Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XXVI

Eris Mesina.

Kagabi ay bumalik na sa akin si baby Leo. Nakayakap sa akin ang bulinggit na nahihimbing ng tulog. Sinundot ko ang pisngi niyang maala siopao. He's so cute! Nakakagigil! Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin bago ako bumangon. Katulad ng palagi kong ginagawa, nilagyan ko ng mga unan ang gilid niya para hindi siya malaglag. Walang ingay akong lumabas sa kwarto, ayokongmaabala siya sa pagtulog niya at baka mag tantrums siya. Hindi na ako nag-abala pa na sinarado 'yong pinto para naman malaman ko kaagad kung gising na siya.

Nag-unat ako. Ang sarap ng tulog ko. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganito, yung magaan ang pakiramdam at hindi pagod. Lumapit ako sa picture frame na nakasabit sa pader. Ang litrato namin nila nanay at tatay no'ng buhay pa sila. Ang huling family picture namin. I miss them so much. Namimiss ko na ang boses nila, ang mukha, ang tawa at ang pagmamahal nila. It's been Six years pero hindi pa rin naghihilom ang sugat sa puso ko. Bumuntong hininga ako't pumikit ng mariin. Hindi dapat ako malungkot, kailangan maging masaya ako.

Hinawakan ko ang litrato nila nanay at tatay. "Miss ko na kayo nay, tay."

Hinawi ko ang mga kurtina at binuksan ang pinto kaya mas lalong naging maliwanag ang apartment ko. Papasok na sana ako sa kusina nang tumama ang tuhod ko sa mga karton na naglalaman ng mga gamit ni baby Leo. Yumuko ako't nakangiting hinawakan ang pangalan ni baby Leo na naka-sulat sa isa sa mga karton. Akala ko hindi ko na siya maaalagaan, mabuti na lang at nakumbinse ako ni Alexius na huwag tumigil sa pagiging babysitter ni baby Leo. Umayos ako ng tayo at sinimulan ng ilabas sa kahon ang mga gamit. 

Namiss ko talaga si baby Leo! Lalo na 'yong pagsusungit niya. Natawa ako. Sinilip ko ang sadistang bata bago magtungo sa kusina. Kailangan ko ng maghanda ng almusal bago pa siya magising. Simpleng almusal lang hinanda ko. Sliced bread, pritong hotdog at scrambled egg, gatas ni baby Leo at kape para sa akin.

"Eris?" 

Gising na ang bulinggit. Dali-dali kong hinubad ang suot kong apron. "Nandito si ate Eris sa kusina."

Pagewang-gewang na lumapit sa akin si baby Leo habang pinupunasan ang kanyang mata. He's pouting, magulo rin ang buhok nito. Pinakatitigan ko ang mukha niya. May pagkakahawig talaga siya kay Alexius. Napasampal ako sa sarili. Syempre, magpinsan sila kaya may hawig talaga 'yan sa lalaking 'yon.

Yumuko ako para mapantayan siya. "Good morning baby Leo." Sabi ko bago siya yakapin.

"I had a bad dwim." Niyakap niya ako atsaka isinubsob sa leeg ko 'yong mukha niya.

"Hmm?" Binuhat ko siya atsaka naupo sa upuan. "Anong napanaginipan mo?"

"You left me, ayaw mo na swa akin kaya niiwan mo ako."

"Hindi kita iiwan."

"Malulungkot si baby Leo kwapag niiwan mo ako. Magwiging mag-isha na lang uwit ako." Aniya. Inilis niya ang mukha niya sa leeg ko atsaka ako tinitigan.

"Kwish me Eris."

Seryoso ko siyang tinitigan. "Baby Leo, Anong sabi ni ate Eris kagabi?"

Ngumuso siya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam ko naman na nagpapa-cute lang siya para makuha niya ang gusto niya.

"Na ang pwede mo lang i-kiss ay ang magiging asawa mo."

Ginulo ko ang buhok niya. "Goo— "

"Does that mean si Alesus lang ang i-kikiss mo?"

Kung may iniinom lang ako ay baka naibuga ko na ito ngayon.

"Ha? Anong si Alexius lang?"

"Si Alesus lang kasi 'di ba nag-kiss kwayo? that mwins Aleswus is your swon to be husband."

Hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit. Napa-iling na lang ako. Si Alexius ba ang nagturo nito kay baby Leo? at ako? Magiging asawa ni Alexius? Natawa ako pero ang tawang 'yon ay unti-unting naglaho nang may maisip ako.


Imagination.

"The bride is here!"

Si Alexius kaagad ang nakita ko nang bumukas ang malaking pinto. He's standing and waiting for me. Nakangiti siya at tila ba hindi siya mapakali.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya na siyang sinasabayan ng musika.

Inilahad niya sa harap ko ang kamay niya.

"Shall we? I can't wait to marry you."

Namula ang pisngi ko.

I was about to take his hand nang...


"Hey!" Aniya ni baby Leo habang tinatapik ang pisngi ko.

Napabalik ako sa sarili ko. Do'n ko lang napagtanto ang nangyari--- ang naisip ko. Gusto kong hampasin ang ulo ko at iumpog ito ng paulit-ulit sa pader. Bakit naiimagine ko ang sarili ko na kinakasal kay Alexius?! Ano ba ang pumasok sa kokote ko at naimagine ko ang bagay na 'yon?! Nababaliw na ata ako.

"You're blushing." Nakangiting sabi ni baby Leo.

Peke akong tumawa. "Gutom lang ako kaya kumain na tayo." Pinaupo ko siya sa katabi kong upuan. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kasalanan ito ni Alexius!

"Pwamis hindi mo ako iiwan?"

Ibinaling ko ulit ang atensyon ko kay baby Leo. There's a hint of sadness in his eyes. Na tila may bumabagabag sa kanyang isipan. Ngumiti ako.

"Hindi kita iiwan, pangako 'yan atsaka love na love kita kaya hindi ko magagawa na iwan ka." I said. Nalaman ba niya na nagbalak akong mag resign bilang babysitter niya? Kaya ba nagkakaganito siya?

"Twalaga? Love mo ako?"

Tumang ako. "Love na love."

"Love mo rin si Alesus?"

Tumango ulit ako. "Super love."

Huli na nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi ko. Kaagad akong tumingin kay baby Leo. Hindi ko alam kung nakangiti o nakangisi ba siya, basta masaya siya. Namumula rin ang pisngi nito. Kasi naman! kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ko. Paano kung sabihin ni baby Leo kay Alexius ang sinabi ko? Napapadyak ako. Argh! Wala na akong mukha na maihaharap sa lalaking 'yon! Lupa! Lamunin mo na ako. Napatigil ako sa ginagawa ko nang mapansin ko ang biglaang pamumutla ni baby Leo. Pinakiramdaman ko ang noo niya. Hindi naman siya mainit.

"Namumutla ka baby Leo." Nag-aalala kong sabi.

Nginitian niya lang ako.

"I'm payn! Gutom lang wako."


Kasalukuyan akong naglilinis ng kinainan namin. Kakatapos lang kasi naming mag-agahan. Inilapag ko sa lababo ang mga ginamit namin nang may kumatok sa pinto. 

"baby Leo tingnan mo nga kung sinong kumatok." pag-uutos ko. Abala kasi ako sa paglilinis ng kinainan namin. 

Wala akong narinig na sagot kay baby Leo kaya tinawag ko ulit siya , at sa ikalawang beses ay hindi siya nag-salita. Ano naman kaya ang ginagawa ng batang 'yon at hindi ako pinapansin. Pinunasan ko' yong kamay ko bago lumabas sa kusina. Kaya pala hindi sumasagot kais nanunuod ng paborito niyang cartoon na We bare bears. Natatawa akong umiling. Ayos talaga ang batang 'to, nakataas pa ang paa atnag t-thumb sucking pa ang bata. Nawala ang ngiti sa labi ko nang mas lalong lumakas ang pag-katok sa pinto. Sino ba ito at may balak pa atang sirain ang pinto ko.

"Sino 'yan?"  Sinilip ko ang labas ng pinto pero wala akong nakitang tao. Bigla akong nangilabot, sinong kumakatok?! Binuksan ko ang pinto, nagulat na lang ako nang makarinig ako ng kalabog at daing. 

"Aray ko!"

Dali-dali akong lumabas at sinilip ang likod ng pinto ko. Doon ko nakita ang isang bata na naka-upo sa sahig habang sapu-sapo ang noo. Jusko! si Barbie! Nilapitan ko siya at inalalayang tumayo. Bakit hindi ko siya nakita kanina atsaka anong ginagawa ng batang 'to dito? Ang aga pa ah. Tinulungan ko siyang ipagpag 'yong suot niyang dress--- Teka nga! bakit naman naka-dress itong batang 'to? May lakad ba sila ni manang?

"Pasensya ka na, Barbie. Hindi naman kasi kita nakita atsaka ano ba kasing ginagawa mo rito? Nadumihan tuloy 'yang suot mong dress."

Ngumuso siya. "Gusto ko po kasi sanang makalaro si Leo, ate."

Natawa ako sa sinabi niya. "Eh bakit naka-suot ka ng dress?"

"Gusto ko po kasi na maging pretty ako sa paningin niya. Am I pretty ate?" aniya. Umikot pa ito habang hawak ang dalawang gilid ng dress. Hinawi rin nito ang medyo kulot na buhok.

"Oo, maganda k--- " Naputol ang sinasabi ko nang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si baby Leo nakakunot ang noo. Tiningnan niya ng masama si Barbie bago ibaling sa akin ang tingin.

"Mawingay! Can't you swi that aym watching!?" Inis nitong sabi. Nameywang pa siya sa sobrang inis.

"Leo! laro tayo!" 

Akmang yayakapin sana siya ni barbie pero itinulak niya ito na siyang ikinagulat ko. Ano ba itong batang 'to, siya na nga sinusuyo ng babae ayaw pa niya. Inalalayan ko ulit si barbie na tumayo. Nakanguso ito at kitang-kita ko sa mga mata nito ang mga luhang nagbabadya ng tumulo.

"Baby Leo! hindi ka dapat nanunulak. Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na bad ang manakit." Sermon ko sa kanya.

Inirapan lang niya ako. Jusko, galit ba siya dahil naabala namin ni barbie ang panunuod niya? 

"Let'g go winside!" aniya ni baby leo bago hatakin ang laylayan ng damit ko. Kasabay nang paghatak sa akin ni baby leo ay ang siya naman pag-iyak ni Barbie. Napahilamos ako sa sarili ko. Jusko naman. Dati si baby leo at yuan, ngayon naman si baby leo at barbie. 

"Wahhh! laro tayo leo!" iyak ni barbie bago hatakin ang kaliwa kong kamay.

"No! I downt want to play with you!" hinatak naman ni baby leo ang kanan kong kamay.

"lalaro lang naman tayo!"

"I said no!" 

Para na akong lantang gulay sa oras na ito. Pakiramdam ko rin ay mapuputol na ang kamay ko sa ginagawa nilang dalawa. Ang dami ko pang gagawin, maglilinis pa ako ng bahay at maya-maya lang din ay magluluto na ako ng pananghalian namin. Wala akong ibang nagawa kundi ang bumuntong hininga. Sana gumana ang naisip kong plano.

"Nagpaganda pa ako para sayo Leo!" 

"You're not pretty! Si Eris ang pretty hindi ikaw!"

Huminga ako ng malalim bago ko alisin ang pagkakahwak ng dalawa sa kamay ko. Nagulat sila sa ginawa ko. Natahimik pa nga sila. Hinilot ko ang kamay ko bago yumuko. Nakatingin lang sila sa akina t inaantay ang susunod kong gagawin. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ni barbie bago titigan si baby Leo. Kitang-kita ng mga mata kokung paano siya mapalunok.

"Maglalaro kayo ni barbie. hindi ba baby Leo?" Pinandilatan ko siya ng mata. "Maglalaro kayo, di ba?" pag-uulit ko.

Walang nagawa si baby Leo kundi ang tumango at hatakin si barbie papasok sa loob ng apartment. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Mabuti naman at sumunod sa akin si baby Leo. Mabuti na lang talaga at nadaan ko siya sa tingin. Sinarado ko na 'yong screendoor. Kasalukuyang nakasalampak si baby Leo sa sofa habang si barbie naman ay patuloy na nagsasalita, kung anu-ano ang kinukwento niya. 

Nilabas ko yung mga laruan ni baby Leo bago magtungo sa kusina para paghandaan sila ng makakain. Abala ako sa pagtitimpla ng juice nang marinig ko ang boses ni barbie. 

"Crush kita Leo." bakas sa boses nito ang hiya.

Natawa ako. Ayiee may lovelife na si baby Leo. Pero masyado pa siyang bata atsaka na kapag malaki na siya. Pwede na niyang ligawan si Barbie hahaha.

"Hindi kita Crush."

"P-pero pretty naman ako ah!"

"You're not pretty! Si Eris nga ang pretty! not you!"

Tinapos ko na ang ginagawa ko dahil baka kung ano ang mangyari sa dalawang 'to. Nagsisigawan na, baka magrambulan sila. Inilapag ko sa center table yung juice at tinapay. 

"Crush mo ba si ate Eris?!" Inis na tanong ni barbie. 

Tinapunan niya ako ng tingin habang hinahantay ang sagot ni baby Leo. Umalis sa pagkaka-upo si baby Leo atsaka niyakap ang hita ko. 

"You're right! Crush kwo siya! I love her kwaya alis ka na rito! shoo shoo!"

Nasampal ko ang sarili ko. Bakit nadamay pa ako? Baby Leo naman eh! Wala na sira na lovelife mo. 





  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019