Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA 35

Eris Mesina.

Nagising ako dahil sa ingay galing sa labas ng kwarto ko. Inis akong bumangon. Ano bang ingay 'yon? parang may nagbabatuhan pa. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. May lumipad na kung ano sa gawi ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, mabuti na lang at naiwaasan ko kung hindi ay baka may bukol na ako sa noo.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si tito. Nasa tabi nito si tita at pilit itong pinapakalma.

Teka! Teka anong nangyayari?! Bakit nandito si tito?!

Napasinghap ako sa gulat ng ihagis ni tito yung isa pang unan kay...HALA! Lumapit ako kay Alexius na ngayon ay nakasubsob sa sahig. Nagdudugo ang labi nito at magulo rin ang suot niya. Lalapitan ko sana siya para tulungang tumayo pero pinigilan ako ni tito.

"Sinabihan na kita, Rivelio! Pinatawad na kita kaya tigilan mo na ang pamangkin ko! Nawala na ang sumpa, wala ng rason para lapitan pa ang pamangkin ko."

Sumpa? Anong sumpa ang pinagsasabi ni tito? Binalingan ko ng tingin si Alexius na nakatingin rin pala sa akin. Namumutla siya, ang kamay niya naman ay nakayukom.

"Tantanan mo na kami lalo na ang pamangkin ko. Hindi ka na sinumpa kaya hindi mo na siya kailangan pa. Rivelio, ayaw kong madamay ang pamangkin ko sa gulo ng buhay mo so stay away from her kung ayaw mong sabihin ko sa kanya ang totoo."

Umigting ang panga ni Alexius sa sinabi ni tito. Naguguluhan na ako. Anong katotohanan? bakit pinatawad ni tito si Alexius at anong sumpa? Hinilot ko ang sentido ko.

"Umalis ka na, Rivelio. Umalis ka na."

Tiningnan niya ng masama si Alexius bago ako hatakin palabas ng apartment. Teka! bakit kami ang aalis? akala ko ba si Alexius ang pinapaalis?

Binawi ko ang kamay ko bago pa kami makababa ng hagdan.

"Tito naman, bakit sinaktan mo si Alexius? Masama yung pakiramdam ng tao tapos inaway mo pa." Tumalikod ako para bumalik sa apartment ko.

"Hindi ka babalik doon, Eris!"

Napahinto ako sa paglalakad. Hindi makapaniwala kong nilingon si tito. Namumula siya sa sobrang galit at nakayukom ang kamay niya. Ito ang unang beses na nagalit sa akin ang tito, ito ang unang beses na pagtaasan niya ako ng boses.

"Ano bang ikinakagalit mo tito? Galit ka ba dahil nandito siya--- sa apartment ko?"

Napahilamos ako sa sarili ko. Nananakit na ang ulo ko sa mga nangyayari.

"Bakit nandito ang Alexius na 'yon Eris?! Anong meron sa inyo?!"

"Tito, nandito si Alexius dahil masama ang pakiramdam niya kagabi. Hindi ko siya hinayaan na umuwi kagabi dahil delikado lalo na sa lagay niya. Tito kasi, alamin mo muna ang rason bago ka magalit. I know you didn't let him explain his side dahil inuna mo ang galit mo." Umayos ako ng tayo. "Sabihin mo sa akin tito, bakit ba galit na galit ka doon sa tao? Oo, hindi maganda ang ginawa niya noon sa iyo pero tito, hindi ba't humingi na siya ng tawad at ibinalik ka na sa trabaho. Kalimutan na natin ang nangyari, tito para sa ating lahat. Pinatawad mo na siya hindi ba? pero bakit parang hindi pa."

Naglaho ang galit sa mukha niya at napalitan ng sakit at pag-aalala. Magaling na si tita, magiging pabigat lang sa kaniya ang galit na nararamdaman niya kay Alexius. Bumabawi naman na 'yong tao. Naguguluhan din ako kay tio, ang sabi niya kanina ay pinatawad niya na ito pero kabaliktaran naman ang ipinapakita niya.

"Magulo ang buhay ng lalaking 'yon. Natatakot ako na baka maulit ang nangyari noon. Hindi mo alam kung gaano ang takot na naramdaman ko nang malaman ko ang nangyari sa 'yo at kasalanan ng lalaking 'yon kung bakit ka napahamak." Hinawakan ni tito ang magkabila kong balikat. "Please, stay away from him."

Layuan ko siya Alexius...

"Please, layuan mo na ang lalaking 'yon. Hindi siya karapatdapat sa 'yo."

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa oras na ito. Dapat ba akong matuwa dahil si tito na mismo ang nagsabi kay Alexius na layuan ako o dpat ko ba itong ikalungkot. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader. Naguguluhan na ako hindi lang sa mga taong ito, sa pinagsasabi ni tito kanina, naguguluhan na rin ako sa nararamdaman ko.

Napa-atras ako nang may humaltak sa akin. Hindi na ako nagulat nang makita kung sino ito, si Alexius. Wala akong ibang nakikitang emosyon sa mukha niyo ngunit ang mga mata niya ay nababakasan ng sakit. Narinig ba niya ang mga sinabi ni tito?

Kumabog ng malaks ang puso ko nang ibaling niya sa akin ang kanyang tingin.

"Hindi mo ako lalayuan, Eris."

Ayan, mas lalong nagwala ang puso ko. Hindi na talaga ito normal.

Ibinaling naman niya ang tingin kay tito. Ang sakit sa mata niya'y napalitan ng galit.

"Hindi ko siya lalayuan."

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Palihim kong kinurot ang tagiliran ko bago pumeke ng ubo. Ngumiti ako hindi dahil sa sinabi niya, ngumiti ako dahil sa ganda ng kapaligiran--- tama! Ang ganda ng paligid, nakakatuwa!

Jusko! Abnormal na ako, abnormal na itong puso ko.

"Sa ayaw niyo man o gusto, lalayuan niyo ang isa't-isa. Pinal na ang desisyon k--- " Hindi na natuloy ni tito ang sinsabi niya nang putulin ito ni Alexius.

"I don't care about your decision, old geezer. Hindi ko lalayuan ang babaeng nagpatibok sa puso ko."

Itinago niya ako sa likuran niya. Humigpit ang pagkakahawak ni Alexius sa kamay ko na tila ba ayaw niya akong pakawalan pa. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa ginawa niya. Pinaghalong kaba at kilig ang nararamdaman ko ngayon. Kaba dahil baka magpang-abot si tito at si Alexius. Kilig, dahil sa mga kinikilos at sinasabi ni Alexius.

Akmang babawiin ko sana ang kamay ko nang lingunin niya ako. Nababahiran ng sakit ang lungkot ang mukha niya.

"Don't let go of my hand, Eris."

Dahan-dahan akong tumango. Ngayon lang Alexius. Hinawakan ko rin ang kamay niya at hindi nakawala sa aking paningin ang pag-angat ng magkabilang gilid ng labi niya. He mouthed 'Thank you' na tinanguan ko lang bilang sagot.

"Sa akin ka tumingin, kinakausap kita!" Aniya ni tito. Pinaharap niya si Alexius sa kanya. Mas lalong dumilim ang mukha ni tito nang makita ang kamay namin ni Alexius.

"Bitawan mo ang kamay ng pamangkin ko." Kalmado ngunit nababahiran ng pagbabantang sabi ni tito.

Napalunok ako. Pilit akong inaabot ni tito at pilit din niya kaming ipinaglalayo ni Alexius. Si Alexius naman ay todo protekta sa akin. Hinaharangan niya ako gamit ang sarili niyang katawan. Napasigaw ako nang suntukin ni tito si Alexius na naign dahilan para maibaling ito ang tingin sa ibang direksyon. Naulit pa ang suntok na iyon nang hindi bitawan ni Alexius ang kamay ko.

"Bitawan mo ang pamangkin ko!"

Nangilid ang luha sa aking mata. Pilit kong binabawi ang kamay ko ngunit hindi niya ako hinahayaan. Masasaktan at masasaktan lang si Alexius kung hindi niya bibitawan ang kamay ko.

"Alexius! Bitawan mo na ang kamay ko! Nasasaktan ka na! Parang awa mo na!" Pagmamaka-awa ko.

Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko nang kwelyuhan na siya ni tito. Narinig ko ang pagdain niya sa sakit kaya mas pinilit ko na makawala sa pagkakahawak niya sa akin.

"Alexiu--- "

"Please, d-don't let go of my hand." Nahihirapan niyang sabi.

Umiling ako. "Hindi ka titigilan ni tito! Bumitaw ka muna! Mamaya hahawakan ko ulit ang kamay mo, pangako!"

Umiling siya. Kulang na lang ay masabunutan ko ang sarili ko at sumigaw. Bakit ba ang tigas ng ulo niya?!

Medyo nabawasan ang kaba ko nang makita si tita na humahangos ng takbo papalapit sa amin. Nag-aalala at nagugulat din siya sa mga nangyayari. Nang makalapit ay pumagitna siya sa amin. Doon lang napahinto at napalayo sa amin si tito. Natatakot kasi ito na baka masaktan si tita.

Pinaharap ko sa akin si Alexius. May pasa ang pisngi nito, mas lalong dumugo ang sugat nito sa labi at magulo na rin ang suot niyang suit. Naiiling kong hinaplos ang pisngi niya. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo niya? Binitawan niya na lang sana ang kamay ko kanina, edi sana ay hindi siya sinuntok ni tito.

"Alexius..."

He smiled at me. 'yong ngiting nagsasabi na okay lang siya.

"Aron! Ano bang pinag gagawa mo?! Nahihibang ka na ba?" Hindi makapaniwalang sabi ni tita.

"Bumalik ka na muna sa loob ng apartment ni Eris. Huwag kang makigulo rito." Tinuloy ni tito ang pilit na paglalayo sa amin ni Alexius. Marami ng nakatingin sa aming lahat, ang mga kahilera ko ng apartment at ang iba ko pang kapitbahay.

Sa oras na ito, ako na ang humarang kay Alexius. "Tito, sa loob na lang po natin pag-usapan ito. Nakakasagabal na tayo sa mga kapitbahay." Nakakahiya na.

Gumagawa na kami ng eksena at alam kong magiging topic ito ng tsismis nila mamaya.

Nanatiling tahimik si Alexius, kalmado siya ngunit alam kong sa loob loob niya ay nanggagalaiti na siya sa galit. Napangiwi ako nang kumirot ang kamay ko.

"Sinabi ng bitawan mo ang kamay ng pamangkin ko! Stay away from her!"

Napatalon ako sa gulat sa sunod na ginawa ni Alexius--- sa pag-sigaw niya.

"WILL YOU PLEASE LET ME BE HAPPY?!"

Hindi lang ako ang natulala sa narinig, pati na si tito. Puno ng sakit ang boses niya ng sabihin niya iyon. Nanikip ang dibdib ko.

"Aron!" Ibinaling ni tita ang tingin kay Alexius. "Umalis na muna kayo. Papakalmahin ko muna siya."

Hindi na nagdalawang isip si Alexius na hatakin ako pababa. Mas mabuti na rin ito, ang lumayo muna nang kumalma naman si tito.

"Saan tayo p-pupunta?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot, sa halip ay patuloy lang kami sa paglalakad. Hanggang ngayon ay nakasunod pa rin ng tingin sa amin 'yong mga kapitbahay ko.

Nilabas niya ang susi ng sasakyan at may kung anong pinindot doon na naglikha ng ingay. Binuksan niya ang pinto bago ako alalayang sumakay. Mabuti na lang at nakasakay na si Alexius nang sumulpot si tito. Humahangos itong lumapit sa gawi ko at pilit na binubuksan ang pinto.

"IBALIK MO ANG PAMANGKIN KO! HUWAG MO SIYANG ITANAN GAGO!"

Hindi ko alam kung magugulat na maiinis o matatawa ba ako sa sinabi ni tito. Paulit-ulit nitong kinalampag yung bintana ng sasakyan.

"Eris! Bumaba ka d'yan!"

Hindi ako umimik. Sorry tito, pero pakalmahin mo muna ang sarili mo bago tayo mag-usap ulit. Kapag okay ka na, atsaka ako magpapaliwanag sa 'yo dahil alam ko naman na kung ngayon ko 'yon gagawin ay hindi ka naman makikinig.

Pinaandar na ni Alexius ang sasakyan. Muntik pa ngang makaladkad si tito nang kumapit ito sa side mirror ng sasakyan. Grabe ang pag-aalala ko sa tito dahil sa ginawa niya. Hindi ba niya naisip na ikapapahamak niya ang ginawa niyang pagkapit?

Bumuntong hininga ako. Yong buntong hininga na sa talampakan ko pa hinugot. Ang hirap magkaroon ng tito na mas isip bata pa sa pinsan kong si Yuan.

"Pasensya ka na sa ginawa ni tito." hinging paumanhin ko. Nahihiya ako sa kanya, kasalanan ko naman kasi ang lahat kung bakit siya nasaktan. "At salamat din dahil hindi mo sinaktan ang tito ko."

"Why would I do that? Ganun ba talaga ako kasama sa paningin mo?"

Saglit akong natulala. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Oo, kilala siya dahil sa sama ng ugali niya. Noong una, para sa akin ay wala na siyang kasing sama dahil sa ginawa nitong pagpapaalis sa tito ko at sa pagpapaalis niya sa akin sa mismong job interview.

"I won't hurt my soon to be father-in-law."

Namula ang pisngi ko. "Nabugbog ka na nga tapos nagawa mo pang sabihin 'yan at tito ko siya kaya hindi mo siya father-in-law."

"Ganoon na rin 'yon."

Natatawa akong umiling. Inilahad niya sa akin ang kanang kamay niya, habang ang kaliwang kamay niya naman ay nanatili sa manibela. Binigyan ko siya ng 'Anong-gagawin-ko-diyan' look.

Kinuha niya ang kamay ko atsaka ito pinagsiklop. Naramdaman ko nanaman ang pagwawala ng puso ko at ang pag-iinit ng pisngi ko.

"Uhm, Alexius. Nag d-drive ka." Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Sinabi mo kanina na hahawakan mo ulit ang kamay ko."

Napahilamos ako sa sarili ko.

"Hindi mo naman binitawan kamay ko kanina atsaka, hello?! Nagmamaneho ka kaya!"

Umiling siya. Nanatili ang tingin niya sa kalsada at nanatiling magkahawak ang aming kamay.

"Umaabuso ka na pero sige, last na ito. Pagkatapos naman nito ay hindi na tayo ulit magkikita." Binulong ko na lang ang huli kong sinabi pero mukhang hindi ito nakawala sa pandinig niya.

Dumilim ang mukha niya na tila ba pinagsakluban siya ng langit at lupa.

"Ayaw mo na ba talaga akong makita?"

"Wala naman na kasing dahilan, wala na si baby Leo sa aki- "

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi si baby Leo ang dahilan kung bakit gusto kitang makita."

Inis na inis ang mukha nito. Hininto niya ang sasakyan sa gilid bago bitawan ang kamay ko.

Bigla na lang siyang bumaba sa sasakyan. Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabunutan niya ang sarili. May kung ano pa siyang binubulong pero hindi ko ito naririnig.

Kaya lang naman nagtatagpo ang landas namin noon ay dahil kay baby Leo. Hanggang ngayon din ay hindi pa ako sigurado sa sinasabi niyang ligaw. Ang hirap naman kasing paniwalaan, he doesn't like me and I know that, himala na lang kung magkagusto siya sa katulad ko kaya mas mabuti ng lumayo ngmg maaga kaysa sa masaktan at umasa.

Bumuntong hininga ako bago bumaba. Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko siya o hindi pero sa huli ay kusa ng kumilos ang sarili kong mga paa. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa harap niya.

"Alexius, alam ko naman kasi na hindi ka seryoso sa sinabi mong liligawan mo ako. Hindi ko naman kasi nararamdaman. Minsan susulpot ka minsan naman ay wala ka kaya mas okay ng lumayo ako sa 'yo nang mas maaga kaysa naman na umasa ako sa sinabi mo."

Umigting ang panga niya.

"Kaya tigilan mo na 'to, okay lang naman sa ak- " Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"Damn it, Eris! Seryoso ako! I'm fvckin serious when I said that! Eto na nga ako, nasa harap mo. Normal na ako, maliligawan na kita ng maayos!"

Normal na siya? Anong ibig niyang sabihin?

"You don't even have a feeling for me, Alexius. Alam ko 'yan."

Dumilim lalo ang mukha niya. Naiinis niyang sinipa ang gulong ng sasakyan na siyang ikinagulat ko. Sinabunutan niya ang sarili bago ibalik sa akin ang tingin.

"Pwes, ipaparamdam ko sa 'yo ang nararamdam ko."

Kay bilis ng mga pangyayari, sa isang iglap ay magkalapat na ang aming mga labi. Natulala ako at nanlaki ang mga mata ko.  Inalis niya ang isang kamay sa aking pisngi bago ito ipulupot sa bewang ko. He pulled me closer to his body. Nakapikit ang mga mata niya habang ako? Eto tulala at parang mahihimatay na. Ni hindi ko nga namalayan na humiwalay na pala siya sa akin.

"I like you, Eris, so damn much." Sinandal niya ang noo niya sa noo ko.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. Nararamdaman ko rin na anumang oras ay kakawala na sa dibdib ko itong puso ko.

"Simula noong makita kita, naagaw mo na kaagad ang atensyon ko. I started liking you when you took care of me. Ipinaramdam mo sa akin ang pagmamahal at alaga na hindi ko naramdaman noon. Pinaranas mo sa akin ang mga hindi ko naranasaan noon, at isa na doon ang magmahal. You tamed me, Eris. So please, believe me."

Maraming katanungan sa isip ko. Ang sabi niya'y inalagaan ko siya, kailan ko ginawa ang bagay na 'yon?

Humiwalay siya sa akin ngunit nanatiling nakabaling sa akin ang tingin niya. I don't know what to do right now, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kilig, tuwa, takot, at kaba.

"I'm normal now, i'm no longer cursed. Pwede na kitang makasama ng walang takot, takot na baka bumalik bigla sa pagiging bata o sa totoo kong anyo." Aniya. Hindi ko na masyadong narinig ang huli niyang sinabi dahil ibinulong niya na lang ito.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya sa normal na siya, lalo na sa hindi na siya isinumpa. Kanina pa ako nababagabag sa sumpa na 'yan.

"I like you— no scratch that, I love you, are you happy now?"

Mabilis pa sa alas quatro akong tumalikod sa kanya. Tinakpan ko ang pisngi kong kasing pula na ng kamatis Habang ang isa ko namang kamay ay nakadapo sa dibdib ko. This is not good, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit natutuwa pa ako sa sinasabi niya? Bakit kinikilig ako?!



  • (4 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019