Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XXVIII

Third person's point of view

Labag sa loob ni Luke na umalis sa apartment ni Eris at hanggang ngayon ay binabagabag pa rin siya ng nakita niya kanina. Ang batang nasa loob ng apartment ni Eris.

He knew Alexius since Highschool. They used to be friends--- let me rephrase that. He was Alexius best bud kaya kilalang-kilala niya ito. That kid, he saw Alexius' baby picture when he visited Rivelios mansion at hindi siya nagkakamali. Kamukhang-kamukha nito si Alexius.

Ang ipinagtataka niya. Pinsan daw ito ni Alexius at Kiro. That doesn't make sense at all. Walang ibang pinsan si Alexius kundi si Kiro so how the hell did that happend? Galit na isinarado ni Luke ang pinto ng sasakyan niya, kasabay nito ay ang pagtunog ng cellphone niya. He answered the call without a hesitation.

[Where are you, Luke? Nagawa mo na ba ang ipinapagawa ko?]

It's his dad.

"Yes, dad." He said. Humigpit ang pagkakahawak niya sa selpon.

Narinig niya ang pagtawa ng kanyang ama mula sa kabilang linya.

[You did a good job. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo. Sirain mo ang buhay ng anak ng Leandro na 'yon. Make his son suffer, iparamdam natin sa kanila ang ipinaramdam nila sa atin noon.]

Umigting ang panga niya sa narinig. A memories flashed into his head, bumalik sa kanya ang mga ala-ala ng paghihirap nila noon. Kung paano bumagsak ang kompanya na kinabubuhay nila, ang paghihirap ng mga kapatid niya at ang pagkamatay ng minamahal niyang ina. Rivelio's the reason why his mother died kaya gagawin niya ang lahat para magantihan ang pamilyang Rivelio.

"Hindi kita bibiguin, dad." He said before ending the call.

Ibinalik niya ang tingin sa labas, sa apartment ni Eris. Nagdilim ang mukha niya nang makita ang anino ni Eris. Maya-maya lang ay namatay na ang ilaw sa apartment nito. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Lahat ng malalapit sa Rivelio ay kasali na sa gulong ito and that includes Eris, his close friend. 

"I'm sorry, Eris." He paused. "I'm not your friend anymore." Ngumisi siya pagkatapos niya itong sabihin. 



Leonardo Alexius Rivelio.

"Ate? Can we play outside?" I asked my sister. Nilapag niya ang hawak niyang libro atsaka lumapit sa akin. Nagtaka ako sa kinilos ng ate ko. Nilibot niya ang buong tingin niya sa sala. Bumuntong hininga siya atsaka ako niyakap.

"We can't, Daddy will get mad. He wants us to study at kapag nahuli niya tayong naglalaro ay baka paluin niya ulit tayo, gusto mo ba 'yon?"

Umiling ako. "Let's ask mom. Papayagan niya tayo at— "

"Mom's gone, Alexius."

I know. She's not here anymore. We will never see her anymore.

"Let's just read our books and eat some cookies okay?" My sister said.

Hinatak niya ako sa kusina and asked our maid to give us some snacks.

I looked at my sister who's forcing a smile. "Ate, are you okay with this? We're kids and kids should be playing outside but here we are reading books about calculus and about business."

Yumuko siya para mapantayan ako.

"I'm used to it. Ate's trying her best to study para ako ang maging tagapagmana, Para maging malaya ka sa mga gusto mong gawin. Okay ng si ate ang nahihirapan huwag lang ikaw." She said. Ginulo nito ang buhok ko na siyang ikanahagikhik ko.

...

"Ate? are you tired?" I asked. Kanina pa siya nandito sa kwarto at ilang oras na ring nakatutok sa pag-aaral ang ate. Sometimes I saw her heaving a sigh, massaging her temples but still, she's smiling. Nakangiti siya sa tuwing nakikita niya ako, she's always hidding the truth, that she's not happy and she's already tired.

"Bakit mo naman natanong 'yan? syempre hindi ako pagod. Gustomag-laro tayo?" isinantabi nito ang mga makakapal na libro at binuhat ako.

"Ate! I'm a big boy now! don't carry me anymore!"

"You're still my baby brother who I love the most!" She hugged me like there's no tomorrow.

Naputol ang kasiyahan namin nang  bumukas ang pinto at iluwa nito ang yaya ko. Namumutla ito at hindi mapakali. Kaagad niyang sinenyasan ang ate na ibaba ako bago itapat ang hintuturo sa labi, senyales na huwag kaming gagawa ng kahit na anong ingay.

"Alexius, dad's home. Lumabas ka na sa kwarto ko dahil baka magalit nanaman siya kapag nakita tayong naglalaro kaysa sa nag-aaral." Nakangiti niyang sabi.

I do have no choice but to follow her words. Last time our dad caught us playing, he hit us using his belt. I hugged my sister for the last time before leaving her room. Walang ingay kaming bumalik ni yaya sa silid ko. She silently closed the door bago buklatin ang mga libro na nasa study table ko. Mga makakapal na libro ang makikita sa silid ng isang bata. No sight of toys. You'll never know that this is a childs room.

I was busy pretending that i'm studying when I heard a noise. It's my sister's voice. Lumabas ako at iniwan ang mga libro. I froze when I saw my sister crying. Naibaling ko ang tingin ko sa taong naging dahilan kung bakit umiiyak ang ate. Hawak nito ang pamalo, his face remains emotionless, wala akong nakikita ni isang emosyon sa mga mukha niya, walang awa.

"STOP! DON'T HURT MY SISTER!"  I shouted when he was about to hit her. Hinarangan ko siya, I'm going to protect her, i don't care if he hit me!

"Move Alexius."

"NO!" hinarap ko ang ate. "What happend?" Pinunasan ko ang luha sa pisngi nito.

"Sinumbong tayo ng isa sa mga katulong. S-she saw you went to my room and she heard us playing."

Umusbong ang galit sa puso ko. Ibinalik ko ang tingin kay dad bago ibaling ang tingin sa katulong na nakayuko. Kusang kumilos ang katawan ko. Nagdidilima ng paningin ko sa sobrang galit, ang kamay ko'y nakayukom at nanginginig. Nang makalapit ako sa kanya ay hinatak ko ang mahaba nitong buhok. She screamed in pain.

"HOW DARE YOU?! YOU'RE THE REASON WHY SHE'S CRYING!" I pulled her hair again.

Kusang umangat ang kamay ko at itinulak siya. Hindi ko namalayan na malapit pala kami sa hagdan. Nakita ko na lang ang pag  gulong ng katawan niya pababa sa hagdan. I heard screams and I heard my sister calling my name. Dinaluhan ng ibang kasambahay ang babaeng itinulak ko. Tiningnan ko ang kamay ko. I don't feel guilt, what I felt right now was happiness. It's her fault,  ginalit niya ako.

"Alexius! What've you done!" My sister said. She's pale. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. Paulit-ulit niya akong tinawag.

Nanatili akong nakatingin sa kamay ko. Walang emosyon na makikita sa mukha ko, like my dad. 

"Ate, it feels good to hurt someone."

What I've heard next was her crying voice.

 

...

It's been a month since the incident happend. Wala na ang katulong na itinulak ko. Nagbago ang ugali ko. I'm no longer a good child. Minsan na lang ako ngumiti at napapdalas ang pananakit ko sa ibang tao. Sinasaktan ko sila gamit ang kamay ko at ang mga salitang lumalabas sa aking bibig. It makes me feel good to see them in pain, seeing them trembling in fear.

Kasalukuyan akong naka-abang sa pintuan habang ang ate ay nakatayo sa likod ko. I held her hand when I saw our dad. He's wearing a suit and his secretary's following him.

"I want to play outside with ate." Lakas loob kong sabi.

Napatigil si Dad sa paglalakad. He was about to leave nang harangin ko siya...with my sister. Nanginginig ang ate sa sobrang takot kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Dad, can we play outsid— "

"No. Go back to your room and study." Putol niya sa sinasabi ko. Lalabas na sana siya nang harangin ko ulit.

"But dad! We're kids! Kids should be playing not reading books about business!"

Itinago ako ni ate sa likuran niya. Hawak niya ang kamay ko. "Uhm dad. Babalik na po k-kami sa k-kwarto. T-take care!"

Pilit akong hinahatak ni ate palayo kay dad na nakatingin sa amin. I can't see emotions in his face. Blangko ang tingin niya sa amin na tila ba wala siyang pakialam.

"Ate! I'm tired of this and I know that you're tired also! Bakit hindi natin pwedeng gawin ang gusto natin?" Buong lakas kong binawi kay ate ang kamay ko.

Tiningnan ko si Dad na nakatingin pa rin sa amin. "Dad! Anak mo ba talaga kami o sunod-sunuran lang? Hindi man lang namin naranasan ni ate na maging bata! Ni hindi niyo kami binabasahan ng bedtime stories, celebrate our birthdays, play outside and we don't even have any friends to play with!"

"You don't need friends. Now, go back to your roo— "

"NO! I HATE YOU! PALAGI NA LANG KOMPANYA ANG INIISIP MO! I DON'T WANT TO BE YOUR HEIR!"

"Who said na ikaw ang magiging tagapagmana?"

Napako ako sa kinatatayuan ko.

"Kung ayaw mo na dito. Then you're free to go. Dapat ay wala ka na rito pagbalik ko. I don't want an heir who's a big mistake."

I can't move.

"D-dad. I'm s-sorry." I chased him.

Tinawag ko siya ngpaulit-ulit but he didn't bother looking back at me.  Hinabol ko pa ang sasakyan niya na papalayo na. I'm a mistake. It's my fault why mom died. Para sa kanya ay isa akong pagkakamali.

"D-daddy, I'm sorry!" I kept on running. Chasing dad's car.

"D-daddy p-please. I'll be a good boy p-promise! A-alexius will be a good boy, d-daddy."


Habol hininga kong iminulat ang aking mata. Why am I shaking? Bakit ang lamig?

"Baby leo? Gising ka muna para makakain ka at makainom ng gamot."

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Si Eris ba 'yon? Nang tuluyan ko ng maidilat ang aking nata ay si Eris kaagad ang una kong nakita. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"May masakit pa ba sa'yo? Nilalamig ka ba? Gusto mo yakapin ka ni ate Eris?" Sunod-sunod niyang tanong.

Umiling ako bilang sagot. Wala akong lakas para mag salita. I just want to look ate her. Dali-dali niyang kinuha ang mangkok at kutsara. "Kain ka na muna tapos iinom ka na ng gamot. Si ate Eris nagluto niyan, 'di ba paborito mo mga luto n— "

Napatigil siya sa pagsasalita atsaka ibinaba sa side table yung mangkok at kutsara. Nagulat ako ng hawakan niya ang magkabila kong pisngi at halikan ako sa noo.

"Bakit umiiyak ang baby ko?"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. I'm crying?

"Nananaginip ka kanina. Binabanggit mo ang daddy mo. Nalulungkot ka ba baby Leo?"

Sana nga ay panaginip lang 'yon. Sana ay hindi na lang totoo 'yon.

"Bakit ka umiiyak baby Leo?" Aniya. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

Why am I crying? Dahil ito ang unang beses na may nag-ala sa akin. Na may nag-alala sa akin. "I'm happy."

Natawa si Eris sa sinabi ko. "May happy ba na umiiyak? Kain ka na nga lang, susubuan ka ni ate Eris. Alam mo bang pinag-aala mo ako? Kung may sakit lang ako sa puso ay baka inatake na ako."

Sinubuan niya ako ng niluto niyang sopas, sinisigurado pa niya na hindi ako mapapaso. Pakiramdam ko ay nawala bigla yung sakit na nararamdaman ko. Sanay ako na inaalagaan ang sarili ko. My dad doesn't even bother taking care of me kapag may sakit ako. Kaya sobrang saya ko ng dumating si Eris sa buhay ko. Pinaranas niya sa akin lahat ng hindi ko naranasan dati.

"Ayoto na." iniwas ko ang tingin ko.

"Sige, inom ka na muna ng gamot tapos magpahinga ka na muna. Dito lang ako sa tabi mo, hindi ako aalis."

"Promise?"

She nodded. "Pangako."



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019