Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Arch. Isabel Funtalva will stop at nothing to achieve her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker.


“Cole..I’m not..” nanginig ang bibig ko sa katotohanang gustong kumawala mula dito.


“I’m not on pills..what happened between us in the island..baka mabuntis ako.”


“Is that it? Is that what worried you the whole time? We have called the bargain off, this is reality now. Whatever is the consequence of that life-altering and mind-blowing experience you gave me for the last three days, I’ll gladly welcome. We will do everything in your terms Isabel. Walang reklamo, walang question-question. Ganoon ako ka-desperado na panatiliin ka sa tabi ko. Gagawin ko lahat.” kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. “I trust you. Alam kong hindi mo ako bibiguin-”


“Cole!” sansala ko sa sasabihin niya. “Sinasabi ko sayo. Hindi ako perpektong tao. Beywang ko nga hindi perpekto eh! Isa pa, hindi tama na ibuhos mo ang buong tiwala mo sa isang tao kahit gaano mo pa ito kagusto. Magtira ka para sa sarili mo, dahil kapag hindi ka nagtira at tinraydor ka , masasaktan ka ng husto baka hindi mo kayanin ang sakit, baka kamuhian mo ang taong iyon..”


“I probably will. I probably will be crashed and broken too for the rest of my life if you did it. Pero handa akong sumugal. Ayokong bigyan ka ng kakarampot gusto ko buong-buo.”


Jusko naman! Paano ko ba magagawang sabihin sa kanya ang totoo kung sa tuwing susubukan ko sinasabihan niya ako ng mga makabagbag-damdaming salitaan na nakakataba ng pechay! Hay. Oo na ako na ang gaga, binobogbog na ng inner self ko ang outer self ko, bakit kasi madami akong self sa lecheng katawang ito?! Hindi ako handang pakawalan si Cole. Ang pagsasabi ng totoo sa kanya is a matter of life and death situation, tipong nasa gilid ako ng bangin, may leon na lalapa sa akin sa likod at wala akong choice kundi tumalon. Ganoon kalala ang dilemma ko kahit sino walang pwedeng makatulong. Bukod sa masasaktan ko si Cole ng husto, malaki ang posibilidad na iwanan niya ako. At bwaka-ng-inanem hindi pwede ‘yon!


Nagbukas-sara ang bibig ko. Nasaan na ang do or die na pinangako mo sa sarili mo Isabel? Nalakimutan agad-agad? Ganun-ganun nalang ‘yon?


“Pano kapag nabuntis ako?”


“Kapag nabuntis ka, malamang lalabas ang baby sa tiyan mo hindi lang natin alam kung ilan at kung batik ba o hindi.”


“Sampo siguro, ok na?” pabalang ko ding sagot na may kasamang irap. Dahilan para umikot ang braso niya sa beywang ko at bigyan niya ako ng maiksing halik sa mga labi.


“Naiinis ka ba kapag inaasar kita ng baboy?”


“Hindi. Kasi hindi naman totoo.”


“Weh?” may kasama pang liko ng labi. Ang gwapo ng kambing na ‘to sa malapitan, nakakainis wala man lang kablemish-blemish ang mukha maliban sa manipis na tubo ng balbas. Ang bango ng hininga parang laging nagiimbita ng gahasa. Sa magkadikit naming katawan ni Cole pakiramdam ko nabubuhay na naman ang alaga kong pechay. Namumukadkad gusto na naman ng dilig. Which is hindi pwede dahil hindi pa ako nakakapuntang OB. “Who said this kind of dress is allowed in the building? Hindi ka sumusunod sa dress code, alam mo bang pwede kitang ireport sa HR?”


“Ano bang hindi sumusunod? Ang ganda-ganda ng damit ko tapos bawal?” sabi ko pa na pilit binababa ang neckline ko. “Alin ba ang pwede? Ganito?”


Sumilay ang ngisi sa mga labi ni Cole. “Tease..mas lalong hindi allowed ang ganyan..”


“Sino may sabi?”


“Boss mo.”


“Sinong boss ko? Yong gwapong Engineer na crush ng sambayanan ng mga higad? Yung Engineer na matigas…ang muscle?” habang sinasabi ko iyon pinaglalandas ko ang daliri ko sa kahabaan ng katawan niya. “Yung Engineer na mahaba…ang buhok dati? Yung Engineer na maugat…ang puso?”


I placed a sweet and unadulterated kiss on his mouth. I touched his lips with my tongue and groaned. He always had this effect on me na kapag nadidikit ako sa kanya nag aapoy ako. Apoy na apoy niya lang din ang makakatupok.


“That same Engineer is wanting to lay you down on his table and fuck you till you scream surrender.”


“Oh I’d love to do that kaya lang sayang, ang dami ko pang report na gagawin. Napahiya ako sa boardroom kanina eh. Kasalanan ng Boss ko.”


“You were showing off what’s mine and it’s absolutely not allowed.”


“Are you this territorial and controlling to all your women?” bulong ko habang dinadama ang malilit na halik na ginagawad niya sa leeg ko.


“I was never jealous and territorial, I’m only like this when I’m with you. I don’t know what you do to me..I want to understand but I can’t… I figured I’d just follow wherever this crazyshit leads me.” pagkarinig ko niyon ay sinalubong ko ang mainit na bibig ni Cole. Idiniin ko ng husto ang katawan ko sa katawan niya. Nang putulin ko ang halik, nagreklamo pa siya. “Laters baby..” shit ang lakas maka Anastasia Steele ng feeling kapag kasama si Cole.









KInagabihan, buong akala ko iuuwi ako ni Cole sa bahay ko.Nakatulog ako sa kotse niya sa daan sa dami ng trabaho at sa sobrang puyat ko na rin. Ginising ako ng munting halik ni Cole sa mga labi ko. Hinihipan niya din ang buhok na bahagyang tumatabing sa mga mata ko.


“We’re here.”aniya.


Ginala ko ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan. Pakiramdam ko nasa ibang dimensyon na ako dahil nasa harapan kami ng isang napakalaki at napakagandang mansyon. Nasa Pilipinas pa ba ako?


“Where are we?” tanong ko sa kanya.


“Sa bahay ko.” sagot niya.


“Oh.” akala ko private hotel ang nasa harapan ko.


“Come on, I’ll show you something.”


As soon as I held his hand, para akong prinsesa na napasok sa mundo ng fairytale. Napakaganda ng interior ng mansyon ni Cole, wala akong masabi sa Arkitektong gumawa niyon, magaling akong gumawa ng disenyo, de-kalidad ang mga gawa ko pero sa pagkakataong ito aaminin kong talo ako sinuman ang may design ng bahay ni Cole.


He led me to the back of the house where I saw a vast lawn in perfect landscape and beautiful lights. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pag-awang niyon.


Hinayaan ko si Cole na tangayin ang puso at kaluluwa ko ng gabing iyon. Kumain kami sa ilalim ng naggagandahang kislap ng mga bombilya sa paligid, sa malamyos na tunog ng violin na hindi ko alam kung saan nanggagaling at sa marahang dampi ng hangin sa aking pisngi. Masayang-masaya ang puso ko sa tuwing nakikita kong nakatitig sa akin si Cole sa lahat ng pagkakataon. Bawat kilos ng kamay ko, ng katawan ko at pati ng mata ko sinusundan niya. Gusto kong isipin na hindi lang ako gusto ni Cole..na mahal niya ako, gusto kong umasa..sa gabing ito..baka pwede na ang mangarap.


Makailang beses kaming nagsayaw, maraming beses kong hinalikan ang mga labi niya at isiniksik ang katawan ko sa kanya. Pero parang hindi pa rin ako kontento. Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba talaga ako sa pagmamahal ko kay Cole na hindi ko kayang lumayo sa kanya ng kahit isang pulgada. Gusto ko nakadikit lang ang balat ko sa balat niya.


Nilapit ni Cole ang bibig sa tainga ko. “This is my first official date as your boyfriend. God, I can’t believe you’re here now. I can’t believe I could make you mine. I can’t believe you’d let me kiss you that night. I was nervous as hell driving. Naalala kong hindi ko binitiwan ang kamay mo ng ilang oras dahil takot na takot akong hindi ka sasama sa akin.”


“Ikaw? Takot? Ang confidence mo pagdating sa babae umaapaw.”


“Hindi sayo. Somehow, you’d always make me feel inadequate, like no matter how I build up myself in front of you, pakiramdam ko ibang lalaki pa rin ang nakikita ng mga mata mo..”


“Hindi totoo ‘yan..”


“Well I didn’t know. And everyday I was thinking about it, I was thinking about ways on how to make you mine at palagi mo akong sinusupalpal.”


“Hindi ah! Kelan nangyari ‘yon?”


Tumawa si Cole. “Maraming beses.”


“Gustong-gusto kita matagal na!”


“Hindi ko alam na gusto mo ako bago ang gabing binigay mo ang sarili mo sa akin. Bago ang gabing nalaman kong ako ang una mo, at sa akin mo gustong ibigay ang virginity mo.”


Namula ang pisngi ko dahil sa panghuli niyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit ang duwag ko at ang pabebe ko these days. Hindi naman ako ganito dati. Ganito ba talaga ‘pag tinatamaan ng totoong pagmamahal nagiging pusong mamon at nagiging paranoid?



“I must be crazy, I don’t want to let go of you even for just one second..” he said.


The same exact thing that’s been going on in my head!


“But I know you need to rest. Pagod ka sa trabaho at sa biyahe.” hinalikan niya ako sa noo. “Go to sleep now, mi Bonita.”


“Hindi tayo magkatabi?”


“Hindi ka makakatulog kapag magkatabi tayo.”


“Hindi ako makakatulog kapag hindi kita katabi.”


Nginitian niya ako at dinampian ng halik.

Pumailanlang ang isang pamilyar na kanta sa paligid. Tunog ng violin iyon pero sinabayan ni Cole ng kanta.

“What would I do without your smart mouth? Drawing me in, and you kicking me out. You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down. What's going on in that beautiful mind. I'm on your magical mystery ride .And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright..”


I didn’t know he can sing.


“'Cause all of me loves all of you. Love your curves and all your edges, all your perfect imperfections

Give your all to me I'll give my all to you. You're my end and my beginning. Even when I lose I'm winning 'cause I give you all of me and you give me all of you, oh oh..”


My stomach tightened. Humigpit ang hawak ko sa kanya. Patagal ng patagal, pagwapo ng pagwapo ang tingin ko kay Cole. Nalulunod na ako sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Hindi tama ito. Kailangan na magtira ako para sa sarili ko dahil hangga’t hindi ko nasasabi ang lihim ko…ang lahat ng ito ay mananatiling pangarap, gaano man katotoo.


Bago ang party na tinutukoy niya, sasabihin ko na sa kanya ang lahat. Gusto kong malaman kung ang panaginip na ito ay magandang panaginip nga talaga..o isang bangungot.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018