Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

Kabanata 39

"Ate Eris!" Sigaw ni Yuan nang makita siya. Binitawan nito ang hawak na laruan atsaka tumakbo palapit sa kanya.

Dinamba siya nito ng yakap. Lagpas tuhod nga lang ang nayakap nito dahil mag aapat na taong gulang pa lang ang pinsan niya. Inangat nito ang dalawang kamay, senyales na nagpapabuhat ito sa kanya. Binuhat niya naman ito. Pinugpog pa ng halik ang mukha. Namiss niya tuloy bigla si baby Leo. Maliit na kamay ang dumapo sa pisngi niya, kinurot kurot.

"Ate bakit ngayon mo lang po ako nidalaw! Miss kita!"

Natawa si Eris sa itsura ng pinsan. Nakanguso ito. Lumapit sila sa tita niya na kakalabas lang ng kusina. Nagulat pa ito nang makita siya. Hindi kasi siya nagsabi na dadalaw siya, bigla na lang siyang pumunta dahil miss na miss na rin niya ang tita at pinsan, isa pa, wala siyang ginagawa sa apartment niya. Wala na rin naman sa kanya si baby Leo kaya wala na siyang pinagkaka abalahan. Binaba niya si Yuan, nung una ay nagreklamo pa ito pero natahimik din nang pingutin ng tita niya.

"Kamusta po tita?" Nagmano siya rito.

"Okay naman ako, ikaw kamusta ka? Kayo ng boyfriend mo?" Aniya nito sa kanya. Tumaas baba pa ang kilay.

"Tita naman eh."

Tinawanan lang siya nito bago siya sensyasan na maupo na sa sofa. Okay lang naman sila ni Alexius, sinusuyo siya nito at kapag nasa kompanya naman ito ay panay ang text at tawag sa kanya, hindi raw kasi nito matiis na hindi marinig ang boses niya. May bitbit ng inumin at pagkain ang tita niya nang makabalik sa sala. Inilapag nito ang hawak sa center table bago maupo sa tabi niya. Si Yuan naman ay ipinagpatuloy ang paglalaro sa mga Lego na nagkalat sa sahig.

"Tita, 'yong dati mo pong pinapasukan na banko." Sumimsim siya sa cucumber flavored juice. "Balak ko po kasing magpasa ng resume. Matagal na rin po kasi akong hindi nagkaroon ng maayos na trabaho." Napakamot pa siya sa batok.

Noong malaman kasi nila na may sakit ang tita niya ay kung anu-anong trabaho ang pinasukan niya para lang makatulong sa pagpapagamot. Sa puntong iniwan niya ang trabaho niya sa banko as a accountant sa sobrang dami ng sideline niya. Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Accountancy kaya't gusto niyang ipagpatuloy ang trabaho na may koneksyon sa kursong tinapos niya.

"Tamang tama! Bumisita ako doon kahapon at nalaman ko na hiring sila. May umalis kasi na dalawang bank teller kaya naghahanap sila ng pamalit, okay lang ba sayo?"

Bumugso ang saya sa puso ni Eris. "Talaga po tita? Okay na okay po sa akin!"

"Oo, teka, tatawagan ko na para maibigay mo na rin ngayong araw 'yong Resume mo."

Lubos na nagsalamat si Eris sa tita niya bago ito magtungo sa kwarto para kuhanin ang cellphone nito. Ngayon ay silang dalawa na lang ni Yuan ang naiwan sa sala. Nilapitan niya ito at nakipaglaro. Tuwang tuwa naman nitong inabot sa kanya ang laruang kotse na ipinang pain ni Alexius— ete ibinigay ni Alexius sa pinsan niya. Bunggo dito, tulak dito at kung anu anong kalokohan ang ginawa ni Yuan sa mga laruan. Gumagawa pa nga ito ng sariling sound effect. Bogsh kapag ibabangga niya ang sasakyan na hawak sa laruang sasakyan ni Eris at kshh naman kapag pinagdidrift nito ang laruang sasakyan. Hindi tuloy maiwasan ni Eris na hindi matawa sa pinag gagawa ng pinsan.

Abala silang dalawa sa paglalaro nang biglang tumunog ang cellphone niya. Binitawan niya ang laruan bago kuhanin sa loob ng sling bag niya ang cellphone. Hindi malaman ni Eris kung ano ba ang naramdaman niya nang makita ang pangalan ng caller. It's Alexius who's calling her. Tumambol ang puso niya, sa kaba at… Kilig? Hindi niya alam.

Umubo muna siya bago sinagot ang tawag. Ang una niyang narinig ay ang pagsara ng pinto mula sa kabilang linya. May ilang boses pa siyang narinig bago tuluyang marinig ang boses ni Alexius.

[Kumain ka na ba?]

Kumain? ani sa isip. Napatingin siya sa orasan. Tanghali na. Kumain naman na siya ng pagkaing inihanda ng tita niya.

"Oo, pero mga light snacks lang. Ikaw kumain ka na ba?"

Nakarinig ulit ng ibang boses si Eris mula sa kabilang linya. Tila ba nag rereport ito, nakarinig kasi siya ng "Ito po ang binabalak naming theme for the next project" at ung ano pa.

[Let's have a lunch together. Susunduin kita sa apartment mo.]

Napangiti si Eris pero kaagad ding bumusangot ang mukha niya nang maalala kung ano ang gagawin niya ngayong araw. Gustuhin man niyang pumayag pero kinakailangan na niyang asikasuhin ang pagkakaroon ng trabaho.

"Ah ano kasi Alexius, wala ako sa bahay."  

[Where are you? susunduin kita.]

"Nandito ako ngayon kela tita atsaka may lalakarin kasi ako. Bukas na lang tayo maglunch ng magkasama, okay lang ba?"

Mariing ipinikit ni Eris ang mata nang magpakawala ng malalim na buntong hininga si Alexius. Ang akal niya nga'y maiinis ito o magtatampo pero laking tuwa niya nang pumayag ito.

[It's okay, spend your time with your family…]

Huminto ito saglit sa pagsasalita. 

[That Yuan kid, don't come near him okay?]

Natawa si Eris. "Teka, nagseselos ka ba sa bata?"

[O-of course not!]

Mas lalong natawa si Eris. Hindi man aminin ni Alexius pero alam ni Eris na nagseselos nga ito sa pinsan niya, parang si baby Leo noon, pinagseselosan si Yuan. Nailayo ng kaunti ni Eris ang cellphone sa tainga niya nang dambahin siya ng yakap ni Yuan mula sa gilid niya.

"Ate, laro na uwit tayo." Nakanguso nitong sabi.

"Saglit lang, may kausap si ate." Aniya bago halikan ang matambok na pisngi ni Yuan.

Mukhang narinig naman ni Alexius ang ginawa niya, bigla ba naman itong sumigaw eh.

[Did you just kissed him?] Hindi makapaniwala nitong tanong sa kanya.

"Si baby Leo nga kinikiss ko, pinsan ko pa." Binalingan niya ng tingin si Yuan. "Laro ka na ulit dun, susunod si ate."

Kaagad naman sinunod ni Yuan ang sinabi niya. Bumalik ito sa paglalaro at sa pag gawa ng saeiling sound effects.

[I'm baby Le— I mean, i'm your boyfriend but you didn't even kiss me.]

Did he just said baby Leo? Umiling si Eris.

Naiimagine ngayon ni Eris ang nakangusong labi ni Alexius ngayon. Na tila ba para itong nagtatampong bata.

"Manahimik ka diyan atsaka akala ko ba hindi ka nagseselos?"

[Nagseselos ako, are you hapwi now?]

Gustong humagalpak ng tawa ni Eris. Parang nag bababy talk kasi si Alexius.

"Bata 'yon Alexius atsaka pinsan ko pa kaya huwag kang magselos diyan kung ayaw mong hindi matuloy tayo bukas."

Nagpakawala ulit ng malalim na buntong hininga si Alexius. Mukhang nadaan sa takot. Gustong gusto pa naman nitong makita at makasamang kumain si Eris ng lunch.

[Fine, hindi na ako magseselos.]

Saktong lumabas ang tita niya and she gave her an okay sign. Kailangan na niyang lakarin ang resume niya. Kinuha niya ang sling bag atsaka isinabit sa baikat niya. Nagtungo din siya kay Yuan atsaka ito hinalikan sa noo.

"Ibababa ko na ang tawag, Alexius."

[ I still want to hear you voice.] Pagmamaktol nito. Para na talaga itong bata.

"Let's talk later okay? Take care!"

[Wala man lang I love yo—]

"BYE!" She ended the call.

Lumapit siya sa tita niya atsaka ito hinalikan sa pisngi. Nagpasalamat ulit siya at sinabing babalik siya mamaya para saluhan ang mga ito na mag meryende.

Babalik na siya sa trabahong gustong gusto niya, she's no longer Baby Leo's babysitter kaya oras na para magkaroon ng panibagong trabaho.





Alas nueve na nang gabi nang may kumatok sa pinto ng apartment niya. Patulog na sana siya dahil pupunta pa siya sa banko para magpasa ng resume. Hindi na nag abala pa si Eris na silipin sa bintana kung sino ang gumambala sa gabi niya. Binuksan niya ang pinto at doon bumungad sa kanya si Alexius na nakasuot pa rin ng suit and tie. Anong oras na, bakit binisita pa siya ni Alexius? At bakit nakakunot ang noo nito? Binuksan niya ang screen door.

"Konti na lang magdudugtong na 'yang kilay mo." Hinawakan ni Eris ang kilay ni Alexius at natatawang pinaghiwalay. Natawa ulit siya nang mas lalong magdugtong ang kilay nito.

"Bakit nakabusangot ka?"

"Bakit basta basta ka na lang nagbubukas ng pinto? Paano kung magnanakaw ang kumatok? Darn it." Umigting ang panga nito.

Ah, kaya pala nakabusangot.

"Inaantok na kasi ako, nawala sa loob ko na magtanong muna. Peace!" Nagpeace sign siya rito.

"I'll send someone here to install a peep hole." Seryosong ani nito.

Hindi na siya nakapagsalita nang bigla siya nitong ikulong sa mga matipuno nitong bisig. "Don't ever do that again, are we clear?"

Tumango si Eris. "Oo na, oo na."

Humiwalay na ito sa kanya pagkatapos ay ginulo ni Alexius ang buhok niya na siyang naging dahilan para mapairap si Eris. Nilakihan ni Eris ang uwang ng pinto. Medyo malamig ang simoy ng hangin kaya't mas mabuti na pumasok na muna sila sa loob.

"Pumasok ka muna."

Umiling si Alexius. "Hindi na, dumaan lang ako para makita ka."

Eris' cheek turned crimson red. Hindi dapat ganito ang nararamdaman niya. Yes she gave Alexius a chance pero ang sinisigaw ng puso niya ay ang huwag mahulog sa lalaki. Nag-iwas na lang siya ng tingin para hindi makita ni Alexius ang pamumula ng pisngi niya. Pumeke ng ubo si Eris bago ibaling ang tingin sa orasan na nasa loob ng apartment niya.

"Umuwi ka na nga, anong oras na oh." Ibinalik niya ang tingin kay Alexius. Ngunit laking gulat niya nang makita ang lalaki sa mismong harapan niya, ilang inch na lang ang layo ng mukha nila sa isat-isa at 'yon ang dahilan para mamula ulit ang mukha ni Eris.

No, parehas namumula ang pisngi nilang dalawa. Hindi magawang lumayo ni Eris, mabuti na lang at si Alexius na mismo ang lumayo. Napakamot ito sa batok atsaka tumalikod. Namumula pa rin ang mukha nito, Eris find it cute pero inalis niya rin kaagad iyon sa kanyanh isipan dahil maski siya ay namumula ang pisngi. Pinakalma niya ang sarili bago basagin ang katahimikang bumabalot sa pagitan nila.

"I-ikaw ah! Nananantsing ka! Balak mo akong halikan no?" Pekeng biro ni Eris para kahit paano gumaan naman ang aura na pumapalibot sa kanila.

"Wala namang masama kung hahalikan kita hindi ba?" Humarap si Alexius sa kanya. "Because i'm your boyfriend, 'yong Yuan nga na 'yon hinalikan mo sa pisngi."

Natulala saglit si Eris. Boyfriend, oo nga naman. Apat na buwan niyang magiging boyfriend si Alexius.

Tumikhim siya atsaka pilit na tumawa. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at hindi niya inaasahan na 'to ang magiging reaksyon ng puso niya sa sinabi ni Alexius. Si Alexius naman ay hindi na napigilang ngumiti sa nakikita niya. She's blushing at siya ang rason kung bakit namumula ang pisngi nito. Sobrang saya niya, para ngang nawala ang pagod na nararamdaman niya nang makita ito. Buong buo na ang araw niyang sinira ng mga empleyado niya.

"Akala ko ba hindi mo na pagseselosan si Yuan?"

"Basta, huwag 'yong batang 'yon." 

"Ewan ko sa 'yo! Umuwi ka na nga at ng makapagpahinga ka na."

Tinulak tulak siya ni Eris paalis. Natawa naman si Alexius sa inakto nito. Mukhang umepekto rito ang sinabi niya. Napanguso si Eris sa ginawang pagtawa nito. He raised both of his hand na tila ba sumusuko ito. Kinurot ni Alexius ang pisngi ni Eris. Kung hindi nga lang gabi ay baka sumigaw na siya ng malakas. Napahawak si Eris sa pisngi nang bitawan na 'yon ni Alexius. Mas lalo siyang napanguso.

"Don't pout, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at…"

"At ano? Kukurutin mo nanaman ak—"

"At baka mahalikan na talaga kita." Putol ni Alexius sa sinasabi niya.

Ngumuso ulit si Eris. Atsaka lang niya napagtanto kung ano ang ginawa niya. She pouted. Nanlaki ang mata niya nang sa isang iglap ay maramdaman niya ang paglapat ng labi ni Alexius sa… noo niya. Unti-unting naibaba ni Eris ang kamay na kanina ay nakahawak sa pisngi niya. Nakatulala at halos kumawala na ang puso sa dibdib.

Napabalik lang siya sa sarili nang ngumiti si Alexius sa kanya. Ang ngiti na mas lalong nagpabilis sa puso niya.

"Goodnight, my love."

Hindi na siya nakapagsalita pa. Sinundan niya lang ng tingin ang papalayong bulto ni Alexius. Huminto pa ito at kinawayan siya bago tuluyang bumaba sa hagdan.

"Ayieee, my love daw."

Napabalik siya sa sarili nang marinig ang boses ni Joshua. Nakasilip ito sa pinto at may nang aasar na ngiti sa labi nito.

"Kilig na kilig ka naman diyan ate? Itulog mo na kaya 'yan."

Akmang hahampasin niya sana ito nang bigla na lang nitong isara ang pinto. Narinig pa ni Eris ang tawa nito mula sa loob, pati na ang pagsigaw ng nanay nito na manahimik siya. Si Eris naman ang natawa.

Saglit na dumungaw si Eris sa pader na lagpas bewang ang taas nang maalala na may nag-iinuman pala sa ibaba. Baka mapa away ito. Nakita niya si Alexius na pasakay na sa sasakyan nito. Saglit pa itong huminto nang kausapin ng mga nag-iinuman sa baba. Inaya siya nito pero nakangiti naman nitong tinanggihan pero masyadong makulit si Manong Lester; isa sa mga nag-iinuman. Wala tuloy nagawa si Alexius kundi ang tanggapin ang hawak nitong shotglass.

Naalarma si Eris. Hindi pwedeng uminom si Alexius lalo na't pagod at magmamaneho ito kaya bago pa man tuluyang mainom ni Alexius ang alak ay sinigaw na niya ang pangalan nito. Nanlilisik pa ang mata niya sa inis. Nagulat naman si Alexius nang makita siya, akala kasi nito ay pumasok na siya sa loob ng apartment.

"Huwag kang iinom." She mouthed na mukhang naintindihan naman ni Alexius.

Nakangiti nitong ibinalik kay manong Lester ang shotglass.

"Oh ijo, bakit hindi mo ininom?"

Tinuro siya ni Alexius. "May nagagalit, baka hindi na ako pakasalan."

Namula nanaman ang mukha ni Eris. Alexius winked at her bago ito tuluyang bumalik sa sasakyan.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019