Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



He is Leonardo Alexius Rivelio, and he is The Billionaire Baby.

KABANATA XXIX

ERIS MESINA

Buhat-buhat ko si baby Leo, hindi kasi siya makatulog ng maayos kaya eto hinehele ko siya. Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang nakatulala naman siya sa akin. Tahimik lang siya habang pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko. Medyo mainit pa rin siya kaya hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko.

"Tulog ka na baby Leo."

Umiling siya. "Ayaw to pa."

"Bakit naman?"

"I'm scared of nightmares."

"Ano bang napanaginipan mo?" Napahinto siya sa paglalaro sa buhok ko. Bigla rin naging blangko ang mukha niya

"A monster. I dreamed about the monster who ruined my life."

hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni baby Leo. Binuhat ko siya ng maayos atsaka pinugpog ng halik sa pisngi. Kiniliti ko rin siya sa leeg na siyang ikinahagikhik niya. Ayan! hindi na siya nakabusangot, nakangiti na ulit siya. 

"Hindi ka na cute kapag ganyan ka palagi."

"I'm stwil cute and hwandsom."

Nakangiti akong tumango. "Opo, kaya matulog ka na."

"I want to play!" Itinaas niya ang dalawang kamay.

"Pero may sakit ka--- "

"Ay dwont care! I want to pway!"

Natatawa na lang akong umiling. Wala akong nagawa kundi ang tumango at ibaba siya. Nagulat na lang ako nang bigla siyang kumaripas ng takbo. Sa tingin ko habulan ang lalaruin namin ngayon. Kinuha ko yung kumot at ipinangtaklob ito sa ulo ko.

"Andito na ang mumu baby Leo! awooo!"  Humagikhik siya. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Salamat naman at hindi na siya malungkot.

Umabot pa ng mahigit kalahating oras bago ko siya mapatulog. Natagalan din kasi kami sa paglalaro ng habulan at taguan. Parang wala nga siyang sakit eh. Mag a-ala una na ng madaling araw kaya nakakaramdam na rin ako ng antok. Ilalapag ko na sana siya sa higaan pero ayaw niyang bumitaw sa akin kaya humiga na rin ako. Pinagmasdan ko ang mukha ni baby Leo.

Tama si Luke. Kamukha talaga ni Alexius si baby Leo. Mariin kong ipinikit ang mata ko. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ang ng mga sinabi ni Luke. Una, Alexius and Luke used to be friends back then. I'm still wondering why did they end their friendship. Sobrang himbing na ng tulog niya at sobrang higpit rin ng pagkakayakap niya sa akin na tila ba ay niya na umalis ako sa tabi niya.

Hinawi ko yung ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. Pinagpapawisan pa rin siya ng malamig at sobrang init pa rin niya. Kanina habang nananaginip siya ay hindi ko maiwasang hindi maawa. Gusto kong batukan yung mga magulang ni baby Leo. Naaawa ako kay baby Leo.

Akmang aalisin ko sana ang kamay ni baby Leo na nakayakap sa akin pero mas lalo niya lang hinigpitan yung pagkakayakap sa akin. Kapag gumaling na siya ay dadalaw kami kay Mama para naman mabawasan 'yung lungkot na nararamdaman ni baby Leo.

I hugged him. "Pag-gising mo, wala na ang lagnat mo kasi makukuha na ni ate Eris hahaha." Hinalikan ko siya sa noo atsaka pumikit. Hinayaan ko na lamunin ako ng antok.


Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng bigat. Na para bang may kung ano na nakadagan sa akin at sa hita ko. Hinawakan ko yung mabigat na 'yon, Nakatulog nanaman ba si baby Leo sa ibabaw ko? Hinaplos ko 'yong likod ni baby Leo. Ngunit kaagad din akong na pahinto nang may maramdaman akong kakaiba. B-bakit p-parang l-lumapad 'yong likod ni b-baby Leo? At b-bakit sobrang bigat n-niya?

Agad kong idinilat ang mata ko. Sinubukan kong tingnan kung sino ang nakadagan sa akin pero masyadong madilim. Pilit kong inabot 'yong lamp, naka-ilang subok pa ako hanggang sa tuluyan ko na nga itong mabuksan. Kasabay ng pag-liwanag ng paligid ay ang siyang panlalaki ng mata ko.  Nanlamig ang buong katawan ko sa aking nakita. Sino 'to?! Akyat bahay?!

Binundol ako ng kaba at takot. Sino ang lalaking 'to?! Kaagad kong hinanap 'yong selpon ko pero hindi ko ito nakita. Pulis! Kailangan kong humingi ng tulong! May akyat bahay! Nanginginig ang katawan ko sa sobrang takot. Mabilis din ang pag-tibok ng puso ko. 

"M-manang! Joshua! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko.

Nakagat ko ang ibaba kong labi nang bigla itong gumalaw. Bumilis lalo ang pagtibok ng puso ko. Natatakot ako! Nangilid ang luha ko nang maramdaman ko ang pagpulupot ng kamay nito sa bewang ko, do'n ko naibaling ang tingin ko sa mukha ng lalaki.

Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang mukha nito. Ilang beses din akong kumurap dahil baka namamalikmata lang ako. A-anong?!

H-hindi si baby Leo ang n-nakadagan sa akin, kundi si...

"AHHH!"

Buong lakas kong itinulak si Alexius sa ibabaw ko. Mas lalong lumakas ang sigaw ko nang makita ko ang hubad nitong katawan.

"The hell?" Nanlaki ang mata ko nang tumayo siya.

"AHHH!" tinakpan ko ang mata ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Anong ginagawa niya dito?! Bakit nakahubad siya?! Bakit nakapatong siya sa akin?! At inawa pa niyang unan ang d-d-dibdib ko?!

Kinuha ko yung unan at pinaghahampas ito kay Alexius na nakatayo sa tabi ng higaan ko. Napapikit ulit ako ng makita ko 'yong a-ano niya. AHHH! Bakit! Bakit parang dragon?! Jusko!

"ANONG GINAGAWA MO RITO?! RAPE! RAPE! TULONG!" Binato ko sa katawan niya yung kumot.

Tiningnan ko si Alexius pero sinigurado kong hindi ko makikita 'yong ano Dragon niya!

Nanlalaki ang mga mata niya at namumutla siya. Onting-onti na lang din at malalaglag na ang panga niya.

"ANONG GINAGAWA MO RITO ALEXIUS!? SAGUTIN MO AKO!" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang takpan niya an bibig ko.

Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako. Sobrang lapit ng katawan namin sa isa't-isa a-at may nararamdaman akong matigas na bagay!

"Shit! shit! shit! Calm down!"

CALM DOWN?!

Pinaghahampas ko siya pero ayaw niya talaga akong bitawan. Inipon ko ang lakas ko at kaagad na sinipa ang little will— ang Dragon niya. Nabitawan niya ako at namilipit sa sakit.

Tatakbo sana ako palabas ng kwarto ng biglang nanlabo ang paningin ko. Nanlambot ang tuhod ko na s'yang naging dahilan para matumba ako. Kasabay ng pagbagsak ko ay ang pagpikit ng mata ko.

"Eris! Shit! Bakit ngayon pa?!"

Iyan ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019