Almost A Love Story

Image Description hollowyenn   |   14 January 2019


Pinagtagpo pero hindi itinadhana. ONE SHOT STORIES




Lahat po ng nakasulat o mga nabanggit pangyayari o tao ay pawang kathang isip lamang. Kung may pagkakahawig man ito po ay hindi sinasadya. Lahat po ay kathang isip lamang so wala pong nagiexist sa totoong buhay. Kung meron man iyon po ay isang malaking nagkataon lang.





Salamat po...







hollowyen







¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤








Naranasan nyo na bang magmahal? Syempre oo diba lahat naman ng klase ng pagmamahal meron tayo. Pahalagahan mo nga lang yung isang bagay or hayop or even lugar it can called love. Lahat tayo nagmamahal ng hindi sinasadya. O nagmamahal tayo pero para sa sarili lamang natin. At merong pagmamahal na kahit masakit nagmamahal ka parin. Pero merong pagmamahal na hindi mo naiparamdam pero hindi mo makalimutan yung pagmamahal na minsan lang pero panghabang buhay.






"Hoy Aira ano na namang ginagawa mo dyan sa taas?"-sigaw ng best friend ko. Sya po ang nag-iisang kaibigang nagtatyaga sakin.






"Syempre nagmomomentum  ano paba? Tsaka pwede ba Arci tigilan mo ako umuwi kana nga."-irap ko dito habang nakadungaw sa bintana.






Yup-yup may bintana kasi andito ako sa tree house ko. Gift to sakin ng Daddy ko noong nag7th birthday ako ngayon im 22 yrs.old pinalaki na sya ni Daddy syempre dina ako kasya sa laki kung ito.






"Asuss for sure miss na miss muna ako hindi kaya tayo nagkita kahapon. Ei sabi nila Yaya Maring hinahanap mo daw ako ei."-mayabang nyang sabi habang nakacross ang mga kamay na nakasandal sa may baba ng tree house ko.






"Hoy Arcenio wag kang assuming ah! Porket hinahanap ka miss kana agad? Hindi pwede magpapagawa lang ako ng drawing ko. Umuwi kana nga.."-inis kung sigaw ko dito pero lalong bumungisngis ang tukmol. Hindi kasi ako biniyayaan ni lord ng galing sa arts puro ganda lang chozz..






"Arci hindi Arcenio... Hindi naman ako yung tinatawag mo ei bantot kaya nun!"






"Hoy Arcenio umuwi hinahanap kana ng Mommy mo. Lintik kang bata ka hapon na nanliligaw ka pa."-sigaw sa kanya ni Yaya Maring kaya napatawa nalang ako habang napapailing syang kumakamot ng ulo.





"Yaya naman ei... Arci nga po ei sabing wag ipagsigawan yang pangalan na yan ei."





"Oh diba sabi sayo si Arcenio ka ei..."-nakangisi kung sabi sa kanya.






"Naku tung batang ito pumasok kana. Hindi ka sasagutin ni Aira kung ganyan ka."-sabi ni Yaya Maring dito habang pumapasok sila sa loob ng bahay nila.




Napapangiti nalang akong iling sa kanila paano kasi ayaw nyang binabanggit ang tunay nyang pangalan pangmatanda daw. Totoo naman kasi sinunod daw kasi sa pangalan ng Lolo nya kaya ganon. Nahiga muna ako sa doon habang nagmumuni-muni. Ilang araw nalang aalis na ako dito ipapadala na ako nila mommy sa states. Sana magkaroon naman ako ng magandang memory dito yung diko makakalimutan.







"Iha nagbabad kana naman sa tree house mo dalaga kana tigilan mo na yan."-sita ni Mommy ng makapasok ako sa kusina. Busy kasi sila birthday kasi  ni Kuya ngayon kaya may konting handaan.







"Ma naman doon na nga lang ako tumatambay ayaw mo pa? Sige pupunta nalang ako kila Janine doon nalang ako tatambay o kaya maglipat narin kaya ako ma?"-nakangisi kung tanong habang nilalantakan yung shanghai na nasa lamesa.





"Eh kung isupalpal ko sa bunganga mo tong hawak kung cabagge ng sumagot ka ng maayos?"-pakita nya sakin ng gulay na hawak nya.






"Hehe.. Love you ma akyat na po ako."-yakap ko sa kanya sabay labas agad sa kusina. Ayaw kasi nyang ginugulo sya pagnagluluto sila.





"Mahal na mahal ka din namin anak. Sana wag mong kalilimutan yan balang araw."-habol nyang yakap sakin bago ako makalabas doon. Isang ngiti nalang ang isinukli ko sa kanya. Pagod na pagod na kasi ako araw araw ganon ayoko man wala naman akong magagawa mahal ko sila at ayoko silang nasasaktan dahil sakin.







Pagkapasok ko palang ng kwarto tumunog agad ang cellphone ko. Hindi ko pa sana sasagutin kaso yung magaling kung kapit-bahay pala yun.







"Problema mo?"-sagot ko ng ilagay ko sa speaker ang phone ko at umupo sa study table para ituloy yung hindi ko natapos na assignment ko.







"Ikaw ang problema ko."-diretsa nyang sagot sakin.







"Pwede ba Arci wag ako ang istorbohin mo busy pa ako. Marami akong gagawin kasi kailangan kung mapasa lahat ng requirements ko-" tulak ko dito palayo. Lagi kasi akong ginugulo sa dami ng aayusin ko pa nauubosan na ako ng oras.





"Para mabilis kang makaalis papuntang states? Yung totoo atat na atat ka ng iwan kami?"-nawala bigla ang inis ko. Ang mga mata nyang nakakatutig sa akin na puno ng hinanakit at sakit hindi ko kayang tagalan.







"Oo kasi nagsasawa na ako dyan sa bunganga mo. Daig mo pa babae kung makaputak."-buska ko sa kanya pero isang mapait na ngiti ang gumihit sa labi ko. Dahil kabaliktaran ng sinabi ko ang gusto kung mangyari. Ang wag silang iwan at maging habang buhay silang nasa tabi ko.







Silence..






"Aira.."-mahina nyang tawag sakin sa kabilang linya.






"Hmmm..."-sagot ko habang tuloy parin ang scroll sa computer ko.






"Kapag ba umalis ka makakalimutan muna ako? Hindi mo narin ba ako maalala gaya dun sa sinabi sa mga librong nabasa ko?"-seryoso nyang tanong kaya napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sa phone ko.




Doon sa tanong na iyon parang biglang tumigil ang mundo ko. Namalayan ko nalang umiiyak na ako. Ayoko silang iwan pero kailangan. Ayoko silang kalimutan pero yun ang tinadhana. Sapat ng alam kung tanggap nila kung ano ang mangyayari pag-alis ko.



"Bat mo naman naisipang itanong yan? Nag-aadik ka na ba? Magsabi ka nga ng totoo hindi yung ganyan."-biro ko dito. Pero parang kinukurot ng pino ang puso ko kaya ayoko sa kanyang lumapit ei kasi alam kung magtatanong sya ng ganito. At mas lalo akong mahihirapang pakawalan sya kung ganyan sya sakin. Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha ko habang nakikinig sa mga reklamo nya.







"Kung makakalimutan mo ako pwede bang pangalan ko lang pero wag yung naging parte ako ng buhay mo. Baka kasi pag lahat nakalimutan mo mas lalong hindi kuna kakayanin yun."-lumayo ako sa telepono ng hindi ko mapigilang humikbi. Nasasaktan akong nasasaktan sya.






Diko alam pero mas lalo nalang bumagsak ang mga luhang kanina namumuo sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak pero nasasaktan ako sa mga salitang binibitawan nya. Parang hindi ako makahinga ng maayos dahil doon.





"Kapag ba nakalimutan kita hahanapin mo parin ako?"-balik kung tanong sa kanya habang hawak na ang cellphone ko.






Tumayo ako sa study table ko at pumunta sa kama naupo ako doon at tiningnan ang phone ko. Inalayo ko ng kaunti ang telepono ko dahil maririnig nya ang pag-iyak ko.






"Hindi mo ako pwedeng kalimutan. Gagawin ko ang lahat para hindi mo ako makalimutan."-sagot nya bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.






"Hihintayin kung hanapin mo ako. Wag kang basta mangangako ah kasi magaantay ako. Di man kita maalala ng mga oras na yun mag-aantay ako Arci."-diko mapigilan ang hindi mapahikbi dahil tuloy-tuloy ng dumadaloy ang mga luha sa pisngi ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ng dibdib ko.





Akala ko noon ayos lang uusad ang mga araw linggo o buwan na parang wala lsng ito para sakin. Pero ngayong nalalapit na yung araw na yun parang bigla bigla nararamdaman kuna yung bigat ng pakiramdam ko. Hindi pala ganoon kadaling may iiwan kang ala-ala sa iba. Kasi mahirap silang bitawan at kalimutan pero sa kaso ko baka makalimutan ko din sila balang araw.





Tumayo ako para pumunta sa bintana nakita ko syang nakatayo doon at nakatingin sa kwarto ko. Minsan mas masarap tingnan ang mga taong mahalaga sayo ng malayo ka. Kasi doon mo nakikita ang mga emosyong hindi nila kayang ipakita sayo ng kaharap ka. Doon mo sila makikitang sumasaya at nasasaktan mga emosyong kahit ikaw minsan takot kang makita sa mismong mga mata mo. Dahil alam mong sa sarili mo ganoong saya at sakit din ang nararamdaman mo.





"Pag nahanap kita dapat maganda ka parin ah! Yung maingay at mayabang kung kaibigan sana hindi mawala yun. Kasi pag nawala yun masasaktan ako (hikbi) masasaktan ako ng sobra."-naririnig ko nalang syang sumisinghot ulit. Pinipigilan nyang marinig ko syang umiyak pero nakikita ko syang nagpupunas ng luha.







Ganito ba talaga ang buhay? Sabi lagi kang may choices pero bakit ako parang wala? Bakit parang kami walang magawa? Kundi makiayon nalang sa ibinigay nyang pangyayari. Hindi yung bigla ka nalang bibigyan ng isang problema na hindi muna alam kung paano susolusyonan. Wala ka ng ibang gagawin kundi ang magantay kung ano nalang ang resulta o kalalabasan.







"Maging masaya ka araw-araw sulatan mo ako kung ano ang nangyayari sayo ah! Wag kang matakot ituloy ang buhay mo nandito lang ako lagi para sayo. Di man tayo magkasama nun pero lagi mong isipin na magiging masaya ako para sayo nun. Ikaw na nagiisa kung kaibigan ikaw na kaya akong patawanin,inisin at paiyakin kahit sa maliit na bagay lang."







"Balang araw makakaya ko ng humarap sayo ng hindi nadududuwag. Balang araw makakaya ko ng sabihin sayo yun ng harapan. Yung hindi na kita masasaktan yung saya na ang magiging rason ng pagiyak mo. Balang araw maalala mo ulit ako at sisiguradohin kung hindi kana aalis."







"I will wait for that time Arci. I may not say this to you always pero salamat sa pagkakaibigang binigay mo sakin. Salamat sa pagpapasaya at pagtatanggol mo sakin lagi. Salamat kasi nakilala kita sa paraan na hindi ko inaasahan ang lahat. My little army neighbor and best friend thank you for being my soldier at times i don't know how to face this reality like this. Goodnight Arci wag mo akong kakalimutan pero pwede ka ng magmove on ako lang ang nakaraano pero hindi ako ang magiging hinaharap mo. Goodnight.."-hindi ko na sya inantay pang magsalita basta pinatay kuna ang cellphone ko.







Bumalik ako sa study table ko at inayos ang mga sualt na ginawa ko. Bukas na kasi ang flight ko aalis ako kasama si Mommy sya ang mag-aalga sakin doon kaya alam kung di ako nagiisa. Sa lahat ng reality ito yung hirap na hirap akong harapin. Ito yung kahit kilan hindi ko siguro kayang tanggapin. Ang iwan ang mga taong mahalaga sakin na balang araw hindi ko na alam kung maaalala ko pa.





I am Airanize Zalfuerte traveling to New York for a home were Alzheimer's Diseases patient is taking cared off. I’ve been diagnosed years ago and fighting to be normal is not bad afterall.






••••••




Arcenio..


Magagalit kana naman ba? Siguro pag nabasa mo ito baka nasa malayo na ako kaya nga late ko na pinabigay para di kana makahabol. Ang sabi ko sayo next week pa ang alis ko pero ngayon na talaga yun. Mas maaaga mas maganda habang nasa katinuan pa ako. Gusto kung magpasalamat sa lahat ng pagmamahal na binigay mo sakin. Kahit madalas mo akong inaasar ikaw parin ang knight in shining armour ko. At kahit madalas mo akong binubully dahil pangit ka. Ikaw na laging galit pag umiiyak ako o nasasaktan. Pwes magalit ka sa sarili mo kasi nasasaktan ako dahil sayo. Alam mo ba nung nakilala kita nung bago kaming lipat sabi ko ayoko sayo kasi mukha kang may sapak sa ulo. Pero ikaw rin pala ang huling taong magpapasaya sakin. Masaktan man kita ng maraming beses wag mo akong kakalimutan ah magmahal ka man ng iba basta ako parin ang espesyal. Hindi ka man magaling kumanta pero aantayin ko pag nagkita tayo ang harana mo.

Sana ituloy mo parin yung pagsketch mo ah kailangan pag nagkita ulit tayo isa ka ng magaling na architech. Inipit ko dito yung ginawa mo kasing bahay nung elementary tayo gusto igawa mo ako ng ganyang bahay. Pag nahanap mo ako at pag naaalala pa kita nun ipakita mo sakin ah kasi gusto kung maexperience tumira doon ei. Arci sana kahit makalimutan kita wag mo akong kakalimutan ah kasi utak ko lang naman ang makakalimot hindi ang puso ko. Ikaw at ikaw parin ang aantayin nito maikot ko man ang buong mundo ikaw parin ang hahanapin nito. Habang wala ako wag kang hihinto ituloy mo ang buhay mo. Hindi kita pinagbabawalang magmahal ng iba kasi hindi narin naman kita maalala. Pwede mo silang mahalin lahat pwede kang maging masaya kasama sila. Wala kang utang sakin para pahirapan o saktan ang sarili mo mahalin mo ang Arci na minahal ko simula noon. Ikaw lang kasi ang nagbibigay sakin ng panghahawakan para ituloy to. Wala man akong ipangako kung makakabalik ako sana alagaan mo ang tree house natin. Dyan ko kasi binuo lahat ng pangarap ko kasama ka. Dyan ko tinago lahat ng sakit at saya  nung kasama pa kita. Mahal na mahal kita ikaw ang nagiisang sketch ng buhay totoong nabuo ko. Nasaktan man kita ngayon alam ko balang araw mahahanap mo din ang taong magpapasaya sayo. Ayokong maging selfish at ipagdamot ka sa iba hindi ka naman naging akin. What happen to us are almost a love story but like a sketch it should be finish and make it a creation not just a faded drawing.



Smile Arce like i was infront of you.. Be brave coz im looking after you.


Loving you,
Aira


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE