Looking At You

Image Description Kim Annely   |   25 March 2019


Isang binatang naghihiganti sa pagkamatay ng kaniyang ina at isang dalagang naghahanap ng hustisya para sa kaniyang ama.

Kaori Oinuma as Vetti Lou 'Aloy' Marquez

Rhys Miguel Eugenio as Falcon Jose Monforte



8 years old


Nakaupo mag-isa sa garden si Aloy, nakangiting tinititigan ang wedding picture ng kaniyang Tita Luz at Tito Peter.



"Ang ganda ganda ni Tita Luz. Parang isang reyna," nakangisi nitong sambit sa kawalan.



"Aloooooy, anong ginagawa mo dito mag-isa?" Napatingin iyon sa tumatakbong si Desiree.




Iniabot ni Aloy ang litratong hawak hawak.



"Picture ni Tita Luz noong kasal nila ni Tito Peter. Ang ganda noh?" Sabi nito sa pinsan na ngayon ay nakaupo na rin sa damuhan.



Tumango si Desiree habang nakatitig sa litrato.



"Ibig sabihin, ikakasal rin ako?" Tanong nito na mayroong malaking pag-asa sa mukha.



"Oo naman! Pag laki natin at natagpuan na natin ang prince charming natin, ikakasal rin tayo," masiglang sagot ni Aloy.



"Si Elthon ang gusto kong pakasalan," nakatungong sagot ng pinsan na animo'y itinatago ang mapupulang pisngi.



Nanlaki ang mga mata ni Aloy.
"Ano?! Si Elthon ang gusto mo?!" pag-uulit niyon.



Agad namang umaksyon si Desiree para pahinain ang boses ni Aloy.



"Ssh, wag kang maingay. Nahihiya ako baka malaman niya," sagot niya.



"Paano mo naman nasabing gusto mo siya?" pag-uusisa ni Aloy.



Ngumiti si Desiree habang nakatanaw sa di kalayuan.



"Bukod sa'yo, siya lang rin ang nakakaintindi sa akin. Gustung-gusto niya ang boses ko, siya ang nag bibigay ng lakas ng loob sakin," paliwanag niyon na animo'y isang dalaga na.


"Kaso natatakot ako, baka hindi ako ang gusto niya," dagdag pa niya.



Napangiti si Aloy na para bang may binabalak.

--------*---------

Nasa basketball court ang mga lalaking sina Falcon, Elthon, Dalton at ang kanilang Tito Peter.



"Tito Peter, did you know Elthon has a crush on your niece, Desiree," pag susumbong ni Falcon. Ang pinaka pasaway sa kanilang magkakaibigan.



"Tumahimik ka nga, Falcon! Hindi ka lang maka-shoot eh!" Singhal naman ni Elthon.



Napangisi ang kanilang Tito Peter, "Wala namang masama sa pagkakaroon ng crush, Elthon. Basta't wag niyo lang muna seseryosohin dahil masyado pa kayong mga bata. Marami pa kayong makikilalang babae pag lumaki na kayo." Paliwanag nito.



"Ayoko po sa iba Tito Peter," tugon ni Elthon.



"Diba umamin ka rin," pilit na pagtatagalog ni Falcon pero inisnob lang sya niyon.



Napahalakhak ang kanilang Tito Peter at ginulo nito ang buhok niyon.


"Edi mag-aral kang mabuti at pag laki mo't nasa wastong edad na kayo, ipakita mo kay Desiree na siya lang ang babaeng laman ng puso mo,"



"Opo!" Masigla niyang sagot.



Ibinaling naman ni Peter ang paningin sa dalawa.



"Kayo, sino ba ang mga gusto niyo?"



"Si Dalton po ay si Ate Gidget, akow naman po ay wala," sagot ni Falcon.



"Bakit naman wala? Imposible," Pag-uusisa ni Peter habang bahagyang humahalakhak.



"They are the ones who like me. Especially, Aloy I have a strong feeling that she really likes me." Taas noong sambit niya.



"Paano mo naman nasabi? Parang hindi naman," pag bibiro ni Dalton sa pinsan.



Kumunot ang noo ni Falcon sa narinig.
"Totoo iyown! You can see it on how she looks to me. It has a meaning. I can feel it," nakahalukipkip niyong sagot.



"Eh, mas lalaki pa yun sa'yo eh. Hahaha." Sagot ni Elthon at inihagis doon ang bola doon.




"You'll see guys," banta ni Falcon.



--------*-----------



"Ano bang gagawin natin?" Tanong ni Dalton kay Aloy.




Itinipon niya kasi ang kaniyang mga kaibigan dahil mayroon daw silang pag pupulungan.



Malakas na binasa ni Gidget ang ibinigay ni Aloy na invitation card.

"Kayo ay malugod naming inaanyahan sa kasal nina Desiree Cornejo at Elthon De Jesus na gaganapin sa garden nila Aloy sa ganap na alas tres ng hapon."




"Seryoso? Saan mo nakuha ang mga ganto?" Nanlaki ang mata ng mga pinsan niya.



"Syempre joke joke lang na kasal 'yan, kinopya ko lang 'yan sa mga invitation card nila tito Peter nung kasal nila. Alam naman natin na may gusto sila Elthon at Desiree sa isa't isa diba? Kanina kasi nag-uusap kami ni Desiree, gusto nya raw maranasan ikasal kay Elthon. Kaya eto, gusto ko sumaya na sya. Feeling nya raw kasi hindi sya ang gusto ni Elthon." Paliwanag ni Aloy.




"Ang galing mo talaga, Aloy!" Sambit ni Dalton.



"Hindi kaya mahuli tayo nila Tito Peter?" Nag-aalalang tanong naman ni Gidget.



"Hindi 'yan! Akong bahala!" Mayabang na sagot ni Dalton.



"So you're working on our wedding?" Tanong ni Falcon kay Aloy habang tumataas taas pa ang kilay na animo'y nagpapa-cute.



"Alam mo, para kang sisig." Tugon ni Aloy.



"Why? Kase SISIGla lang ang araw mo kapag nakita mow na akow?" Suhestiyon niya at hindi pa rin natatapos ang pag papa-cute.




Pinanliitan siya ng mata ni Aloy.
"Masarap pero AYAW NA AYAW KO." Sagot niyon sabay irap.



Naghiyawan naman ang mga kasama habang nawala ang ngiti sa mga labi ni Falcon na napanguso na lamang.


----------*--------------


"Tinatanggap mo ba ang babaeng ito na makasama mo sa habang buhay? Sa hirap man o ginhawa?" Pagbasa ni Dalton sa mga isinulat ni Aloy.



"Opo, father," Sagot ni Elthon na hindi makatingin sa mga mata ni Star.



"Gustow kow rin magpakasal tayow Aloooooooy!" Sigaw ni Falcon sa katabing si Aloy.




"Tumahimik ka nga!" Saway niyon.





Ngumuso na lamang muli si Dalton.




"Ikaw babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito na makasama mo sa habang buhay? Sa hirap man o ginhawa?" Ulit ni Dalton.



"Opo, father," sagot ni Desiree na halos mamula na ang buong mukha sa hiya.




"You may now hug the bride,"





Nag yapos ang dalawa kaya nagsigawan ang magkakaibigan.



"Ihagis mo na yung bulaklak, Desiree!" Sigaw ni Gidget.




Pumosisyon ang apat.




Inihagis na ni Desiree ang bulaklak at papunta iyon sa direksyon kung nasaan si Aloy nang biglang talunin iyon ni Falcon.



"YES! Tayow na ang sunod na ikakasal, Aloy!" Sigaw niyon.




"Madaya! Para lang sa babae 'yan!" Angal naman ni Aloy.




Lumapit lamang si Falcon sa kaniya at lumuhod sa kaniyang harapan habang nakalahad ang bulaklak na nakuha kanina.










"Will you marry me, Vetti Lou C. Marquez?"


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE