Looking At You

Image Description Kim Annely   |   11 March 2019


Isang binatang naghihiganti sa pagkamatay ng kaniyang ina at isang dalagang naghahanap ng hustisya para sa kaniyang ama.

Aloy's POV


Kapapasok ko lang ng school at si Zap agad ang bumulaga sa akin.



"Good morning, my dearest friend! Kamusta ang iyong gising? Ako'y nababahala sa iyong itsura ngayon, tila ika'y nalulumbay na hindi maipaliwanag. Anong nangyari?" Hilig nya talaga mageskandalo.



"Pwede bawasan mo volume mo? Gusto mo talaga pinagtitinginan ng tao eh noh?" Biro ko. Tumawa sya ng malakas. Hay, kasasabi ko lang na bawasan ang volume ng bunganga eh.



"Kahit naman hinaan ko ang boses ko, rektang titingin na 'yang mga 'yan sakin. Alam mo namang sikat ako diba?" Sagot nya na punung-puno ng pagyayabang ang boses.



"Ewan ko sa'yo," inirapan ko sya at maglalakad na sana palayo.



"Oopss! Hindi ko sinasadya!" Tinapunan ng mga bruhildang ito ng juice si Zap.



"Ayos lang hehe. Madali naman 'tong matutuyo." Nanggigigil ako. Bakit ba kailangan pa nilang ganituhin si Zedrick samantalang pinakikinabangan rin naman nila ito?! Mga walang magawa talaga sa buhay!



"Magsorry kayo," utos ko do'n sa dalawang babae.



Minatahan nila ako. "Excuse me?"



"Magsorry kayo," ulit ko. Nagtitimpi ako sa galit, dalian niyo mga hilaw!



"Uh? Wait, inuutusan mo ba kami?"



"Isa," nagsimula na akong magbilang at maya-maya lang ay alam kong lilipad na ang kamao ko sa mukha ng mga ito.



"Duh, he's a garbage. Kaya he deserved it." Tumitirik tirik pa ang mga mata niyon habang sumasagot.



"Dalawa,"



"Maybe this girl want some juice too," sabi naman nung isa.



Nagtawanan silang pareho bago itutok sa akin ang juice.



"New garbage," nakangising sambit niyon saka inakmang ibubuhos ang juice sa akin, pero mabilis kong nahawakan ang kamay niya at itinapat ko sa kaniya iyong baso kaya sakanila tumapon lahat.



"Oh nooo! So kadiri!" Sigaw nila habang galit na galit na nakatingin sa akin.




"You freak! Magbabayad ka sa ginawa mo samin!" Dagdag nila saka nagsitakbuhan palayo.



Narinig ko namang dahan-dahang pumalakpak si Zap.



"Wow, ikaw na. Ikaw na ang matapang. Bilib talaga ako sa'yo." Naiiling niyang sabi.



"Tss," nakangisi kong sambit. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at ipinunas iyon sa kaniya.



"Ikaw lang kasi eh. Kung ako siguro ikaw, malamang naupakan ko na 'yan sa mga mukha." Sighal ko.



"Kaso hindi ako ikaw," nakangiti niyang sabi. Napatigil ako sa pagpupunas at tinignan siya.



"Pwede. Basta wag kang magpapasindak sa mga lokong estudyante dito. Ikaw kasi eh, simula pagpasok mo yata dito nagpakita ka na ng karupukan. Ayan tuloy, pinuputakte ka," sermon ko.



"Ahhhhhh!" Naagaw ng mga nagsisitakbuhang estudyante ang aking atensyon.



Nagkumpulan sila sa may gate. Mukhang may inaabangan sila't excited na excited doon. Walang tigil ang bulungan at tilian.



"Desiree is back," sambit ni Zap habang nakatanaw sa mga nagkakagulong estudyante, nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig.



"Ano kamo?" Halos nabingi ako sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko?



"Desiree is back. Nagbabalik si Desiree. Bakit parang nakakita ka ng gwapo?" Nasa pinas na ulit sya?!



Dali-dali kong hinawi ang mga estudyante para makasilip ako kahit papaano.



"Welcome back, Desireeee! Ahhhh!" Sigaw ng mga estudyante ritong animo'y fans niya.



Sa isang banda ay nakita ko ang paparating na sina Falcon kasama syempre ang girlfriend niyang si Debra, sa likod nila ay si Dalton at si Ate Gidget. Ahhh! Ang pari at ate namin! Sa apat na araw kong pagpasok sa school na 'to ay ngayon ko lang sila nakita. Miss na miss ko na sila, gustung gusto ko silang takbuhin at yakapin isa-isa pero matagal na nila akong kinalimutan at binura sa buhay nila.



"Welcome back, Desi. You're getting prettier everytime you come home huh." Pagbibiro ni Falcon doon saka yumapos kay Desiree.



"Wala ka talagang pinagbago, Falcon. Bolero ka pa rin." Tatawa tawang sagot ni Desiree.



Sunod niyang niyakap ay si Debra.
"Debra. How you and Falcon doing?"



"We're doing great." Seryosong nakatingin si Debra kay Falcon habang sinasabi iyon. Mukang LQ sila.



"Oh my! Daltoooon! Ate Gidgeeeeet! I missed you guys so muuuuch!" Sinalubong niya ng yakap ang dalawa.



"Ano? Hindi ka na ba babalik ng Amerika?" Tanong ni Dalton.



"Dito ka na lang para kumpleto na tayo," tugon naman ni Ate Gidget.



Tila kumirot ang puso ko sa mga sandaling iyon. Masakit palang makita na yung dati mong mga kaibigan na lagi mong kayakapan ay ngayong pinapanood mo na lamang kasama ang kanilang mga tagahanga.



Ang saya saya nilang tignan. Naaalala ko tuloy yung mga panahong kasama pa kami ni Elthon sa power hugpit na iyon.



"Hindi ko alam na fan ka rin pala ni Desiree." Sambit ni Zap.


Ngayon ko lang narealize na nagsialisan na pala ang mga estudyante pati na rin sina Desiree.



"Talaga namang lodi 'yang si Desiree eh. Biruin mo, nasa kaniya na ang lahat. Maganda, mabait, matalino, mayaman, sikat." Umakbay sya sa akin.
"Kaya ayos lang na maging lodi mo si Desiree."



Isinupalpal ko sa kaniya ang panyong pinang punas ko sa nabasa niyang damit kanina at nagdiretso na sa paglalakad.



"Biro lang," sabi niya habang nakabuntot sa akin.



"Galit ka ba?"


Hinarap ko siya. "Hindi. Anong oras na kasi, paniguradong late nanaman ako."



"Ihahatid na kita," nagulat ako sa pamilyar na boses na nagsalita mula sa aking likod.



"Elthon," sambit ko.



Nakangiti sya sa akin.



Sinimangutan ko sya. "Wag na. Ayoko nang mag-cutting." Biro ko.



"Idi-diretso na kita sa room mo, promise." Panunumpa niyang nakataas pa ang kanang kamay.



"Excuse me? Magkakilala kayo? Ni Elthon Marquez?!" Sabat ni Zap na hindi na napigilan ang pagtatanong.



"Yes, I'm her boyf--" siniko ko sya sa tiyan kaya napa-aray iyon.



"Kababata ko sya." Sagot ko.



Halos malaglag ang panga ni Zap sa narinig, hindi makapaniwala.


"Paanong nang--" pinutol ko ang kaniyang sasabihin.



"Mahabang kwento, pumasok ka na sa room niyo bago ka pa ma-late." Sabi ko habang inginunguso ang paparating niyang prof.



"P-Pero..." pinutol ko ulit ang sasabihin niya at itinulak siya papasok sa room nila.



"Elthon, fan nyo ko! Papicture mamaya ha saka pa-autograph na rin! Ang ganda ng kanta nyo!" Sigaw niya bago tuluyang makapasok sa room. Hay, fanboy pala ang loko.



Natatawa si Elthon. "He's not that bad," sabi niyon.



Nagsimula na kaming maglakad. Wala naman kasi akong magagawa kahit hindian ko sya ay gagawin niya pa rin.



"Pero uulitin ko ha. Iyan ang pinag-iinitan ng grupo ni Falcon ngayon, baka madamay ka." Falcon nanaman. Nakakasawa nang marinig ang pangalan niyang akala mo'y pag-aari niya ang mundo.



"Alam mo namang galit pa rin sayo si Falcon diba?"



"Wala akong pake." Sagot ko. "Gawin niya ang gusto niyang gawin sakin, basta wala akong pake." Madiin iyong pagkakasabi ko.



I'm tired of running away. Lalaban na lang ako.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE