Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

Hi! Before you read this chapter, I want to say sorry for not updating the story for almost six months. Masyadong hectic ang schedule ko sa school. I was bombarded with tons of tasks, both personal ans school activities. And I won't deny na medyo nawala ang feels ko para sa story na 'to, I lost the love I felt for this story, but now, it's finally back! Good timing ang biglaang suspension of classes cuz now, I finally have the chance to update the story!

Don't forget to drink a glass of water and sanitize your hand!

You can now proceed! Enjoy reading!




KABANATA 50


Nanatili ang tingin ni Alexius sa litrato na ipinadala sa kaniya ng tauhan. Wala siyang ibang maramdaman ngayon kundi galit— galit kay Luke, at takot para kay Eris. Sa oras na 'to, gusto niyang puntahan si Eris, gusto niya itong hilahin palayo kay Luke. But, he can't face Eris right now. Hindi pwedeng makita ni Eris ang kalagayan niya ngayon dahil baka matakot ito sa kaniya, isa pa, pinapalamig pa niya ang ulo ng kasintahan. 

He knew that something's not right at kung tama nga ang hinala niya, sisiguraduhin niya na hindi madadamay si Eris. He'll protect her with his own life. 

Muling tinawagan ni Alexius ang mga tauhan na nagbabantay kay Eris. Kahit na may nakabantay sa kasintahan niya at hindi pa rin maalis ang takot na nararamdaman niya. Hindi pa rin siya mapapanatag lalo na't ang lalaking kasama nito ay anak ng kriminal--- anak ng pumatay sa kaniyang ina, ang naging dahilan kung bakit naging makasarili at masama ang kanilang ama. Ang sumira sa buhay nila. 

Lucas pretended that he's a nice guy. Lucas befriended him for revenger. Nagpanggap ito na kaibigan niya si Alexius. Noong una, hindi alam ni Alexius na ang itinuring niyang kaibigan ay ang anak pala ng sumira ng buhay nila. It's not too late though when he discovered the truth. 

He was having a hard time that time and decided to drown his self with liquor. Hindi pinagsisihan ni Alexius na pumunta siya sa bar dahil doon niya nalaman ang katotohanan, that there's a traitor. Nakita niya si Lucas na umiinom din at may kausap sa kinauupuan nito, he didn't noticed his presence. Nang makalapit na ng tuluyan si Alexius ay doon niya narinig ang lahat. 

"Sisiguraduhin ko na magtatagumpay tayo na pabagsakin ang mga Rivelio, Dad. Sila naman ang babagsak at ang luluhod sa harap mo."

Iyan ang katagang narinig ni Alexius kahit na nababalot ng musika ang buong paligid nang gabing 'yon. Alexius ended up beating Lucas to death. Hindi alam ni Alexius na nang gabi rin na 'yon ay nagkakilala si Lucas at Eris. That's the reason why Eris saw Lucas covered in bruises, wounds, and blood. 

Alexius lost one of his friends whom he trusted the most And now, that person is back. Alexius is knows that Lucas will pull some dirty tricks--- again. 



ERIS MESINA

Alas siete y media nang matapos ako sa pag-aayos sa sarili. Maayos ng nakatali ng half pony tail ang maikli kong buhok. Plantsado rin ang suot kong uniporme at nakahanda na ang kakainin ko para sa lunch at miryenda mamaya. Kailangan ng maging praktikal lalo na't may kalayuan pa ang sweldo. I also need to start saving in case of emergency. 

Isinukabit ko ang shoulder bag atsaka lumapit sa litrato ng mga namayapa kong magulang para magpaalam sa kanila. Nakangiti kong hinawakan ang litrato nila. Hinaplos ko 'yon.

"Ma, pa, papasok na po ako sa trabaho." Paalam ko. Ilang segundo ko pa tiningnan ang litrato bago ko ito ibaba.

Kailangan ko ng umalis, ayaw kong magkaroon ulit ng bad record, oo, ulit dahil sa nangyari noong magkita kami ni Mina. Nabawasan ang suswelduhin ko dahil sa biglaan kong pagkawala ng araw na 'yon. Bago ako lumabas ng apartment ay tiningnan ko muna ang cellphone ko. Napabuntong hininga ako nang makita na wala pa ring message si Alexius, pero mas okay na rin 'yon-- dahil kailangan ko munang magpalamig ng ulo. But I wont deny that I kinda miss him.  

Masyado na akong nalilito. kahit na abalahin ko ang sarili ko sa trabaho ay palagi pa ring sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ni Mina at ang nangyari sa mansyon ng mga Rivelio. What if, totoo nga ang sinasabi ni Mina? Paano kung may sikreto ngang itinatago sa akin si Alexius. 

Muli ay napabuntong hininga ako. Hindi ko na dapat iniisip 'yon sa oras na 'to at baka ma-late na talaga ako sa trabaho. Sinigurado ko na nakasara ang mga bintana at wala akong naiwan na nakasaksak bago lumabas ng apartment. Saktong paglabas ko ay ang paglabas din ni Joshua sa kanilang apartment. 

Kinawayan ako nito.

"Hi ate Eris! Looking good ah!" Aniya atsaka ako kinindatan. Pabiro ko itong binatukan na agad din namang napakamot sa ulo niya. Nagulo tuloy ang buhok niyang tusok tusok. 

"Looking good ka diyan. ikaw bata ka baka mag cucutting ka lang." Pinandilatan ko 'to ng mata. "Sumbong kita sa mama mo."

"Hala, good boy 'to ate." Itinaas nito ang kaliwang kamay. "Promise!"

Tinanguan ko na lang ito bilang sagot. Sabay na kaming bumaba, Nag-suggest pa nga ito na sabay na lang din daw kami sumakay ng jeep, meaning, magpapalibre siya. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala rin naman akong nagagawa, iisa lang ang daan namin. Medyo malapit nga lang ang pinapasukan niya kaya mauuna din siyang bababa. Sa huli, tumango na lang ako.

"Yes! nakatipid ng siete!" Masaya nitong aniya na may pagsuntok pa sa ere.

"Ipandagdag mo sa pangkain 'yang siet—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang makita ko kung sino ang nakatayo sa labas ng gate.

Nakatayo ito sa gilid ng sasakyan. Maayos at malinis ang itsura. Walang gusto ang suot na suit at nakabrush up ang buhok nito. Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong paper bag at isang pirasong bulaklak na mukhang pinitas lang nito sa mga tanim na bulaklak ni Manang Mersi. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag matawa o mapangiti dahil nakatingin siya sa akin. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko lalo na bigla itong ngumiti.

"Alexius, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Mabuti na lang at may blush on ako kung hindi ay baka kanina pa napansin ni Alexius na namumula ang mukha ko.

"Good morning, Love." Malawak ang ngiti sa labi nito. Ni hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Inilahad niya sa harap ko ang hawak nitong bulaklak at paper bag. Saglit ko itong tiningnan bago ko ito tanggapin. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayong araw. Tanggap ko na kasi na hindi nga muna ako nito pupuntahan o kakausapin, pero mali ako. Hindi ko na napigilan na mapangiti. I'm happy to see him. Tuluyan ng nawala ang init ng ulo ko. 

"Hi." Tila nahihiya nitong sabi na may kasabay pang pagkamot sa ulo. 

Nakangiti ko siyang kinawayan bago lumapit. Sinalubong naman ako nito atsaka ako niyakap at hinalikan sa noo na siyang ikinapula bigla ng pisngi ko. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. 

"hala, ba't nakangiti ka ate? Kinikilig?" Biglang sabat ni Joshua.

Nakalimutan kong may epal! Palihim kong pinandilatan ng mata si Joshua bago tumikhim.

"Hi boyfriend ni ate Eris!" Aniya Joshua. Kinawayan nito si Alexius na kinawayan din siya pabalik. "Nandito ka ba para sunduin si ate?" Malawak ang ngiti sa labi nito.

Alexius nooded his head ngunit nanatili ang tingin nito sa akin. I can't help but to avoid his gaze. Baka mahulog ako lalo. Hulog na hulog na nga ako tapos magpapahulog pa ako lalo. Inabot sa akin ni Alexius ang isang perasong bulaklak at ang paper bag. Inamoy ko yung bulaklak, amoy bagong dilig, mukhang diniligan ni Manang Mersi ang mga bulaklak. 

"Kapag ikaw nahuli ni manang, lagot ka talaga."

"Si manang mismo ang nagsabi sa akin na pumitas ako."

Napahagikhik ako, parang nangyari na 'to dati pero si baby Leo naman ang pumitas. Saglit akong napatigil, nangyari na 'to. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa bulaklak at kay Alexius. Paano kung---

"Nagluto ako ng baon mo." 

Nanlaki bigla ang mga mata ko. Nagluto siya?! He knows how to cook?! Agad kong kinuha ang lmang ng paperbag. Medium size tupperware ito na may transparent na takip kaya kitang-kita ko kung ano ang nasa loob. Nakanganga kong ibinalik ang tingin ko kay Alexius na mas malawak na ang ngiti sa labi ngayon. Kitang-kita sa mukha nito kung gaano ito ka-proud. 

Pero may baon ako, nagluto ako. Mariin kong kinagat ang ibaba kong labi. Agad kong binulungan si Joshua. 

"Joshua, punta ka sa may hagdan yung hindi ka makikita. Kuhanin mo yung paper bag na nasa loob at sa 'yo na." Bulong ko na ikinakunot ng noo nito. 

"Ano ba yung laman ng paperbag ate?" Bulong nito pabalik.

Napabalik-balik na tuloy ang tingin ni Alexius sa amin ni Joshua. 

"Baon, sa 'yo na para hindi ka na talaga gagastos."

Tumango tango si Joshua bago ko ibigay ang bag ko. Agad naman itong umakyat sa hagdan.

"Bakit dala niya ang bag mo?" Nagtatakang tanong ni Alexius. Sinundan pa nito ng tingin si Joshua. 

Wala sa oras kong hinawakan ang magkabilang pisngi ni Alexius nang magbalak ito na sundan si Joshua. Muntik na! Muntik ko na rin mabitawan 'yong paperbag! 

"I miss you hehehe. Thank you sa niluto mo!"

Namula ang pisngi ni Alexius. Akala ko ay lalayo na ito pero laking gulat ko nang hawakan din nito ang magkabila kong pisngi. Mas lalo rin nitong inilapit ang mukha sa akin. I wasn't able to move, parang napako ako sa pwesto ko. 

"I miss you too. Hindi mo alam kung gaano ang pagpipigil na ginawa ko." He pouted. "Huwag ng mainit ang ulo sa susunod, nalulungkot ako." Aniya bago ako yakapin. Sobrang higpit ng yakap niya, ramdam ko rin ang pagkasabik niya. Na-miss nga niya ako. 

Niyakap ko siya pabalik. Ah, I felt safe. Nawala bigla ang stress na nararamdaman ko. Pinatong ni Alexius ang pisngi sa balikat ko atsaka ako nito isinayaw. Para siyang bata sa ginagawa niya and I find it sweet. 

"Are we okay now?" 

"Ayaw mo ba?" 

"Gusto, hindi ko kaya na nagtatampo ka. It feels like I was alone, again."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bahagya na siyang lumayo ngunti nakayakap pa rin ito sa akin. 

"Pero humingi ka rin ng sorry kay Mina ah." Pagpapaalala ko. 

"I will."

Akmang hahalik ulit sana si Alexius sa noo ko nang biglang sumulpot si Joshua sa gilid namin. Hawak nito ang bag at tila ba nanunuod ng movie. Kulang na lang ay kumain ito ng popcorn. Ngumisi ito sa amin. 

"Ate ah, nawala lang ako nag loving loving na kayo d'yan." Inabot nito sa akin ang bag ko. Inis ko naman siyang nginitian. 

"Hindi niyo ba alam na late na tayo?"

Tiningnan ko ang suot na wrist watch ni Alexius, sosyalin, rolex. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapasinghap. Patay! malalate na talaga ako! Nagkukumahog kong hinila si Alexius at si Joshua. Alam ko naman na sinundo talaga ako ni Alexius, natawa ako. 

"Kuya sabay niyo na ako ah." Sumaludo si Joshua bago sumakay sa passenger seat. 

Hindi rin nagtagal ay umandar na ang sasakyan. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ni Alexius kahit na nagmamaneho na 'to at alam kong nakikita ni Joshua ang mukha ni Alexius dahil panay ang pagsilip nito sa rear-view mirror ng sasakyan. 

"Kuya, mahal mo talaga si ate Eris ano?"

"Joshu---" 

"Ate anak lang ako ng kapitbahay mo, pero parang ate na rin kita kaya kapag sinaktan ka ni kuya ay handa akong makipagbasag ulo sa kaniya kahit na maganda pa ang sasakyan niya." putol nito sa sinasabi ko. 

Aaminin ko, na-touch ako sa sinabi niya. Matagal na rin kasi kaming magkakapitbahay at parang kapatid na rin ang turing ko sa kaniya kahit na palagi niya akong inaasar at palagi ko naman siyang tinatarayan.

"Ano kuya? Sagot." 

Napailing na lang ako. Nilingon ko si Alexius. "Pagpasensyahan mo na." I mouthed. 

"Don't worry, kiddo. That wont happen. Mahal na mahal ko ang ate Eris mo." Binitawan niya ang kambyo atsaka hinawakan ang kamay ko. Muli ay namula ang pisngi ko. 

"Hinding hindi ko siya sasaktan kasi kung gagawin ko 'yon, sarili ko lang din ang sinaktan ko. I love her and will love her forever." Saglit itong naptigi. Saglit niya akong nilingon bago tingnan si Joshua mula sa rear-view mirror. "Ihahatid na muna kita, Joshua and I needs to have a man to man talk."

Napa "HA?!" ako. May kalayuan ang bankong pinagtatrabahuan ko sa paaralang pinapasukan ni Joshua! Malalate ito!

"Don't worry, I'll talk to his teachers. May kailangan lang kaming pag-usapan."

Aalma pa sana ako ngunit naunahan na ako ni Joshua. 

"Sige na ate, ikaw ang hindi pwedeng ma-late. Isa pa eto lang naman ang unang beses na malalate ako." Paliwanag ni Joshua. Seryoso ito, biglang nawala ang makulit na Joshua na nakilala ko. 

Wala na akong nagawa kundi ang tumango na may kasmang pagbuntong hininga. Hindi ko alam kung anong klaseng man to man talk ang gagawin nila pero wala na rin naman akong magagawa dahil seryosong seryoso ang dalawa. 

"Bahala kayo, basta kapag nagalit si mama mo huwag ako ang sisihin mo ah!" 

Kapag talaga ako nadamay sa galit ng mama ni Joshua, makukurot ko talaga silang dalawa sa singit!

"Oo naman ate, sanay naman na akong mapalo at mapingot ni mama hahaha!"



Third Person's POV

Isang oras ang itinagal ng byahe bago sila nakarating sa banko na pinapasukan ni Eris. Hindi pa ito late kaya hindi naging mabilis ang kilos nito. Nagawa pang harapin ni Eris ang dalawa atsaka ito pinagsabihan. Pina-alalahanan niya si Alexius na mag-iingat sa byahe at agad na ihatid si Joshua sa paaralan. Pinagsabihan din ni Eris si Joshua na magpaliwanag ng maayos sa guro at magulang nito bago magdesisyong bumaba. 

"Bye, ingat kayong dalawa ah." Muling paalam ni Eris.

Pero bago siya tuluyang bumaba ay hinalikan siya ni Alexius sa pisngi.

"Take care, susunduin kita mamaya." Nakangiting sabi ni Alexius kay Eris na ngayon ay namumula ang mukha. Napahawak pa nga ito sa pisngi.

Napadaing naman si Alexius nang hampasin siya ni Eris sa braso. 

"Alexius! May bata!" Tukoy ni Eris kay Joshua.

"Correction, ate— Binata na ako."

Napairap na lang si Eris. "O siya, sige na aalis na ako."

"Take care. I love you."

"I...Aalis na ako!" Walang anu-ano'y tuluyan ng bumaba si Eris at nagmamasaling sinara ang pinto ng sasakyan.

Hindi muna pinaandar ni Alexius ang sasakyan. Hinantay niya na makapasok muna sa loob ng banko si Eris bago tuluyang umalis. Pagka andar ng sasakyan ay agad ng sinimulan ni Alexius ang usapan. Wala naman talagang balak si Alexius na humingi ng pabor sa anak ng kapitbahay ni Eris, pero mas mabuti na rin na gawin niya 'yon para sa ikakapanatag ng loob niya.

"Kiddo, can you do me a favor?" Hinapyawan niya ng tingin si Joshua mula sa rear-view mirror.

"Tungkol ba 'to kay ate Eris kuya?"

Tumango si Alexius.

"Sige po, basta para kay ate."

Napangiti si Alexius. Eris's lucky to live in a neighborhood that's filled with nice people. Kahit papaano ay napapanatag siya dahil alam niyang maraming poprotekta kay Eris.

"Hindi mo man lang tatanungin kung anong nasa likod ng paghingi ko ng pabor?" Muli ay tiningnan ni Alexius si Joshua mula sa rear-view mirror. Nakatingin ito sa labas ng bintana na tila ba pinagmamasdana ng mga nadadaanan. Nakita rin ni Alexius ang pagpapakawala nito ng buntong hininga. 

"Hindi na kuya, alam ko naman na para sa ikakabuti ni ate Eris ang pabor na 'yan isa pa sabi sa akin ni mama huwag akong maging chismoso, may pagkamadaldal pa naman ako. Baka kapag sinabi mo po sa akin ay maikwento ko kay mama at eto naman si mama ay maikwento sa mga kaibigan niya, chismosa pa naman si mama."

Hindi Alam ni Alexius kung matatawa ba siya o makakahinga ng maluwag dahil sa narinig. 

"Pwede mo bang sabayan si Eris sa pagpasok tuwing umaga? Sabayan mo siya sa pagsakay sa jeep at kung may lalaking lalapit sa kaniya, shoo them away. I'll give you a reward. But let's keep this a secret, okay?"

Nakangiting tumango si Joshua. "Sige kuya, sikretong malupit. Hindi mo na rin kailangang magbigay ng reward kuya gusto ko rin naman na makasabay lagi si ate. Makakalibre ako ng pamasahe." Tumawa ito.

Akmang magsasalita pa ulit sana si Alexius nang maunahan siya ni Joshua.

"Binigay po sa akin ni ate Eris ang baon niya sana kasi mas gusto niyang kainin ang niluto ng boyfriend niya." Saglit na natahimik si Joshua ganun din si Alexius. 

Wala siyang ibang nararamdaman ngayon kundi saya. Mas pinili ni Eris ang niluto niya kaysa sa sarili nitong luto pero bakit hindi nito sinabi sa kaniya na nagluto pala ito ng sariling baon. Napangiti lalo si Alexius sa ideyang naisip, maybe she doesn't want him to feel sad, para siguro hindi maramdaman ni Alexius na sayang ang niluto niya that's why she secretly gave her pack lunch to Joshua, pero hindi maipagkakaila ni Alexius na  nakaramdam din siya ng inggit sa binata. Dapat ay ibinigay na lang nito sa kaniya ang niluto. Exchange kumbaga. 

Saglit na bumagal ang takbo ng sasakyan nang biglang dumungaw si Joshua sa maliit na espasyo sa pagitan ng shotgun seat at ng drivers seat. iInilahad nito ang hawak na paperbag na naglalaman ng nilutong baon ni Eris. 

"Sa 'yo talaga 'to kuya." Pagkatapos ay inilapag ni Joshua ang paperbag sa shotgun seat bago magpatuloy sa pagsasalita. "Kuya, please huwag mong saktan si ate Eris. Marami na siyang napagdaanan at ngayon pa lang nanunumbalik sa normal ang buhay niya. Nagiging masaya na ulit siya, kaya kung sasaktan mo siya, sinisigurado ko na ikaw ang susunod na itatanim ni Manang Mersi sa bakuran ng apartment namin."

Sa hindi malamang dahilan ay napalunok si Alexius. Hindi niya gagawin 'yon, mas gugustuhin pa niyang saktan ang sarili kaysa sa saktan ang babaeng bumuo ulit sa nagkapira-piraso niyang puso.

Isa pa, ayaw niyang maging tanim.







  • (3 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019