Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Ang misyon ni Nadine ay gawing masama ang isang taong mabait, para siya'y makapunta sa impyerno at makausap ang kanyang Papa. Subalit magbabago ang lahat nang matutunan nyang magmahal at magsakripisyo

"Papa! Papa!" Hagulhol ni Nadine habang yakap-yakap niya ang amang bigla na lang binaril ng isang lalaking nakamotor.

Kumakain sila ng fishball ng Papa niya kanina. At ang saya nila dahil ngayon lang ito ulit umuwi simula noong umalis upang magtrabaho sa malayo. Nagpapadala na lang ito ng pera noon sa kanila ng Lola niya. Namatay raw kasi ng maaga ang Mama niya kaya Lola niya na ang nagbabantay sa kanya kapag wala ang Papa niya. At para mabuhay silang mag-Lola ay umaalis ang Papa niya para magtrabaho raw, pero 'di niya alam kung anong trabaho nito. Kapag tinatanong niya naman ay iniiba ng Papa niya ang usapan nila.

At ngayon heto, patay na ang kanyang Papa dahil sa walang awang lalaking naka-motor na iyon.

For her napakabait ng Papa niya. Ngunit dito sa libing ng kanyang Papa ngayon ay marami siyang bulong-bulongan na narinig. Na masama raw ang Papa niya, na mamatay tao raw ito! Na druglord daw ito! Na rapist daw! At ang pinakamalala ay wanted daw ito sa iba't ibang lugar kaya nagtatago!

"Buti na lang nawala na siya para matapos na ang kasamaan niya sa mundo!"

"Ay oo! Siguro tinira rin 'yan ng mga kasama niyang drug addict!"

"Sa impyerno sigurado ang bagsak niyan!"

"Na-tokhang din sa wakas! "

Halos madurog ang puso niya sa mga naririnig niyang usap-usapan. Minsan napipika siya at pinapatulan niya ang mga ito.

"Kung wala kayong magandang sasabihin! Pwede huwag na kayong magpunta rito! Respeto naman sa patay!" Iyak niyang bulyaw sa mga ito. Pero dahil sa Lola niya ay tinitiis na lang niya minsan ang inis at pinapapabayaan na lang ang mga taong mapanghusga.

Hindi kasi siya naniniwala na masamang tao ang Papa niya. Sapagkat ni minsan hindi niya iyon nakita sa ama. Para sa kanya ay sobrang bait ng Papa niya kahit pa matagal itong nawawala. Naiintindihan naman kasi niya na umaalis ang Papa niya dahil kailangan nitong magtrabaho sa malayo. Pero never silang pinabayaan nito. Kaya imposible ang mga sinasabi nila! She didn't believe it!

"Lola, bakit gano'n? Bakit ang papangit ng mga sinasabi ng mga tao kay Papa?" Iyak siya ulit na yumakap sa Lola niya. Kalilibing lang ng Papa niya at may mga dumating na mga pulis para kumpermahing si Sergio Lustre nga ba ang namatay na wanted daw sa Vigan dahil sa kasong pagpatay noong nakaraang taon daw at pag-holdap ng isang sanglaan.

"Apo, hindi ko rin alam dahil wala namang sinasabi ang Papa mo sa'kin tungkol sa trabaho niya." Pati man ang Lola niya ay nagulat sa mga sinabi ng pulis.

Nanlumo siya. Gulong-gulo ang isip niya. Gusto niya sanang bigyang hustisya ang pagkamatay ng ama pero hindi raw siya matutulungan ng kahit na sino man dahil salot daw sa lipunan ang kanyang Papa at tama lang na mamatay na raw ito.

"Papa, ang daya mo naman, eh! Alam mo ba na ang dami kong tanong sa'yo ngayon? Paano mo ako masasagot niyan, eh, wala ka na?" Kinakausap niya ang kanyang Papa sa larawan. 'Yung larawan ng Papa niya na nakapatong noon sa kabaong. "Is it true that you're a criminal? Ayaw kong maniwala, Papa, eh! Hindi ako maniniwala hangga't hindi ikaw ang nagsasabi sa'kin na masama ka ngang tao!" Niyakap niya ang larawan ng Papa niya sa dibdib niya at muling nag-iiyak. "I want to know the truth, Papa! Gusto kong ipamukha sa mga tao na hindi ka masamang tao!"

"Nadine?!" Bungad ni Tayama Danioan na best friend niya. Agad siya nitong niyakap nang makitang umiiyak na naman siya ng labis-labis. "Tahan na."

"Taya, gusto kong makausap ang Papa ko! Ang dami kong itatanong sa kanya!" Iyak niya sa bisig ng best friend niya. Pasalamat niya at laging narito ito sa tabi niya. Ang laking tulong ni Taya sa kanya. Hindi lang sa emosyonal kundi pati na sa pinansyal na aspeto na kinakaharap niya ngayon na mga problema. May kaya kasi sa buhay sina Taya, anak mayaman siya. Pero syempre hindi 'yon ang dahilan bakit niya ito kinaibigan. Basta, bigla na lang silang naging mag-best friend.

"I understand you, Nadine. But how? Wala na ang Papa mo." Hinagud-hagod ni Taya ang likod niya.

"Sa tingin mo, Taya? Nasa impyerno nga kaya si Papa?" Mayamaya ay seryoso niyang tanong sa kaibigan.

Taya bit her lower lip. "I don't know. Pero kung totoong masamang tao siya, eh, malamang nandoon nga siya. Alangan namang sa langit siya napunta kung an'dami niyang ginawang kasamaan tulad ng sinasabi ng mga tao, right?"

"G*go rin 'yung Tatay ko, noh?! Nagsinungaling siya sa'kin! Akala ko pa naman matino siyang ama! He's a big fat liar! I hate him!"

"Nadine, huwag natin siyang husgaan agad. We don't know his reason why he did those things, kung totoo mang nagawa niya."

"Yeah! You're right, Taya. Kaya dapat talaga ay magka-usap kami."

Taya's brows narrowed. "How? Paano mo magagawa naman 'yon?"

Napaisip siya. Paano nga ba?

Nakitulong na rin si Taya sa pag-iisip. At ang naisip nila ay ang dumulog sila ng tulong sa isang espiritista.

"Anong pangalan ng Papa mo?" tanong sa kanya ng isang matandang nakakatakot ang hitsura. Para itong si Pepe Smith sa kapayatan. Buto’t balat na.

"Sergio po?" Nakangiwing sagot niya. Parang duda na kasi siya sa kakayahan ng matanda. Mukhang adik pa ito keysa sa Papa niya, eh. Tss.

"Sigurado ka bang espiritista siya?" Pasimpleng siko niya kay Taya. Si Taya kasi ang nagturo sa espiritista kung saan nasa'n sila ngayon.

"Magaling daw siya sabi ni Tita. Magtiwala na lang tayo," pabulong at hindi siguradong sagot naman ni Taya sa kanya.

"Tahimik!" Saway sa kanila ng matanda na nakapikit at tinatawag na yata ang kaluluwa ng Papa niya. "Sergio! Sergio! Tinatawag kita! Tinatawag kita!"

Nakangiwing nanahimik na nga silang magkaibigan. At parang kinukumbulsyon na ang matanda sa tingin nila dahil titirik ang mga nitong kulay puti lang ang nakikita at kikisay-kisay rin ang katawan nitong payat.

"Hindi kaya, sila ang magkikita ni Papa niyan? Parang matitigok na rin siya, eh?" Hindi na naman siya nakatiis na siko niya kay Taya.

"Ssshhh!" Saway sa kanya ng kaibigan.

"Sergio, nandito ka na ba?!" mayamaya ay wika ng matanda.

Kahit pa'no ay kinilabutan siya dahil parang lumamig ang paligid nila.

"Sergio, narito ang anak mo at marami raw siyang gustong itanong sa'yo!"

Lalong lumamig ang paligid, humangin na rin. Kinabahan na sila ni Taya. Naghawakan sila ng kamay. Kahit naman kasi Papa niya ang multo ngayon ay nakakatakot pa rin. Yay!

At okay na sana ang lahat, naniniwala na sana sila sa espiritista nang bigla lang kasing natumba ang isang lalaking may hawak ng air cooler at electric fan na nagtatago sa isang kurtina. What the hell?!

"Shete! Kaya pala malamig!" Napamurang saad niya. Kulang na lang ay sipain niya ang lalaking iyon. Ito ang mga isusunod niya sa Papa niya, eh! Mga manloloko ng tao!

Pahiyang-pahiya sa kanila ang matandang peke pa lang espiritista. Sorry nang sorry ang matanda kaya pinatawad na nila ito sa panloloko sa kanila.

"I told you! Peke ang mga gano'n!" Pwede nang matalian ang mga bibig niya sa haba nang pagkakanguso niya. Ang sama rin ng tingin niya kay Taya.

Pauwi na silang magkaibigan.

"Malay ko bang peke pala 'yon. Sabi kasi ng mga Tita ko magaling 'yon, eh," katwiran naman ni Taya na kakamut-kamot ng ulo.

"Aisst! Paano na?! Paano ko na makakausap ang Papa ko?" Namoblema ulit siya. Hanggang ngayon kasi ay madami pa rin siyang naririnig na masamang sinasabi ng mga tao tungkol sa Papa niya, at nasasaktan na talaga siya. At least 'pag aaminin ang Papa niya sa kanya na masama talagang tao ito ay hindi na siguro masyadong masakit ang mga iyon para sa kanya.

"Eh, bakit ba kasi kailangan mo pa siyang makausap? Nakita mo naman ang mga record niya sa mga pulis."

"Hindi pa rin sapat 'yon sa'kin. Malay mo senet-up lang ang Papa ko. May mga ganoon naman, 'di ba? 'Yung mga mababait na tao pa ang napagkakamalan nilang masamang tao."

Napalabi si Taya. "Sabagay," then sang-ayon nito sa kanya after a while.

Naglalakad sila na nag-iisip nang makarating sila sa isang tulay. Napansin nilang madaming tao. 'Yun pala ay isang babae ang gustong magpakamatay.

"Hoy, iha! Maghunos dili ka!" sigaw ng isang babae.

Nanood lang silang magkaibigan.

"Ay, Diyos ko! Sa impyerno ang bagsak mo riyan!" sigaw naman ng isang matanda na siyang nagpakunot-noo sa kanya. Napatingin siya sa matandang iyon pagkuwa'y napangisi siya. Tila ba'y umilaw na bombilya sa taas ng ulo niya.

Sa tingin niya ay may solusyon na siya sa problema niya. Makakaharap na niya ang ama niya sa impyerno at matatanong na niya ito........


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019