Hey, Hailey

Image Description leihah   |   22 August 2019


Hey, Hailey is the most heart-breaking words that Id hear

"Hoy teh! Alam niyo na ba section niya?" bungad ko sa mga kaibigan ko. Sina Martha at Elaina. Nagplano kasi kami na magkita-kita para kumain at bonding habang bakasyon pa.

"Hindi. Hindi naman namin crush yun." sabi ni Martha sabay irap. Hindi kasi pabor sa kanya si Kerr, jowa ko—joke! my ultimate crush. Kaya ayaw niya dun dahil nagmumukhang tanga na daw kasi ako kakahabol at kaka-stalk.

Well, hindi ko naman talaga hinahabol yung crush ko. Stalk lang. Hay, ewan ko ba pero siya yung pinakamatagal kong crush. Since grade 7, crush ko na siya at alam ni Martha at Elaina yun. Sila ang mga saksi kung gaano ako kabaliw dun.

"Akala ko ba, 'grade 10, new crush, new life'? Tsaka sinabi mo din sa amin bago mag-end yung school year na hindi mo na yun crush ah?" si Elaina.

"Hay, ewaaan! I tried my best to uncrush him but wala eh, hindi pa rin talaga ako sanay kapag hindi ko siya nakikita through pictures niya, Facebook tsaka kung inaccept na ba niya follow request ko sa Twitter." himutok ko. Ininom ko naman yung milktea na inorder ko para iwas stress.

"Ay teh. Hindi niya pa inaaccept follow request mo? Diba doon sa sinend mo samin, 470 yung followers niya. But look, 475 followers na teh..." nalugmok naman ako nung pinakita sa akin ni Martha yung twitter account ni Kerr na naka-private pa din.

"It means, hindi ka niya talaga type teh. So, move on na Hailz!" at tinapik ako ni Ela at buntong hininga lang ang sinagot sa kanila.

Ilang beses ko na din kasi sinubukan na kalimutan si Kerr pero hindi ko talaga magawa. Marami na nga ang nagpaparamdam sakin at agad ko naman sila nirereject kasi nga I'm still hoping na baka maging 'kami' ni Kerr.

One time, nakita ko si Kerr na may kasamang babae. Hindi naman kasi ganung lalaki yun. Lagi lang naman nun kasama ay si Jerome at wala ng iba. Pero that day, kasama niya ay babae at nakangiti pa siya! First time! Kaya ayun, desidido na ako na magmo-move on na ako sa kanya.

May nagconfess sa akin ng feelings niya para sa akin, medyo type ko din siya. Kaya ayun medyo nagkamabutihan kami. Nagdate kami sa park, nasa swing kami habang kumakain ng ice cream, nagkwe-kwentuhan ng kung ano-ano. Bigla may napuntang bola sa harapan namin, may lumapit na lalaki at kinuha ang bola. Pagka-angat ng mukha ng lalaki, parehas nanlaki ang mata namin nakita ko pa nga na lumingon siya sa ka-date ko eh. Si Kerr! Tumakbo naman siya agad. At ako naman, sinundan ko ng tingin ang pag-alis niya. Sa araw na din yun, nanumbalik ang lahat. Kaya nagsabi din ako agad sa MU ko na ayaw ko na kasi hindi ko talaga kayang ipilit na gustuhin siya at umayon naman din siya.

"Move on na teh ah?" umiling naman ako kay Mars. Tiningnan naman niya ako ng masama.

"Hay nako! Ikaw talaga. Bahala ka kapag nasaktan ka ulit. Wag mo kaming sisihin ah, sinabihan na kita!" daldal niya habang naghihintay kami ng jeep pauwi.

"Ano ka ba, Martha! Hayaan mo na si Hailey. Support na lang natin siya sa desisyon niya." ngumiti naman ako kay Ela. Napasinghal naman si Mars.

Supportive talaga eversince si Ela sa pagiging tanga ko kay crush samantala si Mars, minsan suportado pero minsan, hindi. Naiintindihan ko din naman siya. Gusto niya lang din kasi na hindi ako nasasaktan dahil nakita na nila ako na heartbroken kay Kerr at maraming beses na yun ah!

"Ano pa ba magagawa ko? Kahit ayaw ko naman na magpakatanga ka ulit dun, wala akong magagawa dahil gusto mo din. Tsk." at niyakap ko si Mars.

Pagkababa namin ng jeep at bago kami maghiwa-hiwalay...

"Ela! Chat mo si Jerome please. Tanungin mo kung ano section niya. Please, pleaseeeee!" close kasi ni Ela si Jerome at hindi ko alam kung paano at bakit.

"Okay, okay. But in one condition..." nagkatinginan muna sila ni Mars.

"Ano yun?"

"Lilibre mo kami sa first day! Game?" napabuntong hininga na lang ako dahil wala akong choice. Gusto ko na talaga malaman ang section ng Kerr ko!

"May iba pa ba akong choice?" naghiyawan ang dalawa at naghiwa-hiwalay na kami. Iba kasi ang way ng mga bahay namin.

Habang naglalakad ako papunta sa bahay na medyo kalayuan pa. Sa hindi rin kalayuan, may nakita akong nagbi-bike na medyo mabilis. Nakatitig lang ako sa likod nito dahil familiar. Nagulat ako nang tumagilid ito at natumba. Tumakbo ako palapit sa lalaki.

"Argh! It hurts!" rinig ko na daing ng lalaki. Kaya lumapit ako at tutulungan na tumayo pero napatigil ako. Ang gwapo! Ang bango! Ang macho!

"Hindi mo ba ako tutulungan?" nabalik sa wisyo nang marinig ko siya.

"A-ah so-sorry..." utal na sabi ko dahil ako'y kinakabahan at the same time kinikilig. Tinulungan ko siya umupo sa sahig dahil mukhang hindi niya pa kayang tumayo dahil sa pagkasemplang niya.

"A-are y-you alright? May ma-masakit ba sa'yo?" tanong ko kay Kerr na nakaupo na at pinapagpag ang sarili at ang hot niya habang ginagawa yun.

"Medyo masakit lang ang likod ko but later on, it will be okay. You can go now." nalungkot naman ako. Ang suplado talaga nito pero mahal ko pa rin yan.

"I can assisst you hanggang sa bahay niyo. I don't mind." alok ko. Makakalibre tsansing pa ako sa abs niya tapos makakapunta pa ako sa bahay niya, diba double kill? Hahaha joke.

"No, thank you. I can manage." tumayo na siya at tinayo ang bike niya. Halata pa din sa mukha niya ang sakit. Eh bakit ang gwapo at bango niya pa din kahit pawisan na siya? Ugh! Nababaliw na ako sa kanya.

"Ah ganun ba. Si-sige, mauna na ako. Ayaw mo talaga magpatulong ah?" tumango lang siya at nauna na akong maglakad. OMG! Nakausap ko si crush ng matagal, nahawakan ko pa braso niya. Dapat pala sa kamay ko na lang siya hinawakan para may first holding hands na kami. Sayang naman.

"Hey!" boses ni Kerr ko yun ah. Lumingon naman ako.

"Thanks." ngumiti siya ng maliit at lumiko na sa kabilang street. DID HE SMILED AT ME? OMG! Nag-thank you pa siya! Waaaaah! This is my best day eveeeeer!

——————

thank you for reading!
comment, like and share!



  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE