Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Bakit si Vico

Image Description HanaDinauulitpa   |   22 March 2020


Bakit si Vico is a poem that speaks of how Mayor Vico captured the hearts of Filipinos during this pandemic

Isang metro.

Yan ang hinihinging layo o pagitan sa mga tao ngayong may pandemiko. Hindi tayo nararapat yumakap, humalik. Hindi pwedeng magkatipon o kahit pa nga magkalapit. Ngunit ewan ko ba,
higit naman sa isang metro ang ating distansya
pero tila ba tinawid mo yaong pagitan at lubusang nailapit ang iyong sarili sa akin... este sa bayan. Iba ka.

Labing apat na araw.

Ganyan katagal na dapat obserbahan ang mga taong maaaring may banta ng covid19. Pero ni wala pa tayong isang linggo sa quarantine ay tila ba napukaw mo na ang aming damdamin. Hindi ka sakit, pero parang nilagnat kaming sabik na higit ka pang makilala at malaman ang iyong mga ideya. Sapagkat kaiba sa pamumulitika ng iba, hindi ka problema, bagkus ikaw ang solusyon. Sa wakas ay isang masipag na lider ng makabagong henerasyon.

Apat na raang libong bag ng mga pagkain.

Yan ang iyong paunang tugon sa pangangailangan ng pasig. Kung may higit man akong hinahangaan sa iyo ngayon, nais kong malaman mong yun ay hindi ang iyong tindig.
Oo alam kong anak ka ni connie at tatay mo si vic. Matipuno ang iyong katawan at tila kay lambot ng iyong bisig. Matangos ang iyong ilong, malalim at nangungusap ang iyong mata
na tila ba punong puno ng sinsiredad at pag asa. Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit lubos kaming humanga. Kundi ang iyong dedikasyon, ang iyong plano, ang iyong aksyon.

Nakasilip kami ng isang kinabukasan para sa bayan na sa kabila ng laksa laksang mga 'lider' na nagsasabing "pwede na yan", kaya pa palang higitan, kaya pa palang mas galingan.

Hinangaan ko ang iyong idealismo. Napukaw ako ng iyong pagiging totoo at makatao. Sa gitna pala nitong pandemiko, makakakita ako hindi lang ng isang lalaking matipuno at gwapo kundi isang lalaking pwede kong suportahan hanggang dulo at masasabi kong hindi masasayang ang aking boto.

Hindi mo ako kilala, ni baka nga hindi tayo magkita. Pero hayaan mong sabihin ko ito, salamat sa inspirasyon Mayor Vico! At para sa lahat ng tanong kung bakit ikaw, pwede bang tanungin naman kita ng, 'bakit hindi na lang ako'? ❤



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018