Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA VII

Eris Mesina

Pagpasok pa lang namin sa apartment ay nag-wala na si baby Leo. Binaba ko ito pero pinagsisihan ko ang ginawa ko. Paano ba naman ay pinagbabato nito lahat ng mahawakan.Mabuti na lang at hindi babasagin ang mga gamit ko kung hindi ay ewan ko na lang. Hindi nagsasalita si baby Leo pero halata sa mukha nito ang inis.

"Baby leo!" Gulat kong sigaw. Binato kasi ako ng remote buti na lang naiwasan ko, kung hindi ay may bukol na siguro ako sa noo. 

Nalaglag na lang ang panga ko sa nakikita ko. Ang malinis at maaliwalas na sala ng apartment ko ay parang dinaanan na ng bagyo. Makalat na ang buong sala pati nga pinamili ko ay nagkalat na rin sa sahig. Bakit ba nag t-tuntrums si baby Leo? Ayaw niya ba sa akin? Maganda naman ako, mabait atsaka okay naman kami noon sa park ah.

Binuhat ko siya at pilit na pinapakalma. Hampas at kurot ‘yan ang natamo ko kay baby Leo. Kung hindi niya ako hahampasin sa mukha ay hahampasin naman niya balikat ko at kukurutin ako. Napasigaw ako nang bigla niya akong kagatin.

“Baby Leo! Bakit mo ako kinagat?” 

“Pakwe mo?!”

Ay paki ko raw.

"Baby Leo, huwag ka ng magwala." Pag-aalo ko sa bata."Bakit ka ba nagwawala? Ayaw mo ba sa akin?" 

Yumuko ako at sinimulan ng pulutin ang mga kalat gamit ang kanang kamay ko. Hindi ko pa rin siya binababa dahil sa oras na ibaba ko sa ay mas madadagdagan lang ang gawain ko. 

"Aray! aray!" Daing ko nang paghahampasin niya ulit ako.

"fvc— Put me down!"

Sumosobra na talaga ang cute na batang ito ah! Nananakit na katawan ko kakahampas niya. Inilapag ko siya sa sofa dahil ko na kaya. Pagsasabihan ko sana siya pero sa halip na magalit ay napangiti ako. Paano ba naman ay nakabusangot ito, ang cute tuloy. Cute nga pero sadista naman.

"Hays, wag kang aalis diyan baby Leo. Liligpitin ko lang ang mga kinalat mo." Ginulo ko ang buhok niya kaya mas lalo itong ngumuso.

"Ang cute talaga ng batang 'to." Bulong ko pero mukhang narinig niya, bigla na lang kasi akong binato ng throw pillow.


3rd persons pov

Sa kabilang dako, inis na inis si Alexius na ngayon ay si baby Leo. Gusto niyang tawagan si Kiro at pagmumurahin ito kaso wala naman siyang cellphone. Naiinis at nagagalit siya dahil iniwan siya nito sa babaeng hindi naman niya lubos na kilala. Ang akala niya ay tutulungan siya ng pinsan at kaibigan pero iniwan siya nito.

Nakakunot ang noo niya habang pinapanuod ang babae— si Eris na nililinis ang mga kinalat niya. 

"This woman touched me, hindi lang 'yan ang gagawin ko sa susunod na hawakan mo pa ako. I won't let you touch me and kissed me again woman!" Aniya sa isip.

Hindi niya alam pero naramdaman na lang niya ang pamumula ng pisngi nang maalala ang ginawa ni Eris sa kanya no'ng magtagpo ang landas nila sa playground ng park. How she smiled at him, the way she say his name kahit na hindi naman talaga 'yon ang totoo niyang pangalan at kung paano siya nito halikan sa noo at kawayan. Damn! Nag-iinit ang pisngi niya! Is he blushing? 

Naiiling niyang hinampas ang matambok niyang pisngi. 

Siya itong mahihirapan. Kilangan pa niya magpanggap hanggat hindi siya binabalikan ng pinsan niyang ulupong. Bakit ba naman kasi kailangan pa niyang mag panggap? Hindi naman talaga siya bata ah, sinumpa lang. 

"Hey— hwey you!"

Napangiwi siya. Ang hirap mag babytalk!

Nilingon siya ni Eris. "Bakit baby Leo?"

Naiyukom niya ang kamay. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o hindi. Ang lambing ng pagkakasabi ni Eris. Pero nakakainis naman kasi, tawagin ba naman siyang baby leo? Baby Leo at baby Alexius?

"Downt col me baby Leo!"

Nahihirapan na talaga siya. Kailangan niyang mag-isip ng plano para balikan siya ng pinsan at mga kaibigan.

"Ang cute mo talaga baby Leo. D’yan ka lang ah, magluluto lang ako ng makakain mo." Aniya nito bago siya iwan.

Pinagmasdan niya ito hanggang sa pumasok ito sa loob ng kusina. May harang ito kaya hindi siya makikita.

"Fvck?! Anong pumasok sa isip nila at iniwan ako dito?!" Pasigaw niyang bulong. Hindi siya pwedeng marinig ni Eris dahil magugulat at magtataka ito kapag narinig siya.

Sinabunutan niya ang sarili. Pinagsisipa niya yung throw pillow bago nahiga sa sofa.

"Kailangan kong mag-isip ng plano para sumuko ang babaeng 'yon. Shit! I'm going to kill you Kiro—" Napahinto siya ng may maisip siya......May naisip na siyang plano.

"Sisiguraduhin ko na ikaw mismo ang susuko. Na ikaw mismo ang magbabalik sa akin sa pinsan ko." Nakangisi niyang sabi.


Bumalik tayo sa punto de vista ni Eris. Mahigit Kalahating oras ng nasa loob ng kusina si Eris. Ginawan niya ng pancake ang batang iniwan— este pinapaalagaan sa kanya. Pancake mix lang kasi stock na meron siya. 

Mabuti na lang at may ipon pa siya kaya makakabili pa siya ng pagkain. Naiinis siya dahil nawalan siya ng trabaho, siya na nga itong na-argabyado tapos siya pa ang may kasalanan. Nilagay niya sa platito 'yong pancake at nilagyan ito ng evaporada milk. Hindi niya inaasahan na isang tulog na baby leo ang maabutan niya paglabas niya sa kusina. Nasa bibig nito ang hinlalaking daliri at napakahimbing ng tulog. Tiningnan niya ang hawak na platito. 

"Pagluluto ko na lang siya ulit pagka gising niya." Aniya.

Nilapag niya sa center table 'yong platito bago tuluyang lumapit kay baby Leo. Kinuha niya ang dalawang unan sa sofa at inilagay ito sa gilid nito para hindi malaglag. Pinagmasdan niya si baby Leo. Parang pamilyar kasi ang mukha nito. Parang nakita na niya na nga ang mukha ni baby Leo. Pati ang pangalan nito ay pamilyar sa kanya. 

"Ay oo nga pala, tatawagan ko muna ang ulupong niyang pinsan." Kinuha niya 'yong calling card sa bulsa pati na rin ang cellphone niya.

Lagot ka sa akin, babangasan kita kahit gwapo ka!

Kiro Alexandear Rivelio II

"Pareng Kiro! Akala ko ba Plan A muna bago natin gawin 'yong plan B?" Naiiling na tanong ni Ian.

Nagulat sila ng bigla nitong buhatin ang kaibigan nila at ibinigay sa babae. Hindi tuloy nila maiwasan na mag-alala. hindi kay Alexius kundi sa babae. 

"Doon ako sa babae naaawa, shit! Baka kung ano ang gawin ni Alexius doon sa babaeng 'yon. Fuckboy pa naman 'yon. May titi pa rin 'yon kahit nasa anyong bata siya."Aniya ni Angelo.

Natatawang binatukan ni Ian si Angelo. "Gago, masyadong maliit. Pero teka nga! Sino ba 'yong babaeng 'yon?"

"Pamangkin 'yon ni Mr. Perez, hindi ko naman alam na siya rin pala yung babaeng humalik kay Alexius atsaka malay natin siya na pala ang true love ni Alexius." Kibit balikat na sabi ni Kiro pero may ngiti sa mga labi niya.

Napa-isip naman ang dalawa, pero lagot pa rin sila kay Alexius. Paniguradong papatayin sila dahil sa ginawa nila.

"Buti na lang talaga at dala natin 'yong pekeng birthcertificate ni Alexius." 

Buti na lang talaga. 

Nag-ring ang cellphone ni Kiro na kaagad niya namang sinagot. Hindi na siya nahirapang kuhanin ito dahil nakalagay lang naman ito sa dashboard ng sasakyan niya. Ni-loudspeaker niya para marinig niya ng maigi, ni hindi niya nga tinungnan kung sino ang tumatawag, basta sinagot niya na lang.

"Hello?"

[Hello mo to! Bakit bigla na lang kayong tumakbo?! Hoy suguraduhin mo lang na pinsan mo talaga si baby Leo, mamaya dinukot niyo lang siya at ako pa ang masisi!]

Mabuti na lang at ni-loudspeaker niya dahil baka bingi na siya ngayon. Ang lakas ng boses nito, pasalamat talagasiya at hindi niya itinapat sa tenga niya.

"Teka sino ka ba?"

[Ako lang naman ang babaeng mag-aalaga sa pinsan mo. Bayaran niyo ako ah, hindi libre ito. Atsaka ganito ba talaga itong pinsan mo? Nakakatakot alagaan!]

Ah 'yong pamangkin pala ni Mr. Perez. 

Nagkatinginan silang lahat. "Bakit ano bang ginawa?"

[Grabe kung magwala, Parang dinaanan ng bagyo itong apartment ko! Pasalamat kayo at ang cute cute niya. Tsk!]

Natawa sila sa sinabi nito. "Ganyan talaga 'yan, Ipapadala na lang pala namin ang mga gamit niya. Salamat pala miss?"

[E-eris, Eris ang pangalan ko—YOR SOW NOYSI!— sorry Baby leo!]

Hindi na siya nakapagsalita dahil dial tone na lang ang narinig nila. Maya-maya lang ay nabalot na ng tawanan ang loob ng sasakyan. 

"Fvck?! si Leonardo Alexius Rivelio ba talaga 'yon?" Napahawak pa talagasa tiyan si Ian haban humahagalpak ng tawa.

"Pinanindigan talaga ang pagpapanggap! Tangna laptrip hahahaha! Yor sow noysi!" Natatawang sabi ni Angelo.

Si Kiro naman ay naluluha na kakatawa. Good luck cous!


  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019