Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

Kabanata XXXVIII


Eris Mesina

Hindi pa rin binibitawan ni Alexius ang kamay ko. Kanina, Oo, bumitaw siya pero pagkababa namin ay hinawakan niya na ulit ito. Kulang na nga lang ay lagyan niya ng pandikit ang mga palad namin. Ayoko namang sirain ang mood niya. Nakangiti siya at masaya, ayokong alisin sa kanya 'yon kaya pinagbigyan ko na siya. Isa pa, wala namang masama dahil girlfriend niya ako— pero sa loob lamang ng apat na buwan.

"Good morning Ma'am, sir." Bati sa amin ng lalaking empleyado ng restaurant kung nasaan kami.

"Any reservation sir?"

Tumango si Alexius.

"Under the name of Leonardo Alexius Rivelio."

Tiningnan nito ang maliit na jotterpad. Nang makita ang pangalan ni Alexius ay kaagad kami nitong iginaya papunta sa lamesa namin. Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Napakaganda at garbo ng restaurant na ito. Ang huling kain ko ata sa ganitong klaseng restau ay noon may trabaho pa ako.

Pinaghilahan ako ng upuan ng waiter. Nginitian ko siya. Akmang magpapasalamat sana ako nang may maramdaman akong kakaibang awra galing sa gilid ko— kay Alexius. Matalim ang tingin nito sa waiter. Para ngang papatayin niya ito sa tingin.

Sinikmuraan ko si Alexius. "Umayos ka, Alexius."

Nakangiti niyang ibinaling sa akin ang tingin. "Yes, my love." Aniya. Diniinan at nilakasan pa niya ang pagsabi ng My Love.

"Get out of my sight. Baka hindi kita matantya d'yan."

Hindi lang ako ang nagulat sa sinabi ni Alexius. pati na ang waiter. Ang pinagkaiba lang ay siya namumutla sa takot.

"P-pasensya na po."

"Alexius." Pananaway ko. Napailing ako sa inakto niya.

Inis niyang ibinalik sa dating pwesto 'yong upuan na hinila ng waiter kanina. Ilang segundo lang ay hinatak niya na ulit ito. Sinenyasan pa niya akong umupo. Doon ko lang napagtanto kung bakit biglang nagkaganun si Alexius, kung bakit sinumpong siya bigla.

Natatawa akong umupo na siyang ikinakunot naman ng noo niya.

"Why are you laughing?" Umupo na siya.

"Nagseselos ka?"

Nag-iwas siya ng tingin. Napangiti ako lalo nang makita ang pamumula ng pisngi niya.

"Wala siyang karapatang paghatakan ka ng upuan. He's not even your boyfriend! Ako! ako ang dapat na gumagawa nun."

"Alexius, he's only doing his job. Mamaya, humingi ka ng tawad sa kanya."

Hindi makapaniwala siyang tumingin sa akin. Napanganga pa nga siya.

"But— "

Tiningnan ko siya ng masama. "Hihingi ka ng tawad o uuwi na tayo?"

Ngumuso siya. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Alexius! Nakanguso!

"Fine!"

"Napipilitan ka lang ata. Hindi ka nakangiti eh."

Bigla siyang ngumiti. "I'll say sorry, later. Damn it! I can't say no to her." Aniya. Binulong niya lang ang huli niyang sinabi pero hindi ito nakawala sa aking pandinig.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Napapansin ko rin ang panakanaka niyang pagtingin sa likod ko. Lumingon ako. Naagaw ng atensyon ko ang tatlong lalaki na naka-upo sa hindi kalayuan. Bigla silang yumuko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang nakita ko. Para kasing nakita ko si Kiro at 'yong dalawa pang kaibigan ni Alexius.

Napasinghap ako nang may lumapit sa amin— kay Alexius na waiter at inabot nito ang hawak na bulaklak. Nagpasalamat siya bago ito paalisin. Binaling niya ang tingin sa akin bago iabot sa aking harapan ang bulaklak.

"Fwawer— I mean, flowers for you."

Teka, nagbaby talk ba siya?

"Salamat, Alexius." Kinuha ko ang bulaklak. "Hindi mo naman ng kailangang gumastos para sa bulaklak."

Umiling siya. "I'm willing to spend all my money on you."

"Ewan ko sa 'yo. Kumain na nga lang tayo."

Nakatingin lamang siya sa akin. Naghantay ako ng ilang minuto para sa waiter na magbibigay ng menu sa amin. Ganoon na lamang ang gulat ko nang may maglapag na lang ng mga pagkain sa lamesa namin. Hindi pa kami umoorder, ni hindi ko pa nga nakikita ang menu tapos may pagkain na agad?

I ate silently. Medyo naiilang ako kasi hindi nag-iwas ng tingin si Alexius. Parang matutunaw na nga ako sa pagtitig niya.

"Baka matunaw naman ako sa pagtitig mo."

"Can't help it. You're too gorgeous."

Kamuntik ko nang maibuga 'yong laman ng bibig ko. "Alexius naman eh!" Pinunasan ko ang bibig ko.

He smirked. "What? Masama bang purihin ang girlfriend ko?"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Alexius, hinay-hinay naman. Ayokong lumagapak ng tuluyan.

"Here let me feed you." Aniya bago kuhanin ang kutsara ko. Nilagyan niya ito ng pagkain bago itapat sa akin. "Say ahh."

"Alexius, kaya k— " Bumagsak ang balikat niya. Ngumuso pa nga siya.

Nagpapaawa ba siya? Wala tuloy akong nagawa kundi ang sundin siya. Tuwang-tuwa nga ang mokong matapos niya akong subuan.

"Kumain ka na rin. Babalik ka pa sa kompanya niyo hindi ba?" Tanong ko.

"It's our date. Let me enjoy this day with you."

Tumango ako. Pagbigyan, Eris.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko itong sa pouch at binasa. Akala ko pa nga nung una galing kay tito, pero galing nanaman ito kay Mina.

We need to talk, Eris. Please!

Iyan ang nilalaman ng mensahe niya. Kagabi pa niya gustong makipagkita sa akin pero hindi ako pumayag, dahil una, buntis siya. Pangalawa, gabi na. Bumuntong hininga ako.

Rereplyan ko sana siya nang makatanggap ulit ako ng mensahe galing sa kanya, nanaman. Binuksan ko ito.

May kailangan kang malaman tungkol kay Alexius at baby Leo. Please, let's meet.

Kumunot ang noo ko sa nabasa. Kailangang malaman? Tiningnan ko si Alexius na abala na sa pagkain. Anong kailangan kong malaman tungkol kay Alexius at baby Leo?

Saktong pagkatapos kong mag reply kay Mina ay ang siya namang pagtunog ng cellphone ni Alexius. He excused hiself before answering the call. Lumayo pa siya ng kaunti sa akin. Nanatili sa kanya ang atensyon ko habang may kausap siya sa cellphone. At mukhang hindi maganda ang pag-uusap nila. Bigla kasing nagdilim ang paningin ni Alexius.

"Didn't I tell you not to disturb me?!— Later, I'll be back before five— what?! Damn it! Didn't I tell you to cancel all the remaining meetings?!"

Tinapos na niya ang tawag. Kunot noo siyang bumalik sa upuan. Nawala siya sa mood. Binilisan ko ang pagkain. Mukhang naging sagabal pa ako sa trabaho niya. Alam kong kailangan niyang bumalik sa kompanya nila. Mukhang dito na matatapos ang date namin.

"Alexius, pwede namang sa ibang araw na lang tayo lumabas. Sa ngayon bumalik ka na muna sa kompanya mo, kailangan ka nila."

Pinakatitigan niya ako ng matagal bago bumuntong hininga.

"Fine, but you're coming with me."

Napatanga ako. Ako sasama sa kompanya niya? Ano naman ang gagawin ko doon?

"Hindi na, uuwi na lang ako. Baka maging sagabal pa ako sa ginagawa mo. "

"You're my girlfriend, kahit kailan ay hindi ka magiging sagabal." He held my hand. Tumayo siya at dahil magkahawak ang kamay namin ay napatayo na rin ako.

Nagtaka nga ako dahil ni hindi man lang siya nag-iwan ng pambayad sa mga nakain namin. Naiwan ko pa 'yong bulaklak na bigay niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at inalalayang sumakay bago siya umikot papunta sa drivers seat.

"Ano naman ang gagawin ko sa opisina mo?"

Pinaandar niya ang sasakyan.

"Ang bigyan ako ng lakas at inspirasyon."

Hindi ko maiwasang hindi matawa sa sinabi niya. Ang korni pero ganoon na lamang ang pamumula ng pisngi ko.





"Alexius." Pananaway ko sa ika anim na beses.

Paano ba naman, kanina pa niya pinapagalitan 'yong sekretarya at ang mga empleyado na pinatawag niya. Nagpasalamat sa akin 'yong sekretarya niya. Kung wala nga lang ako rito, sa malamang mas matindi pa ang pagnenermon ni Alexius sa kanila.

Ang kaninang medyo marahas at nakakatakot na tono ng pananalita ni Alexius ay unti-unting kumalma. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga, napahilot pa nga siya sa sentido niya.

"You may leave." Tukoy niya sa sekretarya at sa isang empleyado na kasama nito.

Nagpasalamat ang dalawa bago lumabas. Kaming dalawa na lang ngayon ni Alexius ang nasa silid. Sumandal siya sa inuupuan swivel chair at bahagya pa itong pinihit paharap sa gawi ko. He smiled at me.

"I'm sorry, Eris."

"Kumalma ka lang kasi. Kaya natatakot sa 'yo mga empleyado mo dahil palagi kang nag-aala dragon." Natatawa kong sabi bago kagatan ang ipinadala niyang donut. Nakatingin lang siya sa akin habang kumakain ako kaya kumuha pa ako ng isang donut at inalok ito sa kanya, pero imbes na sagutin ako ay kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin.

Pagkaupo niya sa tabi ko ay walang anu-ano'y kinagatan niya ang kinakain ko. Sa mismong kinagatan ko pa mismo. Pinamulahan ako nang mapagtanto ko ang nangyari. Indirect kiss!

"Oh, You're blushing."

Sinalpak ko sa bunganga niya 'yong donut, muntik pa tuloy siyang mabulunan.

"B-bumalik ka na doon! Marami ka pa atang gagawi—"

Halos lumuwa ang mata ko nang yakapin niya ako atsaka isinandal ang ulo sa balikat ko.

"Ayoto, dito lang muna ako sa tabi mo."

imbes na mainis ay natawa na lang ako. Sabi niya ayoto, talagang nag baby talk pa siya.

"We're supposed to be on a date right now, but we ended up staying here in this office. Palagi na lang may nangugulo sa tuwing magkasama tayo." Pagmamaktol niya. Para siyang bata na pinangakuan mong dadalhin sa Mall pero hindi natuloy.

Tinapik ko ang likuran niya. "Next time, Alexius. Sa ngayon tapusin mo muna ang mga ginagawa mo."

Nakanguso siyang humiwalay sa akin. Hindi ko nga alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko, Alexius just pouted his lips! Ang cute! Naging kamukha siya ni Baby Leo.

"Bumalik ka na doon." Tinuro ko 'yong desk niya na puro papeles.

"Need to recharge first." Aniya bago ulit ako yakapin.

Maya-maya lang ay humiwalay na siya sa akin atsaka bumalik sa pwesto niya kanina. Kinindatan pa nga ako bago ituon ang atensyon sa laptop at mga papeles.

Nakatuon lang ang tingin ko sa kanya. Paminsan-minsan ay kumukunot ang noo niya at mapapabuntong hininga na lang habang binabasa ang nakalagay sa mga papel na nakalatag sa harap niya at sa laptop. Minsan ay titingin siya sa akin at tatanungin kung may gusto ba ako at kung may kailangan ba ako.

Pakiramdam ko nakakasagabal talaga ako. Imbes na nagtatrabaho ay eto siya't inaalala pa ako. Bumuntong hininga ako bago sumandal sa sofa na inuupuan ko. Unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko, dahil na rin siguro sa sobrang dami ng nakain kong donut kaya nakaramdam ako ng antok.

Ipinikit ko ang aking mata, hanggang sa lamunin ako ng dilim.



Third person's POV

Naibaling ulit ni Alexius ang tingin nang mapansin ang biglaang pananahimik ni Eris. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti nang makita ito. She fell asleep.

Marahan at maingat siyang tumayo. Nilapitan niya ito at tinabihan. Pinakatitigan niya ito.

Hindi niya masisisi ang sarili dahil nahulog na talaga siya ng tuluyan kay Eris. Alam niyang napilitan lang ito na bigyan siya ng chance pero kahit na ganoon ay hindi siya nito pinakisamahan ng masama. She's trying her best not to fall for him at gagawin din ni Alexius ang lahat para mapa-ibig ang babaeng mahal niya.

Napako siya sa kinauupuan nang isandal ni Eris ang ulo nito sa balikat niya. Hindi niya malaman kung ano ba ang gagawin niya. Kinakabahan din siya dahil baka magising ng napakalakas na pagkabog ng puso niya ang nahihimbing na si Eris.

Ilalayo niya sana ito pero sa huli ay niyakap niya ang dalaga. Hindi niya mapigilan ang sarili. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na nakaharang na sa mukha ni Eris.

"Please love me, Eris." He whispered before kissing Eris on her forehead. Marahan at puno ng pagmamahal.

Hindi na siya nag-abala pa na bumalik sa trabaho. He stayed beside Eris's side hanggang sa tuluyan na rin siyang makatulog sa tabi ni Eris.

Nasa ganoong posisyon sila nang pumasok ang sekretarya ni Alexius. Nagulat pa siya nang makita ang dalawa ngunit kaagad din napalitan ng ngiti ang gulat sa mukha niya.

Inilabas niya ang cellphone na nasa bulsa ng pambabaeng coat na suot niya. May ngiti sa labi niyang kinuhanan ng litrato ang dalawa bago lumabas.

He's no longer the tyrant billionaire. 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
29 December 2019