Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Enjoy reading!

-sina

...

PROLOGUE

"This is Alexiu—I mean Leo. My c-cousin." Aniya ng lalaking nakatayo sa harap ko. Hindi nakaligtas sa aking magagandang mata ang pawis nito sa noo at ang pamumutla nito, mukha tuloy siyang espasol.

Nalipat ang tingin ko sa batang buhat-buhat nito. Sa tingin ko nasa tatlong taon pa lang siya, ang cute at nakakagigil ang maala siopao nitong pisngi. Kagatin ko kaya? Charot lang.

"Hello!" kinawayan ko ito. Tila ba nainis ito sa ginawa ko dahil bigla itong ngumuso.

"Ah miss, pwede bang ikaw muna ang mag-alaga sa kaibigan namin—este! sa pinsan ng kaibigan namin. " sabi naman ng isa sa mga lalaking kasama ni living espasol. Hindi ko alam ang pangalan niya kaya iyan na lang ang itatawag ko sa kanya, bagay naman eh.

Kumunot ang noo ko. "Nasaan ba magulang ni baby Leo?" tiningnan ko si baby Leo. Napangiti ako nang mapansin ko ang pamumula ng pisngi nito. Ang cute!

"A-ah! Ano nasa ibang bansa, n-nagt-trabaho?"

Teka nga! Binigyan ko si living espasol ng 'Wait-seryoso-ka' look.

Nameywang ako. "Bakit parang hindi ka sigurado sa sagot mo? atsaka bakit hindi ikaw ang mag-alaga kay baby Leo? Pinsan ka niya hindi ba?"

Pinsan niya tapos ayaw niyang alagaan, tsk!

"K-kasi ano hindi ko kaya atsaka baka m-madisgrasya lang siya kung ako ang mag-aalaga sa kanya."

Napabuntong hininga ako. May tama naman siya, baka mapano lang 'tong cute na batang 'to kung siya ang mag-aalaga kay baby Leo baka mapahamak lang ito.

"Oo na—HOY!" Sigaw ko. Bigla na lang kasing pinabuhat sa akin si baby Leo, mabuti na lang at nahawakan ko kaagad ito ng maayos.

"Ipapadala na lang namin 'yong gamit niya. S-sige! Mauna na kami!" Nagulat ako nang bigla silang tumakbo palayo.

Nagtutulukan pa sila, may muntik pa ngang madapa. Tinawag ko sila pero hindi sila lumingon. Pagbalik nila pagkakaltukan ko sila sa bunbunan nila. Ni hindi ko man lang sinabi kung anong pangalan nila. Jutko, sana lang talaga pinsan niya 'tong si baby Leo mamaya kidnapers sila, madamay pa ako.

Binaling ko ang tingin ko kay baby Leo na nakatingin din sa akin ngayon. Ang cute niya talaga!

"Hello baby Leo! Ako si ate Eris." kinurot ko 'yong pisngi niya. Napahagikhik ako nang ngumuso ito. Humikab ito bago sumandal sa dibdib ko.

Aba ang bata-bata pero marunong ng dumamoves. Ganito naman talaga ang mga bata. Hinaplos ko ang likod niya. Mabuti na lang at marunong akong mag-alaga ng bata. 

Umalis ito sa pagkakasandal sa akin. Parang may something sa kanya. Tinitigan ko s'ya ng maigi. Grabe, ganda ng mata ng batang 'to. Ganda rin ng kilay, ilong at labi, nakakainggit jusko. 

Muntik nang magdugtong ang kilay ko sa sunod nitong ginawa. Ang maganda nitong labi ay biglang ngumisi. Bigla akong kinilabutan. 

Kasabay ng pag-ngiti ko ay ang pagdapo ng maliit nitong kamay sa aking dibdib. Nanlaki ang mga mata ko nang dumapo 'yong kamay niya sa dibdib ko.

"Hway ith it tho plat?"

Jusko...


  • (7 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

She's the Bad boy's Princess

A feisty province girl was tasked to tame the most notorious, most evil and most feared bad boy prince of the all Westside University, Jave Santillan-the Campus Demon Rex.

Image Description
VixenneAnne
11 September 2018
The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
16 September 2018