Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XIV

Eris Mesina.

Dalawang araw na ang lumipas, dalawang araw na ring wala sa akin si baby Leo. Bigla na lang kasi itong nawala ng magising ako. Muntik na nga akong tumawag ng police. Nagpapanic na ako pati na sina manang Mersi. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tumawag sa akin si Kiro at sinabi sa akin na inuwi niya muna si baby Leo.

Kinabahan kaya ako. Feeling ko nga lalabas na yung puso ko ng araw na 'yon. Kainis naman kasi si Kiro, bigla-biglang kinukuha si baby Leo, hindi man lang nagsabi atsaka nagtataka rin ako. Paano nakuha ni Kiro si baby Leo? Paano siya nakapasok sa apartment ko?hindi naman abot ni baby Leo 'yong mga lock ng pinto kaya paano nangyari 'yon? Umiling ako. Ay ewan ko,bahala na.

Nilapag ko ang plastik na naglalaman ng mga prutas nang makapasok ako sa bahay nila tita at tio. Nakangiti akong lumapit kay tita na busy sa panunuod ng Adventure time. Natatawa nitong ibinaling ang tingin sa akin.

"Magandang tanghali sa maganda kong tita!" Niyakap ko siya bago halikan sa pisngi.

Netong isang araw naka-uwi si tita. Okay na ang lagay niya kaya pinalabas na siya. Laking pasasalamat lang talaga namin sa tumulong kela tito at syempre kay Lord kasi pinagaling niya na ang tita ko.

"Pasensya na tita kung hindi na ako masyadong nakadalaw noong nasa ospital ka. Nga po pala, nasaan po si tito?" Iginala ko ang tingin ko. Himala! Ang tahimik ng bahay. 

"Hindi ba niya nasabi sa'yo?" Kunot noong tanong ni tita.

"Ang alin po?"

"Ibinalik na siya sa trabaho. Noong April 29 tinawagan siya ng dati niyang boss at sinabing pumasok ito dahil marami itong naiwang trabaho." Nakangiting sabi nito na siya namang ikinakunot ng noo ko.

Mag trabaho na ulit si tito? Ibinalik na siya sa trabaho niya? Ano naman ang nakain ng Alexius na 'yon? Saktong paglipat ng channel ay ang paglabas ng mukha ni Alexius. Nasa balita ito. ini-interview ito tungkol sa bagong business banch nito sa ibang bansa. 

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naka-upo at pinapanuod ang balita. He's answering every questions ngunit wala akong nakikita ni isang emosyon sa mukha nito, blanko. Natulala ako bigla nang tumingin siya sa mismong camera. Napakaganda talga ng mga mata nito. Bumaba ang tingin ko sa labi niya na naka-awang ng kaunti, sa pilikmata niyang mahaba. 

"Pangkin, baka matunaw 'yong lalaki--- este 'yong t.v. Titig na titig ka diyan."

Napabalik ako sa sarili. Shocks! Ano bang pumasok sa isip ko't tinitigan si Alexius? jutko! 

"Na-curious po kasi ako sa balita." pagpapalusot ko. kaysa naman sabihin ko na tinitigan ko 'yong mukha ni Alexius. Nakakahiyatalaga.

"Okay, sabi mo eh." nakangising sabi ni tita.

Si tita naman eh. Pero balik kay alexius. Gwapo siya kaso masam naan ugali, tsk. Sana hindi magmana si baby Leo sa pinsan niya. Huwag siyang gagaya sa ugali ng Alexius na 'yan! Okay ng na sadista siya dahil alam ko naman na magbabago rin siya paglaki niya pero huwag lang na maging kaugali siya ni Alexius.

I downt care! Gwet out!

Napangiti ako ng marinig ang ring tone ko. Ang cute talaga ni baby Leo! Oo, boses ni baby Leo ang ring tone ko. Ang cute kasi! Lumabas muna ako para sagutin ang tawag.

"Hello kiro?"

[Pumunta ka dito sa...uhm.]

"Saan?"

[Sa companya ni A-alexius. Bilisan mo. Dito mo susunduin si baby L-leo.]

"Diyan talaga? hindi ba pwede na ihatid mo na lang siya sa apartment? Ibalik mo sa pinagkuhanan mo." Natatawa kong sabi. Inaasar ko lang naman siya.

[Hindi pwede! Gusto ka rin kausapin ng pinsan ko kay--- argh! Pumunta ka na lang.]

Akmang sasagot pa sana ako kaso Toot-Toot-Toot Na lang ang narinig ko. Grabe, babaan daw ba ako. Lagot ka sa akin! Kakaltukan kita mamaya! Binalik ko sa bulsa 'yonng cellphone ko bago bumalik sa loob.

"Tita, pasensya na po pero kailangan ko ng umalis. Kasi 'yong inaalagaan ko po susunduin ko na." Napakamot ako sa batok. Biglaan namin kasi, makikipag bonding sana ako kay tita.

"Sige, bisitahin mo na lang ulit ako at isama mo yung inaalagaan mo ah. Gusto ko din siyang makita." Nakangiti nito sabi.

Nag-paalam ulit ako bago tuluyang umalis. Mabuti na lang at may dumaan na taxi kaya nakasakay kaagad ako. Tahimik lang ako buong byahe, iniisip kung bakit gusto akong kausapin ni Alexius. Bahala na nga! Ihahanda ko na lang ang sarili ko dahil alam ko na puro masasakit na salita lang naman ang sasabihin nito. Baka nga gusto nitong gumanti lalo na't wala ang Mama huhuhu!

Nagbayad ako bago bumaba. Inayos ko ang suot kong damit bago pumasok sa building. Buti na lang at nakapag-pulbo ako kanina, nakakahiya naman kasi kung papasako akong mukhang dugyutin.

"Saan ho kayo miss?" Tanong ni manong guard na busy sa pagtingin ng bag ko.

"Ah kasi ano...pinapapunta ako ni kiro 'yong pinsan ng boss niyo." 

"Kayo ho si Eris?" 

Kunot noo akong tumango. Kilala ako ni manong?

Sinenyasan ako ni manong guard na pumasok na. Itinuro pa nito yung isang elevator. "Ito raw ang gamitin mo. Private elevator yan. diretso na 'yan sa floor kung nasaan si Sir Kiro at si Sir Alexius."

Tumango ako bago magpasalamat. Lahat ng empleyado ay nakatingin sa akin, nagtataka kung bakit papunta ako sa elevator na 'yon. Maski ako nagtataka kung bakit ipapagamit sa akin 'tong private elevator.

"Ay anak ng tokwa't baboy!" Jusko! Tinakpan ko yung bibig ko. Lahat ng empleyado ay napatingin ulit sa akin, paano ba naman sila hindi titingin sa akin eh bigla akong sumigaw. Kasi naman paanong hindi ako mapapasigaw, bigla na lang bumukas 'yong elevator kahit hindi ko pa pinipindot 'yong kulay blue na botton.

May multo ba dito sa Kompanya ni alexius? Sira ba yung elevator? Bakit bumukas na lang bigla?!

"Sorry po." Hinging paumanhin ko sa kanila bago sumakay sa elevator.

Bakit ba kasi kailangan na dito pa sunduin ang alaga kong cute pero sadista. Sana hinatid na lang. Pero speaking of sadista, namiss ko talaga si baby Leo! Namiss ko siyang yakap-yakapin, patulugin, asarin, paliguan at pang-gigilan. Mag b-bonding kami mamaya bago kami umuwi.

Maya-maya pa'y bumukas na ang elevator.Bumungad sa akin 'yong babae na inutusan ni Alexius dati na paalisin ako. Muntik na nitong mabitawan 'yong mga folder na hawak niya nang makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Aniya bago ako hatakin palabas sa elevator.

"ah eh, pinapunta ako ni Ki--- "

"Umali ka na baka makita ka ni Sir Alexius ." putol nito sa sinasabi ko. Bakas sa boses nito ang kaba at takot.

Akmang magsasalita sana ako nang makita ko si Kiro na kakalabas lang sa may salamin na pinto.

"Eris!" tawag nito sa akin nang makita ako. Nagulat ako nang lumapit ito at basta-basta na lang akong hinatak papasok sa loob ng pintuan kung saan siya lumabas kanina.

Nilingon ko muna 'yong assistant ni Alexius. Kitnag-kita ng mga mata ko ang pag sign of the cross nito.

"Cous, andito na siya." Aniya ni Kiro sa pinsan niyang nakapokus sa laptop na nasa harapan nito. 

May suot itong salamin at nakakunot ang noo. Nilibot ko ang tingin sa loob ng opisina niya. Halos lahat ng gamit ay kulay abo. Naibaling ko ang atensyon ko sa mga folder na nakapatong sa center table. Ang dami naman nito.


"So? Anong pag-uusapan natin?"

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat na ibinalik ko ang tito mo sa trabaho?" Putol niya sa sinasabi ko. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin, basta patuloy lang siya sa pagtipa sa laptop.

Kumunot ang noo ko. Ano daw? Wait nagkami ata ako ng pag-kakarinig.

"Ano?"

Huminto siya sa pagtipa atsaka ako tiningnan. Napansin kong medyo napatigil siya at--- bakit parang namula 'yong pisngi niya? 

"Anong sabi mo?" Ulit ko. Hindi niya naman kasi ako sinagot.

Sinarado niya 'yong laptop niya atsaka sumandal. "I said, hindi ka man lang ba magpapasalamat?"

"Para saan naman?"

"Ibinalik ko sa trabaho ang tito mo kaya magpasalamat ka."

Tama nga ang narinig ko kanina. Gusto niya na mag thank you ako sa kanya kasi ibinalik niya si tito sa trabaho. Nakangiti akong lumapit sa kanya. "Mag sorry ka muna pagkatapos mong mag sorry atsaka ako magpapasalamat." This time noo naman niya ang kumunot.

"Why would I say sorry?"

Lumapit lalo ako sa kanya. "Baka nakakalimutan mo, ikaw ang may kasalanan kung bakit nawalan ng trabaho si tito. Nagkamali lang siya ng naibigay na folder pero ni hindi mo man lang siya pinakinggan."

"My fault?! It's not my fvckin fault na tatanga tanga siy--- " Napatalon siya sa gulat nang hampasin ko yung lamesa niya. Napansin ko rin na namutla siya.

Dapat lang siyang matakot. Kala niya ah!

"Tandaan mo, walang taong perpekto. Sinong hindi magkakamali't magmamadali kung isang halimaw na katulad mo ang nagmamadaling kuhanin ang mga folder. "

"T-tinawag mo akong halimaw?!" Hindi makapaniwala niyang sabi.

Hinatak ko 'yong necktie niya. "Oo! Halimaw ka! Akala mo nakalimutan ko na 'yong ginawa mo sa akin?! Sana hindi mo na lang pinapasa 'yong mga requirements para sa interview kung papaalisin mo rin pala ako! Hindi ka lang halimaw! paasa ka rin!"

Pilit niyang tinatanggal yung pagkakahawak ko sa necktie niya pero mas lalo ko lang siyang hinatak. Namumula na rin siya at alam kong galit na siya.

"Tapos ngayon pinapunta mo pa ako dito para sabihin na 'hindi ka man lang ba magpapasalamat dahil ibinalik ko ang tito mo?' Abnormal ka talaga! Malala ka na." Marahas kong binitawan 'yong necktie niya kaya natumba siya.

"Buti nga sayo." Binelatan ko siya. Alam kong hindi maganda ang ginawa ko pero masisisi niyo ba ako? 

Mas lalo siyang namula sa galit. Wala akong pake, hindi niya ako matatakot! Kahit na ipakaladkad pa niya ako palabas.

"You bitch--- "

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bitch?! Susugurin ko sana siya ngunit napigilan ako ni Kiro.

"Let me go, Kiro! Babangasan ko 'yang bipolar mong pinsan! Isang wapak lang sa bibig!"

Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya sa akin. Isang wapak lang talaga sa bibig! Masampolan ko lang siya, okay na ako! Kaunti na lang ay magdudugtong na ang kilay ko, nakikita ko kasi sa mukha ni Alexius na hindi niya sinasadya ang sinabi niya na para bang napipilitan lang siya. Nakayukom ang kamay niya at nag-iwas ng tingin. 

Hinatak ako ni Kiro palabas. Pinaupo niya ako sa sofa sa labas ng opisina ni Alexius atsaka ako inabutan ng tubig. "Kalma Eris! Kumalma ka!"

Napasabunot ako sa sarili. "Nasan na si baby Leo? Aalis na kami kaya ibigay mo na siya sa akin."

"Maya-maya eris, mga thirty minutes. Nasa baba kasi siya kasama 'yong mga tauhan ni Mama." 

Akmang tatayo sana ako kaso biglang bumukas 'yong pinto. Biglang nawala 'yong galit na nararamdaman ko nang makita ko si baby Leo na pagewang-gewang na naglalakad palapit sa amin--- sa akin. Wala siyang kahit na anong suot, pwera na lang sa diaper niya na mukhang minadali na isuot.

Pero teka, lumabas siya sa opisina ni Alexius? Kunot noo kong tiningnan si Kiro na namumutla na ngayon.

"Akala ko ba nasa baba si baby Leo? Ako ba'y pinagloloko mo?"


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019