Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Looking At You

Image Description Kim Annely   |   25 March 2019


Isang binatang naghihiganti sa pagkamatay ng kaniyang ina at isang dalagang naghahanap ng hustisya para sa kaniyang ama.

Ate Gidget is Jelay
Dalton is Kurt


Aloy's POV



Isang subject na lang at lunch na. Hindi na ako mapakaling lumabas sa room na ito, dahil kaninang kanina pa ako kinakain at pinapatay ni Falcon sa kaniyang matatalas na tingin.


"Okay, class dismissed." Sa pagkakataong iyon ay ako ang pinakaunang tumayo sa aming magkakaklase. Hindi ko na sinulyapan pa si Falcon, dumiretso na ako sa pintuan nang makita kong nakaabang nanaman si Elthon.


"What happened? Parang nakakita ka ng multo ah?" Tanong niyon. Sinenyasan ko sya pero hindi niya iyon maintindihan kaya hinila ko na lang sya palayo doon.


"Ayoko doon. Alam ko mamaya lang ay guguluhin na tayo ni Falcon," sagot ko.


"Paano mo naman nasabi?"


"Halos patayin nya kaya ako kanina sa mga tingin niya!" Halos hindi maipinta ang aking itsura.


"Ah, so natatakot ka sa kanya? Akala ko ba matapang ka?" Tatawa tawa niyang sabi.


Inirapan ko siya. "Hindi ako takot. Ayoko lang ng gulo,"


"Okay sabi mo eh," sagot niya ng nakangisi.


"H-Hi Elthon," heto na si Zap. Itutuloy niya na ang pagkafanboy niya.


"Hi," sabi naman ni Elthon na animo'y nagpapacool sa paningin ng kaniyang fan.


"Pwede na ba ako magpapicture?" Tanong ni Zap. Napa-face palm na lang ako dahil alam kong ako ang gagawing photographer nito.


"Sure," sagot ni Elthon na pumosisyon na kaya naman tumabi na sa kanya si Zap na tulad ng inaasahan ay ibinigay sa akin ang kaniyang phone para ako ang kumuha ng litrato.


"Salamat, Elthon," sambit ni Zap. Konti na lang at mapapagkamalan kong bakla itong si Zap sa mga titig niya kay Elthon.


"Dude, wag kang masyadong magpakafanboy dahil magiging kaibigan mo na rin ako." Natatawang sagot ni Elthon doon. Halos lumuwa naman ang mata ng Zedrick Angelo sa narinig.


"Talaga?! Ayos lang sayong maging kaibigan ang isang loser?!" Manghang manghang sambit niyon.


"Tss, Zap, you're not a loser." Tumitirik tirik pa ang mga mata ko nang sinabi ko iyon. Hindi naman talaga siya loser dahil siya ang utak ng school na ito. Yun nga lang, mas binibigyan ng pansin ng school na ito yung mga gwapo at sikat kaysa may utak.


Napahalakhak si Elthon.
"Tama si Aloy, Zedrick. Wag mong tignan ang sarili mo na loser."


Biglang umiyak si Zap. Eto na, ipinakita na niya ang Emotional side niya.


"Thank you! Thank you sainyong dalawa!" Niyapos niya kami pagkasabi niya niyon. Hindi ako hug person kaya medyo naiilang ako.


"Basta kaibigan ni Aloy, kaibigan ko na rin," nakatingin sa akin si Elthon nang sabihin niya iyon. Pakiramdam ko tuloy ay namula ang mga pisngi ko noong sabihin niya iyon. Tsk! Bakit ba ang hilig niya kong ganituhin?!


Nang maramdaman kong hindi na mahigpit ang pagkakayapos ng dalawa ay agad akong pumiglas at nagtuloy sa paglalakad.



"Hey, Elthon," napatingin ako sa lalaking kararating lamang. Kasamahan ni Elthon sa banda.



"Gray, anong balita pare?" Tanong niyon na akala mo nama'y ilang taong hindi nagkita.


"Sabay ka lunch? Sasama raw si Coach." Sabi naman nung isang may pagkachubby pero bumagay naman sa kanyang mukha.


"Pass muna, Markus." Sagot niyon.



"Hilig mo nang bumukod sa amin ah." Sambit naman nung isa pang mukhang adik na biglang tumingin sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang drummer ng banda.



"Don't give her that look, Hebreo." Natatawang utos ni Elthon.



Pero sa halip na tumigil sila ay nilapitan pa ako.
"Girlfriend ka ba ni Elthon?" Diretsong tanong niyon sa akin habang yung iba nilang kasama ay nagtawanan.



Tinaasan ko siya ng kilay. "Nakakatawa 'yon?" Sarkastiko kong sagot. Ang lalaking tao, puro issue ang nasa utak.



"Matapang pala itong girlfriend mo, Elthon eh." Hirit pa niya.



Sa halip na sumagot sa kaniya ay iniwan ko na lamang sila doon habang si Zap na kanina pang tahimik dahil hindi makapaniwalang nasa harapan niya ang mga miyembro ng Unknown ay sumunod sa akin.



"Hintayin mo ko, Aloy!" Sigaw ni Elthon. "Ikaw kasi eh!" Narinig kong sabi niyon sa kasama.




Ako lang siguro yung estudyanteng hindi natuwa nung ilibre ako.


"Bakit ba ayaw mo kainin 'yan?" Tanong ni Elthon.


"May pera naman kasi ako." Sagot ko. Maarte na kung maarte pero ayoko lang kasing magka-issue itong pag libre sa akin ni Elthon dahil ang raming matang nakabantay sa amin ngayon. Gulat na gulat ang marami dahil nasa table namin ang Elthon ng Unknown.



"Kainin mo na, kahit ngayon lang. Next time hindi na kita ililibre ulit." Utos niya.



Napairap ako sa kawalan. "Ayoko" pagmamatigas ko.


"Ah, gusto mo subuan pa kita?" Kinuha niya ang kutsara at sumandok at itinapat sa aking bibig. Sheeems! Siraulo talaga 'tong si Elthon. Lalo lang kaming maiissue!


"Ako na!" Inagaw ko ang kutsara habang nakatingin ng masama sa kaniya pero sya ay ngising ngisi sa akin.



"Bagay kayo," ngayon ko lang ulit naramdaman ang presensya ni Zap. Himala.


"Talaga?" Ngiting ngiting tanong ni Elthon. Pinigilan kong mamula ang mga pisngi ko. Kahit naman hindi ko na gusto si Elthon ngayon gaya ng pagkagusto ko sakanya noon ay nahihiya pa rin ako sa tuwing lolokohin kami.


Tumango ng tumango si Zap. "Oo! Bagay na bagay kayo!"


Sinamaan ko lang sila ng tingin.


"Ahhhhh!" Sigaw ng mga estudyante. At alam kong sila Falcon ang nakita nila kaya sila ganito kaingay.


"Bilisan niyong kumain," sambit ko.


"Bakit? Tatakbuhan mo ba ulit si Falcon?" Natatawang tanong ni Elthon.


Inirapan ko siya. "No. Ayoko lang talaga ng gulo. Lalo na't nandyan na si.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Napatingin na lang ako kay Zap na inosenteng inosente ang itsura. Ayokong malaman niya.


"There's nothing to worry about." Kalmadong tugon ni Elthon.


"Tss," sambit ko at binilisan ang pag kain. Bahala siya kung hindi pa sya aalis dito, basta ako, once na matapos ko ang pagkaing ito ay lalayas na ko dito.



Walang tigil ang sigawan sa cafeteria. At nang makaupo na sina Falcon sa kanilang table ay hindi ko naiwasang mapatingin kay Desiree na alam kong nagpe-pretend lang na hindi kami nakikita.


Nang mapagawi ang tingin ko kay Falcon ay halos lamunin niya nanaman ako. Bwiset! Hindi ba siya napapagod kakatingin ng masama sakin?



"Miss mo na?" Napatingin ako kay Elthon pero hinanap ng mata ko si Zap dahil baka maghinala siya.



"Don't worry, nag-cr siya habang busy ka sa pagsulyap kay Falcon." Natatawang sambit niya.



"As if naman si Falcon ang sinusulyapan ko!" Depensa ko sa sarili.



"In denial," tatawa tawa pa sya.



"Magsama nga kayo ng mga ka-banda mo! Parepareho kayong ma-issue!" Singhal ko.



Hinalakhakan niya lang ako na animo'y wala nang isasaya pa. Ang lakas mang-asar ng lalaking 'to.


"Mukhang masaya ang pinag-uusapan niyo ah." Napatingin kami sa kararating lamang. Oh, Falcon. Bakit ba hindi mo na lang kami iwasan?


"Kamusta?" Sarkastikong tanong niyon. Napatingin ako sa table nila. Wala si Desiree at Ate Gidget doon, habang sila Dalton naman ay nakasulyap sa amin.


"Have a seat?" Nakangiting tugon ni Elthon.


Sige, magplastikan pa kayo. Basta ako, aalis sa tensyonadong cafeteriang ito!


"Where are you going?" Tanong ng kauupo lamang na si Falcon.



"Lalayas!" Sigaw ko at wala na silang nagawa kundi tignan akong maglakad palayo.


Pakiramdam ko ay kakainin ako ng buhay mga estudyante dito sa kanilang mga mapanghusga at mausisang tingin.



"Aloy vera!" Napatigil ako sa paglalakad at tila gustong maiyak nong marinig ko iyon. Iisa lang naman ang gumawa ng nickname na ito sa akin.



"Ate Gidget!" Sigaw ko nang lingunin ko siya.


Nakangiti siya sa akin no'n kaya dali-dali akong tumakbo at niyapos siya.


"Miss na miss na kita." Humahagulhol ako habang ibinubulong sa kaniya iyan.



"Kami rin, Aloy. Miss na miss ka na rin namin." Niyapos niya rin ako ng mahigpit.


Nang matauhan ay agad akong kumalas.
"Hindi ba magagalit sayo si Desiree at Falcon kapag nakitang magkasama tayo?"


"Magagalit syempre. But girl, wala silang magagawa miss na kita eh! Pa-hug nga ulit!" Aaah! Ate Gidgeeeeet!


"Ang tagal kong tiniis na hindi ka pansinin, pero na-realize ko na bakit nga ba ako matatakot? Sila lang naman ang may issue sainyo ni Elthon kaya hindi ako dapat maging sunud-sunuran sa kanila," paglalahad niya. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti habang tumutulo pa rin ang luha sa aking mata.



"Walang mali sayo, Aloy. Sila ang may mali dahil idinamay ka nila sa problemang wala ka namang kinalaman." Dagdag niya. Kayang kaya niya talagang pagaanin ang loob ko. Yung ang bigat bigat na pero pag nandyan siya, gumagaan ang lahat.



"Pero alam kong ang rami ko ring nagawang mali sayo. Unang una ay nung pumunta ako sa side nila Falcon," saad niya.


Naaalala ko pa rin yung panahon na yun, yung panahon na kailangan niyang mamili ng side. Pinakikiusapan ko siya gamit ang mga mata ko, pero sa malayo siya tumingin at dahan-dahang naglakad papunta kanila Falcon, Desiree at Dalton.
Naiwan kami ni Elthon doon na nakatingin lang sa kanilang paglayo.



"Wow, how sweet." Pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likod.


Hindi pwede 'to!


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE