Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Unnoticed Goodbye (one shot)

Image Description chelseasiw   |   07 May 2018


Clover is a fangirl, a hopeless one. But V is her hope. What an irony. (published this oneshot on wattpad, wrote it on my grade 7 days so kindly expect "kajejehan" on my narration, lol)





V

by: chelseasiw

"Hayy, Clover.. Ang kulit mo." Malumanay na saad ni mama habang pinupunasan ang picture frame kung saan sa picture na 'yon at nakangiti ako at naka finger heart.

"Sige na ma, pleasee?"

Pero kahit na ilang beses akong nag-please ay tila hindi niya ako naririnig.

Bagkus ay dumiretso na lang ako sa kwarto ko at pinagmasdan ang mga posters na nakadikit.

Kim Taehyung..

Sa screen na lang ba ng cellphone o ng laptop ko kita makikita? Mananatili ka na lang bang pangarap mula sa malayo? Sa mga gadget ko na lang ba masasabi sa 'yo ang mga katagang,'Saranghaeyo.'?

Sa tuwing pinapakinggan ko ang boses niya, sa tuwing pinapanood ko ang videos nila, tuwing pinagpapantasyahn ko ang kagwapuhan niya..

Iba.

Iba, eh.

Naguumapaw ang sayang nararamdaman ng puso ko. Parang.. Parang sumobra pa ang pagmamahal na taglay ko bilang isang fangirl lang. It's like it crossed the line. Parang.. Minahal ko pa siya higit pa bilang idol lang.

Kahapon ang concert ng BTS dito sa Pilipinas. Papunta na sana ako roon pero hindi ako pinayagan ni mama. Linock niya ako sa kwarto ko.

Parusa ko daw kasi tumakas ako last year. Nung hindi ako pinayagan. Pero, susuwayin ba namin sila kung hindi sila sumobra? Kasiyahan namin yung pinagbabawal nila, eh.

Umiyak ako. Humikbi. Hunagulgol.

Umiyak to the point na wala na 'kong iiyak pa. Umiyak na parang namatayan. Umiyak pero sa bawat paglipas ng segundo ay mas nadadagdagan ang sakit na naramdaman ko. Dahil sa bawat sandali ay maaring nakangiti na silang nagpeperform sa harap ng mga gaya 'kong taga-hanga nila. Dahil alam ko na.. Na sana isa din ako sa makakakita sa kanila. Kay V.

That's when I knew.. That's when I realized that I'm inlove with V. Literally. Not as my idol but as a man.

Sinammurize ko ang feelings ko.. Kung baka infatuation lang ba ito o sa sobrang paghanga sa kanya pero.. Pero hindi, eh.

I know I'm strange but my love for him is real.

Kaya nagpursigi akong makapunta sa concert. Lumabas akong bintana ng kwarto ko. Syempre, habang dala ang SVIP ticket na inipon ko ng isang taon at limang buwan.

Matagumpay akong naka labas ng bahay, ng village namin.

Pero nang papatawid na 'ko sa isa sa mga kalsada ay..

Ay isang nakakabinging tunog nakakasilaw na liwanag galing sa isang van ang nakita't narinig ko bago nakaramdam ng labis na sakit.

×

Nagising ako na masakit ang katawan at dahil sa magkakasunod na messages na nareceive ko mula sa cellphone. Dali-dali akong bumangon at nang makatayo na ay bigla kong naalala ang pagkabangga ko.

..So panaginip lang ba ang pagkabangga ko?

Kinamusta ko ang sarili ko at tingnan kung may galos pero niisa ay wala. So panaginip lang?

Pero..

Kung nanaginip ako ay nakatulog ako?

Kalungkutan at sakit ang una kong naramdaman.

So tapos na ang concert nila?

So umalis na sila ng Pilipinas?

Actually, sinadya kong hindi alamin ang exact date ng concert nila dahil ayokong umiyak. Pero wala, eh.

Nang tumunog ulit ang phone ko ay kinuha ko na 'to at tiningnan

53 messages from:

'kaagaw ko kay v''
'jungkook's anae'
'yeonjachingu ni suga'
'namyeon ko si jimin'
'oppa jin'
and 7 more.'

Naks, sigurado iinggitin nila ako. Lahat kase sila ay nakaattend ng concert kahapon. I-ooff ko na sana ang phone ko nang nagbeep ulit 'to.

Dahil wala din naman akong magagawa binasa ko na lang at labis na lang ang gulat at kasiyahang dumeretso sa puso ko.

'jungkook's anae:

naku bes. define paasa: concert'

'yeonjachingu ni suga:

hala bes nacancel ang concert! huhu.'

'oppajin:

us2 q n mmtay. *tulo 69 na luha*'

Ngingiti-ngiti ako habang nag-iiscroll ng tingin. Pero napawi ito ng makarating ako sa last message:

'nampyeon ko si jimin:

reason daw ng pagkacancel ng concert e nasa hospital daw sila. nabangga yata o ano. nakacoma ngayon si kookie, galos lang ang nakuha ni suga at jimin, nakacast ang right arm and left leg nina namjoon.'

Mabilis akong nagtipa ng isesend na message:

'NAPANO YUNG IBA?! SI V?!'

'fr: nampyeon ko si jimin

nasa critical siya ngayon.'

Napaiyak na naman ako.

'to: nampyeon ko si jimin:

saang hospital?!'

Habang hinihintay ang reply niya ay nagdasal akong ligtas lang siya at nagbakasakali akong sa hospital kung saan nagtatrabaho si mama. Maaring may pass para sa'kin 'pag ganon.

'fr: nampyeon ko si jimin:

myungsei-'

Hindi ko na tinapos ang message at nagmadaling bumaba.

"Ma hiramin ko nga 'yong ID mo."

Pero tila walang narinig si Mama.

"Please, ma? Please!"

"Hayy, Clover.. Ang kulit mo." Malumanay na saad ni mama habang pinupunasan ang picture frame kung saan sa picture na 'yon at nakangiti ako at naka-heart ang mga kamay

"Sige na ma, pleasee?

"Ang kulit kulit.." Wika ni mama na tila binabalewala ang mga hinaing ko.

Kung sa ganon, tatakas na lang ako.

Bago pa 'ko makalabas ay may narinig akong sinabi niya.

"Mamimiss ko ang kakulitang yan.."

**

"Jam! Blue! Zoe!" Bigkas ko sa mga kaibigan kong nasa harap ngayon ng isang VIP Room dito sa VIPS' Floor. Yes maraming room dito. Siguro ay yan ang room ng mga members ng BTS. Nasabi din kasi sa isa sa mga texts ni Zoe na magkakasama sa isang malaking room ang pito.

Inulit kong bigkasin ang nga katagang 'yon ngunit patuloy lang sila sa paghagulhol. Parang namatayan..

"Hanggang ngayon.. Hanggang ngayon ginagawa niya pa din ang fangirl duties niya." Umiiyak na saad ni Jam habang hawak ang phone ni Zoe.

At..

At bakit wala si Naomi?!

"S-siguro 'pag nalaman ng bruhitang 'yon na katapat ng room niya e ang room ng BTS. Baka tanggalin pa niya lahat ng nakapalibot sa kanya." Wika ni Kath.

Si Naomi ba ang tinutukoy nila? Ang pinakamatalik kong kaibigan sa'ming apat. Ang una kong naging kaibigan. Ang pinakamaasahan. Napansin ko ding hindi siya nagrereply sa messages. Napano siya?!

Natigil ang paninitig ko sakanila ng may makitang mga grupo ng doktor at nurses ang nagmamadali.

"Bilisan niyo. The patient is dying!"

"His heart is getting weaker and weaker for every second! Napakaweak to the point it can't even beat!"

H-his?

Dahil sa masamang kutob na naramdaman ko ay mabilis akong dumeretso sa pinuntahan nila, which is sa tapat ng room kung nasa'n sina Jam.

Nang makapunta na 'ko sa room na iyon ay labis na sakit ang naramdaman ko sa bandang puso ko. Wala nang luha ang tumulo sa mga luha ko.

Siguro naubusan na 'ko non.

"Clear."

Nakahiga si V..

At..

At lumalaban para hindi iwanan ang mundong 'to..

"Oh my god, V! V! Fight please, fight!"

"Kim Taehyung.. Dont leave! Please!"

"Kim Taehyung.."

"Kim Taehyung!"

Patukoy pa di ako sa pagsigaw at pagmamakaawa na mabuhay siya.

"Kin Taehyung.." Tuluyan ng naging bulong ang sigaw ko.

"Time of Death, 12:31 PM"

"Kim Taehyung, Saranghae.."

After two weeks

Sunod sunod na mga patak ng tubig galing sa mga mata ko habang tinatanaw ang paglibing nila kay V.

Akala ko naubusan na talaga ako ng luha 'non pero hindi pa pala. Lahat ng nawawala, nabubuo ulit 'pag si V ang usapan eh.

Ang sakit.

At ang pagtrato sa'kin ng mga kaibigan ko na parang hangin lang ako e dumagdag sa sakit. Sa bawat paglapit o pagsimula ko ng usapan e parang wala lang ako. Parang wala lang ako sa kanila.

Ang hirap mawalan ng minamahal.

Isa pa, sa nakaraang dalawang linggo ay hindi mahagilap si Naomi. Walang nakakaalam kung nasaan siya. Simula daw nang umalis siyang ospital. Dinig ko na pinaguusapan 'yon nina Jam non.

..Siguro umalis siya dahil ayaw niyang nangiiwan o iniiwan. Meron kasi siyang Cancer. Stage 4. Kilala ko siya. Kung aalis na siya, hindi siya magpapaalam dahil masmasakit at masnakakasakit daw 'yon.

Ang sakit.

"Kainis ka naman. Nangiwan ka.Nangiwan ka kung kailan narealize ko na mahal kita." Bulong ko habang nanatiling nakatingin sa burol. Sa burol ni V.

"Sabagay, sino ba naman ako para sundin mo diba? Wala naman akong karapatang magmakaawa sa'yo na magstay para lang sa tulad ko." Pabulong kong sambit habang tinatanaw ang mga BTS, nagkukumpulang fans, at relatives niya. Nagiiyakan.

Na gaya ko ay nasasaktan din.

"Still, I stayed but you left." Pagpapatuloy ko sa mensaheng alam kong hindi na niya maririnig pa.

"Ang sakit naman, nawala ka na wala akong karapatan sa'yo."

"Sana.. Sana nalaman mo man lang na mahal ka ng isang nobody gaya ko.." Pagtatapos ko.

"Alam mo bang.. Ikaw yung babaeng muntik nabangga nina Suga sa Van nung araw na 'yon? Oo lahat ng Bts members, nandun sa Van nun, OTW na kasi sila papuntang concert ng araw na 'yon. Ako? Wala ako dun non. Alam mo kung bakit?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likod ko.

"Pucha kasi yung mga loko-lokong 'yon. Pakainin ba naman ako ng balot."

"At nung nakita kita. 'Di ako nagdalawang isip na protektahan ka. Nang itutulak na sana kita ay huli na ang lahat. Kaya ang nagawa ko na lang ay yakapin ka."

"Pero palpak pa din pala kase pareho tayong namatay."

"N-namatay?" Nanlaki ang mata ko at humarap sa kanya.

V..

Itinuro niya ang grupo ng taong linilibing. Nakita ko din si Mama at mga kaibigan ko ron. Umiiyak.

That makes sense.. That makes sense kung bakit.. Hindi nila ako pinapansin. Kung bakit wala silang narinig na boses ko dahil wala talaga.

"Libing natin. Magkatabi tayong namatay. Magkatabi tayong malilibing. Request ko."

"Nangiwan pala ako ng 'di ko namamalayan." Bulong ko. Ang sakit maiwan pero masmasakit palang mang-iwan.

Gulong-gulo na 'ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko.

Pero.

K-kinakausap ako ngayon ni V?

Marunong siyang magtagalog?

Hindi kaya pag namatay.. Iisa na lang ang lenggawaheng ginagamit?

Saka..

Niligtas niya 'ko?

Kilala niya 'ko?

YINAKAP NIYA 'KO?!

"December 31, 2014.

Nag-iiscan ako ng mga messages ng mga army kasi birthday ko non. Napansin ko ang long message in korean galing sayo. Alam mo bang.. Natutuwa ko sa effort mo? Napansin ko kasing hindi Google Translate 'yon. Sa bawat maling grammar mo e napapangiti ako-No, habang nagbabasa ay napapangiti ako non." Ngumiti siya sa'kin.

"Since that day, I started stalking your accounts. Buti nga at hindi nakaprivate ang account mo sa Instagram, eh. Lagi mo 'kong napapapangiti sa simpleng post mo lang. Halos magtatatalon ako non ng nalaman kong ako ang bias mo. Sa bawat pagshare mo ng photos o ng mga details tungkol sa'kin, halos ikamatay ko. Lalo na pag may 'Yeobo' o 'Nampyeon' ron."

"Nabaliw ako sa'yo kahit sa simpleng nga posts mo lang. Sa sobrang baliw ko, pati lenggwahe niyo inaral ko."

"Nagseselos ako sa bawat pagshare mo ng photos ng mga K-drama actors. That's when I tried acting. Sure akong pinanood mo ang Hwarang non. Cute ko eh"

"Youre beautiful, so please don't call yourself a nobody. You can be somebody's everything. But I wouldn't mind changing that somebody to V."

THE END


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018