Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XVI

Third person's point of view.

Nilapag siya ni Eris sa sofa nang makarating sila sa apartmen nito. Mahapdi ang mata ni Alexius o baby Leo sa kakaiyak. Nasaktan kasi siya. Gumasgas kasi ang siko niya nang malaglag siya. Sanay naman siyang masaktan physically pero sa katawan niya ngayon parang hindi niya kakayanin ang kahit na anong sakit. No'ng makipag-away nga siya kay Yuan ay parang nalamog ang katawan niya, partida tulakan lang at agawan. Konting sakitan kumbaga.

Napako siya sa kinauupuan nang makita si Eris na humahangos na lumapit sa kanya. Hindi nakaligtas sa mata niya ang kulay ng bra nito. Yumuko kasi ito, hindi lang 'yon, nakita pa niya ang cleavage nito.

Namula siya.

"Damn it!" Aniya sa isip.

"Baby Leo, saan ang masakit sa'yo?"

Wala sa sarili siyang nalahawak sa maliit niyang pututy--- este sa little willy niya. Damn it! Bakit ba bigla niyang hinawakan ang willy niya?

"M-masakit s-swiko ko." Nauutal niyang sabi.

Kaagad na inilabas ni Eris ang mga gagamitin niya para linisin ang sugat nito.

"NO! AYAW TO NIYAN!" Sigaw niya nang makita ang ethynol alcohol.

"Kailangan kong linisin ang sugat sa siko mo atsaka pramis ko hihipan ko para hindi masakit." Nakangitingbsabi nito.

Kumunot ang noo niya sa inis. "Akala ko bwa k-kiss mo?"

Kasi naman, umasa siya kanina sa sinabi ni Eris, inaasahan niya ang kiss nito.

"Ha? Ah oo nga i-kikiss ko pero mamaya pa kapag nalinis ko na 'yong sugat mo."

Nakabusangot siyang tumango kahit na labag sa loob niya. Ayaw niya sa alcohol pero gusto niya ng kiss.

"I'm not skerd." Aniya.

Sinimulan ng linisin ni Eris ang sugat sa siko niya. Napapangiwi siya sa tuwing natatamaan nito ang mismong sugat. Hindi naman gano'n kalaki, sadyang nag-iinarte lang talaga siya. Gusto niya kasing magpapansin kay Eris, pft!

"Awts! Kiss mo ko! Awts!" Daing niya— este pag-iinarte niya.

Teka? Kiss mo ako? Hindi ba dapat 'yong sugat?

Nalaglag ang panga niya ng i-kiss ni Eris ang sugat nito dahilan para mas lalong mamula ang matambok niyang pisngi. Palagi siyang namumula sa tuwing pinupugpog siya ni Eris ng halik.

Ayie, tatayo na little willy niyan!

"Hindi na masakit?"

Nakatulala lang siya sa labi ni Eris. Ano daw sabi nito? Hindi naintindihan ni Alexius.

"Oi baby Leo."

Masakit...masakit ang little willy niya.

"Baby Leo? Ayos ka la—"

"Get awt of my sayt! I-i need to pee!" Nauutal niyang sabi.

Ihi nga ba, Alexius--- este baby Leo? Pee ba talaga 'yan? hahaha!

Hindi na niya hinantay ang sasabihin ni Eris dahil nagmamadali na siyang bumaba sa sofa. Tinakbo niya ang daan papunta sa banyo at kaagad na sinarado.

Napasandal siya sa pader. Kasing init na ng pinapakuluang tubig ang pisngi niya. Hindi maalis sa isip niya ang itsura ni Eris. Damn it!

Bakit ba nagkakaganito siya? Yes, he's attracted to Eris nang makita niya ito sa Bar pero slight lang naman pero ngayon? Shit! Bumibilis palagi ang tibok ng puso niya sa tuwing inaasikaso siya nito, niyayakap, kini-kiss, binubuhat at nginingitian.

Napahilamos siya sa sarili.

"I...I think i'm inlove."

Kailangan niya ang tulong ni Kiro. Kailangan niyang umalis pansamantala. 


Eris Mesina.

Tatlong araw ang lumipas. Nakakainis! Gusto ata talagang masampolan ni Kiro! Kung may sakit lang talaga ako sa puso, sa malamang baka tegibels na ako.

Dear Eris,

Hey, its me Kiro. Kinuha ko ulit si baby Leo dahil may family reunion kami. Pasensya na kung hindi ako nag paalam, biglaan kasi pero pramis sa susunod magpapaalam na ako.


Nilamukos ko 'yong papel bago itapon sa kung saan. Naiinis talaga ako! Kinuha nanaman siya ni Kiro ng hindi nagpapaalam. Bakit ba kasi hindi ako nagigising sa tuwing kinukuha niya si baby Leo?

Hinilot ko ang balikat ko nang sumakit ito. Paanong hindi sasakit? Eh palagi kong buhat si baby Leo. Sobrang lambing kasi nito sa akin at naging mabait din siya, nakakapagtaka hindi ba? Akala ko nga may gustong ipabili. Hinahantay ko na sabihin niya kung anong gusto niya pero wala akong narinig sa kanya.


Flashback

Sinundot ko ang malambot na pisngi ni baby Leo bago ituro ‘yong banyo.

"Baby Leo, papaliguan kita ah." Pagbibiro ko.

"Okay."

Nanlaki ang mga mata ko. Sabi niya ba Okay? Tama ba ang pagkakarinig ko?

"Huwat are you dowing? Lewt go to bathroom."

Seryoso talaga?!


Eto pa, sobrang pagod ako kaya umupo muna ako sa sofa. Nagulat ako nang bigla na lang akong yakapin ni baby Leo. Kakatapos ko lang kasing tulungan si manang Mersi maglaba. Naka-upo ako sa sofa tapos ayon, niyakap ako ni baby Leo.

"Are you twayrd?"

Tumango ako. "Pagod ako pero parang nawala bigla 'yong pagod na nararamdaman ko nang makita kita."

Namula ang pisngi niya sa sinabi ko. Ang cute talaga ng batang 'to.

"I'll matads you."

Natawa ako. Matads daw.

"Thank you baby Leo."


Naglalakad kami ni baby Leo pabalik sa apartment. Galing kami sa sari-sari store para mamili ng mga kailangan namin. Tatlong plastik ang hawak ko sa iisang kamay. Hawak ko kasi si baby Leo kaya kahit na mabigat 'yong mga plastik ay titiisin ko.

"Bakit baby Leo?" Taka kong tanong.

Bigla kasi itong huminto atsaka bumitaw sa akin. Lumapit siya sa kabila kong kamay at pilit na kinukuha sa akin 'yong plastik na naglalaman ng dalawang kilo ng bigas.

"A-ako na baby Leo! Humawak ka na lang sa akin."

Umiling siya. "Let me welp you."

Umiling ako. "Hindi na talag— " Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng mag puppy eyes siya.

Jutko! Ang cute! Wala na suko na ako. Bumuntong hininga ako bago ibigay sa kanya 'yong pinakamagaan na plastik.

"Thank you baby Leo."

Ngumiti siya kaya nakit ko 'yong bungi niya. "No pablem!"

Nakangiti akong umiling habang pinapanuod si baby Leo na masayang naglalakad. Proud na proud siya sa hawak niyang plastik.

End of flashback.


Sumandal ako sa sofa. Nagtataka lang ako, paano kaya nakapasok si Kiro sa apartment ko? Dalawang beses na itong nangyari. Hay bahala na nga. Sa susunod tatanungin ko na talaga siya. Hindi naman kasi siya nag r-reply sa akin, feeling peymus. Akmang hihiga sana ako sa sofa nang biglang may kumatok ng pagkalakas lakas. May balak ata 'tong tao na 'to na sirain ang pinto ng apartment.Padabog akong tumayo at padabog ko rin siyang pinagbuksan. 

Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko. A-anongginagawa niya dito?! 

"A-anong kailangan mo?" Shit! Bakit nandito siya? Paano niya nalaman kung saan ako nakati—

"Go out with me."

Napanganga ako. Ano daw?

"H-ha?"

Tumikhim siya bago mag-iwas ng tingin. "I mean! You need to come with me. "

Bigla akong nakahinga ng maluwag pero ang puso ko? Mabilis pa rin ang pagtibok nito. Kalma heart!

Akala ko...akala ko talaga nabaliw na siya! Nagulat ako doon ah! "At bakit naman ako sasama sayo?"

"Nasa akin ang sahod mo." Nag-iwas siya ng tingin.

"Sana pinadala mo na lang sa iba mong tauhan atsaka hindi naman ikaw ang magpapasahod sa akin ah." Oo nga! dapat si Kiro ang magpapasahod sa akin pero bakit siya?

Napasigaw ako nang bigla niya akong hatakin palabas. Bigla niya na lang din na isinarado 'yong pintuan bago ako kaladkarin. Halos lahat ng kapitbahay ko na nasa labas ay nakatingin sa amin--- sa kanya.

Jutko! Sana naman hindi ako pag tsismisan ng mga 'to!

"Hoy! Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Atsaka wag mo akong kaladkarin!" Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya.

Huminto kami sa harap ng isang magarang sasakyan na nakaparada sa haral ng gate. May kinuha siya sa bulsa atsaka ito pinindot. Bigla na lang nagbukas yung pintuan ng sasakyan at walang pag aalinlangan niya akong itinulak papasok. Muntik pa nga akong mauntog. Napakasama niya!

Bubuksan ko sana 'yong pintuan pero ayaw. Bakit gano'n?! Anong nangyayari?!

"Hoy! Alexius! Anong binabalak mong gawin?! Papatayin mo ba ako?! gagantihan dahil sa ginawa ko no'ng nakaraang pagkikita natin?! N-nag s-sorry naman ako ah!" Kinakabahan ako. Paano na lang kung may gawin siyang masama?

Napalunok ako. Lord huwag naman sana. Bata pa ako, marami pa po akong pangarap at wala pa akong matinong trabaho bukod sa pag aalaga sa sadistang bata pero cute.

"Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Wala akong gagawing masama."

Tiningnan ko siya. "Siguraduhin mo lang!"

"Hindi ako gano'n kasama para patayin ka. Now be quiet."

Aba't! Sumandal na lang ako. Mabuti na lang at maayos ang suot ko. Bigla-bigla na lang kasing sumusulpot at nanghatak.

"Nga pala, sabi ni Kiro may family reunion kayo? bakit hindi ka kasama?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at bigla na lang din nagdilim ang mukha nito. May nasabi ba akong hindi maganda?

"May proble--- "

"Hindi nila ako kailangan. If they do need me, they'll invite me." Putol niya sa sinasabi ko.

Natahimik ako sa sinabi niya. Walang nagsalita sa amin hanggangsa makarating kami sa...Amusement park? Teka?! Kakapunta ko lang dito three days ago. Kasama ko pa si baby Leo.

"Anong gagawin natin dito?" Taka kong tanong.

Natulala ako ng ngumiti siya. Ngiti na pamilyar sa akin. Parehas sila ng ngiti ni baby Leo.

"Alam kong malungkot ka dahil wala si Leo kaya naisipan kong dalhin ka dito."

"Teka nga." Lumapit ako sa kanya atsaka ko sinipat 'yong noo niya. Hindi naman siya nilalagnat.

"Wala ka namang sakit pero bakit ang bait mo? Nginitian mo pa ak--- Bakit ka namumula?!" Hala! Anong nangyayari kay Alexius?!

"I'm not sick. B-bumaba ka na nga lang! Susunod na lang ako!"

Kunot noo ko siyang tinignan. "Sure ka? May sakit ka ata. Bumait ka tapos bigla ring namula yang mukha m--- "

"I said I'm not sick!"

...

Naka poker face lang ako habang nakatingin kay Alexius na ngiting ngiti habang nakasakay sa Parang mini calesa sa carousel. Pangalawang sakay na namin 'to. Wala ata siyang balak bumaba. 

"Para kang bata." Nakangisi kong sabi.

"Minsan bata ako."

Ano daw? Minsan bata siya? Baka kamo isip bata, tch!

"Pwedeng ibang rides naman ang sakyan natin? o hindi kaya ako na lang sasakay sa ibang rides--- "

"No! stway with me!"

Stway?

"Ehem! What I mean is, dapat magkasama tayo palagi dahil baka mawala ka."

"O...kay."

Ang weird niya promise. Ibang-iba sa Leonardo Alexius Rivelio na nakilala ko, na binabalita sa T.V at sa mga na i-issue. Malayong malayo sa masamang Alexius. Para siyang bata... parang si baby Leo.

Nakahawak lang siya sa kamay ko hanggang sa makababa kami. Alam kong nakikilala siya ng iba sa mga nakakakita sa kanya pero parang wala lang sa kanya. Bumilis lalo ang pagtibok ng puso ko nang ngitian niya ako. Putspa! Anong problema ng puso na 'to?! Nag-iwas ako ng tingin at hindi ako nagsisi sa ginawa ko. Kuminang ang aking mata sa nakita. 

"Doon tayo!" Tinuro ko 'yong haunted house.

"The fvck!? No! Hindi tayo papasok diya--- "

"Takot ka ano?" Putol ko sa sinasabi niya. Alam kong takot siya, base pa lang sa reaksyon niya atsaka namumutla siya hahaha!

Alam ko na ang kahinaan ni Alexius!

"Duwag ka pala." Nginisian ko siya.

"Of course not! L-lets go! Ipapakita ko sayo na hindi ako duwag!"

Tinawanan ko siya. "Okay, tingnan natin kung sinong hindi takot." 

...

"ayos lang po ba kayo? Ma'am? Sir?"

Tumango ako bilang sagot. Hindi ko ata kayang magsalita. Nawalan talaga ako ng lakas atsaka feeling ko paos na ako.

Akala ko siya ang matatakot pero ako rin pala. Naghatakan pa kami palabas, kumapit sa isa't isa at parehas na nagsisigaw dahil sa takot.

Tiningnan ko si Alexius na nanginginig ang tuhod. Hindi ko maiwasan na matawa sa itsura niya. Para kasi siyang ginahasa tapos parang wala siya sa sarili.

"Why are you laughing huh?!" Inis niyang tanong saakin.

"Kasi naman 'yong itsura mo hahaha! Para kang ginahasa!"

"It’s your powlt! Ikaw ang may gawa nito!"

Binelatan ko na lang siya. Umupo muna ako sa isa sa mga bench, gano'n rin ang ginawa niya. Nakatingin lang ako sa mga tao na masayang naglilibot.

"Bibili muna ako. Kapag may lumapit sayo huwag kang sasama. Kapag may nag-alok sa'yo ng kendi huwag mong tatanggapin. Maliwanag ba?" Aniya ni alexius na ikinatawa ko.

"Para naman akong bata. Bilhan mo rin ako. Bawas mo sasahod ko." sabi ko. Tumango na lang siya bago maglakad palayo.

Gano'n din ang sinabi ko kay baby Leo nang iwan ko siya saglit sa bench.

Napasandal ako. Pumikit ako't nilasap ang sariwang hangin. Rinig na rinig ko ang pag-galaw ng mga dahon sa puno, ang tawanan ng mga tao at ang sigawan ng mga tao na nakasakay sa mga rides.

"Miss? Pwedeng maki-upo?"

Napamulat ako. Bumungad sa akin ang isang lalaking may katangkaran. May hawak itong soft drink at burger.

"Sure." Umurong ako para bigyan siya ng mauupuan.

"Salama— "

Napatayo ako't napasinghap nang bigla na lang may humatak sa akin...si Alexius. Sobrangdilim ng mukha niya at--- teka?! Bakit nagdudugo 'yong gilid ng labi niya?! At bakit may mga galos siya?!

"Alexius? A-anong nangyari sa--- " Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng sumigaw siya.

"Iniwan lang kita saglit pero may iba ka ng kasama?!"

"Naki-upo lang siy--- " Marahas niyang bitawan ang kamay ko.

"Shut the fvck up! Here's your money, now get lost Eris." He said bago ihagis sa akin ang makapal na sobre.

Hindi ko ito nasalo dahil napako ako sa kinatatayuan ko. Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit nag kaganun siya? Okay naman siya kanina.

Hindi totoo ang ngiti sa mga labi niya, ang kislap ng mata niya...hindi totoo na masaya siya.Nagpapanggap lang siguro siya. Ang bilis ko naman kasing maniwala. Bored lang siguro siya kaya ako ang pinag tripan niya.

Grabe ka, Leonardo Alexius Rivelio. Pinulot ko 'yong sobrang ibinato niya. Bahala siya sa buhay niya! Uuwi na lang ako at matutulog. 

"Ayos ka lang ba miss?"

"DON'T TALK TO HER YOU MOTHERFUCKER!" Sigaw ni Alexius.

Naiyukom ko ang kamay ko. "Pwede ba Alexius! Naki-upo lang 'yong tao! Aalis na ako, basta huwag kang gumawa ng eksena dito."

Umigting ang panga niya sa sinabi ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa na umalis sa lugar na 'yon. Bakit kialnagn niyang umakto ng ganun sa harap ng maraming tao? Wala namang ginagawang masama 'yong lalaki. Hinilot ko ang sentido ko. Masaya na kami at medyo gumagaan na ang pakiramdam ko sa kanya pero sa isang iglap lang ay napalitan ito ng inis at galit. Mas lalo lang nadagdagan ang rason para layuan siya.


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019