Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




TARGET: FORTUNA #AngProbinsyanoFanFiction

Image Description Vincent Manrique   |   16 November 2018


Gumawa si Cardo ng sarili niyang imbestigasyon matapos makasuhan ng murder si Alyana at makulong. Hindi niya inakalang hindi lang simpleng kaso ng pagpatay ang kanyang matutuklasan! #FPJAPFanFic

Pagkatapos na maayos ang lahat ng kaguluhang kinasangkutan ng grupong Vendetta, bumalik na sa serbisyo si Cardo sa mungkahi na rin ni General Borja. Maging si Alyana ay naisipan muling magtrabaho bilang journalist sa isang bagong bukas na media company kung saan ay nabigyan siya ng assignment na gumawa ng documentary report sa isang series ng kidnapping na nangyayari sa bansa. Sa isang pagkakataon, nasaksihan mismo ni Alyana ang isang insidente ng kidnapping at nakunan pa ng video. Gustong ilabas ni Alyana ang video na nakunan nila para mabigyang babala ang mga tao, pero hindi pumayag si Dana Baltazar, ang boss niya sa trabaho. Nang biglang mapatay si Dana, naging primary suspect si Alyana dahil natagpuan din sa kotse ang bracelet at press ID niya.

Sinampahan ng kasong murder si Alyana at nakulong habang nililitis ang non-bailable na kaso. Sa pagnanais na matulungan ang kanyang asawa, gumawa si Cardo ng sarili niyang imbestigasyon para malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa boss ni Alyana.

Hindi inaasahan ni Cardo na ang matutuklasan niya ay hindi lang isang simpleng kaso ng murder.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018