Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XXXI

Pinagkrus ko ang kamay ko. Hindi mapakali si Kiro sa kinauupuan niya, habang si Mina naman ay nakatingin din kay Kiro. Namumutla rin siya at may mga nakikita akong butil ng pawis sa noo niya. Walang nagsasalita sa amin. Maski si baby Leo na maingay ay nananahimik sa may bukana ng pintuan. Tinapunan ko muna ng tingin si baby Leo na nakasilip sa pintuan ng kwarto ko. Kaagad siyang nag-tago nang makita akong nakatingin sa kanya.

"Asan ang pinsan mong akyat bahay?!"

Napatalon siya Kiro sa gulat, tiningnan niya rin ako ng masama pero mas tiningnan ko siya ng masama. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa siya na ang unang sumuko. Kung ako lang si superman o ay nilaser ko na siya gamit ang aking mga mata. Bumuntong hininga si Kiro bago hilutin ang sentido.

"What do you mean, Eris?" nagtatakang tanong ni Mina.

"Nagising ako na nasa higaan ko si Alexius! Nilooban ako ng lalaking 'yon!"

Napasinghap si Mina. "Nilooban?! He inserted his junior inside your cherry?!"

Nanlaki ang mga mata ko. "MINA!" Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?!

"Oh, hindi ba? Akala ko kasi." Natatawa niyang sabi bago sumandal sa sandalan ng sofa.

"Ibang nilooban naman 'yon eh! Seryoso kasi!" Nananakit lang lalo ang ulo ko sa dalawang ito. Hindi ko alam kung tama ban a tinawagan ko sila o hindi.

Nakangisi siyang tumango. Ibinaling ko ang tingin ko kay Kiro na hindi pa rin mapakali.

"Iharap mo sa akin 'yong pinsan mo Kiro! Alexius and I need to talk!"

"Listen to me Eris. T-tinawagan kasi ako ni b-baby Leo at pinapapunta ako dito k-kaso l-lasing ako k-kaya si Alexius na lang ang p-pinapunta k— " Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya nang magsalita si Mina.

"You're drunk last night? Hindi ba't maaga kang natulog kagab— " Kiro covered Mina's mouth kaya hindi na nito natapos ang sinasabi. 

Hindi ba’t maaga kang natulog kagabi? Iyan ba ang sasabihin ni Mina? Nagtataka kong tiningnan ni Kiro. Bakit kailangan niyang putulin ang sinasabi ni Mina? Nagsisinungaling ba siya sa akin para pagtakpan ang pinsan niya? 

"Ang sabi sa akin ni Alexius ay s-sobrang pagod s-siya kagabi k-kaya akala n-niya ay nasa penthouse siya. At ipapaliwanag ko rin kung bakit wala s-siyang saplot, ganito kasi iyan. N-nakasanayan niya kasi na m-matulog ng walang s-saplot kapag nasa condo siya. Hindi naman niya sinasadya na makatulog d-dito sa apartment mo, sa tabi mo."

Kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Akala niya nasa penthouse niya siya?! Mas maganda ang penthouse niya kaysa sa apartment ko atsaka imposible naman na mangyari ‘yon! Pagod lang siya at hindi lasing. Kung pagod na pala si Alexius edi sana hindi na siya tumuloy. Sana’y ipinagpabukas niya na lang ang pag-punta.

“Kailangan kong maka-usap si Alexius ng harapan.”

Mas lalong namutla si Kiro sa sinabi ko. Bigla rin siyang napatingin sa may pinto ng kwarto ko, kay baby Leo. May ibinulong siya pero hindi koi to narinig.

“Hindi mo pa siya makaka-usap ngayon, abala k-kasi siya sa kompanya.”

“Mag papa-appointment ako ng meeting sa kany--- “

“Hindi pa nga pwede Eris.” 

Tumahimik ako. 

“Pasensya na.”

Tumango ako. Akmang tatayo na sana ako nang tawagin ako ni Mina. Naguguluhan akong tiningnan ni Mina. Pati siya ay nadamay, dapat ay nasa bahay lang siya at nagpapahinga. Buntis pa naman siya. Bakit ba naman kasi sinama pa siya ni Kiro rito?

"Wait, Eris. Please sabihin mo pa nga sa akin kung ano ba talaga ang mga nangyari pwera sa pagiging akyat bahay ng Leonardo na ‘yon. Baka matulungan kitang maka-usap siya."

Naiyukom ko ang kamay ko. "Nagising ako na nakapatong siya s-sa akin at w-wala siyang saplot! Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano siya nakapasok dito sa apartment ko. Imposible namang pinagbuksan siya ni baby Leo, hindi naman abot ni baby Leo ang lock ng pinto na nasa pinaka-itaas kahit na gamitan pa niya ng upuan ay hindi niya ito mabubuksan at isa pa, naka-lock ang screendoor ko.”

Iyan ang bumabagabag sa isip ko. Kung paano siya nakapasok dito sa loob. Hindi niya mabubuksan ang mga pinto at hindi rin siya mapagbubuksan ni baby Leo ng pinto dahil nga naka-lock ang mga ito pati na ang lock sa taas ng pinto. Nagtatakaat naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari. Una, may nakita akong folder na naglalaman ng mga sales report ng Rivelio company at nakasulat doon ang pangalan ni Alexius, Pangalawa, nakapasok si Alexius dito sa apartment ko. Wala sa sarili kong sinabunutan ang sarili ko.

“Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang pagkalito, galit at inis!"

She looked at me with a Smirk on her lips. "Are you really mad? Then why are you blushing?"

Bigla akong napahawak sa pisngi ko. "N-namumula ako sa galit!”

Kibit balikat siyang tumango. "Okay, sabi mo."

Naibalik naming dalawa ni Mina ang tingin kay Kiro nang bumuntong hininga ito.

"Talk to him, kayo na ang mag-ayos ng gusot na 'to. I have my own life and I need to take care of my soon-to-be-wife and our unborn child. Problema niyo ‘yan kaya labas na ako d’yan. Makakausap mo si Alexius pero hindi muna ngayon." Sabi ni Kiro bago alalayang tumayo si Mina na kasalukuyang namumula ang pisngi.

Landi naman ng dalawang 'to. Psh.

"Ayusin niyo 'yan. May date kayo bukas hindi ba? Doon niyo pag-usapan 'yang problema niyong dalawa. Pero Eris huwag mong pairalin ang inis mo, mag-usap kayo ng maayos, yung walang sigawan na magaganap." Tiningnan niya ako at sunod niyang tiningnan si baby Leo na nasa pintuan.

"Ale--- Leo, umuwi na muna tayo."

"B-but..."

Pinandilatan ni Kiro si baby Leo. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang lumapit sa dalawa. Nakanguso siya't tila ba pinagsakluban ng langit at lupa. 

“Kukuhanin ko muna siya nang makapag-relax ka kahit na isang araw lang.” aniya. Tumango ako bago pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang ibang gamit ni baby leo at isinilid ito sa bag na elepante. Palabas na sana ako nang makita ko yung folder. Kinuha ko ito bagolumabas.

“Ito ang mga gamit ni baby Leo.” Inabot ko sa kanya yung bag bago iabot yung folder. Kunot noo niya akong tiningnan.

“Ano ‘yan?”

“Hindi ko alam pero nakita ko sa loob ang pangalan ng kompanya ni Alexius, ang Rivelio company. Nakasulat din diyan ang buong pangalan niya. Sa tingin ko ay galing iyan sa opisina niya. Hindi ko alam kung paano iyan napunta rito sa apartment at sa drawer ko.”

Naiiling siyang tumingin kay baby Leo. 

“Si baby Leo ang nagdala niyan dito, hindi ba?” 

“N-ni kuwa ko ‘yan swa wopisina niya, He’s m-mean to me kwaya nigantwihan ko siya.”

Lumapit sa akin si baby Leo atsaka hinatak ang laylayan ng damit ko.

"H-hindi nwa raw tu-twuloy date niyo ni Alesus." Aniya bago tuluyang umalis.


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
10 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019