Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XXIII

Eris Mesina

"Uuwi na tayo bukas pamangkin. Sa bahay ka na muna namin tumuloy." Aniya ni tito.

Inabot sa akin ni tita 'yong binalatan niyang mansanas na kaagad ko rin namang kinagatan. "Hindi na po tito, sa bahay na lang po ako."

Nakabusangot na tumango si tito. Okay naman na ako, talagang masakit lang ang katawan ko. Ikaw ba namana ang itulak, sikmuraan at sabunutan, tingnan natin kung hindi sasakit ang katawan mo. Hinilot ko ang balikat ko. Medyo masakit ito. 

"Eris, maayos na ba talaga ang pakiramdam mo? 'Yong buhok mo ano bang nangyari diyan bakit umikli?"

Hinawakan ko ang dulo ng buhok ko. Napakagulo nito, hindi pantay at hanggang balikat na lang ang haba nito. Kung hindi ko pinutol ang buhok ko, sa malamang baka mas malala pa ang natamo ko ngayon. Okay na rin naman 'to, buhok lang naman ito, mas mahalaga pa ang buhay ko. Isa pa hahaba at babalik rin naman 'to sa dati nitong haba. Nilapag ko yung mansanas nang may maalala ako. Si baby Leo, nasaan siya?

"Tita si baby Leo po? Nasaan siya?  Maayos lang po ba  ang lagay niya? Hindi naman po siya nasaktan 'di po ba?" Umaasa ako na marinig kay tita na hindi ito nasaktan at ligtas ito.

"Maayos ang lagay ng bata, bigla nga itong nawala kinuha daw ng lola nila sabi ni Kiro--- "  Hindi na natuloy ni tita ang sinasabi niya nang biglang magsalita si tito.

Nakayukom ang kamay nito at bakas sa mukha ni tito ang inis at galit.

"Bakit ba mas inuuna mo pa 'yong taong 'yon? Eris siya  ang dahilan kung bakit napahamak ka!" 

Kumunot ang noo ko. Si baby Leo ang dahilan? Si Alexius ang dahilan kung bakit nandito ako sa ospital. Ano bang pinagsasabi ni tito? Bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lang lumabas si Tito. Padabog pa nitong sinarado 'yong pinto.

Hinawakan ni tita ang kamay ko. "Pag pasensyahan mo na ang tito mo, nag-aalala lang siya.  Natatakot siya na baka kung ano na ang nangyari sa'yo. Alam mo naman na mahal ka ng tito mo--- namin kaya sobra talaga ang pag-aalala namin."

Alam ko naman na nag-aalala lang si tito. Halata naman kasi nang nagising ako ay nakita ko na magkaiba yung suot niyang tsinelas, si tito talaga.

"Nga pala, Nandito kanina yung Alexius."

Kaagad kong inangat ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan na 'yon.

"Ano pong ginagawa niya dito kanina?"

"Pinuntahan ka. Nag-aalala ito at nakita ko rin ang galit sa mga mata niya. Gusto ko nga sanang papasukin pero ayaw ng tito mo atsaka nag kasagutan din sila ng tito mo." 

Kumunot ang noo ko. "Po?!"

"Sinabi kasi ng Tito mo na hindi na siya makakalapit sa'yo tapos sinabi pa tungkol sa sumpa--- ay ewan! Nababaliw na ata tito mo." Naiiling na sabi ni tita.

Sumpa? Anong sumpa ang sinasabi ni tito?

"Narinig ko sa tito mo na nililigawan ka ng Alexius na 'yon. Totoo ba?"

Pilit akong tumawa. "Naku tita, hindi po. Pinag tripan lang po ako ng lalaking 'yo--- "

"Sa tingin ko mali ang sinabi mo." putol ni tita sa sinasabi ko.

"I can feel it pamangks, totoo na nililigawan ka niya. He's not kidding o ano pa man." Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni tita.

"Alam ko at nararamdaman ko na nililigawan ka niya dahil gusto ka niya, hindi dahil sa niloloko ka niya o pinag t-tripan. Kanina halos sirain niya na 'yong pintuan makapasok lang dito sa silid mo...makita ka lang. Naluluha rin siya nang malaman ang nangyari sa'yo."

Napalunok ako. I-impossible naman na may nararamdaman para sa akin ang lalaki na 'yon. Naghari ang katahimikan sa buong silid ngunit kaagad din itong nawala nang may kumatok.

"Pasok ka." Aniya ni tita. Ibinaba nito sa side table  ang hawak na peeler at mansanas.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Mina. May bitbit itong basket ng prutas at isang maliit na karton. Anong ginagawa niya rito? Anong oras na ah.

"I've heard what happend kaya sumugod kaagad ako rito." Aniya ng makalapit siya sa akin. Ibinigay niya kay tita ang mga hawak niya.

"Maayos na ba ang lagay mo? God knows how worried I am!" Hinilot nito ang sentido niya.

Tinapik ko ang balikat niya atsaka siya nginitian. "I'm okay kaya huwag kang masyadong ma-stress diyan dahil makakasama 'yan sa batang dinadala mo."

Ngumuso siya. Ang cute niya!

"I'm so sorry, nadamay ka pa sa gulo ng Leonardo na 'yon. Speaking of Leonardo." Huminto siya sa pagsasalita atsaka ako tinitigan.

Hinawakan niya ang baba niya na tila ba may iniisip. "Kanina bago ako pumunta rito. Umuwi si Leonardo na galit na galit and believe it or not, umiiyak siya. He kept on saying that he's so useless. Na hindi ka man lang daw niya nailigtas kanina."

Nakagat ko ang ibaba kong labi. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko. Kung may heart monitor lang na nakadikit sa akin ngayon, sa malamang baka nagkakagulo na ang mga doktor at nurse sa bilis ng tibok ng puso ko. 

"I saw how worried, mad and hurt he is. Paulit-ulit niya rin na sinabi na he'll do anything to protect you." Turan ni Mina.

Mas bumilis lalo ang pagtibok ng puso ko. Gagawin ni Alexius ang lahat para protektahan ako?

"Tell me, Eris. May something ba sa inyo ni Leonardo?"

Napako ako sa kinauupuan ko. Saglit din akong natulala nang marinig ang sinabi ni Mina.

"I knew it. Silence means yes! Sinasabi ko na nga ba! Hindi naman magkakagano'n ang lalaking 'yon kung walang something sa inyo. Wala kasi siyang pakialam sa mga taong nadadamay sa gulo niya pero ng ikaw ang madamay? God, he went berserk and that scared the shit out of me."

Namula ang buong mukha ko nang marinig ang pag tawa ni tita. Binigyan niya ako ng 'Told-ya-he-had-feelings-for-you-pamangks' Look.

"You're blushing! Ayieee! Do you like him?"

Kaagad akong umiling. "H-hindi ah!"

H-hindi ko naman siya gusto pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Na para bang kabaliktaran nito ang sinabi ko. Argh!

"Okay, sabi mo." Mina said before she winked.

Jutko talaga!

"By the way, you looked like a mess with that hairstyle."

Tumawa ako. Gano'n na ba kapangit ang buhok ko ngayon? I guess hindi bagay sa akin ang maikling buhok.


Kinabukasan ay nakalabas din kaagad ako sa ospital. Hindi na ako kinailangan pang i-confine ng matagal hindi naman gano'n kalala ang mga pasa at sugat na natamo ko.

Hindi na rin ako kinulit ni tito na do'n muna sa kanila. Bumuntong hininga ako. Sobrang napagod ako ngayong araw. Masakit pa rin ang katawan ko pero hindi na gano'n kalala katulad kagabi. Kagabi ko pa ito painag-iisipan at nakapag desisyon na ako na...Titigil na ako sa pag-aalaga kay baby Leo.

Tatapusin ko na lang ang buwan na 'to. Hindi kasi mawala sa isip ko na baka hindi lang 'yon ang mangyari sa akin at kay baby Leo. Maraming may galit kay Alexius at natatakot ako ng baka maulit ang nangyari at ang mas malala pa ay baka madamay si baby Leo kaya mas mabuti ng tumigil na ako sa pag-aalaga sa kanya.

Bakit ba naman kasi napagkamalan pa akong girlfriend ng Alexius na 'yon? Ako tuloy ang pinag-iinitan. Ang kailangan kong isipin ngayon ay ang Resume ko.  Akmang hihiga na sana ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin. I rrally do look like a mess, idagdag pa ang mga pasa at galos sa pisngi ko. Bumuntong hininga ako bago tuluyang humiga. Bigla kong namiss si baby Leo. Kinuha ko 'yong stuff toy niya na elepante at niyakap ito. Napangiti ako. Amoy baby Leo.

Sa susunod na araw ay babalik na sa dati ang buhay ko. Tahimik at boring. Walang baby Leo na nagsusungit at makulit. Ang dating apartment ko na makalat at puro laruan ay magiging simpleng apartment na ulit.

Pinikit ko ang mata ko, kasabay nito ay ang pagpatak ng luha ko.  Nasa kalagitnaan ako ng pag d-drama nang may kumatok. Sino naman ang mambubulabog sa pag d-drama ko? Padabog akong tumayo at padabog ko rin na tinungo ang daan papunta sa pintuan ng apartment ko.

"Hi! Bakit hindi ka pa naka bihis?"

Iyan ang bumungad sa akin nang buksan ko ang pinto. Si Mina na naka kulay peach na maternity dress. Nasa likuran niya si Kiro na naka busangot at tila ba pinagsakluban ng langit at lupa.

"Uhm, anong ginagawa niyo rito?" Taka kong tanong.

Umirap si Mina.

"Nakalimutan mo na ba? Ipapa-ayos natin 'yan hindi pantay-pantay mong buhok. Kaya maligo ka na at mag-ayos." Aniya bago pumasok sa loob ng apartment ko.

Naloloka kong tiningnan si Kiro. Nagkibit balikat siya bago sumunod sa Fiancée niya. Bumuntong hininga ako. Fine! Wala na rin naman akkng choice. Nandito na sila ano pang magagawa ko?

Mamaya ko na lang itutuloy ang pag d-drama ko pag-kauwi.

 

Leonardo Alexius Rivelio.

[Maayos ang lagay niya Mr. Rivelio. Ligtas din na naka-uwi si Ms. Mesina.]

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. It's been an hour since I last saw her pero bakit parang ilang taong ko na siyang hindi nakikita. Damn! I miss her!

"Nasaan siya ngayon?" I asked.

[Kasama niya ho ngayon sina Sir Kiro--- ]

Nahampas ko ang lamesa ko dahilan para malaglag ang kapeng iniinom ko. Damn it! Bakit kasama niya si Kiro?!

"He's with Kiro?!" Sigaw ko.

I'm so pissed right now. Is he trying to steal my woman?!

[Y-yes Sir. K-kasama rin nila ang fi-fiancée nito.]

Lumuwag ang pagkakayukom ng kamay ko. Ah, kasama si Mina. Ibinaba ko na ang tawag. I miss her so damn much! I want to see her but I can't. Sigurado ako na ayaw niya akong makita ngayon. Fvck! I should've kill those bastards who hurt her. I was about to stand when someone knocked. Umayos ako ng upo.

"Come in." I said.

Kaagad na bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang sekretarya ko na may hawak na Envelope

"Ipinadala po ni Sir Kiro at Ma'am Mina. Para raw po sa'yo." She said.

Inilapag niya sa harap ko ang envelope lumabas. The heck is this thing? I opened the envelope. I almost fell on my chair wheb I saw what's inside. Damn!

I know it sound gay but...I'm fvckin blushing! Nanginginig ang kamay ko nang tuluyan kong mailabas ang litrato ni Eris. Her hair, maikli na ito na siyang bumagay sa kanya. She's smilling while looking at the camera.  Bumilis ng sobra ang pag tibok ng puso ko habang tinititigan ang litrato niya. Ang ngiti sa mga labi niya, ang ngiti na siyang naging dahilan para bumilis ang pag-tibok ng puso ko. 

What did you do to me, Eris?

...

[Kanina pa naglalabas masok si Ms. Mesina sa mga kainan para maghanap ng trabaho.]

Nailamukos ko ang hawak na papel. Why is she looking a job? May trabaho na siya, ang maging babysitter ko.

"Alamin mo kung bakit. Sundan mo lang siya at siguraduhin mong ligtas siya." Kapag may hindi magandang nangyari sa kanya ay sisiguraduhin kong hindi ka na makikilala...Gusto ko sanang idugtong 'yan ngunit hindi pwede dahil baka bumalik ako sa pagiging bata. Tsk!

Ibinaba ko na ang tawag. Saktong pagbaba ko ng tawag ay ang siya namang pagkatok ng kung sino.

"Mr. Rivelio, nandito po si Madam."

Inayos ko ang sarili ko. Si Mama! Pilit akong ngumiti. Damn it! Anong ginagawa ni Mama dito? Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapalunok. Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto. Isinarado niya ito at kaagad na lumapit sa akin.

"Hindi ka dapat ngumiti Alexius. BAKIT NAGHAHANAP NG BAGONG TRABAHO SI ERIS?! BAKIT GUSTO NIYA NG TUMIGIL SA PAGIGING BABYSITTER MO?!"

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. What? Anong sinasabi ni Mama?

"What?" I think nag-kamali lang ako ng narinig.

"Are you deaf?! Isinumpa lang kita pero hindi kita ginawang binge, Alexius! Dahil ba sa nangyari kaya gusto nang huminto ni Eris sa pag-aalaga sa 'yo? Ikaw naman kasi, alam mong maraming galit sa 'yo, sa totoong ikaw, hindi ka na dapa--- "

Hindi ko na anrinig ang sumunod na sinabi ni mama, tila ba nabingi ako. I grab my phone at kaagad na hinanap 'yong number ni Eris. Tinawagan ko ito pero ayaw niyang sagutin. Damn it! Fvck! This can't be happening!

"Sinabi niya na baka hindi lang siya ang madamay kapag pinagpatuloy niya ang pag-aalaga kay baby Leo. Si Eris na ang pinag-iinitan ng mga kaaway mo kaya natatakot siya na nadamay si baby Leo. Do something Alexius!"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. Kinakabahan ako, natatakot ako. Why Eris? Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at kaagad na tumayo. I grabbed my car keys at kaagad na naglakad palayo.

"Where are you going Alexius?!"

 Hinarap ko si Mama. "I'm going to fetch my babysitter, my Eris." I said before turning my back.

Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Mama at ng sekretarya ko, dire-diretso lang ako sa paglalakad. Hindi mo ako pwedeng iwan, Eris. Kaagad kong tinawagan 'yong taong inatas kong magbantay sa kanya.

"Where is she?"

[Nasa Ortigas ho.]

"Give me the exact location. Siguraduhin mo na walang tatanggap sa kanya. Siguraduhin mong hindi siya makakahanap ng trabaho." I said before I ended the call.

Hindi ko hahayaan na tumigil ka sa pagiging babysitter ko, Eris. No fuckin way.


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019