahe ko sa mga tao."


Gusto ko na siyang sapukin sa tigas ng ulo niya. Mas lalong lumakas ang bulungan at mas lalong dumami ang mga taong nakikiusyoso.


"Yie! Ate sagutin mo na."


"Bigyan na ng chance 'yan!" Aniya ng isa na tila ba siya si kuya wil na namimigay ng jacket.



Nagmakaawa na ako kay Alexius pero hindi niya ako pinansin. Nanatili siyang nakaluhod.


"Please, give me a chance to be your man."


Argh! Nakakalokang chance 'yan! Hindi kami matatapos dito ng dahil sa chance na 'yan! Hindi kami titigilan ng mga taong nakikiusyoso nang dahil sa chance na 'yan!


"I love you, that's why I'm here, kneeling in front of you and begging for your love."


Argh! Nakakalokang love na 'yan! Naloloka na ako sa nararamdaman ko! Naloloka na talaga ako!


"Gusto mo ng chance?! Edi tumayo ka diyan! Umalis ka sa pagkakaluhod mo kung gusto mo ng chance!" Sigaw ko na nagpatahimik sa lahat.


Natulala si Alexius. Mukhang hindi pa naiproseso ng braincells niya ang sinabi ko.


"Sinabi ng tumayo ka kung gusto mo ng chance! Isa, Alexius! Pag ito umabot ng tatlo wala ng chance na magagan— " Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang umayos siya ng tayo. Nakatulala siya sa akin na tila ba hindi siya makapaniwala sa narinig— sa sinabi ko.


Sa isang iglap lang ay nakayakap na siya sa akin. Nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko. Nanginginig siya at ewan ko kung bakit.


"I'm so damn happy!" Aniya. Humigpit ang pagkakayap niya sa akin.


Narinig ng tainga ko ang pagsasaya ng iba sa mga nakikiusyoso. May pumalakpak pa nga, muntanga lang. Kailangan talaga pumalakpak? Ano 'to? May kalapate?


"Thank you, Eris! Thank you." Inalis niya ang pagkakasandal ng mukha niya sa balikat ko pero nanatili siyang nakayakap sa akin.


Ngayon kitang-kita na ng mga mata ko ang saya sa mukha niya. Nagniningning ang malungkot niyang mata kanina. Bigla tuloy siyang kuminang sa mga mata ko. He's smiling, at aminin ko man o hindi, mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti.


Nag-iwas ako ng tingin nang mamula nanaman ang pisngi ko. Hindi pa rin kumakalma ang puso ko kaya alam kong nararamdaman niya ngayon ang mabilis na pagtibok ng puso kong nababaliw.


"A-apat na buwan lang…"


Saglit na nabahiran ng lungkot at sakit ang mukha niya pero ngumiti rin ulit siya kaagad.


"Y-yeah, four months. Kapag hindi mo ako minahal pabalik, lalayuan na kita."


Bahagyang nailayo ko ang mukha ko nang ilapit niya ang mukha niya. He's looking at me, na tila ba hinihigop niya ang kaluluwa ko. Kamusta ka na heart?


"But I won't let that happend. Sisiguraduhin ko namahuhulog ang loob mo sa akin. Mamahalin mo ako katulad ng pagmamahal ko sa 'yo sa loob ng apat na buwan na 'yon." Ngumisi siya.


Shit! Bakit mas lalong lumakas ang dating niya nang gawin niya 'yon?!


"H-huwag kang pakampante."


"Kapag nangyari 'yon, akin ka na talaga." He smirked… again.


Pilit kong inilalayo ang mukha ko sa kanya. Hindi ko na kaya! Hindi na kaya ng puso ko! Baka mahimatay na lang ako dito bigla.


"Kung mangyayari 'yon!" Jusko, Eris! Ihanda mo na ang sarili mo. Alam na alam mong malaki ang chance na mangyayari 'yon! Dahil ngayon pa lang ay nararamdaman mo na!


Dapat ko bang pagsisihan ang ginawa ko o dapat ko itong ikatuwa?





Hindi ako nagkamali. Kinagabihan nang maka-uwi ako, laman ng balita ang nangyari kaninang tanghali. May litrato pa namin ni Alexius kung saan nakaluhod siya sa akin at hawak ang aking kamay. Kitang-kita rin sa litrato ang pamumula ng pisngi ko.


Itinakip ko ang throw pillow sa mukha ko bago ako sumigaw. Nakakahiya! Bakit kailangan pa nilang ibalita? Hindi ba nila alam ang salitang privacy?! Nagpapadyak ako. Sinabunutan ang sarili at sumigaw.


Tumigil ako sa ginagawa ko nang may kumatok.


"Ate Eris! Congrats!" Si Joshua. Narinig ko pa ang pagtawa niya bago tumakbo papunta sa kung saan. Kakaltukan ko talaga ang batang 'yon!


Naibaling ko ang atensyon ko sa T.V nang ibalita nanaman nila ang issue na 'yon. Ganoon ba talaga kasikat si Alexius sa puntong binabalita talaga?


"Masaya kami para sa iyo— sa inyo ng kasintahan mo Mr. Rivelio. Congrats sa inyo!" Aniya ng reporter.


Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sumunod nitong sinabi. Pinatay ko na lang ang T.V at inihagis sa kung saan ang remote. Sa ngayon kailangan kong ihanda ang sarili ko. Apat na buwan na magiging kami ni Alexius. Alam na alam ko, 100% sure na malaki ang posibilidad na mahulog talaga ako. Ang kailangan ko lang gawin ay ang kumapit at huwag hayaan ng maigi.


kailangan ko rin ihanda ang sarili ko sa sermon ni tito. Alam kong nabalitaan na niya ngayon ang nangyari, at baka nga susugod na 'yon dito kung hindi siya mapipigilan ni tita. Tumayo na ako't sinarado na ng tuluyan ang pinto ng apartment ko. Sinarado ko rin ang mga bintana. Itutulog ko na lang ito, bukas alam kong nandito si tito kaya magpapahinga na ako.


Nagtungo muna ako sa kusina para uminom ng gatas, pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto ko. Binuksan ang bintilador at ang bintana. Kakahiga ko lang nang tumunog ang cellphone ko. tatlong mensahe na galing sa tatlong tao.


Binuksan ko ito isa-isa. Inuna ko ang sa tito ko.


Tito kong lodi

Mag-uusap tayo bukas Eris. MAG-UUSAP.



Napalunok ako bago ito replyan ng "opo."


Sinunod ko ang mensahe ni Alexius. Hindi ko pa binubuksan pero nagwawala na agad ang puso ko. Kita mo, ang laki talaga ng posibilidad na lumagapak ako sa puso niya.


Rivelio

Let's have a lunch date tomorrow, susunduin kita sa inyo. Again, thank you, Eris. Mahal kita.


Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Hinagis ko ang cellphone ko bago magwala. Sinipa ko lahat ng unan sa kama ko, maski ang kumot. Nang makakalma na ako ay nsapo ko ang ilong ko nang makaramdam ako ng likido galing doon. Hindi dugo kundi sipon. Huwag kang ganyan, Alexius!


Labag sa loob akong bumangon para ayusin ang higaan. Kinuha ko rin ang cellphone ko para basahin naman ang huling mensahe na galing sa unknown number.


0918******


It's me, Luke. Kamusta ka na? I'm sorry I wasn't able to visit you, again. Let's meet, kailan ka libre?


Napangiti ako. Nagbago na pala siya ng number. Nabalitaan na kaya niya ang tungkol sa amin ni Alexius? Alam kong magagalit siya dahil una, Ex friend niya si Alexius. Pangalawa, alam kong galit siya kay Alexius. Alam ko rin na sa oras na malaman ni Alexius na magkaibigan kami ng dati niyang kaibigan na si Luke ay magagalit din ito. Argh! Mukhang kailangan kong ilihim kay Alexius ang tungkol kay Luke.



Alas otso pa lang ay gising na ako. Nanginginig ang kamay ko sa takot, binubundol ako ng kaba at takot. Sino ba naman ang hindi matatakot at kakabahan ng ganito gayong papunta na ang tito ko na kulang na lang ay bumuga ng apoy. Sinigurado ko na nakatabi ang mga babasagin kong gamit para walang maihagis si tito mamaya.


Sana lang ay kasama niya si tita para naman may pumigil sa kanya mamaya. Muntik ng may kumawalang sigaw sa bibig ko nang may kumatok sa pinto. Nakita ko kaagad si tito na magkasalubong ang kilay. Kaagad na akong tumayo nang kumatok ulit siya pero this time, malakas na ang pagkakakatok niya sa pinto. Medyo nabawasan ang kaba ko nang makita ko si tita na nakatayo sa likuran nito.


"Tito." Bungad ko nang makapasok sila. Nagmano ako sa kanya at ganoon rin ang ginawa ko kay tita. Nasaan si Yuan?


"Nag almusal na po ba kayo? Naghanda po ako, nasa lamesa n— "


"Hindi kami nagpunta rito para sa umagahan na 'yan." Putol ni tito sa sinasabi ko. Napalunok ako.


"Aron, huwag naman ganyan. Kumain na muna, pinaghandaan tayo ng agahan ng pamangkin natin."


Hindi pinansin ni tito ang sinabi ni tita, sa halip ay itinuro niya ang sofa.


"Maupo ka nang makapag-usap na tayo."


Umupo naman ako. Mas lalo akong kinabahan.


"Tama ba ang narinig at nakita ko sa balita kagabi?" Diretsahan nitong tanong.


Tumango ako. Totoo naman kasi, alangan ba naman magsinungaling pa ako para lang iligtas ang sarili ko.


"Hiwalayan mo siya."


Sinasabi ko na nga ba. Alam na alam ko na iyan ang sasabihin sa akin ni tito. Dahil una pa lang ay tutol na talaga siya.


"Umamin ka sa akin, Eris. Tinakot at pinagbantaan ka ba ng Rivelio na 'yon kaya pumayag kang maging magkarelasyon kayo?" 

Umiling ako."Hindi po, tito." 

"Hiwalayan mo, Eris. Sundin mo ako kung ayaw mong magalit ako sa 'yo."

Nakagat ko ang ibaba kong labi. Nahihirapan ako. Hindi ko kayang gawin ang pinapagawa sa akin ni tito— ang hiwalayan si Alexius. Nangako ako kay Alexius na pagbibigyan ko siya ng apat na buwan, ayokong sirain ang pangako na 'yon at mas lalong ayoko siyang saktan. Kitang-kita ng mga ko kung gaano siya ka sincere sa mga sinasabi niya, nang umamin siya sa akin. I can't break my promise and hurt his feelings, lalamunin lang ako ng konsensya at baka... baka masaktan ko lang din ang sarili ko.


"Nakikinig ka ba sa akin?" inis na sabi ni tito na nagpabalik sa sarili ko. "Kung gayon ay hiwalayan mo na siya, ngayong araw din."


Buo na ang desisyon ko. Hindi ko sisirain ang pangako ko. Apat na buwan lang naman at sisiguraduhin ko at gagawin ko ang lahat para hindi ako mahulog kay Alexius. Sisiguraduhin ko na walang magbabago sa apat na buwan na 'yon.



"Call him now and tell your decision."


Umiling ako. Kitang-kita ko sa mukha ni tito ang pagkabigla.


"Hindi ko gagawin 'yan tito. Hindi ko sisirain ang pangako ko sa kanya." Bumuntong hininga ako. "Hayaan mo naman po na ako ang mag desisyon para sa buhay ko. Naging mabait ka sa akin tito, sa katunayan ay itinuring mo ako hindi bilang pamangkin kundi bilang isang anak. Ginawa mo— ninyo ni tita ang lahat para mapalaki ako ng maayos. Alam kong ginagawa mo lang ito para protektahan ako tito pero sana naman ay pagbigyan mo na ako, kahit ngayon lang. Hayaan mo po akong gawin ang gusto ko. Hayaan mo akong makasama at mas makilala pa si Alexius."


Hindi naalis ang pagkabigla sa mukha ni tito. Tita gave me a smile.


"Four months tito, pagbigyan mo ako pati na si Alexius. Humingi siya ng chance sa akin, na maging kami at makasama niya ako sa loob ng apat na buwan. Please tito, kahit ngayon lang. Nagmamakaawa po ako."


Wala akong narinig na sagot. Tanging katahimikan lang ang naghahari sa pagitan namin ngayon. Kinakabahan ako sa maaaring sabihin ni tito, baka hindi pa rin siya pumayag. Ako naman ang nabigla sa sunod na sinabi ni tito sa akin.


"Ibig sabihin, mas pinipili mo ang lalakin 'yon kaysa sa amin." Bakas sa boses nito ang sakit nang sabihin ito.


Ibibuka ko sana ang bibig ko para magsalita nang bigla na lang itong tumayo at walang anu-ano'y tinalikuran ako. Hahabulin ko sana siya nang lumabas ito pero pinigilan ako ni tito.


"Tita… Pasensya na po sa naging desisyon ko."


Tinapik nito ang balikat ko. "Follow your heart. Kung saan ka masaya, doon ako. Susuportahan ka ni tita."


Ngumiti ako bilang pagpapasalamat.


"Huwag mo na munang alalahanin ang tito mo. Palamigin mo muna ang ulo. Basta pamangkin, ako ng bahala."


"Salamat po tita." Niyakap ko siya ng mahigpit.


"Kapag okay na ang tito mo ay ipakilala mo siya sa amin. Ni hindi ka niya niligawan ng maayos kaya kami ng tito mo ang ligawan niya. O siya, aalis na ako at hahabulin ko pa ang tito mong walk out king. Hindi lang talaga niya matanggap na big girl na ang baby Eris namin."


Natawa ako sa sinabi ni tita. "Tita naman eh, matagal na akong big girl, hindi lang po halata kasi maliit at baby face ako."


"Oo na, o siya. Kumain ka na diyan at mag relax." Aniya bago ako halikan sa pisngi. Hinatid ko si tita hanggang sa gate.


Nandoon pa si tito sa labas, nakatayo at hinihintay si tita. Nang makita niya ako ay inirapan niya ako. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o matatawa. Hindi ko rin alam kung galit ba talaga si tito o nagtatampo lang ito.


Hinintay ko muna na makasakay sila bago ako bumalik sa loob ng apartment ko. Hinilot ko ang ulo ko nang maka-upo ako sa sofa. Nananakit na talaga ang ulo ko sa mga nangyari. Ang daming nangyari kahapon pati na ngayon. Ni hindi na nga kinakaya ng utak ko. Mamaya pa ay nakikipagkita ako kay Mina, nagkasabay pa sila ng Alexius kaya hindi ko alam kung sinong uunahin ko.


Lord, kayo na po ang bahala sa akin at sa puso ko. Ayokong lumagapak ng tuluyan, hangga't kaya ko pang kumapit, kakapit ako at maghahanap ako ng paraan para hindi ako bumitaw.




  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019