Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

Leonardo Alexius Rivelio

Madilim na kalangitan, kakaunti na lang din ang mga sasakyan at tao sa kalye. Nanatili ang tingin ni Alexius sa labas ng pader na yari sa salamin. Mula rito ay kitang-kita niya ang kabuuan at mailaw na kalsada, ang mga hindi kataasan building at ang mga sasakyan na kasing liit na lamang ng langgam mula sa kinaroroonan niya. Sumimsim siya ng alak bago muling ibalik ang tingin sa labas.

He miss Eris so much. Gusto niya na itong makita ulit, mayakap at makasama, ngunit hindi pa pwede dahil anumang oras ay pupwede siyang bumalik sa pagiging si bata. Hinawakan ni Alexius ang sariling replekyon sa salamin, nakikita niya ang repleksyon ni baby Leo. Bakit hindi tuluyang nawala ang sumpa? Bakit ngayon pa? He clenched his fist, while looking at his reflection. Walang anu-ano'y inihagis ang hawak na baso sa kung saan, dahilan para mabasag ito. Paulit-ulit na hinampas ni Alexius ang salamin. Mabuti na lang at hindi ito nabasag. Napa-upo siya sa sahig. Ilang ulit na napahilamos sa sarili.

Sa tuwing pinipikit niya ang mata ay naaalala niya ang nangyari noon kay Eris, noong nadamay ito. Wala siyang ibang nagawa noon kundi ang sundin ang sinabi ni Eris na tumakbo ito at humanap ng tulong. Nakita niya kung paano ito saktan ng lalaki at wala siyang nagawa. How can he protect Eris using a small, fragile body of a child? Desperado na siyang mawala ng tuluyan ang sumpa. Bakit palagi na lang may kailangang madamay?

Kailangan ng mawala ng sumpa. I'll do everything and anything, no matter what.

He stood up and grabbed his phone on the coffee table. Bumungad ang litrato nilang dalawa ni Eris nang buksan niya 'yon. He can't help but to smile. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa dibdib niya. Nang matapos itong titigan ay kaagad siyang nagpunta sa contacts at sinimulang tawagan ang numero ni Eris. Naka tatlong ring pa lang nang sagutin nito ang tawag niya.

"Alexius." Bungad nito.

Tila ba nawala ang mga problema niya ng marinig ang boses nito. He felt safe and relieve. She's safe. Thanks God.

"Huy, bakit hindi ka sumasagot?" Napabalik siya sa sarili. He composed hiself before answering.

"Naistorbo ba kita?" He asked using a velvety tone of voice.

"Patulog na sana ako, pero tumawag ka." Sagot nito. Nakaringi siya ng kaluskos mula sa kabilang linya na sa tingin niya ay ang pagtalukbong nito ng kumot. Rinig na rinig din niya ang medyo maingay na bintilador.

"I'm just checking if your safe." He murmured.

"Ha?"

"Nothing, gusto ko lang marinig ang boses mo." Mukhang nahalata ni Eris ang pagod at malungkot nitong boses.

"May problema ba, Alexius? You can tell me? Girlfriend mo ako hindi ba?"

He flusttered. Girlfriend. Napangiti siya. Gagawin niya ang lahat para protektahan si Eris— ang girlfriend niya.

"Namiss lang kita—" hindi na natuloy ni Alexius ang sinasabi nang humikab si Eris. Inaantok na ito. Gusto pa niyang marinig ang boses nito pero hindi naman pwede na magpuyat ito at pigilan ang antok. Bumuntong hininga siya.  "Matulog ka na, ibababa ko na ang tawag."

"Ikaw din. Huwag masyadong mastress, papanget ka niyan." Natatawa nitong aniya. "Goodnight, Alexius."

"Goodnight my love…" He paused. "Please be safe." Mahina niyang dadag bago ibaba ang tawag.

Pagkatapos ng tawag ay ang siya naman pagtunog ng cellphone niya. Rumehistro rito ang numero ng isa sa mga bodyguard niya na ngayon ay nagbabantay sa building kung nasaan ang apartment ni Eris. Nagpapanggap ang mga ito na para bang tambay sa kanto para hindi mahalata ng nagmamasid kay Eris. gad niya itong sinagot.

"Sir, inikot namin ang buong lugar, labas at loob. Sa araw na ito ay wala kaming napansin na kahinahinala, wala na rin ang sasakyan na palaging nakaparada sa hindi kalayuan."

Nabunutan ng tinik ang lalamunan ni Alexius.

"Good, ipagpatuloy niyo lang ang pagbabantay. Don't let anyone come near her, understand?"

"Yes, sir."





Lunes ngayon, dapat ay nasa kompanya siya pero eto siya't nagkukulong sa penthouse niya. Bigla kasi siyang bumalik sa pagiging bata kaya hindi na siya nakapunta sa opisina. Ayaw niyang maabutan sa labas o hindi kaya sa opisina kaya minabuti na lang niya na huwag pumasok at ipinadala na lang sa penthouse niya ang mga papeles at gawin na kailangan niyang gawin.

Ilang araw din niyang ginugol ang sarili sa paghahanap ng lead kung sino ang nagmamasid kay Eris. He even hired an investigators pero wala rin siyang nakuha ni isang lead o clue. Maski ang mga nagawan niya ng malalaking kasalanan dati ay pinaimbestigahan niya ngunit ni isa sa mga ito ay walang konseksyon sa nangyayari. Nananakit na ang ulo niya sa problema. Yes he's a billionaire and he can hire thousands of investigator yet he always failed to find that person who's behind all of this. Sinabi sa kanya ng isa sa mga hinire niyang investigator ay may humaharang rito para makakuha ng impormasyon. Sinubukan din nitong lagyan ng tracking device ang sasakyan ngunit nang sumunod na araw ay natagpuan na lang ito sa dumpster. Hindi naman nila malaman kung sino ang may-ari ng mga sasakyan na ginagamit ng mga ito dahil mga walang plaka. Tila ba planadong planado ang lahat.

"So sinasabi mo sa amin ngayon na bumabalik ang sumpa kaya ka nagsagawa ng conference noon?talagang may media pa. Kaya ba nagkakaganyan ka? nagkukulong ngayon dito sa penthouse mo?" Nagtatakang tanong ni Ian sa kay Alexius na tinanguan lang nito bilang sagot.

Nandito ngayon ang mga kaibigan niya para pag-usapan ang tungkol sa sumpa, pati na rin sa mga nangyayari. Hindi siya makalabas dahil bigla bigla na lang siyang bumabalik sa pagiging bata; sa pagiging baby Leo. Gumagawa na siya ng palusot kay Eris kung bakit niya ito pinupuntahan. Ni hindi niya nga magawang sagutin ang tawag nito dahil alam niyang tatanungin siya nito tungkol sa nangyari noong huli silang magkita. Okay lang naman sa dalaga, gusto sana nitong makipagkita ngunit sinabi na lang niya na may kinakailangan siyang asikasuhin sa kompanya at abala siya sa bagong branch na ipapatayo. Hindi niya naman pwedeng sabihin kay Eris na "I'm cursed." para lang malaman nito kung bakit hindi siya mapuntahan ni Alexius. He can imagine Eris faint once she heard that he's cursed, na siya at si baby Leo pala ay iisa. Sigurado siyang magagalit ito at hihiwalayan siya sa oras na malaman nito ang lihim na itinatago niya. Dadalhin niya hanggang sa huling hininga niya ang lihim na 'yon.

"Ano nanaman ba kasi ang rason at nagiging baby ka ulit? Hindi kaya hindi ka pa tuluyang napapatawad ng tito ni Eris? O hindi kaya ay may nagawa ka nanamang hindi maganda?"

"Ginawang hindi maganda?" Naguguluhan niyang tanong. Inalala niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw, linggo at buwan. Oo, nasisigawan pa rin niya ang mga empleyado pero pagkatapos nun ay hihingi na siya ng tawad bago paalisin. Nagpapasalamat na siya sa mga ito at binabati na rin minsan. Wala siyang nagawang hindi maganda, mula noong tuluyan ng mawala ang sumpa: na hindi pa pala tuluyang nawala.

Napabuntong hininga sina Ian at Angelo, pwera na lang kay Kiro na malalim ang iniisip. Dahil siguro kay Mina. Nakahawak si Angelo sa baba nito na tila ba may iniisip. Ilang beses pa itong umiiling. Napamura sa gulat sina Ian at Kiro nang biglaan na lang sumigaw si Angelo, pumalakpak pa ito.

"Hindi kaya may tao na malaki ang galit sa 'yo kaya bumalik ulit ang sumpa? 'Yong tipong sagad sa buto 'yong pagkamuhi sa 'yo."  

Humingi na siya ng tawad, hindi pa ba 'yon sapat?

Napansin ng tatlo ang bigla niyang pananahimik. Ang kaninang kunot sa noo nito ay mas lalong kumunot, kaunti na nga lang at magdudugtong na ang kilay nito. Pilit na inaala ni Alexius ang mga mukha at pangalan ng mga tao na sobra niyang nasaktan noon. Sino sa kanila? Sino-sino sila?

"Hindi pa ba sapat ang paghingi ko na tawad? Ibinaba ko na ang pride ko para lang gawin ang bagay na 'yon. You all know that saying sorry is not in my vocabulary."

Mula sa pader na yari sa salamin ay nakita nila ang unti-unting pagpatak ng malalaking butil ng ulan hanggang sa tuluyan na itong lumakas. Hindi nasabi sa weather forecast na uulan pala ng malakas. Kanina lang ay maganda ang panahon, tapos ngayon ay bigla na lamang dumilim at umulan, tila nakikisabay pa ata ang ulan sa problemang kinakaharap ni Alexius. Nabalot ng ingay ng ulan ang pagitan nilang apat. Walang nagsalita. Si Alexius ay busy sa pag-iisip ng malalim habang sina Ian, Angelo at Kiro naman ay abala sa pagtingin kay Alexius. Kitang kita nila ang pagbabago ng emosyon nito sa mukha, naguguluhan, pagtataka, inis, iyan ang nakikita nila sa mukha nito. They can't help but to pity him.

Hindi nila inaasahan na makikita nila ulit ang ganitong ekspresyon sa mukha ni Alexius.

"Cous, hindi porket humingi ka ng tawad ay napatawad ka na nila ng tuluyan. You're a cruel monster back then, you love to hurt peoples feelings. Hindi madali ang magpatawad ng isang tao lalo na kung grabe ang ginawa mong kasalanan." Kalmadong turan ni Kiro bago ito sumandal sa inuupuan.

"Hindi ka ba natutuwa na magiging baby Leo ka ulit? Na matatyansingan mo na ulit si Eri— aray naman." Kamot ulong daing ni Ian. Magkasabay kasi siyang binatukan ni Angelo at Kiro.

"Anong silbi ng pagiging baby Leo kung mapahamak si Eris? Hindi ko na hahayaan na mangyari ang nangyari noon, ang mapahamak ito." Seryosong ani. Ipinatong niya ang magkabilang siko sa tuhod atsaka pinagsiklop ang kamay bago ipatong ang baba  roon.

"Ha? anong mapahamak?"

"Someone's stalking us. Lalo na kay Eris. Kaya kinakailangan ng mawala ng sumpa."

Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ni Alexius. May sumusunod at nagmamatyag sa kanila? Kay Eris? Nagkatingin sina Ian at Angelo. Kaya pala desperado na si Alexius na mawala na ng tuluyan ang sumpa dahil may hindi magandang nangyayari. Hindi nila maiwasan na hindi maawa kay Alexius.

"Alam mo, tol. Para naman kumalma ka at mabawasan 'yang problema mo, puntahan mo na lang ang lovey doves mo. Paniguradong miss na miss ka na ni Eris." Nakangising sabi ni Ian habang tumataas baba pa ang kilay.

"I'll ask uncle to help us para mahanap kung sino ang umaaligid sa loves mo." Tilaba pround na aniya Angelo, may katungkulan ang tito niya sa kapolisan.

Tumayo na ang dalawa niyang kaibigan, habang sila ni Kiro ay nanatiling naka-upo. Nagpaalam na ang mga ito na aalis na bago sila tuluyang lumabas sa penthouse niya. Problemadong sumandal si Alexius sa inuupuan. Nananakit na ang ulo niya. Bakit nagsabay sabay la ang problema? Bakit ngayon pa nangyari ang mga ito? Kinakailangan pa naman niyang asikasuhin ang kompanya at bumawi sa ilang buwan niyang pagkawala dahil sa sumpa.

He hissed. "Kiro, can you manage the company— again?" Pikit mata niyang tanong sa pinsan. Kumikirot ang ulo niya.

"I can." Sumandal si Kiro sa inuupuan. "Ako na muna ang bahala sa kompanya. You need to solve this problem, Cous. Hindi pwedeng madamay si Eris sa problema mo— sa gulo ng pamilya natin." Paalala ni Kiro sa pinsan.

"I'll go talk to his uncle first."

"Cous, seryoso ka? Baka mamaya paghiwalayin na talaga kayo ni Eris. Alam mo naman na isa sa kinakatakutan ni Mr. Perez ay ang madamay ang pamangkin niya sa gulo natin. Which is nangyayari na nga, ulit."

"I know, pero hindi ko hahayaan na mangyari 'yon. I'll talk to him because he can help me. Matagal na niyang kilala ang pamilya natin. Malapit din siya sa lolo,  he knows are families problem. Kaya nga ayaw na ayaw na niya sa akin para kay, Eris. Eris' uncle knows something, maybe, maybe he can help me. Baka may koneksyon sa problema ng pamilya natin ang mga umaaligid kay Eris." Desperado na si Alexius. Kahit na medyo labag sa loob niya na lumapit sa tito ni Eris ay gagawin pa rin niya, para maresolba na ang problema.

Alexius and his sister grew up with a chaotic family, maraming galit sa kanila, maraming may sama ng loob, maraming naiinggit. Kaya alam na alam ni Alexis na ang nasa likod ng lahat ng ito ay may matinding galit sa mga Laviano— sa kaniya, lalong lalo na sa kanyang ama. Naiyukom niya ang kamao. Ang kailangan niya na lang gawin ay ang hanapin kung sino ang taong 'yon.

Napabalik siya sa sarili nang biglang tumunog ang cellphone niya. He excused hiself na agad naman tinanguan ng pinsan niya. Inilabas ang cellphone atsaka ito sinagot. It's his bodyguard, ang nagbabantay kay Eris at sa tinitirhan nitong apartment. Itinapat niya ito sa kaliwang tainga.

[Sir, kasalukuyang lalabas si Ms. Mesina sa bankong tinatrabahuan niya.]

Kumunot ang noo niya sa narinig. Trabaho?

"Trabaho?"

Halos magdugtong na ang kilay niya. May trabaho na si Eris? Bakit walang nabanggit at hindi sinabi ni Eris ang tungkol doon?

[May trabaho na po siya, kakasimula niya lang ngayon sir.] Saglit na natahimik ang nasa kabilang linya. [Hindi niyo ho ba alam ang tungkol sa trabaho niy—]

"Send me your location." Putol ni Alexius sa sinasabi ng bodyguard niya. Hindi na niya hinantay ang sagot ng nasa kabilang linya at agad na ibinaba ang tawag.  Nagmamadaling kinuha ni Alexis ang susi ng sasakyan niya. Hindi na rin siya nag abala pa na magpalit ng suot at agad na tinahak ang daan palabas.

Nakasunod sa kanya si Kiro, nagtataka ito sa inakto niya.

"Cous, saan ka pupunta?"

"Kay Eris." Sagot niya bago tuluyang sumakay sa sasakyan niya. Sumunod naman ang pinsan niya na umupo sa shotgun seat. Hindi na niya ito tinanong kung bakit ito sumama at agad na pinaandar ang sasakyan. Maya maya lang ay natanggap na niya ang location na kinaroroonan ni Eris. Nas Cafe ito, kung saan naganap ang meeting niya nitong nakaraan.

Hindi siya galit dahil sa may trabaho na si Eris, gusto niya lang itong makita at makausap kung bakit inilihim nito sa kanya ang trabaho. Isa pa, may kakaiba siyang nararamdaman, parang may hindi magandang mangyayari. Mas binilisan pa lalo ni Alexius ang pagmamaneho ng sasakyan. Hoping and wishing na huwag siyang magpalit ng anyo bilang baby Leo.

Nagmamadaling bumaba si Alexius sa sasakyan. Hindi na niya hinintay ang pinsan at agad na pumasok sa loob ng cafe. Lumikha ng ingay ang chimes na nakasabit sa itaas na bahagi ng pintuan, ang iba sa mga costumer na nasa loob ay napatingin sa kanya, ngunit ni isa sa kanila ay hindi tinapunan ni Alexius ng tingin. Ang atensyon niya lang ngayon ay nakay Eris na naka-upo sa hindi kalayuan at sa babaeng kasama nito, si Mina.

Bigla siyang binundol ng kaba, lalo na nang marinig niya ang sinabi ni Mina.


"Eris, si Alexius at baby Leo ay iisa."







  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019