Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

Leonardo Alexius Rivelio

Hindi humupa ang usap-usapan tungkol sa nangyari nitong nakaraang araw. Ang ginawang pagpapatawag ni Alexius sa lahat ng empleyado niya at sa media para humingi ng tawad sa mga ginawa niya noon. Hindi madali ang patawarin siya, lalo na sa mga nasaktan niya ng sobra ngunit may iilan naman na nagawa siyang patawarin. Yumuko siya sa harap ng maraming tao, sa harap ng media. Kung kinakailangan niyang lumuhod ng araw na 'yon ay sa malamang ginawa na niya.

Kailangan na niyang makawala ng tuluyan sa sumpa lalo na't may nararamdaman siyang hindi maganda, na para bang may mangyayaring hindi maganda. Paano niya maipagtatanggol si Eris sa mga gusto manakit dito kung bigla siyang bumalik sa pagiging si baby Leo? Umigting ang panga niya. Sino ang nagmamatyag kay Eris? He cursed. Sigurado siya na minamatyagan ng kung sino si Eris at kailangan niyang mahanap kung sino 'to, kung ano ang pakay nito at kung sino ang nag-utos dito.

Nag-aalala siya kay Eris. Gustong-gusto niya na itong puntahan ngunit hindi pa pwede. Pinipigilan niya na lang ang sarili na bumalik sa apartment nito. Ano ang ipapaliwanag niya rito? Alam niyang nagtataka ito sa inakto niya. Napabuntong hininga siya.

Alas siete y media nang matapos ni Alexius ang trabaho. Habang tinatahak ang daan palabas ng kompanya ay panay ang pagtingin sa kanya ng mga empleyado niya, whispering and giving him a stares. Hindi na 'yon pinansin ni Alexius, sa halip ay ipinagpatuloy niya na lang ang paglalakad. Inabot sa kanya ng guard ang susi ng sasakyan niya, ito kasi ang nagmaneho ng sasakyan papunta sa harap ng building, pinagbuksan siya nito ng pinto. Alexius thanked him: the guard. Saglit na nagulat ang gwardya ngunit agad din itong ngumiti.

Walang bodyguard na nakasunod sa kanya dahil inatasan niya ang mga ito na si Eris ang bantayan nila sa halip na siya. Alexius can protect hiself, si Eris ang kailangan niyang protektahan. Mabilis ang pagpapatakbo niya sa sasakyan papunta sa mansyon. Kailangan niyang maka-usap ang Mama tungkol sa sumpa. Kailangan niyang malaman kung ano ang maaari niyang gawin para tuluyan ng mawala ang sumpa. Mahigit kalahating oras ang tinagal ng byahe niya dahil sa rush hour. Agad siyang bumaba nang makarating sa mansyon. Ibinigay niya ang susi ng sasakyan sa gwardya bago tuloy-tuloy na maglakad papasok. Sinalubong siya ng mga katulong. Nagbigay galang ang mga ito na sinuklian naman niya ng pagtango.

"Where's Mama?" Tanong niya. Iginala niya ang tingin.

"Nasa backyard ho, sir."

"Thanks." Malalaking hakbang ang ginawa niya papunta sa backyard. Hindi na siya nahirapang hanapin ang kinaroroonan ni Mama. Bumungad sa kanya si Mama na kasalukuyang naka-upo sa bermuda grass. Pinagmamasdan nito ang mga halaman at bulaklak na nakatanim doon. Lumapit siya rito.

Magsasalita na sana siya nang unahan siya nito.

"Mabuti na lang at naisipan mo na akong dalawin." Aniya ng matanda. Pang-aasar nito sa apo bago tumayo. "Proud ako sa 'yo, apo. Nagawa mong humingi ng tawad sa harap ng maraming tao: sa mga taong nagawan mo ng masama, sa mga nasaktan mo." Aniya bago guluhin ang buhok. "Napaamo ka na talaha ni Eris." Dagdag nito.

"Mama… I'm still cursed."

Kumunot ang noo nito sa sinabi niya. Iginaya niya ang apo papunta sa lamesang nasa gitna ng hardin. Umupo sila doon at ipinagpatuloy ang pag-uusap. Nakikitaan niya ng takot at pag-aalala ang mukha ni Alexius, na matagal na niyang hindi nakikita mula noong…

"Anong ibig mong sabihin? Pinatawad ka na ni Aron, apo kaya paano mo nasabi 'yan?"

"Bigla akong bumalik sa pagiging si baby Leo, Mama. Umakto ako ng parang bata sa harapan ni Eris. Kung hindi lang ako nailayo kaagad ni Kiro, baka sa malamang ay nasaksihan na ni Eris ang pag-iiba ko ng anyo." Desperado nitong aniya. Ilang beses pang napahilamos sa sarili si Alexius.

"Kailangan ng mawala ng sumpa Mama dahil may nararamdaman akong hindi maganda nitong mga nakaraang araw. It feels like someone's watching me— no, si Eris. Paano kung bumalik ako bigla sa pagiging bata? How can I protect her? Anong magagawa ng maliit na bata para protektahan siya? Hindi ko na hahayaan na maulit ang nangyari dati, ang madamay siya nang dahil sa akin, nang masaktan siya nang dahil sa akin. Kaya kinakailangan ko ng maalis ng tuluyan ang sumpa, Mama." Sa oras na ito ay nabalot na ng takot ang puso niya. Matagal ding hindi nakaramdam ng takot si Alexius, bukod sa nangyari noon kay Eris. Sa tuwing si Eris ang sangkot at grabe ang takot na nararamdaman niya.

Itinatak niya sa puso't isipan niya noon na hinding hindi na siya matatakot sa kahit na sino, na siya na ang kakatakutan ng mga ito. Pero eto siya't unti-unti ng nilalamon ng takot.

Hindi nakasagot si Mama sa sinabi niya. Hindi din niya maiwasan na hindi maawa sa apo. Nakikitaan ng pinaghalong takot at kaba ang mga mata nito, katulad ng emosyong palaging nakikita niya sa apo noon, nang nandito pa ang kanilang ama: ang anak niya.

Naging malalim ang pag-iisip nito. Paano nangyari 'yon? Sigurado siya na wala na ang sumpa dahil pinatawad na ito ni Aron. Kaya ba biglang nagpatawag ng media ang apo niya at biglaang humingi ng tawad sa mga taong nasaktan niya? Dahil ba 'yon sa bigla nitong pag-iiba ng anyo? May gusto nanaman bang gumanti rito kaya takot na takot ang apo niya na madamay si Eris? Ano naman ang dahilan para hindi mawala ang sumpa? Hindi kaya't may tao na sobra ang galit na nararamdaman sa apo niya? Hindi kaya— napatigil siya sa pag-iisip. Nag-aalala niyang ibinalik ang tingin sa apo na kasalukuyang nakapikit at hinihilot ang sentido. Paano kung tama nga ang naisip niya? Paano kung ang taong 'yon ang dahilan para hindi mawala ang sumpa? Pero bakit pati si Alexius: ang apo niya ay nadamay pa?

"Leonardo, Apo. Umuwi ka na muna at magpahinga." Aniya bago iwan ang apo. Ilang beses pa siyang tinawag ni Alexius ngunit hindi niya ito pinansin. Dire-diretso siyang pumanhik sa ikalawang palapag ng mansyon kung nasaan ang silid niya. Hindi niya maiwasang hindi tinginan ang mga litratong nakasabit sa pader ng pasilyo. Ang mga baby pictures ni Alexius at ng nakakatanda nitong kapatid, ang litrato na nakita ni Eris noon, ang litrato ni Leona habang kalong kalong ang anak nito na kamukhang kamukha ni Alexius noong bata pa. Napahinto siya nang makita ang huling litrato. Hindi na makita kung sino ang nasa litrato na 'yon dahil sa makapal na alikabot na bumabalot rito, Hindi 'yon pinapalinis ni Alexius dahil ayaw na ayaw niyang makita ang litrato na 'yon. Lumapit siya rito at walang anu-ano'y hinaplos ang litrato. Dumikit sa kanyang kamay at daliri ang mga alikabok. Nabalot ng lungkot ang puso niya nang makita ang mukha nito.

"Anak, bumalik ka na. Kailangan ka ng anak mo, kailangan ka ni Leonardo." Umiiyak niyang saad.

It's his son, Leon Alezandro Rivelio. Ang rason kung bakit naging masama at mapanakit na tao ang apo niyang si Leonardo.

"Bumalik ka na."


Hindi nila alam na nang mag-usap sila ni Alexius ay ang siya rin palang pagdating ni Mina sa mansyon. Pinuntahan nito si Mama para sana magmano ngunit sa halip na gawin 'yon ay napako lang siya sa kinatatayuan niya. Napahawak siya sa baby bump niya. When she heard everything, she went numb for a second. May hindi magandang mangyayari, iyan ang narinig niya kay Alexius. Nanatili siyang nakasandal sa gilid ng pinto palabas sa backyard. Mula rito ay rinig na rinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa, ang natatakot na boses ni Alexius, natatakot ito na madamay si Eris.

Madadamay si Eris. Kailangan na niyang makausap si Eris. Hindi na kakayanin na madamay ito sa gulo ng mga Rivelio, sa gulo ni Alexius.







Eris Mesina

Nakangiting inilapag ni Eris ang cellphone sa coffee table. Tumalon sa saya at nagtitili na tila ba siya na ang pinakamasayang tao sa mga oras na 'to. Natanggap na siya sa trabaho. Sa wakas! Sa monday ang simula ng pasok niya, tatlong araw mula ngayon. Excited na excited siya na pumasok, kung pwede nga lang ay bukas na kaagad siya papasok. Ibinagsak niya ang sarili sa sofa. Kinuha ang throw pillow atsaka ito niyakap ng mahigpit. Hindi na siya sisideline sa paglalaba. Matagal din siyang hindi nakapagtrabaho sa career na gusto niya dahil nga sa nangyari sa tita niya.

Nasa kalagitnaan siya ng pagsasaya nang mahagip ng balita ang atensyon niya. Ito ang conferrence ni Alexius kahapon. Laman pa rin ng balita ang nangyari kahapon, hindi niya alam kung bakit nagpatawag pa ng media si Alexius para gawin 'yon. Nakatayo ito sa harap ng mga empleyado nito at nakatingin sa camera na nakatutok dito. He's wearing a white sleeves na pinatungan ng kulay itim na coat. His quif hair makes him more attractive. Ang sapato na kumikinang sa tuwing natatamaan ng mga pag-flash ng camera. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Eris na nagawa 'yon ni Alexius: ang humingi ng tawad  sa harap ng maraming tao. Nakilala at kilala kasi si Alexius dahil sa angking kasamaan nito. He's entitled as the cruel business tycoon in this generation. He's also a saddist. Palagi itong nasasangkot sa gulo, palaging laman ng medya dahil sa kalupitan hindi lang sa trabaho pati na s mga taong nakakasalamuha nito. Sisirain niya ang buhay ng isang tao at sasaktan niya ito gamit ang masasakit na salita. Iyan ang pagkakakilala nila kay Alexius.

Nagbago naman na ito, hindi na ito ang katulad ng dating Alexius. Naisip ni Eris na siguro ay gusto na nitong malinis ang pangalan niya, na gusto na nitong maayos ang mga gulong ginawa niya noon, na mapatawad na ng mga nasaktan niya. Sumilay ang ngiti sa labi ni Eris. Masaya siya sa ginawa ng kasintahan: ni Alexius.

Napatigil saglit si Eris. Maybe she can give Alexius a chance. Iyong wala ng buwan buwan na palugit. Maybe it's time for them to work this relationship, for real. No more 4 months rule.

Kinuha muli ni Eris ang cellphone para sana tawagan si Alexius. Gusto niya itong makita at makausap hindi para gisahin ng tanong kung ano ba ang nangyari rito at naging ganon ang inakto nito. Kailangan niyang sabihin dito ang naging pasya. Matagal ding pinigilan ni Eris ang kakaibang nararamdaman sa puso. Mula pa lang nang makita niya ng harap harapan si Alexius ay naramdaman niya na iyon. Paulit ulit niya 'tong itinanggi at itinatak sa isip na hindi maganda ang nararamdaman niya mula rito. Natatakot kasi siya na baka masaktan lang siya ni Alexius, dahil doon naman ito magaling, ang manakit. But he changed, he's no longer the monster who loves hurting people.

Huminga siya ng malalim bago buksan ang cellphone. Nang makita niya sa contacts ang pangalan nito ay agad ng dumagundong ang puso niya. She likes Alexius, no doubt.

Tatawagan niya na sana ito nang biglang tumunog ang phone niya. Rumehistro rito ang pangalan ni Mina. Matagal niya rin itong hindi naka-usap mula nang hindi niya ito siputin. May biglaang date kasi sa ni Alexius noon at nawala sa isipan niya na may usapan nga pala sila ni Mina. Mula noon ay hindi na 'to tumawag pa, ni hindi rin ito nag reply sa mga text messages niya. Emosyonal pa naman ang mga buntis kaya sigurado si Eris na dinamdam nito ang hindi niya pagsipot.

Agad niya itong sinagot. "Kamusta, Mina?"

[Kailangan nating mag-usap, Eris. Guilt's starting to eat my whole being, hindi ko na kayang itago ang paglilihim sa 'yo ni Leonardo.] Nanginginig ang boses nito. Nagsimulang mag-alala si Eris kay Mina. Bakit itong nanginginig? Bakit ba tila takot na takot ito?

[Nanahimik ako noon at hindi ka na ginulo pa pero sa narinig ko kanina, natatakot na ako para sa 'yo Eris. Lumaki akong malapit sa mga Rivelio, I know how eager their enemies are to take their revenge towards the Rivelios, lalo na kay Alexius.]

Sinubukan niyang pakalmahin si Mina ngunit nabigo siya. Mina kept on insisting na dapat ay magkita na sila ngayon ngunit sinabi ni Eris na magpahinga na muna ito at lumayo sa stress, sa oras na stress free na ito ay siya na mismo ang pupunta sa condominuim nila ni Kiro bago ibaba ang tawag.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang huminga sa sofa. Nakalimutan na rin niyang tawagan si Alexius. Ang kaninang saya na nararamdaman niya ay napalitan na ng pag-aalala kay Mina. Napatulala siya sa kisame. Ano ang gustong sabihin ni Mina? Ano ang inililihim ni Alexius sa kanya? Ano ang kailangan niyang malaman?

Inis na tinakpan ni Eris ng unan ang mukha niya bago sumigaw.





Sa kabilang dako.

May kadiliman ang silid na kinaroroonan nila ngayon.  He was standing infront of his father's desk; infront of his father. Nakapatong ang baba ng kanyang ama sa magkasiklop nitong mga kamay. He can't see his father's face but he knows that an villanious smile was printed in his fathers mouth, his eyes that shows anger and happiness at the same time, because finally, makakaganti na ang ama niya sa taong sumira sa buhay nila.

He's going back, the man who ruined their life.

"Luke, let's start the plan as soon as he arrives." His father said.

Nakatungo namang sumagot si Luke. Yes, it's Luke Gonzaga and he's back.

"Yes, dad. Kanina ba ako magsisimula? Sa kanya o sa anak niyang si Leonardo?"

Ngumisi ang ama niya. Sumandal ito atsaka siya tinapunan ng tingin na tila ba naaaliw ito. May kinuha itong medium sized na brown envelope atsaka inilabas ang laman nito. It's a pictures. Hindi alam ni Luke kung ano at kung sino ang nasa litrato. Pinakatitigan pa nito ang mga larawan bago ilapag sa lamesa, ngayon ay isa na lang ang hawak nito. Pinaglaruan nito ang litrato sa kamay.

"Simulan mo sa anak niya. Siguraduhin mong masisira mo ng tuluyan ang buhay nito sa puntong mababaliw 'to." He laughed.

Nahihibang na tawa ang bumalot sa buong silid. Luke remained silent, nakababa lang ang tingin nito sa sahig. Nang iangat niya ang tingin ay doon niya nakita ang nahihibang nitong mga ngiti.

"Alam ko kung paano masisira ang buhay ni Alexius." He paused. Tiningnan niya ang ama, mata sa mata.

"By hurting his elder sister." Dagdag niya ngunit tinawanan lang ulit siya ng ama.

"You're wrong my son." Inangat nito ang hawak na litrato at unti-unting hinarap sa kanya. Luke eyes grew wider when he saw who's on the picture. Hindi namalayan ni Luke na naiyukom na pala niya ang kamay. Itinago niya 'yon sa kanyang likuran para hindi makita ng kanyang ama.

The person who's the picture is, Eris. It's a stolen shot of her. Nakangiti ito habang may kausap na matanda, nakita na niya ang matandang 'yon noong nang dalawin niya si Eris at nang malaman niya na may koneksyon na ito kay Alexius. Nang puntahan niya ito bago siya umalis para puntahan ang ama nitong nagtatago sa ibang bansa.

"Use this woman to hurt Leon's son; Alexius. Steal her, hurt her, do everything and anything to make Alexius' life miserable, dahil sa oras na mabigo ko ay ako na mismo ang gagawa ng bagay na hindi mo kinayang gawin." Ang ngiti sa labi nito ay unti-unting nawala.

Humigpit lalo ang pagkakayukom ng kamay niya. Nararamdaman niya na rin na bumabakat na ang mga ugat sa kamay niya sa sobrang higpit ng pagkakayukom nito. Mariin niyang ipinikit ang mata. He nodded his head as an answer. He had no choice. Kaibigan o hindi, kinakailangan niyang gawin ang plano. Gagawin niya ang lahat para maipaghiganti ang pamilya nila. Para makaganti sa taong sumira sa buhay nila; kay Leon, ang ama ni Alexius.

"Yes dad."

"You can leave now."


Kung ang paraan lang para masaktan ang anak ng Leon na 'yon ay ang gamitin ang kaibigan niya, gagawin niya. Alam niyang mangyayari at mangyayari ito, simula pa lang nang malaman niya ang koneksyong namamagitan kay Eris at kay Alexius. And now, he'll use Eris to hurt Leon's son, Leonardo Alexius Rivelio.


  • (4 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019